Share

KABANATA 27

KABANATA 27

Tinitigan ko siya at hindi ko sinasadyang mapatingin sa mapuka niyang labi. Nagtaka ako nang nakita ko ang dugo sa gilid nito. “Anong nangyari sa labi mo?” 

Mabilis siyang umiwas ng tingin nang itanong ko ‘yon kaya kumunot ang noo ko. Kung titignan ang sugat sa gilid ng labi niya at ang pamumula nito, parang sinuntok ‘yon o nabunggo kung saan. 

“Habunggo lang ya, maliit lang yan kaya huwag mo nang pansinin. Ang isipin natin sa ngayon ay kung paano tayo makakatakas dito.” seyusong sabi nito kaya agad naman akong tumango at sinimulang gumalaw at sinubukang alisin ang kamay ko mula sa pagkakatali. “Ititgil mo ‘yan, masasaktan ka lang sa ginagawa mo. Namumula na ‘yang kamay mo at baka magkasugat ka pa!” 

Napahinto ako dahil sa sinabi niya bago yumuko. I can't think of any other way para maka alis dito kaya ‘yon nalang ang ginawa ko. “Hindi ko alam kung paano tayo makaka-alis dito o kung makaka-alis pa ba tayo dito ng buhay. Gusto ko pang makabalik sa pamilya ko!” Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng kaba at naluluha ako. 

Nanatili lang akong nakayuko hanggang sa...

“shhh tahan na, ayokong nakikitang umiiyak ka kaya tumahan ka na. Tutulungan kitang makaalis dito, aalis tayo dito!” bulong nito bago paunti-unting gumalaw at dumikit sa akin. Parehong nakatali ang kamay at paa namin kaya hindi kami maka galaw. “Magtiwala ka sa akin, I will not let you get hurt again!” 

Dahil sa sinabi niya, kumunot ang noo ko. What does it mean? “Anong ibig mong sabihin na—”

*CLAP CLAP CLAP* 

Pareho kaming napalingon nang biglang may pumalakpak ng malakas mula sa likod namin.

“Isang napakagandang eksena! Siguradong hindi matutuwa si Fetisha na malaman na ang lalaking minamahal niya ay nagkakagusto sa isang hamak na taong siya din mismo ang nagdala dito!” madiin nitong sabi habang naglalakad palapit sa amin. 

Tinignan ko lang siya bago tumingin kay Stygian na agad namang umiwas ng tingin sa akin. Ano ang ibig sabihin nito? May gusto sa akin si Stygian? But how could it be possible? We just meet a week ago, masyado naman yatang mabilis, we didn't even socialize that much. 

“Manahimik ka Amulette! Pakawalan mo siya at ako nalang ang Iwan mo dito, alam kong ako ang kailangan mo!” ramdam ang galit sa bosis ni Stygian habang sinasabi niya ‘yon. 

“HA HA HA!” Amulette sarcastically said. “Huwag ka nang magsinungaling Stygian, alam ko na ang sikreto mo, huwag ka munang atat. Hindi ba mas maganda kapag sabay ninyong lahat na malaman ang totoo? Ikaw, ang babae na yan at ang aking minamahal na kapatid na si Fetisha. Siguradong masaya ito!” 

Mas lalong nagulo ang isip ko dahil sa sinabi ni Amulette. Anong sikreto Ang sinasabi niya?

“Huwag mo siyang idamay dito! Huwag ka nang umasang kakausapin ka ni Fetisha at pupunta siya dito dahil alam nating lahat na kinamumuhian ka niya!” 

Sa paraan ng pagsagot ni Stygian Kay Amulette, malalaman mong kilalang-kilala niya ito at marami siyang alam. Naglipat-lipat lang ako ng tingin sa kanila at mas piniling manahimik dahil wala akong alam sa mga sinasabi nila. 

“Huwag kang pakampanti, maaaring sa ngayon ay hindi ko pa siya makakausap at hindi pa niya malalaman ang totoo pero alalahanin mo, walang sekretong hindi nabubunyag” 

Teka ano ba talaga ang sinasabi nila. Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy nila o kung anong sekreto ang ibig nilang sabihin. 

“Ako nalang ang saktan niya at pakawalan niyo siya!” sigaw ulit ni Stygian bago nagsimulang gumalaw at nagbabadyang susugurin si Amulette kung wala lang itong tali sa parehong kamay at paa. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang naghihintay kung anong gagawin niya. 

