Share

KABANATA 25

KABANATA 25

Spruce’s POV

Naglakad na ako papunta sa library dito sa loob ng Servant’s quarters. We really need to find out who wrote that letter at the back of the book. He/she must know something about how we will going to get out of this place. We don’t belong to this place and we gotta go back to the real world before it’s too late. 

Dahan-dahan akong pumasok sa loob at sinigurado kong walang nakakita sa akin. Mahigpit na ipinagbabawal ang bisita dito at ang nakakapasok lang ay ang mga inuutusan na maglinis dito, which is the reason why I was able to steal that book from here before.

Umakyat ako sa taas at nagsimulang maghanap ng libro. Kailangan ko pang makahanap ng librong kagaya ng sulat kamay ng nagsulat ‘nun sa likod ng libro. 

“Cough cough” napa-ubo ako dahil sa kapal ng alikabok dito. Masyadong marami ang mga libro para isa-isahin ko at matatagalan pa kami bago mahanap ang taong hinahanap namin kung sakali.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng yapak ng tao na papasok dito sa loob ng library. Damn, someone is going to be here, I might get caught. I was panicking habang naghahanap ako ng paraan na makapagtago. Nasa taas ako ngayon at masyado nang late para bumaba pa ako. Ang huli kong naisip ay dumapa sa book shelf para hindi ako makita ng kung sino man ang dumating. 

Masyadong madilim dito sa loob kaya hindi ko agad nakita kung sino ang taong pumasok hanggang sa makita ko ang hawak nitong lampara. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar ang tindig niya. Lumapit siya sa libro kung saan ko mismo kinuha ang libro kung saan may nakasulat sa likod.

“Nasaan na ‘yun?” dahil sa sinabi niya—I realized it was Tatay Alberto. Anong hinahanap niya at bakit doon siya naghahanap. Ilang sandali ko pa siyang pinanuod at nakita ko siyang umupo bago magsimulang magsulat sa isa sa mga libro at sa gulat ko, sa likod siya sumulat.

Napa-isip ako na baka siya din ang taong nagsulat ‘nun sa likod ng libro na kinuha ko dati. Ilang minuto pa siyang nanatili doon at hinintay ko lang siyang natapos sa ginagawa. Matapos ang dalawa o tatlong minuto ay umalis na din siya. Dali-dahil akong bumaba at lumapit sa librong sinulatan niya. 

Binuksan ko ito at kinuha ang aking libro mula sa pagkaka-ipit nito sa tagiliran ko. I was surprised when I saw the same penmanship written on the book. What the hell? Si Tatay Alberto ang nagsulat ‘nun, ibig sabihin may alam siya. I need to go, kailangan ko siyang maka-usap. We need to talk to him. 

Mabilis kong tinago ang dalawang libro sa loob ng damit ko at inipit sa gilid ng aking pantalon. Sumilip muna ako sa pinto kung may tao sa labas at wala naman. Dahan-dahan ko itong sinarado at aalis na sana ako nang may narinig akong yapak na papalapit sa akin. 

“Anong ginagawa mo sa silid na ‘ya?” dahan-dahan akong lumingon at bumungad sa akin ang katauhan ni Tiya Brenda habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat. What the hell, bakit siya nandito, she almost caught me. 

“Magandang gabi po Tiya, naglinis lang po ako sa loob.” pagsisinungaling ko habang sinusubukang pakalmahin ang aking sarili. Tinignan niya ulit ako mula ulo hanggang paa na parang in-exray. Mukhang hindi siya kombinsido sa sagot ko. 

“Sino naman ang nag-utos sayo na maglinis diyan sa librarya? Sa pagkaka-alam ko, mahigpit na ipinagbabawal ang bisita sa loob, Lalo na ang mga tao.” she’s so manipulative, parang ang dami niyang alam. Pero kung may tatanungin ako tungkol sa bagay na ‘yun, it’s not this woman. Mas mukha pa siyang terror kaysa kay Donya Allura at Don Loathur, kung tutuusin kaliwang kamay lang naman siya nito. 

“Si Tatay Alberto po ang nag-utos sa akin, sa totoo niyan at hinahanap ko siya ngayon dahil kailangan ko siyang kausapin tungkol sa tamang paraan ng paglilinis na nararapat kong gawin sa loob.” pagsisinungaling ko pa ulit. Sa pagkakataong ito ay medyo naniwala na siya base sa reaksyon niya. Tumango siya bago ulit ako tinitigan mula ulo hanggang paa. 

