Share

KABANATA 26

KABANATA 26

Brazinn’s POV

“Hali ka na, Ybe... Maglaro na tayo!” saad ng batang nasaharapan ko habang nilalahad ang kaliwa niyang kamay na akin. Inaya niya akong maglaro sa loob ng gubat. 

Hindi ko alam pero ang saya ko na magkakalaro na naman kami ulit. Ilang days na din kaming hindi nakapaglaro dahil sabi ni Mommy hindi ko na daw siya dapat maging friend dahil hindi naman daw siya totoo. Pero palagi kaming naglalaro at mabait siya kaya hindi ko siya iiwasan. He’s my friend and he will always be my kuya. 

“Sandali lang, baka makita ako ni Mommy, she will gonna make palo na naman my pwet.” usal ko habang naka-pout ang bibig ko. Ngumiti naman agad siya at kinurot ako sa pisnge. “A-aray, kuya Isai, masakit” saad ko bago hinawakan ang pisngi ko.

Ganito nalang palagi ang ginagawa niya sa mukha ko. Kuya Isai is so bad talaga! 

“Tara na, hindi magagalit ang Mommy mo... papayag siya at saka poprotektahan naman kita, I’m your Kuya Isai ‘diba?” 

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. “Ayiee, si Kuya Isai magaling na mag english” panunukso ko sa kanya. Tumawa naman agad siya bago ako hinawakan sa kamay. 

“Promise mo sa akin, hindi mo ako iiwanan ah, diba mahal natin ang isa’t isa?” saad niya bago ako kiniss sa cheeks, mabilis ko naman ‘yung pinunasan dahil napunta ang laway niya sa pisngi ko. 

“Yack Kuya Isai, that’s gross. Pero kuya promise ko sayo hindi kita iiwan... Kung umalis man ako, babalikan kita kasi ikaw ang best friend ko.” nakangiti kong sabi.

“Promise mo ‘yan ah? Sige nga pinky promise tayo” saad niya bago nilahad ang kamay sa akin, nag pinky swear kaming dalawa. 

“YBEGAIL!” mabilis akong lumingon dahil narinig ko ang bosis ni Mommy na sumigaw. Pagharap ko ay bumungad sa akin si Mommy habang umiiyak. 

“Anak… mahal na mahal kita” saad nito bago tuluyang naglaho sa paningin ko. Sinubukan ko siyang pigilan pero mabilis ang pangyayari at parang natunaw lang siya bigla. 

“MOM? MOMMY?” 

***** 

Bigla akong napasinghap ng hangin bago tuluyang tumulo ang luha ko mula sa gilid ng aking mga mata. “Mom?” bulong ko sa sarili. Bahagya napa-awang ang aking labi dahil sa sakit ng aking mga braso. Sinubukan ko ‘yun itaas pero may nakatali sa nga kamay ko. Teka, nasaan ako? 

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at wala akong ibang nakikita kundi ang madilim na paligid. Ang nagsisilbing ilaw lang ay ang sinag ng araw mula sa bobong na nakatapat sa akin. Sinubukan kong tumayo pero maging ang mga paa ko ay nakatali dahil sa upuan na kina-uupuan ko ngayon.

Biglang sumagi sa isip ko ang paghila sa akin ng kung sino man bago pa ako nawalan ng malay. Dito ba niya ako dinala? Hindi kaya tauhan siya ni Fetisha? 

“TULONG! TULONG!” sigaw ko habang sinusubukang makawala mula sa pagkaka-gapos sa akin. Ang tangi ko lang naririnig ngayon ay ang pag-echo ng bosis ko. Biglang may kumalabog mula sa likod ko kaya kahit nahihirapan ay agad akong lumingon. “May tao ba dito?” mahina kong sabi. 

Ilang sandali pa ay may narinig akong yapak ng paa na papalapit sa akin kaya nabuhayan ako ng loob. May tao at ibig sabihin ‘nun ay may tutulong sa akin.

“TULONG! TULONGAN MO AKO!” sigaw ko ulit, hinintay na lumabas ang yapak ng paa mula sa madilim na bahagi ng silid na kinaruruonan ko. 

“MANAHIMIK KA!” kumunot ang noo ko dahil sa bosis nang nagsalita. Ang bosis nito ay pamilyae sa akin at parang naka-usap ko na dati. Hindi ko inalis ang tingin ko sa gawing iyon at nagulat ako nang lumabas ang isang batang babae na may ngisi sa mukha. There’s a wide grin plastered on her face.

“FLIMFLAM?” saad ko habang tinititigan siya. Bakit siya nandito at anong kinalaman niya sa pagkaka-kidnap sa akin?

