Share

KABANATA 28

KABANATA 28

“Zinn? Stygian?”

Mabilis kong minulat ang aking mata nang may biglang kumalabit sa akin. Napatingin ako sa binti ko at nakita ko ang binti ni Stygian na nakapatong sa akin. I'm still facing his chest, naka sandal naman ang ulo niya sa ulo ko. 

“Zinn!” mabilis kong hinarap ang nagsalita at nagulat ako nang makita ko si Spruce na nakatayo sa harap namin.

“Spruce?” gulat kong sabi. Anong ginagawa niya dito? Nahuli din ba siya? Gagawa na sana ako nang bigla kong naramdaman ang sakit sa aking balikat, “Aww!” 

Naramdaman kong gumalaw si Stygian. Nagulat naman ako nang bigla akong nilapitan ni Spruce at tinulungang bumangon bago hinubad ang tali sa kamay at sa paa ko. Hinawakan niya ako sa balikat at tinulungang makatayo at maglakad. Napatingin ako kay Stygian dahil hindi siya agad tinulungan ni Spruce. 

“Sandali, si Stygian!”

Yuyuko na sana ako para kalagan si Stygian sa kamay nang bigla akong pigilan ni Spruce. “Ako na, doon ka sa paa.”

Ilang sandali pa may narinig akong yapak na palapit sa amin kaya binilisan kong hubarin ang tali. “bilisan natin,” bulong ko. It might be Fetisha or one of her men.  

We immediately help Stygian to stand. Mabilis kaming naglakad palayo bago pa kami maabutan ng nga tauhan ni Amulette. 

“NAKATAKAS ANG MGA BIHAG!”

Nanlaki ang mata ko nang biglang sumigaw si Varun mula sa likod namin. Bigla akong hinila ni Spruce at Stygian kaya napaliyad ako. 

“Takbo, bilis!” 

Tumakbo kami papunta sa maliit na daanan na hindi ko alam kung saan papunta habang hinahabol kami ng mga tauhan ni Amulette. Malapit na sana kami sa pinakadulo ng daan papunta sa labas nang biglang lumusot ang dalawang nakaitim na lalaki at tumakbo lapapit sa amin. 

“Dito sa kabila.” hindi ko napansin ang maliit na daanan sa kaliwa namin. Mabuti nalang at mabilis itong nakita ni Spruce. Marahil ay dito siya dumaan kanina. Hingal na hingal na ako hindi ko na alam ang gagawin, bahala na. Kailangan naming makaalis dito dahil.kunh hindi, baka gawin kaming alagad ni kadiliman ni Amulette at maging dahilan pa ‘yun para hindi na kami maka alis dito habang buhay. No, I cannot let that happen. 

Ilang sandali pa at nasa pinakadulo na kami ng maliit na Daan at doon kami naabutan ng mga tauhan ni Amulette dahil napalibutan na nila kami. Oh no! What should we do now. 

“Kailangan natin silang labanan.” napalingon ako kay Stygian na nasa kanan ko nang sinabi niya ‘yon. 

“Pero paano natin sila lalabanan kung tatlo lang tayo at marami sila?” nagtataka kong tanong. 

“Wala na tayong magagawa, magtiwala ka lang,” mabilis nitong sagot, “patawarin mo ako kung napunta ka sa ganitong sitwasyon dahil sa akin,” dagdag pa nito. 

“Pwede ba tama na ang drama Stygian, kasalanan mo kung bakit kami nandito at wala nang magagawa ‘yang paghingi mo ng tawad," galit na sabi ni Spruce na agad ko namang sinaway. Ngayon ko lang siya nakitang naging ganito. 

“Spruce ano ka ba? Tama na yan, lumaban nalang tayo hanggang kaya natin,” mabilis akong pomusisyon para ihanda ang sarili kong lumaban. 

“Kami lang ang lalaban, bibilang ako ng tatlo at kailangan mong tumakbo papunta sa daanan na nasa kaliwa natin. ’Diyan ako dumaan kanina,” mahabang sabi ni Spruce at mabilis na tumalikod sa akin at pomusisyon na rin. 

“Teka! Hindi pwede, lalaban din ako—”

“Isa” 

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang putulin iyon ni Spruce. What is he planning? Makakatulog din ako pag dating sa ganito dahil may alam din ako sa taekwondo at self defense. 

“Sumunod ka nalang.” napalingon ako kay Stygian na ngayon ay nakatalikod na sa amin. 

“Per—”

“Dalawa!” 

Napatingin ako sa mga tauhan ni Amulette na isa-isang lumalapit sa amin. Mabuti nalang at wala din silang espada o Kahit na ano mang s*****a.

Hindi ko na alam ang gagawin ko at tunuonan ko naalng ng tingin ang tinutukoy ni Spruce na dadaanan ko at inihanda ang aking sarili para ano mang oras ay maka takbo ako. 