“Tatanungin ko si Alberto kung bakit ka pinapasok dito at kung sakali man na may malaman ako, hindi ko ‘yun papalampasin at isusumbong ko sa kataas-taasan. Marahil ay hindi mo alam na Ang mga libro na nasa loob niyan ay hindi lamang pag-aari ng Paradise of Plebeians. Ang buong Paraiso de Inferno no ay may kontrol sa librarya na ‘yan sapagkat halos lahat ng mahahalagang libro ng Paraiso ay nasa loob.” pagkwento niya na ikina-gulat ko. Hindi ko alam ang lahan ng ‘yun at salamat sa pagpapa-alam niya sa akin.

Tumango agad ako bago ngumiti. “Wala pong problema, Tiya. Yung hindi niyo po mamasamain, maaari na po ba akong mauna sa inyo dahil gabi na at kailangan ko nang magpahinga—ganun din po inyo, magpahinga na po kayo” I uttered as I bowed my head to her.

“Sige” saad niya bago naglakad palayo. 

“Sana makatulog po kayo ng mahimbing, Tiya.” pagkatapos ko ‘yun sabihin ay mabilis akong tumakbo. Kailangan ko siyang maunahan kay Tatay Alberto dahil kung hindi malalagot ako. Hingal na hingal ako nang makarating ako sa harap ng silid ni Tatay Alberto at doon ko naabutan ang isa sa mga utusang babae na si Hestia, kung hindi ako nagkakamali, pinakilala siya sa amin ni Donya Allura. Kakalabas palang niya mula sa loob ng silid ni Tatay Alberto. 

“Hi, magandang gabi binibini” saad ko at nginitian siya, lumingon siya na parang gulat na gulat nang makita ako. She started panicking, what’s wrong with her?

“P-po? Magandang gabi sayo, ano ang maitutulong ko?” putol-putol niyang sabi. Napangiti nalang ako dahil parang kinakabahan siya habang kausap ako. Humakbang ako palapit para harapin siya, hinawakan ko ang kamay niya na may hawak na tray na may naka patong na Plato at baso sa taas. Bahagya siyang napa-atras. Nahihiya nga siguro siya kaya binitawan ko nalang ang kamay niya at humakbang pa-atras. 

“Hmm, si Tatay Alberto, nasaan?” saad ko at tumingin sa pinto na nasa likod niya. ‘Yun ang room ni Tatay Alberto.

“Siya ba ang pinunta mo dito? Hindi maganda ang pakiramdam niya at kailangan niyang magpahinga ng maaga. Kagagaling ko lang sa loob para dalhan siya ng gamot.” ngayon kalmado na ang bosis nito. Hindi maganda ang pakiramdam niya pero kagagaling lang niya sa loob ng library. Biglang sumagi sa isip ko ang pagbabanta ni Tiya Brenda kaya mabilis akong lumingon kay Hestia. 

“Pumunta ba dito si Tiya Brenda?” mariin kong tanong. Umiling lang siya bilang sagot bago yumuko.

“Wala namang pumupunta dito, bakit parang balisa ka?” halata ang pagkalito sa reaksyon niya kaya huminga ako ng malalim. Mabuti naman at hindi pa pala nakaka-usap ni Tiya Brenda si Tatay Alberto. Bukas ng umaga ay kailangan ko siyang maka-usap. Lumapit ako Kay Hestia bago ngumiti.

“Diba Hestia ang iyong pangalan?” pagsisimula ko at mariin siyang tinignan. Tumango naman siya agad... “Pwede ba akong humingi ng pabor sayo?” dagdag ko pa.

“Sige, ano ba ‘yun?” halata ang pagiging interesado sa bosis at reaksyon niya kaya nabuhayan ako. 

“Pwede bang pakisabi kay Tatay Alberto na may sasabihin ako sa kanya tungkol sa Librarya? At kung sakali man na pumunta dito si Tiya Brenda para kausapin si Tatay ay agad mo akong tawagin sa aking silid?” I explained.

Kahit nagtataka ay tumango naman siya bago umiwas ng tingin. “Sige, kung hindi mo mamasamain pwede bang mauna na ako? Gabi na kasi at matutulog na ako.” saad nito habang nakayuko.

Ngumiti naman agad ako at hinawakan siya sa braso. “Talaga? Maraming sa salamat Hestia, sige na matulog ka na... nasa maging maayos ang pagtulog mo!” 

Nakita ko ang pamumuo ng mga ngiti sa gilid ng labi niya bago siya nagsimulang humakbang palayo. “Ingat!” dagdag ko pa bago sumunod sa kanya at lumuko sa pinto palabas ng Servant’s Quarters. 

