Share

KABANATA 3

KABANATA 3

"PARAISO de INFERNO" I mouthed.

Kumunot ang noo ko dahil sa nabasa ko. Am I right? Paraiso de Inferno? Wtf? Ano’ng lugar ito at bakit ako nandito? 

Tinignan ko ulit ang nakasulat at baka mali lang ang pagkabasa ko pero hindi Paraiso de Inferno talaga ang nakasulat at may tatak ng Bungo sa gilid. 

Gosh akala ko sa langit ako mapupunta pero bakit inferno? Hindi ba‘t ang Inferno ay hell at ang hell ay puno ng masasamang souls na hindi tinatanggap sa langit at puno ng apoy? Pero diba ang paraiso ay paradise at ang paradise is heavenly? WTF?

May nakasulat sa ilalim.

"el tiempo corre rápido, la victoria está por llegar" I mouthed again, nabubulol pa ako. 

What does that mean? Anong language yun? Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad dahil hindi ko naman yun naiintindihan. Nakita ko na malayo na ang distansya ni Fetisha sa akin kaya tumakbo na ako ng mabilis. 

“Hintayin mo ako Fetisha”

Sa sobra‘ng pagmamadali ko hindi ko na namalayan na naabutan ko na si Fetisha. I can‘t barely breath at sobra‘ng hingal na hingal ako kaya tumigil muna ako at yumuko while trying to relax myself. I signed and stood up. 

Nanlaki ang mata ko dahil sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. 

Oh my gosh, am I in a fairytale Island or I‘m already dead? Sobrang ganda ng palasyo na nasa harapan ko ngayon, sobrang laki niya na parang palasyo ng mga princess sa Disney world. 

I was amazed of this place pero gusto ko pang mabuhay. Ayoko pang mamatay ng maaga. Kung panaginip man ‘to, kailangan kong gumising at bumalik sa dati.

I walked towards Fetisha and I held her shoulder and force her to look at me. Ayoko na kinakausap ako ng patalikod kagaya ng palagi niya‘ng ginagawa, I want to talk to her seriously now.

“Mawalang galang na po pero anong klaseng lugar ito?”, I asked. 

“Paraiso de Impierno”, tipid niyang sagot. 

“Alam ko pero bakit kakaiba itong lugar ninyo?”

“Dahil iba kami sa mga tao. Sumunod ka nalang sa akin”, saad niya at tumalikod ulit.

Bakit ba ang hilig niyang tumalikod kapag kinakausap ko siya? Wala ba talaga siyang galang? Dahil sa inis mabilis akong naglakad at hinarangan siya.

“Kinakausap pa kita, po!”, madiin kong saad  dahil sa sobrang inis ko pero biglang nagbago ang expression ng mukha niya. 

“Nandito ka dahil sumama ka sa akin ng kusang loob. Huwag mo akong harangan sa pagkat nagmamadali ako. Huwag kang bastos at padaanin mo ako”, saad niya at dumaan sa gilid ko. Alam kong galit na siya because of her expression pero wala akong pakialam. 

Dahil sa sobrang inis, parang lahat ng dugo ko sa katawan napunta na sa ulo ko. So ako pa ang bastos ngayon samantalang kanina pa niya ako tinatalikuran habang kinakausap ko siya. Nasaan ang hustisya? Aalis nalang ako dito, I don't belong here and I don‘t wish to live in a Fairytale world with a pretty disrespectful Beast like this girl in front of me. Fuck her! 

“Aalis ako dito, ituro niyo sa akin ang dadaanan ko. Mabuti pang matulog nalang ako sa gubat kaysa itrato niyo ako ng ganito”, inis kong saad at padabog na humakbang pabalik. 

“Tumigil ka! Hulihin siya”, narinig kong sigaw ni Fetisha. 

Aalis na sana ako ng biglang may dalawang malalaking lalaki na humarang sa akin na topless at nakasuot lang ng bahag na pang-ilalim. Sobrang laki ng mga katawan nila na hubog na hubog ang abs at muscle kaya medyu nagulat ako. 

“Isama niyo yan at dalhin sa hapag, huwag niyong hintayin na maubos ang pasensya ko” saad ni Fetisha mula sa likod ko. 

Akmang tatalikod ako at tatakbo ng hawakan nila ako bigla sa magkabilang braso. Sinubukan kong kumawala pero napakalakas nila. Kinagat ko ang isang kamay ng lalaki para bitawan niya ako pero halos nasuka ako dahil lasang lupa. 

“BITAWAN NIYO AKO MGA INUTIL NA UTUSAN KAYO, NASASAKTAN AKO!” sigaw ko at pilit na kumakawala pero halos bitinin na nila akong dalawa. 