“Mang-iingat kayo,” bulong ko. 

“TATLO!” 

Mabilis akong tumakbo palayo at nakita ko ang mga tauhan ni Amulette na sinasalakay si Stygian at Spruce. Hindi na ako lumingon at nilalabanan din ang mga kawal na humaharang sa akin. Mabuti at hindi na ako nahirapan na lusutan sila halos lahat ng atensyon ay napunta kay Spruce at Stygian. 

Nang marating ko na ang maliit na daanan na tinutukoy ni Spruce ay saka lang ako nagkaroon ng pagkakataon na lingonin sila. Nakikita ko na nahihirapan na si Spruce sa pakikipagkaibigan pero pinipilit niyang labanan ang kalaban. Marami na rin ang nakahilata sa lupa at walang malay. 

Si Stygian ay halatang sanay na sanay sa pakikipaglaban dahil sa marami na siyang napatumba. Nanginginig na ako dahil sa kaba ngayon. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang lalaking may bitbit na espada na aatakihin si Stygian. 

“STYGIAN!” malakas kong sigaw na naging dahilan para makita ni Stygian ang lalaki at maiwasan ang espada nito. 

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Spruce nang makita niya akong hindi parin umaalis sa lugar na ito. Ayokong Iwan sila dito nang hindi manlang ako lumalaban. Dahil sa akin kung bakit sila nandito ngayon kaya hindi ‘yon kaya ng kosensya ko. 

“Zinn!” napalingon ako sa likod ko nang marinig ang pamilyar na bosis na ‘yon. Doon ko nakita si Avierry at Cazsey. Mabilis silang tumakbo papunta sa akin, makikita ang pag-aalala sa mukha nila. 

“Nasa panganib ang buhay ni Stygian at Spruce, tulungan natin sila,” nag-aalala kong sabi. 

“Ito Zinn, gamitin mo.” inabot sa akin ni Avierry ang pana na madalas kong gamit habang silang dalawa naman ay may dalang sibat at espada. 

“Tara,” saad ko at mabilis na pomusisyon sa gilid at isa-isang inasinta ang mga kalaban. Si Cazsey at Avierry naman ay tumakbo palapit kay Stygian at Spruce na ngayon ay mukhang pagod na pagod na. 

Marami na din akong napatumba dahil sa pana ko pero nagtaka ako nang tila hindi nauubos ang mga kalaban namin. 

Alam kong pagod na silang lahat pero pilit parin silang lumalaban kaya patuloy alng ako sa pagpana sa kalaban. 

Ilang sandali pa ay nakita ko ang pag-atake ng isang lalaki kay Spruce na sinalo naman ni Stygian para iligtas siya pero nagulat ako nang biglang natamaan si Stygian ng espada sa may nakita akong dugo. 

“Stygian,” bulong ko sa aking sarili. 

Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila nang makitang bumagsak si Stygian. Hindi ko alam pero parang bigla nawala lahat ng kalaban sa paningin ko at ang gusto ko lang ngayon ay lapitan siya at tulungan. 

“Zinn, bumalik ka na doon! Huwag ka nang bumalik dito!” narinig kong sigaw ni Spruce pero hindi ko na siya pinansin at lumapit kay Stygian at agad itong inalalayang makatayo habang si Spruce ay nasa likod lang namin habang pinoprotektahan kami. 

“Zinn, isama mo na si Stygian. Kami nang bahala dito!” rinig kong sabi ni Avierry habang patuloy sa pakikipaglaban. 

Hindi na ako nag-alinlangan at tinulungan si Stygian na maglakad. Ginang hina na siya at masyado nang maraming dugo at nawala sa kanya kaya sa lalong madaling panahon ay kailangan naming makaalis dito. 

Ilang sandali din bago namin marating ang maliit na daanan at mas lalong humihina si Stygian. 

“Stygian, lumaban ka!” naiiyak kong sabi. Kahit hindi pa kami masyadong close ni Stygian, alam kong mabait siyang tao. Kahit papano ay naging magkaibigan na din kami, ilang besis niya na rin akong niligtas kaya hindi ko maaatim na may mangyaring masama sa kanya. 

“Ybe,” bulong niya babang patuloy lang kami sa paglalakad. Ybe? Bakit ‘yon ang tawag niya sa akin? Hindi agad ako nakasagot dahil sa sinabi niya, “maaaring hindi mo ako kilala pero marami akong alam tungkol sayo. Kung mawala man ako sa mundo ngayon, nais kong malaman mong Labis-labis kong hinangad na masilayan ka'ng muli at maalay sayo—”

“Tama na ‘yan ano ka ba naman Stygian, itigil mo ‘yan pakiusap. Walang mamamatay, okay? Lumaban ka!” nanginginig kong sabi. Ang kaninang luhang nagbabadyang tumulo ay isa-isang umagos. 