Kailangan kong makausap si Brazinn at kailangan niyang malaman ang nalaman ko. Mas close sila ni Tatay Alberto at mas magiging madali para sa amin na kombinsihin siya kapag si Brazinn na Ang kumausap sa kanya. Naalala ko pa datu ang sabi niya tutulungan niya kami kung may maitutulong siya bilang kapalit ng pagtulong sa kanya ni Brazinn. Hindi naman siguro ganun ka laking pabor Ang hihingin namin para tanggihan niya. 

Naglakad na ako papunta sa room nila Brazinn, binibilisan ko ang paglalakad para maabutan ko pa siya habang hindi pa siya natutulog. Kumunot ang noo ko nang makita ko si Stygian na balisang pabalik-balik sa labas ng pinto ng room nila Brazinn. Teka, anong ginagawa ng lalaking ‘yan dito? At bakit parang balisa siya? 

Tumakbo ako para komprontahin si Stygian sa kung anong ginagawa niya dito e sa pagkaka-alala ko, nagmamadali siyang umalis kanina. 

“Anong ginagawa mo dito, huh?” bungad ko sa kanya nang makarating ako sa harap niya. Bigla naman siyang napalingon na tila gulat na gulat. “May kailangan ka ba kay Brazinn?” dagdag ko pa.

Bahagya siyang umiling bago lumapit sa akin. “Nakita mo ba siya? Alam mo ba kung nasaan siya?” balisa nitong tanong. Kumunot naman ang kilay ko at tumingin sa pinto ng room nila Brazinn bago binalik ang tingin sa kanya. Bakit parang ang tahimik yata sa loob? “Wala siya sa loob.” dagdag pa niya bago umiling.

Mabilis kong binuksan ang pinto at nakita ko sa loob na natutulog si Avi at Cazsey habang ang higaan ni Brazinn ay parang hindi manlang nagalaw. Where is she? Sa pagka-alala ko, bumalik na siya dito kanina nang pumasok ako sa library.

“Nasaan siya?” baling ko kay Stygian. Base sa galaw at reaksyon niya, parang may alam siya sa nangyayari ngayon. 

“Umuwi ako sa Paradise of Pulchritude at naabutan ko doon si Fetisha na galit na galit kay Brazinn. Hindi ko sinasadyang magalit sa kanya at pinagbantaan niya ang buhay ni Brazinn kaya bumalik agad ako dito pero pagbalik ko wala na—” 

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at hinawakan ko siya sa kwelyo ng damit niya. Ito na ang sinasabi ko na hindi magandang nilalapitan niya si Brazinn dahil baka mapahamak lang siya dahil sa lalaking ‘to. 

“Nasaan si Brazinn? Putangina tol, una palang binantaan na kita na layuan siya pero hindi ka nakinig, ngayon nasaan siya, huh?” dahil sa init ng ulo ko hindi ko mapigilan ang sarili ko na sigawan siya. Una palang binantaan ko na siya na iwasan si Brazinn dahil ayaw ko na mapahamak siya tapos sinabi niya sa akin na siya ang bahala. Nasaan na ngayon ang sinasabi niya? Hindi pa ba siya nakontento na nawala ang buhay ng dalawang anak ni Donya Allura dahil sa kanya?

“Bitawan mo ako, hindi ko ‘yun ginusto at hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kanya!” saad nito bago ako itulak palayo. “Hahanapin ko siya!” dagdag pa niya bago ako tinalikuran.

Dahil sa sinabi niya ay mabilis kong kinuyum ang kamay ko at hinawakan siya sa balikat bago siya sinuntok sa mukha na dahilan para matumba siya. 

“Gago ka pala eh, kung iniwasan mo sana siya dati pa, hindi sana siya napahamak!” saad ko habang nakayuko para tignan siya. Pinunasan niya ang gilid ng bibig niya bago tumayo. 

“Gago na kung gago pero hindi ko siya iiwasan dahil lang sa sinabi mo! Hindi pa huli ang lahat, ililigtas ko siya!” mariin nitong sabi bago tumayo at tumalikod ulit at nagsimulang maglakad palayo. Marahan kong kinagat ang labi ko para pakalmahin ang sarili ko. 

“Kung may mangyaring masama kay Brazinn, ihanda mo na ang sarili mo dahil ililibing kita ng buhay, hayop ka!” sigaw ko bago tumalikod at humakbang papunta sa room ko. Kailangan kong ibalik ang libro sa loob ng room at hanapin si Brazinn. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa kanya, hindi ko hahayaan na mawala ulit siya sa akin.

“Wait for me Zinn, I will help you!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status