“Uhhhhh” napa-awang ang labi ko at marahang napapikit nang dumampi sa balat ko ang napakalamig na tubig na malakas na sinaboy sa akin, sa lakas ng impact nito, nasaktan ako. Umangat ako ng tingin at nakita ko si Amulette na deritso ang tingin sa akin. Katabi niya si Varun at Tycun may hawak na timba. What the hell, “Fuck you! Anong karapatan niyong gawin sa akin ‘to? Mga hayop kayo!” dahil sa inis, napasigaw ako bago sinubukang tumayo. Gusto kong gumanti, papatayin ko sila. “Kalagan niyo ako at papatayin ko kayo!” 

“Sandali, tumigil ka! Calm down Brazinn!” 

“Kumalma? Aba’y putangina niyo palang lahat eh, Wala akong kaalam-alam sa nangyayari dito tapos bigla-bigla niyo naalng akong babasain? Get me out of this fucking place!” halos maubusan na ako ng hininga sa haba ng sinabi ko. Ang alam ko lang ngayon ay galit ako dahil sa ginawa nila. 

“Huwag kang maarte, isa ka lang hamak na tagalupa! At huwag kang mag-alala, simula pa lang yan.” saad nito bago tumalikod at nagsimulang maglakad ulit palayo. “Hindi kayo makaka-alis dito hanggang hindi ko nakakausap si Fetisha!” 

“Hindi mo siya makaka-usap at hindi mo siya malalapitan!” sigaw ulit ni Stygian bago ako nilingon. “Ayos ka lang ba?” 

“Hindi, hindi ako okay, putangina ang babaeng ‘yon, gusto ko siyang tirisin at apak-apakan! Pigilan mo ang!” inis kong sabi. Nanggigigil parin talaga ako hanggang ngayon. Kumunot ang kilay ko nang biglang ngumiti si Stygian at tumawa ng mahina.“Anong nakakatawa?” 

“Nothing, ang cute mo lang kasing magalit at ang tapang mo kanina. I just don't expect it from you!” tinignan ko lang siya ng masama bago binunggo ang balikat ko sa kanya at tinignan siya ng masama. 

“That’s not funny!” Singhal ko sa kanya. 

Ilang minuto din kaming natahimik pagkatapos ‘non at nagsisimula na akong ginawin. Hindi na din bumalik si Amulette at iniwan kami ditong gutom at nilalamig. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi nakatali ang kamay at paa ko. Ang lamig pa naman dito sa loob. Kahit giniginaw ay pinilit kong ipikit ang aking mata. Gabi na din at inaantok na ako. 

“Sumandal ka muna sa akin” ngumiti ako dahil sa sinabi niya at hindi nagdalawang-isip na sumanda sa balikat ni Stygian. 

Ilang sandali din ay paunti-unti na akong nawa sa aking sarili at sandaling naidlip pero hindi ako makatulog ng maayos dahil nanginginig ako sa ginaw.

“Brazinn! Brazinn!” paunti-unti kong minulat ang aking mata dahil sa bosis na ‘yon. 

“Hmmm?” 

“Giniginaw ka ba?” bulong nito sa tainga ko. Kahit hindi na ako magsalita halata naman dahil nanginginig ang buong katawan ko. Tumango ako at sandaling lumayo sa kanya. 

“Is it okay with you if you sleep with a guy?” kumunot ang noo ko dahil sa tanong na ‘yon? Maharan akong umayos ng upo at hinarap siya.

“What do you mean?” 

“Body heat, baka kasi kung anong mangyari sayo kapag hanggang umaga kang ganyan, baka hindi mo kayanin Ang lamig.” hindi agad ako nakapagsalita dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin. “Kung ayos lang sana sayo, humiga tayo nang sa ganun ay maidikit natin ang mga katawan natin at kahit papano ay mainitan ka.” 

Dahil sa sinabi niya ay bigla akong nailang.  Alam kong hindi magandang idea ‘yon pero wala na akong magagawa dahil hindi ko na talaga kaya ang ginawa at nanginginig na ako. 

“Salamat!” saad ko at nauna nang humiga sa sahig, medyo nahirapan pa ako dahil parehong nakatali ang kamay at paa ko. Mabuti naman at ang inuupoan namin ngayon at mga malalapad na dahon na hindi ko alam kung ano. Tumagilid ako at hinintay siyang tumabi sa akin. Ilang sandali pa ay humiga na din si Stygian. 

Hindi ko alam pero biglang uminit ang buong katawan ko at pakiramdam ko ngayon at namumula na ang mukha ko kaya mabilis akong umiwas ng tingin kay Stygian.

Dahan-dahan siyang sumulong palapit at dinikit ang katawan niya sa akin. Napapikit ako nang tumampi ang d****b ko sa sa katawan niya. Ramdam ko din ang umbok sa pagitan ng mga hita niya. Part of being a man. Paunti-unti ay nakaramdam ako ng init at nawala ang panginginig ko. It feels better. It's my first time sleeping with a guy beside me.