“Shhh, huwag kang umiyak pakiusap, ang tanging sakit na hindi ko kaya ay ang makita kang nasasaktan. Kahit gaano pa ka lalim ang sugat, balewala iyon, huwag lang kitang makitang umiiyak!” mahaba ngunit putol-putol nitong sabi na mas lalong napaiyak sa akin. 

Hindi ko na alam ang sinasabi niya pero nasasaktan ako dahil pakiramdam ko lahat ng iyon ay may malalim na pinanggalingan, “Ano bang pinagsasabi mo Stygian ha? Tumahimik ka naalng at ipunin ang lakas mo!”

Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi ko na namalayan at nasa harap na kami ng Servent’s Quarter. Hindi manlang ako nakaramdam ng pagod. Siguro dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. 

Kung isa mang panaginip ito, gusto ko nang gumasing at bumalik sa dati kong buhay. Ayoko nang may mga taong nasasaktan dahil sa akin. 

“Stygian, Brazinn? Anong nangyari sa inyo?” nag-aalalang saad ni Donya Allura habang sinasalubong kami papasok sa bahay, “Napano kayo? Bakit may dugo?” dagdag pa nito. 

Hindi ko alam pero parang ubos na lahat ng luha ko sa kakaiyak mula kanina. Hindi na nahinto ang pag-iyak ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

“D-Donya Allura, pakiusap tulungan mo kami. May tama si Stygian,” humihikbi kong sabi. Kanina pa hindi nagsasalita si Stygian at paunti-unti ay bumibigat siya kaya mas lalo akong kinakabahan. 

Biglang bumagsak si Stygian kaya mabilis ko siyang sinalo at niyakap. “Stygian!” mariin kong sabi bago humagulgol ng iyak.  

“Mga kasama tulungan niyo sila, dahil siya sa bahay pagamutan! May sugat siya at nanghihina na!” nag aalalang sabi ni Donya Allura. 

“Stygian gumasing ka,” mas lalong lumakas ang paghagolgol ko. 

Kinuha na ng mga tauhan ni Donya Allura si Stygian at dinasa sa Bahay pagamutan habang ako ay umiiyak na nakasunod sa kanila kasama si Donya Allura. Niyayakap niya ako kabang inalalayan. Hinang-hina na ang katawan ko ngayon. Pagod na Ang katawan at d****b ko. Oh god, please save Stygian.

Naghintay ako sa laban ng Bahay pagamutan habang umiiyak at puno ng dugo. Nagpa-alam muna si Donya Allura na uuwi at ipaghahanda ako ng pagkain at tubig. Pinilit niya akong sumama muna sa kanya at magpahinga pero ayokong Iwan si Stygian dito.

Habang tulalang nakaupo ay pumasok sa isip ko si Spruce, Cazsey at Avierry na hanggang ngayon ay nandoon parin sa Paradise of Somber habang nakikipaglaban sa mga tauhan ni Amulette. Sana ligtas sila at walang masamang nangyari sa kanila dahil kung sakali, hindi ko na alam ang gagawin ko. Tama nang may isang taong nasaktan dahil sa akin. 

Dahil sa lalim ng iniisip ay hindi ko na namalayan ang pagdating ni Donya Allura. 

“Kumain ka muna Brazinn at baka ay anong mangyari sayo,” saad nito at hinimas Ang likod ko. 

Hindi ko alam pero naiiyak na naman ulit ako. “Mamaya nalang po," pagtanggi ko. 

I was traumatized of what happened. All my life ngayon lang ako nakasakai ng ganitong pangyayari at Wala akong ganang kumain. 

“Ano bang nangyari sa inyo? Ang sabi sa akin ni Spruce ay nawawa ka at hinanap ka nilang lahat,” nagtatakang saad niya habang patuloy sa paghimas sa likod ko. “Sinong may gawa nito? Si Fetisha ba?” 

Hindi na ako nakasagot at nagsimulang humagolgol. How I wish si Fetisha nalang ang kumidnap sa amin because for sure, she will not hurt Stygian if even. We all know how Fetisha is obsessed with him. 

“Zinn?” 

Mabilis akong napalingon nang marinig ang bosis ni Spruce mula sa kanan ko. Nagmamadali itong naglalakad papunta sa akin. May dugo din siya sa katawan at maraming pasa. 

“Spruce,” umiiyak kong sabi at mabilis siyang niyakap, “I'm so glad he's safe.” I whispered. 

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at ramdam ko ang pagbilis ng tibon ng puso niya, marahil dahils a kaba at pagod. Umiyak ako sa d****b niya at habang pinapatahan ay hinihimas niya ang likod ko.

“It’s okay! Nasaktan ka ba? Nasugatan?”  

Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin para siguraduhin na hindi ako nasaktan. 

Umiling ako habang humihikbi bago yumuko. “No... But Stygian is in danger!” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status