Share

KABANATA 5

KABANATA 5

“Kung hindi ka magiging matapang ganyan din ang patutunguhan mo!”, when I heard that voice from behind I immediately turn around. 

Bumungad sa akin ang isang lalaking nakapamulsa na naka tayo nakatingin lang sa amin. Parang walang bahid ng gulat o takot sa mukha niya. 

He slowly walk towards us at tumayo sa harap ko. Tumingala ako para harapin siya. He offered his hands to me, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inalalayan niya kami na tumayo.

“Sandali”, saad niya at mas lalong lumapit sa akin. 

Hinubad niya ang tali sa kamay ko na nakagapos.

Hindi na siya nagsalita at binalingan ng tingin ang bata na naka yakap padin sa akin. He glared at her, parang binabantaan niya ang bata. Naramdaman kong biglang humigpit ang hawak sa akin ng bata kaya napatingin ako sa kanya.

“UMALIS KA DITO! HINDI SIYA NARARAPAT SA HANAY NIYO!”, sigaw ng lalaki sa bata na kkinagulat ko.

What the hell is he doing? Bakit niya sinisigawan ang bata at anong sinasabi niya? Is he insane?

Biglang kumawala sa pagkakayakap ko ang bata at mabilis na tumakbo na parang takot na takot. 

"Sandali!" I shouted but she continued running away.

“Hayaan mo siya, she‘s just a little mess trying to trick you”

Bigla akong nakaramdam ng inis kaya nilingon ko ang lalaki na dahilan kung bakit tumakbo ang bata. Nakapamulsa lang siya na nakatingin sa akin.

“Anong hayaan? Nag-iisip ka ba ha? Bata lang yun and she‘s not even aware of what‘s going on here tapos nasasaksihan niya ang mga nakakatakot na lugar na ‘to? She may lose her mind because of this, bakit mo siya sinigawan?”, inis ko'ng sabi sa harapan niya at tinulak siya.

Bigla siyang ngumiti kaya mas lalo akong nainis. 

“Ako na ang tumutulong, ako pa ang masama? Where‘s the magic word?”

Dahil sa tanong niya, halos lahat ng dugo sa katawan ko pakiramdam ko umakyat lahat sa ulo ko. Gago ba siya? 

“Oo dahil bata lang yun, bata na walang kamuwang-muwang”, pagsisimula ko. “Oo alam kong tinulungan mo ako and I would like to thankyou for that but what you did to that girl was not right and it doesn‘t change a thing”

Yumuko siya at umiling. 

“Hindi siya basta bata lang” saad niya at tumingin sa likod ko.

“Ano?”

Tumalikod ako para tignan kung ano ang tinutukoy niya and I was shocked of what I saw. Ang batang babae na takot na takot kanina, nakakatakot na naka tayo sa ilalim ng puno at nakatingin sa amin habang naka-ngisi na parang sinaniban ng masamang ispiritu.

Narinig kong naglakad ang lalaki palapit sa akin mula sa likod ko.

“This place is full of lies, hindi lahat ng nakikita mo ay totoo kaya huwag kang mapadala sa kung ano ang nakikita ng mga mata mo”, pagpapaliwanag niya kaya tinignan ko siya.

“What do you mean?”, nagtataka kong tanong. 

“She‘s Flimflam, utusan siya ni Amulette na Reyna ng kadiliman. Inuutusan siya na linlangin ang mga bihag na bagong pasok dito sa Paraiso de Empierno at hikayatin na sumama sa hanay nila”, pagpapaliwanag niya. 

“Ano‘ng hanay?” tanong ko ulit. 

"Ang kadiliman kung saan ang mga kaluluwa ay naghihirap at sinasanay na maging masama at maging salungat sa kabutihan. Maraming hindi kinakaya ang pagpapahirap at sumusuko kaya nagpapakamay dahil kapag naging isa kana sa kanila hindi kana pwedeng umatras. But if you succeed you will have eternity." mahabang saad niya.

Halos lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan dahil sa sinabi niya. My gracious! kung nagpalinlang pala ako sa batang babae na ‘yun magiging kampon ako ng kadiliman. 

"Dito sa Paraiso de Inferno maraming organisasyon at nabibilang tayo sa Paradise of Plebeian dahil nabibilang tayo sa mga ordenaryong nilalang at mababang uri."

Hindi na ako makapagsalita at tinignan ko ulit ang paligid. Tinitigan ko ang pugot na katawan na nasa harapan ko. Siguro hindi niya kinaya ang pagpapahirap ng kampon ng kadiliman kaya nagpakamatay nalang siya. Napailing nalang ako.