“Tumigil ka kung ayaw mong masaktan” pagbabanta nila pero patuloy ako sa pagpupumiglas. 

“Don‘t you think it will make you less of a man that you are if you will gonna hurt me?” I mumbled but they just ignored me.

Dinala nila ako sa loob ng palasyo na nakikita ko kanina. Pagpasok palang ay namangha na ako sa lapad ng front door nila at bumungad sa amin ang sobrang laking diamond chandelier, I don‘t know if those are real but it is literally shining shimmering, splendid. Inikot ko ang paningin ko sa matataas na hagdan na may red carpet pa. This place looks like the museum in baguio na pinuntahan namin when I was in High School.

Pumasok kami sa iisang pintuan kasama si Fetisha. Dinala nila ako sa isang room na sa tingin ko ay kusina dahil marami akong nakikitang mga plato at malalaking kutsara at tinidor na naka sabit sa gilid. 

Habang papasok, nakuha ng atensyon ko ang isang mahabang mesa na punong puno ng kakaibang pagkain. Parang umiilaw at nakakasilaw ang pagkain. That's odd. 

Bigla kong naramdaman na binitawan ako ng dalawang lalaki nang makarating kami sa loob. Tinignan ko ang braso at sobrang namumula dahil sa sobrang higpit ng hawak ng dalawang inutil na utusan kanina. 

“Kumain ka at magpahinga, sasamahan ka ni Tycun at Varun dito. Maligayang pagdating sa Palasyo de Empierno”, saad ni Fetisha at tumalikod.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa magandang hubog ng katawan niya. Naglakad siya palabas ng pintuan at naglakad papunta sa mataas na hagdanan. 

“Iwan niyo nalang siya diyan at sumunod kayo sa akin”, dagdag pa niya habang patuloy padin sa paglalakad. 

Mahilig talaga siyang magsalita habang naka talikod ayt walang manners.

“Maiwan kana namin dito, umayos ka upang huwag kang mapahamak”, saad ng isa sa mga utusan at naglakad sila pareho palabas. 

"TSK MGA UNUTIL NA UTUSAN!" inis kong sigaw. 

Nakita kong nilock ng isang lalaki ang pinto ng room na pinasukan namin. Tatakbo pa sana ako para pigilan sila per huli na. Padabog na tumalikod ako at bumungad sa akin ang nakakagutom na pagkain na nasa harap ko. 

Naglakad ako papunta sa mahabang mesa na punong puno ng pagkain at umupo sa isang upuan.

The foods starve me because of it's amazing features. Kakaiba ang mga pagkain na nasa harap ko ngayon dahil parang umiilaw at hindi familiar sa akin.

Kukuha na sana ako ng may nakita akong maliit na karatula na may nakasulat.

'Comeme y  encontraras la eternidad' 

Kumunot ang noo ko dahil sa nabasa. Anong language yun at bakit Hindi ko maintindihan? Ayt, maka kain na ngalang. 

Kumuha ako ng isang prutas na hindi ko alam pero kulay pula na bilog na parang apple pero iba ang shape niya at maliliit, it‘s not cherry either. Kumuha din ako ng iba pang pagkain na hindi ko alam kung ano, ang alam ko lang ay gutom ako and I gotta eat before I think of a way to get away of this unfamiliar place. 

Susubo na sana ako ng biglang may kumalabog sa ilalim ng lamesa. Nagtaka ako at dahan-dahan na tinaas ang telang naka takip dito. 

Biglang lumabas ang dalawang unano na may kakaibang tainga sa ilalim ng mesa kaya napatayo ako at natapon ang pagkain ko. Wtf? Bakit sila nasa ilalim ng mesa? Natapon tuloy ang pagkain ko.

“Maligayang pagdating sa Paraiso de Inferno Binibini”, sabay nila'ng saad. 

Tinignan ko ang damit ko at ang pagkain na nalaglag. Tumapon pala siya sa damit ko. 

Tumingin ako sa dalawang unano na nasa harapan ko at nakatingin din sila sa akin habang naka nganga at makakunot ang kilay. Para silang ordinaryong unano pero mahaba at kakaiba ang tainga nila.

Galit ko silang tinignan dahil sa nangyari. 

“Paumanhin, ako pala si Varun”

“At ako naman si Tycun”

Sabay ulit nilang saad. Gusto kong tumawa pero naiinis ako. They look cute and adorable pero nakakatakot padin kasi kakaiba sila. 

Lumapit silang dalawa at nilahad ang kamay nila na tinanggap ko naman. I don‘t want to look unrespectful though.

“I‘m Brazinn Ybeguile Sebastian” pagpapakilala ko din sa sarili ko at nakipagkamay.

