Share

KABANATA 4

KABANATA 4

“Who‘s that?”

“Sundin mo nalang ang aking sinasabi binibini at sinisigurado kong hindi ka magsisisi sa huli”,  narinig kong mula sa gilid ko ang bosis kaya lumingon ako.

I was like, Wtf? That line was said exactly by the guy I saw earlier at the forest. Perfectly said and detailed.

Napaatras ako bigla dahil dun at nabunggo ang pwet ko sa mesa. My gracious, minumulto ba ako? 

Sinulyapan ko ang mesa kung anong pwede kong gamitin and the fork caught my attention. Kinapa ko ang tinidor na nasa gilid ko at tinaas, tinutok ko ‘to sa hangin.

“Kung sino ka man, magpakita ka!” Matapang na sigaw ko kahit sa loob-loob ay nanginginig na ako. “I‘m not afraid of whoever you are, just tell me who the hell are you.”, dagdag ko pa.

Biglang may kumalabog mula sa likod ko kaya nanlaki ang mata ko. I feel like my heart skipped a beat. My gracious!

“May nalaglag na kutsara, nagpapahiwatig na mayroong bisita”, may nagsalita ulit mula sa likod ko, familiar ang bosis niya.

Dahan-dahan akong lumingon pero hindi ko parin binababa ang hawak kong tinidor para kung sakali may pang laban ako. 

I was surprised when I saw the guy I saw earlier in the forest sitting on one of the chair in front of me with his devil smile. 

"Anong ginagawa mo dito Mister whoever you are?", nagtataka kong tanong sa kanya.

Siya mismo ang lalaking nakasalubong ko sa paanan ng gubat pero iba na ang suot.

“Binalaan kita na huwag tumuloy sa gubat ngunit sinuway mo ako”, saad niya at tumayo, naglakad siya papunta sa kinakakatayuan ko. "Ito pala ang aking tirahan binibini." dagdag pa niya na halos ibulong nalang sa akin dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa muka ko.

I immediately slapped him hard kaya napahawak siya sa mukha niya at napangiwi. 

Bastos ba siya o sadyang manyak lang? Why the hell he would do that? Hindi ko nga siya kilala tapos halos halikan na niya ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin?

“Don't you dare come near me, not after you left me there at the forest like a clueless awful creature, I didn‘t forgot that cringe moment yet so back off”, I said while pointing my finger to him.

“Kung hindi mo naiintindihan tatagalogin at paiikliin ko para sayo. Huwag mong tangkaing lapitan o hawakan ako, hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong pambabastos sa akin”, dagdag ko pa. 

Umayos siya ng tayo, sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay niya. I can sense the frustration on his face right now but who cares? He don‘t have the right to be mad because it was all his fault at the first place.

“Pakiusap huwag mo nalang kainin ang kahit na ano man dito. Sana sa pagkakataon na ito sundin mo na ako", he said but this time in a more serious way. "Ikinagagalak kong masilayan kang muli aking Binibini." 

Tinitigan niya ako na parang nang-aakit. I just glared and rolled my eyes to him. Sino ba siya para utus-utusan at bastusin ako? Hari ba siya dito? If yes then fuck him, kahit anak pa siya ng presidente I don‘t give a fuck.

“Kamahalan nandito pala kayo”, sambit ni Varun at yumuko, ganun din ang ginawa ni Tycun.

Biglang dumating sina Varun at Tycun na parang mga kabuti na bigla-biglang sumusulpot.

Wait, what? Kamahalan? 

“Tapos kana bang kumain binibini?” baling ni Tycun sa akin. 

Hindi agad ako nakasagot dahil natulala ako.

“She‘s done”, nagulat ako nang ang lalaki ng sumagot. “Dalhin niyo na siya sa bahay tambakan”, dagdag pa nito.

Ano daw? Saan daw ako dadalhin? Tama ba narinig ko? 

“Wait, what? Bahay tambakan? Mukha ba akong sirang gamit o b****a na ilalagay niyo sa tambakan, sa ganda kong ‘to?” pag-aalma ko at hinarap siya.

Bigla namang lumapit sa akin si Varun at Tycun tsaka ako hinawakan sa magkabila kong kamay ng mahigpit.

“Sumunod ka nalang sa kanila at magpahinga ka muna. Huwag mo nang tangkaing umalma kung maaari” dagdag pa ng lalaki. 

Bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa sinabi ng lalaki at dahil nasasaktan ako sa higpit ng hawak nina Varun at Tycun sa akin.

“Sandali sino ka ba ha? What the? Bitawan niyo ako mga unano kayo, marunong ako maglakad. Babalik nalang ako sa bahay namin, ayoko na sa lugar na ‘to”, saad ko at pumiglas sa pagkakahawak nila.

Naka takas ako mula sa pagkakahawak ng dawala kaya tumakbo ako ng mabilis papunta sa pinto na pinasukan namin kanina dahil nakita kong bukas ito.

Mas binilisan ko ang pagtakbo para hindi nila ako maabutan dahil maliliit naman hakbang nila kaysa sa akin. 

I was so happy when I was about to get out of the door pero biglang nagdarado 'yun kaya napa-atras ako dahil muntik na akong maipit. Tycun and Varun grabbed the opportunity to trap me kaya nila ako nahuli.

I badly tried my best to get rid of them. Patuloy ako sa pagpupumiglas para makatakas at makaalis sa pagkakahawak nilang dalawa but I can‘t dahil sobrang lakas nila kahit sobrang liit lang nila. Bawat maling galaw ko nasasaktan ako dahil mas lalo‘ng humihigpit ang hawak nila sa akin. Kinaladkad nila ako papunta sa harap ng lalaki. 

Nakita kong lumapit din siya sa amin at tinignan ako na may pagbabanta sa mga titig niya. Nang makalapit siya sa akin, nilapit niya ang muka sa niya sa tainga ko at bumulong.

“Sumunod ka nalang at ako na ang bahala. Huwag mong hintayin na magalit ako sayo dahil hindi mo gugustuhin ang maaari kong magawa”, ma-autoridad na sabi niya sa harapan na kinainis ko pa lalo.

How could he think I will trust and follow him, akala ba niya natatakot ako sa kaniya? No way!

"Fuck you!" sigaw ko at dinuraan siya sa mukha. "pwe!" 

Nakita kong napangiwi siya at pinunasan ang muka niya gamit ang kamay niya. Nagulat ako nang bigla niyang pinasok ang daliri niya sa bibig niya at dinilaan na parang lollipop. 

“Ang sarap”, he said and gave me a devil smile.

Nakakadiri siya! 

“Dalhin niyo nalang siya”, saad pa niya. He then gave me a devil look but I rolled her eyes to him ang raised my middle finger to prove him wrong if he thinks I was afraid of his threats.

Umiling siya at naglakad palayo.

“PIKON!” sigaw ko at tumawa ng nakakainsulto.

Wala na akong nagawa kung ‘di sumunod sa kanila dahil naka gapos ako. 

Dinala nila ako sa harap ng parang room na sobrang liit. Anong gagawin namin dito, huwag nilang sabihin na...

“Pumasok ka ‘dun”

I was not wrong, bigla nila akong kinaladkad at tinulak sa loob kaya napaupo ako. Wtf? Para akong hayop na naka gapos at kinulong sa kulungan. Sobrang liit lang ng space dito na parang dalawang tao lang ang kasya dito. 

“Aray, ano ba? Anong gagawin ko dito?” inis na saad ko pero biglang nagsarado ang pintuan.

“Palabasin niyo ako… tulong!”, sigaw ko as if someone would help me if they hear me.

Sobrang dilim dito at napaka init. Para akong nasa bartolina. Biglang sumikip ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga. 

Umayos ako ng upo at niyakap ang sarili. Pinikip ko ang mata ko dahil nahihilo ako sa sobrang dilim dito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, naramdaman ko ang luha na tumulo galing sa mata ko. Ito na ba ang sinasabi ni Mom dati na ang batang hindi nagpapaalam at hindi sumusunod sa magulang ay hindi maganda ang patutunguhan? If that so, I‘m sorry Mom. 

Bigla akong nahilo nang naramdaman kong gumalaw ang inuupuan ko kaya napabalikwas ako. I‘m balancing myself para hindi ako natumba dahil nakatali ang kamay ko. 

After a minute naramdaman ko na parang huminto ang paligid kaya nakaramdam ako ng kaba. My gracious, ano nang mangyayari sa akin? 

I slowly opened my right eyes. Hindi parin ako tumayo dahil nahihirapan ako. 