“Pasensya ka na at ito lang ang naiisip ko kong paraan. Sana makatulog ka na ng maayos ngayon at—” nararamdaman ko ang pagvibrate ng d****b niya habang sinasabi ‘yon.

“Paraan mo siguro ‘to para tsansengan ako no?” seryoso kong sabi habang nakaharap sa d****b niya. Bigla naman siyang tumawa at lumayo sandali.

“Mamamatay nalang tayo kung ano ano pa ‘yang iniisip mo. Matulog ka na ngalang!” tumatawa nitong sabi. Bigla na naman akong nakaramdam ng ginaw dahil sa paglayo niya. 

“Totoo naman kasi, tsaka diba sabi mo makaka-alis tayo dito diba? It means we will not going to die.” sigurado kong sabi bago sumulong ulit palapit sa kanya at mas lalong dinikit ang katawan ko sa kanya. Bahala na, kailangan ko ng body heat niya kaya wala nang malisyosa! 

“Oo nga kaya matulog ka na muna, babantayan kita dito kaya matulog ka na.” 

I breath out a deep sigh before I move my legs, dinikit ko iyon sa kanya. “Ayokong matulog, baka mamaya tsansengan mo ako eh.” I sarcastically said. 

“No, I will not do that to you. Besides, nakatali ang kamay at paa ko kaya paano ko ‘yon gagawin?” hindi na ako nagsalita dahil may point siya sa sinabi niya. 

“Okay then, I'll sleep!” saad ko bago pinikit ang aking mga mata. “Mabuti nalang talaga at nahuli ka din, siguro kung wala ka namatay na ako sa ginaw dito kaya salamat” seryuso kong sabi.

Hindi na siya sumagot at bigla kaming natahimik pareho. Parang may anghel na dumaan sa gitna namin. Matutulog na sana ako nang magsimula siyang mag “Hmmm” na nagpakunot ng noo ko. 

“Hmmm hmmm hmmmm” 

“How did you know that song?” I asked out of nowhere. That song is familiar to me. Kahit hmm  ang ginawa niya, I know, I know this song. I just need to figure it out. 

“Hmm that song? Yan ang paborito kong kanta. Turo ‘yan sa akin paborito kong tao, actually marami pa siyang ibang tinuro sa akin but this one is my favorite. We use to sing that song before pero hindi na ngayon, I miss singing that with her.” Biglang naging malungkot ang bosis niya, pakiramdam ko tulog kasalanan ko kung bakit siya biglang naging malungkot.

Biglang pumasok sa isip ko ang anak ni Donya Allura. I think siya ang tinutukoy ni Stygian. “Siguro sobrang lapit niyo sa isa't isa ‘no?” 

Hinintay ko ang sagot niya pero ilang segundo pa bago siya sumagot. “Sanggang-dikit kami ‘nun dati, palagi kaming magkasama at sobrang saya namin pareho kapag magkasama kami. Kung pwede lang ibalik ang oras, hindi ako magdadalawang isip na yakapin siya at sabihin sa kanya kung gaano ako nalungkot ‘nung nawala siya. Ang lungkot-lungkot ng pagkakasabi niya ‘nun at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya alam kong naiiyak siya. 

“Sobrang lungkot mo siguro ‘nung namatay siya no? I mean you really are—” I was not able to finish what I was about to say when she suddenly interrupted.

“Who told you she's dead? Hindi siya namatay.” kumunot ang noo ko dahil dun.

“Akala ko ba ang anak ni Donya Allura ang tinutukoy mo?”  

Bigla siyang gumalaw kaya napatingila ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin habang mapait na nakangiti.

“No she's not what I mean. Hindi siya namatay, umalis lang talaga siya. Sabi niya sa akin mabilis lang daw ‘yon at babalikan niya daw ako pero ilang taon na ang lumipas hindi parin siya bumalik. I've waited for her day by day.” 

Habangs inasabi niya ‘yon alam kong malungkot siya. “Girl best friend mo?” tanong ko at agad naman siyang tumango. “Hays, nakonsensya tuloy ako.” dagdag ko pa bago dinikit ulit ang katawan ko sa kanya at sinandal ang ulo ko sa d****b niya.

“Huh? Bakit naman?” 

“For Zach, he's my Boy best friend. Sabi ko kasi sa kanya samahan niya ako dito pero hindi agad siya dumating so I went here alone. And until now hindi na ako nakabalik, gusto ko na silang yakapin ni Mom… I miss them.” 

“Don't worry, you can do that soon, trust me.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status