“Tulungan mo ako paki-usap!” I begged. Hindi na siya nagsalita at kinuha ang basong may laman na kung ano sa loob nito na kulay pula. 

“Kamahalan, gising na ang ating bihag!” saad nito bago naglakad papunta sa gawing kanan ko bitbit ang baso. Sinong kamahalan ang tinutukoy niya? Hind na ako nag-abalang sumigaw dahil alam kong nag-aaksaya lang naman ako ng laway. Hanggang ngayon ay nanginginig pa ako dahil sa panaginip ko kanina, parang ang sama-sama ng panaginip ko at parang totoong totoo. 

“Reyna Amulette, gising na po siya!” dahil sa narinig kong sabi ni Flimflam, biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Spruce sa akin dati. Si Amulette? Ang Reyna ng kadiliman? Bahagyang napa-awang ang labi ko nang ma-alala ang pagputol ng matandang lalaki sa ulo niya. 

Bumalik ako sa realidad nang lumapit sa akin ang isang babaeng nakasuot ng itim na kapa na nakatakip sa mukha niya. Ang nakikita ko lang ay ang pulang pula nitong mga labi. Bahagya siyang yumuko at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hawak-hawak pa din niya ang basong may lamang kulay pula sa loob. Dahan-dahan niyang nilapit sa mukha ko ang baso at muntik na akong masuka dahil sa amoy nito. Now it is clear to me, it was a blood. Hindi ko alam kung dugo ng tao o dugo ng hayop.

“Maligayang pagdating dito sa Paradise of Somber, binibini. Ikinagagalak kong makilala ang babaeng lubos na kinaiinisan ng aking kapatid!” saad niya bago tumayo ng tuwid. Hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya na kapatid pero ang sa akin lang, bakit niya sinabing labis akong kinaiinisan nito. 

“Sinong kapatid ang sinasabi mo?” sambit ko bago siya binalingan. “Baka nagkakamali kayo ng taong dinampot, hindi ako nakatira dito sa Paraiso de Inferno, isa lang akong tao na naligaw dito.” dagdag ko pa, nagsasabi ako ng too, isa lang akong tao na naligaw sa lugar na ito. 

“HA-HA-HA-HA” mapakla siyang tumawa habang pumapalakpak. Kumunot naman ang noo ko dahil sa ginagawa niya. “Yun na nga ang dahilan kung bakit ka nandito. Isa ka lang hamak na tao na hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon ngunit ang pinagtataka ko lang, bakit ganun nalang ang pagiging interesado ng kapatid ko sayo? Marahil mayroon kang espesyal na handog dito sa Paraiso o sandyang may galit lang talaga sayo ang kapatid ko! Ma-aari kitang gamiting bala upang talunin siya!” 

Dahil sa mga sinabi niya, mas lalo akong naguluhan. “Sino ba ang kapatid mo? Wala akong ginagawang masama kaya paalisin niyo na ako dito!” 

Tumalikod siya bago nagsimulang maglakad palayo. Hindi manlang niya sinagot ang tanong ko. Ngayon ay naging tahimik na naman ang buong pagilid, naging si Flimflam ay hindi na nagpakita. Dahan-dahan kong ginalaw ang mga kamay ko at sinusubukang hubarin ang tali. Ilang sandali pa ang lumipas at nakaramdam na ako ng hapdi, what the hell? Masyadong mahigpit ang pagkakagapos sa kamay ko. Paano na ako makaka-alis dito ngayon? Sino ba kasi ang kapatid na tinutukoy ni Amulette? Walang na-kwento sa akin si Spruce tungkol sa bagay na ‘yun. 

Huminto muna ako sandali upang mag-isip ng paraan na pwedeng gawin para maka-alis sa lugar na ‘to. Ang tanging pumasok sa isip ko ay ang hubarin ang tali sa kamay ko. Hindi ako pwedeng sumali sa hanay nila, I don’t want to be one of them. Dahan-dahan kong inusog ang upuan na kina-uupuan ko hanggang sa ilang sandali pa ay napunta ako sa madilim na bahagi ng room. 

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” nagulat ako dahil sa bosis na ‘yun ni Amulette, ang akala ko ay iniwan na nila ako. “Akala mo ba kapag na-alis mo ang tali na ‘yan ay makakatakas ka? Nais kong sabihin sayo na marami akong tauhan na nakabantay sa labas.”

Nanlumo ako dahil sa sinabi niya. What the hell, how can I get out of here. “Paalisin niyo nalang ako, ano bang kailangan niyo sa akin?” saad ko bago siya nilingon. 