When I opened my two eyes, I was able to see the strange place that welcomed me. Madilim ang paligid na parang nakakatakot, ang mga kahoy na halos walang dahon lahat at mga sanga nalang ang bumubuhay. This place looks like a ghost town dahil sa itsura niya. Nakakatakot!

Nilibot ko ang paningin ko and I saw the same room as I am in. Halos pareho nitong silid na kinaruruonan ko. 

Kahit nahihirapan ako pilit akong tumayo, gumapang ako papunta sa labas para mas madali akong makatayo. It goes well dahil nakatayo ako kahit masakit ang tuhod ko. 

I slowly walked outside at pinapakiramdaman ang paligid, this place looks like a horror place. 

Tumingin ako sa gilid at may nakita akong karatula. 

“Paradise of Plebeian”, I mouthed. 

Ito ba ang sinasabi nila na bahay tambakan? Very well named dahil mukha talagang tambakan ang lugar na ‘to.

Habang naglalakad bigla akong nagulat ng may narinig akong iyak. My gracious, ano na naman ‘to?

Naglakad ako papunta sa pinanggagalingan ng iyak which is the room I just saw earlier. 

“Hello? anybody there?”, I said and continued walking.

Paunti-unti kong binuksan ang pinto para tignan kung sino ang umiiyak.

Napa atras ako sa nakita. Wtf is this place? Maraming bungo at kalansay ang nakakalat, mga dugo na natutuyo at mga katawan na nabubulok.

Halos masuka ako sa nakikita sa harapan ko.

"Gross"

Natulala nalang ako at hindi ako nakagalaw. Bigla akong nagulat nang may biglang tumakbo na batang babae papalapit sa akin.

“Pakiusap tulungan mo po ako ate, samahan mo ako. Ayaw ko pa pong mamatay”

She then kneel down in front of me and grabbed my legs. Humahagulgol siya sa pag-iyak at nakikiusap sa akin. I feel pity for her and I almost lost my control. Nakakaawa siya tignan at gusto ko siya tulungan but how? I don‘t even know what is she talking about or how can I help her.

Hinawakan ko siya sa kamay at pinatayo. Lumuhod ako para mapantayan siya.  

“Shhhh tahan na, tell me what's wrong? Paano kita matutulungan?” nag-aalala kong tanong sa kanya. 

"Sumama ka po sa akin at ituturo ko sayo kung paano mo ako matutulungan." saad niya.

I wiped her tears out. "SHHH tahan na, hali ka sasamahan kita."

"P-pakiusap ate." Humihikbi niyang saad at parang nanghihina na siya.

Nakakaawa ang bata kaya niyakap ko siya. I got a soft heart when it talks about Children. 

"Shhhh tahan na", saad ko at pinapatahan siya.

Habang abala ako sa pagpapatahan sa bata biglang may kumalabog mula sa loob ng silid kaya napalingon ako. May isang lalaki na lumabas na sobrang payat at parang balisa.

"MAS GUGUSTUHIN KO NALANG NA MAMATAY" 

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya at dahil may hawak siyang matalim na bagay na hindi ko alam kung ano. Bigla niya ‘yung tinaas and what happened next made me lost my mind, almost.

Bigla niyang nilapit ang hawak niya sa leeg niya. Sobrang bilis ng pangyayari at nakita ko nalang ang pugot na ulo na nalaglag sa lupa at sunod na natumba ang katawan na pugot. Wtf? 

I touched my face when I felt something liquid suddenly splashed on it. Nanginginig na tinignan ko ang kamay ko at may dugo. Wait what, dugo? For pite's sake I hate blood.

"WHAT? THE? FUCK?" nanginginig ang kamay ko na sambit ko dahil sa nakita ko.

Naaamoy ko ang malansang dugo ng lalaki dahil napunta sa mukha ko. 

Naramdaman kong gumalaw ang bata kaya sinubsob ko siya sa balikat ko para hindi niya makita ang katakot-takot at kalunos-lunos na pangyayaring nasasaksihan ko. She‘s just a child, too young for this kind of situation.

"Kung hindi ka magiging matapang ganyan din ang patutunguhan mo!" I heard someone talked behind me and I turned to check who it was. 

A/N: 

Spanish words; 

'time runs fast, victory is yet to come'

-el tiempo corre rápido, la victoria está por llegar

eat me and you'll  have eternity'

-Comeme y  encontraras la eternidad.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status