"Sumama ka muna sa akin, nakakasuka dito." saad ng lalaki kaya nilingon ko siya. 

Hindi agad ako naka galaw dahil naisip ko na paano kung saan niya ako dadalhin? Hindi ko din siya kilala kagaya ni Flimflam, nakakatakot na magtiwala ulit.

“Can I know your name?” I asked.

Ngumiti siya at lumapit sa akin.

“Spruce Isaac de Los Reyes, just call me Spruce. Don‘t worry I‘m not going to trick you like what Flimflam did, nalinlang lang din ako ni Fetisha kagaya mo” nakangiti niyang sabi kaya medyu nakampanti ako.

How did he know na ganun ang iniisip ko? Maybe halata dahil sa asal ko. Ayt.

“Okay”, tipid kong sabi at humalukipkip.

“Ikaw?”

“I‘m Brazinn Ybeguile Sebastian… just call me Zinn", sabi ko.

“Punasan mo muna ang mukha mo dahil naaamoy ko pa mula dito ang malansang dugo ng duwag na lalaking iyon” saad niya at inabutan ako ng telang kuya puti na inabot ko naman agad.

“Thankyou”

“It’s nice to meet you Zinn. Hali ka sumunod ka nalang muna sakin dahil may gagawin pa ako” 

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad kaya sumunod nalang ako. Patuloy ako sa pagmamasid sa paligid para kung sakali alam ko na ang gagawin ko. Ganun pa din ang paligid, madilim na parang nakakatakot. Ang mga puno walang mga dahon tapos ang nakikita ko lang ay ang mga tuyong dahon na nasa lupa.

Bigla akong may naisip na itanong. 

“Matagal ka na ba dito? Alam mo ba kung paano makakaalis dito? Gusto ko na kasing umuwi sa bahay”, saad ko. 

Huminto naman siya sa paglalakad at nilingon ako. 

“Anim na araw palang ako dito at patuloy kong pinag-aaralan kung paano makakaalis dito kaya habang maaari naghahanap ako ng makakasama”

Naglakad ako palapit sa kanya.

“Wala ka bang iba‘ng kasama dito bukod sa akin?” nagtataka kong tanong.

Ngumiti siya at umiling tsaka naglakad ulit. Naglakad nalang din ako para magkasabay kami.

“Marami tayong makakasama sa Bahay, maraming tao dun pero halos lahat sila tanggap na na dito na sila habang buhay at dito na mamamatay. Ang hinahanap ko na makakasama ay ‘yung kagaya ko na gustong maka alis dito." mahaba niyang saad at patuloy padin sa paglalakad.

Tumango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. 

We continued talking at ang saya kausap ni Spruce. Sinabi niya na dati siyang biker at sa suicidal forest sila napadpad ng mga kaibigan niya and they‘re not aware na dilikado pala doon. Nagkahiwalay daw sila kaya nakatulog siya sa gubat ng mag-isa tapos daw nun nakilala niya si Fetisha at dinala siya dito. Pareho kami ng pinagdaanan kaya nag kwento din ako. 

Habang nag-uusap kami ni Spruce tungkol sa mga bagay-bagay hindi ko na namalayan na nasa harap na kami ng isang tulay na gawa sa kahoy, sa ilalim ay may ilog. 

My mouth opened a bit because of what welcomed us. Sa likod ng gulat ay isang maaliwalas na lugar which is totally opposite of that dark creepy place earlier. This one looks like a peaceful and heavenly place. May mga maliliit na kubo na nakatayo at napapalibutan ng mga tanim na halaman at mga bulaklak, mga punong kahoy din na magaganda.

Maraming mga tao dito, busy sila lahat. Ang mga babae naghahalaman at ang mga lalaki may inaayos. 

"Welcome dito sa Paradise of Plebeian" saad ni Spruce at nginitian ako.

I smiled back to him to express my gratitude.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta doon at hindi ko nalang namalayan na nasa harap na ako ng isang maganda at malaking Bahay. 

“Hali ka sa loob”, saad niya at naglakad papasok sa loob. 

Sumunod nalang ako sa kanya at pumasok sa loob ng Bahay. Maganda din dito parang kakaiba. 

Dumiretso kami sa kusina na well organized, para akong nasa Hotel. Nagpatuloy lang nami sa paglalakad hanggang sa narating namin ang isang maliit na room, isa itong ordenaryong kusina lang. I must say, this is a dirty kitchen. May mahabang upuan sa gilid na gawa sa kahoy at may lumang mesa sa harapan. 