Ang liit ng kamay nila pareho tapos ang liit din nila kaya ako nag adjust, yumoko ako. 

“Ang haba ng pangalan mo” -Tycun.

“I‘m, Brazinn, Ybeguile at tsaka Sebastian… masyadong mahaba na parang apat na pangalan na”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumawa ako. Bakit kasi pati yung ‘I'm’ nadamay? HAHA nakakatawa sila.

Nakita ko silang nagtataka at nakakunot ang noo habang pinapanood ako na tumatawa kaya inayos ko ang sarili ko at tumikhim.

“Tawagin mo nalang akong Zinn”, dagdag ko.

Lumapit ako sa isa ‘yung Tycun yata, basta yung may nunal sa itaas ng ilong niya at sa tingin ko yun lang pinagkaiba nila. I offered my hand to him at tinanggap naman niya agad. 

Babawiin ko na sana ang kamay ko pero bigla niyang hinawakan ng mahigpit. Napa-awang ang labi ko nang mas lalo niyang hinigpitan.

“A-ARAY” marahan kong sigaw, I was about to punch him pero bigla naman niya akong binitawan. 

Nagulat ako ng biglang may lumabas na Rosas mula sa kamay naming dalawa. Woah was that a magic?

“Pulang Rosas para sa maganda'ng binibini”, saad niya at binigay sa akin ang rose.

“Woah salamat, kamangha-mangha”,  saad ko at kinuha ang bulaklak.

Mabilis na lumipas ang oras at nakikipag-usap ako sa dalawang unano dahil masarap silang kausap hindi katulad ni Fetisha na walang sense kausap. Kailangan kong makipagclose sa kanila para mas madali akong makatakas dito.

“Isa sa mga Reyna ng Paraiso de Inferno  ang Reyna Fetisha namin at siya ang tagapagbantay ng buong kagubatan ngunit ang gubat ay isinumpa”, pagpapaliwanag ni Tycun dahil nagtanong ako tungkol sa Paraiso de Empierno.

Isinumpa? Totoo pala yun? Kaya pala hindi alam ng mga tao na may Paraiso de Inferno sa loob ng gubat. Marami pa palang ibang kaharian dito bukod sa kaharian nina Fetisha na Paradise of Pulchritude, I badly need more information about this place. 

“Is that so? Pero mawalang galang na, maaari ko bang itanong kung bakit ito tinawag na Paraiso de Inferno? Hindi ba‘t magkasalungat ang depinisyon ng dalawang salita na iyan? At anong sumpa?” inosente kong tanong.

“Oo sinumpa ang Palasyo de Empierno” saad ni Varun.

“Bakit hindi ko nababalitaan ang lugar ninyo dito sa Sequijor? Ngayon ko nga lang narinig at naputahan ang lugar na ito”, mahaba kong sabi.

Nagtinginan lang silang dalawa at biglang humalakhak ng tawa. 

"HAHAHAHAHAHAHA WALANG SAYSAY" 

"HAHAHHAHAHA STUPIDA." 

Wtf? Anong nakakatawa sa tanong ko? Iniinsulto ba nila ako? Totoo naman kasi ‘diba? Bakit ako sasabihan na stupida? I don‘t give a fuck on whatever they say pero huwag naman akong insultuhin at pagsalitaan ng masasakit na salita.

“What did you just say?” galit kong tanong.

“May mali ba sa sinabi ko? You‘re making fun of me, aren‘t you?” dagdag ko pa dahil sa inis ko.

“Kumain ka nalang po binibini at akoy kukuha muna ng tubig” nagpipigil ng tawang tumalikod si Varun. 

“Sasama ako at baka kung ano pa ang masabi ko dito” sumunod naman agad si Tycun kay Varun. 

“Teka huwag niyo akong tatalikuran, kinakausap ko pa kayo”, saad ko pero nagpatuloy lang sila sa paglalakad.

I sighed and shooked my head. Sana hindi ko nalang sila inaway para makausap ko pa sila tungkol sa lugar na ‘to. Pero hindi eh, ininsulto nila ako ang I hate it. 

“They must be crazy. Fuck them!”

Umupo nalang ako ulit at binalingan ang mga pagkain na nasa harap ko. Nakakagutom ayt makakain na nga muna. 

Kumuha ulit ako ng pagkain at nilagay sa plato ko dahil natapon ang pagkain ko kanina.

Susubo na sana ako ng biglang may bumulong mula sa likod ko.

“Huwag mong kainin ‘yan pakiusap." 

Biglang tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. May kiliti ako sa leeg at tainga ko kaya bigla akong tumayo at tinignan kung sino ang bumulong.

"Who's that?" 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status