“Pakakawalan ka namin kung sasali ka sa hanay namin.” kaswal nito saad nakinalaglag ng balikat ko. Of all things na pwede niyang hingin sa akin, bakit ‘yun pa? Hindi agad ako sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Hindi, hindi ako papayag!” sigaw ko at tinignan siya ng masama. “Hindi ako masamang tao at hindi ako nabibilang sa hanay ninyo! Hayaan niyo nalang akong umalis dito!” dagdag ko pa bago sinubukang hubarin ulit ang tali sa kamay ko pero hindi parin mahubad. 

“Hindi ganun ka dali, binibini! Hindi ba’t kaibigan mo ang kasintahan ni Fetisha? Dalhin mo siya dito bilang kapalit ng buhay mo.” si Stygian ba ang tinutukoy niya? Ano naman ang kailangan niya kay Stygian? 

Biglang nabuo ang idea sa utak ko dahil sa mga sinabi niya kanina at ngayon. Kapatid ni Amulette si Fetisha at si Fetisha ang tinutukoy niya na taong may galit sa akin. Siguro tama si Spruce, galit sa akin ngayon si Fetisha dahil akala niya ay may gusto sa akin si Stygian. The point here is, bakit gustong kalabanin ni Amulette si Fetisha kung magkapatid naman pala sila? At bakit pati kami ni Stygian kailangan pang madamay? 

“Ito na po ang lalaking pinapahanap ninyo sa amin, Reyna.” napalingon ako sa deriksyon ng nagsalita at bumungad sa akin ang dalawang lalaki na may ginagapos na lalaki. Nakayuko ito kaya hinintay ko siyang mag-angat ng tingin. 

“S-stygian?” bulong ko nang mapagtantong si Stygian ang ginagapos nila. Tumingin siya sa akin bago ngumiti kaya kumunot ang noo ko. Paano niya pa nagagawang ngumiti kung ganito na ang nangyayari sa amin? Hibang ba siya?

Kinaladkad nila si Stygian papunta sa lugar kung saan nila ako kanina ginapos at doon siya pinaupo sa sahig. Ilang sandali pa ay lumapit ang dalawang lalaki sa akin at may kung anong ginawa sa likod ko.

“Sandali!” usal ko nang hawakan ako ng lalaki sa hita. Marahas niyang hinubad ang tali na nakatali sa upuan ganun din ang ginawa ng isang lalaki sa kamay ko. Kinaladkad nila ako palapit sa deriksyon ni Stygian at doon pinaupo sa likod niya. Ilang sandali pa ay lumayo na sila sa amin kasama si Amulette. 

“Sinaktan ka ba nila?” binasag ni Stygian ang katahimikan kaya napalingon ako sa kanya. Mukhang nag-aalala siya. 

“Hindi, ayos lang ako... hindi nila ako sinaktan. Ikaw, paano ka nila dinala dito?” saad ko bago inayos ang pagkaka-upo ko dahil nahihirapan na ako sa aking posisyon. Nakatali parin ang kamay at paa ko pero hindi na sa upuan kagaya kanina. 

“Nang malaman kong dinampot ka, hinanap kita kay Fetisha pero wala ka ‘dun kaya kinutuban na ako na si Amulette ang kumuha sa sayo kaya pumunta ako dito pero hindi ko inaakalang marami na pala siyang tao kaya nahuli nila ako.” kwento niyo habang nakatalikod sa akin. 

“Kilala mo si Amulette?” nagtataka kong tanong. Ngumiti naman agad siya.

“Kapatid siya ni Fetisha at hindi sila magkasundo dahil si Fetisha ang nagmana ng Paradise of Pulchritude kaya nagalit si Amulette at nagsimulang bumuo ng sarili niyang hanay, ang hanay ng kadiliman o Paradise of Somber.” 

Dahil sa mga sinabi niya, naging malinaw ang lahat sa akin. Tama nga talaga ang iniisip ko kanina, magkapatid sila at may galit sa isa’t isa. 

“Paano tayo makakaligtas dito?” Hindi ko alam pero ‘yun ang tanong na kanina ko pa iniisip, kung paano kami makakaligtas at makaka-alis dito. 

“Huwag kang mag-alala, dahil nakapasok ako dito sa loob. Mas magiging madali sa akin na makagawa ng paraan na mailigtas ka, magtiwala ka lang.” 

Dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng pag-asa na makaligtas nang hindi na-ipagkakalolong ang kaluluwa ko sa kadiliman. Kung sakali man na mangyari ‘yun, sigurado akong mawawalan na ako ng pag-asang maka-alis sa lugar na ‘to. I really need to get out of this place, may mga taong naghihintay ng pagbabalik ko. My Mom and my grandparents must be worried about me right now. Hindi pwedeng habang buhay ako dito. Nagsimulang na namin ni Spruce ang plano at kailangan kong makaalis dito para maituloy namin ‘yun. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status