“Maupo ka, Zinn” Spruce said then offered me to take a seat.

“Sige salamat”, I said.

Umupo ako sa upuan at nilibot ang tingin ko sa paligid. Parang bahay lang din ito pero maraming mga kwarto sa loob, like what I‘ve said it‘s like a hotel. 

Nakita kong tumalikod si Spruce at may kinuha kaya naisip ko na mag tanong ulit.

“Hindi ka ba natatakot sa nakita mong pugot na katawan kanina?” I asked seriously. “I mean, aren‘t you afraid of such thing as dead headless body?”, I added.

Hindi siya lumingon at patuloy lang sa ginagawa.

“Ang takot ay para lamang sa mga taong duwag”, he said without facing me “Sa anim na araw kong nanatili dito, marami na akong nasaksihan na katulad kanina, I must say I‘m used to it”, he added.

“anim na araw kana dito right?”  tanong ko ulit. 

He‘s already 6 days here? Hindi ba siya nag-aalala sa pamilya niya?

“Oo”

“Don‘t you worry about your family?” 

“I don‘t know pero anong magagawa ko? Still we don‘t have a choice”, saad niya at humarap sa akin bitbit ang isang lalagyan na may laman na pagkain.

Lumapit siya sa mesa na nasa harapan ko at binaba ang hawak.

“Baka nag-aalala na sila sayo… kasi ako I think my family is already looking for me”, I said. 

I‘m sure my family is already looking for me especially my Mom. Mag-iisang araw na akong hindi nakaka-uwi sa bahay.

“Magkaiba tayo Zinn”

Kumunot ako noon ko. “What do you mean?”

“I don't have family” saad niya at halatang may lungkot sa mukha niya.

“I'm sorry if I asked about that”

“It‘s okay, don‘t be sorry Zinn. Kumain ka na muna dahil alam kong gutom ka”

Umupo siya sa kabilang upoan sa harapan ko humalukipkip siya at tumingin sa akin. I immediately looked away dahil nakatingin din ako sa kanya. 

Binalingan ko ang pagkain na nasa harapan ko. Sobrang gutom na talaga ako kanina pa. Kumuha ako ng pagkain at kinain. I slowly chew it and it taste good, ngayon ko lang ‘to nakain but it was satisfying. Kumuha ulit ako at nilagay sa bibig ko. May grapes dito kaya kumain din ako.  

“Kumain ka ba ng kahit na ano kanina?” saad niya. 

Dahil sa sinabi niya biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ng lalaki kanina na huwag kumain ng kahit na ano. 

“*cought coughh cough*”

Bigla akong nasamid kaya napatayo ako.

Biglang sumakit ang dibdib ko at hindi ako makahinga.

Nakita kong tumayo si Spruce, lumapit siya sa akin at hinamas ang likod ko at inalalayan ako.

“Are you okay Zinn?”

“S-syempre h-hindi *cough*"

Halos hindi na ako maka hinga tapos tatanungin pa niya ako kung okay lang ba ako? Sana okay ka lang Spruce.

Tumakbo siya papunta sa dulo ng lamesa. Patuloy padin ako sa pag ubo kaya nakahawak lang ako sa dibdib ko dahil hindi ako maka hinga.

“Ito tubig, inomin mo muna’, sabi niya at inabot sa akin ang isang baso na gawa pa yata sa kawayan.

Ininom ko ang tubig at hinihimas niya padin ang likod ko para alalayan ako. 

“Ayan dahan-dahan lang kasi kung kumain, akala mo naman kasi nasa eating contest ka”, he chuckled.

Nang naubos ko ang tubig gumaan na ang pakiramdam ko.

“Hindi mo kasi alam ang gutom na nararamdaman ko”, saad ko.

Ngumiti siya “Halata nga”

“May alam ka ba tungkol sa pagkain sa hapagkainan na nasa loob ng Palasyo?”, tanong ko ng maalala ko ulit ang sinabi ng lalaki. 

“Kapag kumain ka ng pagkain sa hapagkainan sa Palasyo hindi ka na makakabalik sa totoong mundo kahit kaylan, kaya kita tinatanong kanina”

Tumango ako. Kaya pala sabi ng lalaki ‘wag kong kainin ang mga pagkain doon. Buti nalang pinigilan nila ako.

“Kaya pala...”

That guy probably know a lot of things about this place and I‘m sure alam niya ang daan palabas dahil nakita ko siya sa gubat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status