Share

KABANATA 2

KABANATA 2

Brazinn‘s Point of view;

While trying to stop myself from sleeping I talked to the dog I found earlier as if it would talk back to me. I gave it a name, Whammy. Pero dahil na din sa sobrang pagod na nararamdaman ko ngayon I didn't realize I am falling asleep. 

Let me introduce myself to you first. I am Brazinn Ybeguile Sebastian, Zinn for short. I am 19 years old and I am going to be a college student next month, I take Philosophy course. I was born and raised in Manila so technically I am a city girl. Lumipat lang kami dito sa province ngayon because my grandparents were sick and they're getting older and older and there’s no one to take care of them expect Mom who’s their only child. We decided na dito na din ako mag-aaral ng college, I found this place cool but kinda boring.

I don‘t know exactly why suddenly Mom’s being over protective to me this past few days. Ayaw niya akong lumabas ng bahay nor go somewhere else without someone to come with which I’m not comfortable and used to. Noon naman wala siyang problema kung saan ako pumunta at hindi naman siya ganito ka protective sa akin. Well anyways she can’t stop me naman from doing what I want. 

——————

Out of nowhere, I felt like may kumakanta sa akin na parang hinihele ako at pinapatulog kaya hindi ko nalang namalayan na nakatulog na ako. I started closing my eyes and I don't think I can stop myself from sleeping dahil sa sobra'ng pagod. 

While sleeping I heard something kaya napabalikwas ako. I am a kind of person na kahit kaluskos lang ng dahon o yapak ng paa ay magigising na agad ako.

“Ija... Ija gising~” I was bothered by that voice I heard.

When I heard that voice, I slowly opened my eyes and I was amazed of this gorgeous creature standing in front of me. 

Nakakamangha ang mukha niya na parang Diyosa. Her brown eyes, her pointed nose and red lips which compliments her clear white skin. She’s so perfect, I must say she’s a real gorgeous. 

Isang magandang babae na nakasuot ng mahabang bestido na abot hanggang paa at may bitbit na basket na may laman na mga prutas. 

Nagulat ako ng biglang kumahol si Whammy na parang nakakita ng multo. Tumatalon-talon siya at akmang kakagatin ang babae na nasa harap namin pero pinigilan ko siya.

“Shhhh Whammy behave, stop it!”, pagsaway ko sa kanya at tinali sa punong Kahoy.

“Who are you?”, I asked out of nowhere then I stood up to talk to her even more respectful.

“Hali ka't sumama ka sa akin, isasama kita sa aming palasyo”

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, palasyo? Akala ba nitong babae na 'to nasa disney world siya na may palasyo? Hindi niya yata naintindihan ang tanong ko. Napakamot nalang ako ng ulo. 

"Mawalang galang na po pero sino po kayo? At tsaka anong palasyo po?"

Hindi siya sumagot at tumalikod. Bigla akong nakaramdam ng inis, kung hindi niya naintihan ang tanong ko kanina kasi english yun it’s considerable because not everyone knows how to speak english or even understand English pero tinagalog ko na naman ah? Maganda nga siya bastos naman, hindi ba nila naging subject ang GMRC dati? Wtf? 

"Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan binibini?" tanong ko ulit. 

Isang besis nalang talaga at hindi ko na papansinin 'tong magandang babae na 'to. 

"Fetisha... tawagin mo akong Fetisha" may malambing na bosis niyang saad.

I just nooded and look at her back.

“Okay po, bakit po kayo nandito, nawawala po ba kayo?” tanong ko dahil nagtataka ako kung bakit may magandang babae dito sa Suicidal forest, I mean maganda din naman ako pero malapit lang naman ang Bahay namin dito kaya natural lang na nandito ako.

One thing to add, I'm adventurous and I love to see new and interesting things unlike her, she looks boring. 

“Hindi ako nawawala, nandito ang tirahan namin sa gubat nais lang kitang tulungan. delikadong matulog dito sa Gubat at baka mapahamak kapa”, saad niya at nilingon ako ng marahan. 

Bigla akong nakaramdam ng malamig na ihip ng hangin kaya napatingala ako. Biglang may tumulo sa balikat ko. Punyeta uulan pa yata, hindi ako makakatulog nito. 

“May bahay pala dito… Hmm pwede ba muna akong tumuloy sa inyo? Parang uulan kasi” 

Naisip ko na baka tama siya na delikadong matulog dito kasi dito naman siya nakatira at may bahay sila dito. Pero bakit sabi ng iba suicidal forest ang gubat na ‘to eh may bahay naman pala dito? I was curious so I decided to just go with the her. 

Tumango siya. “Oo naman, doon ka muna magpalipas ng gabi” 

“sige po, maraming salamat”

“Kahit pang habang buhay pa—”

Dahil sa sinabi niya, kumunot ang noo ko. “Ano po?”

Ngumiti lang siya at umiling “Huwag mo nang pansinin ang sinabi ko, hali kana”

Hindi ko naalng pinansin ang sinabi niya at yumuko. Akma na sana akong magliligpit ng mga gamit pero bigla siyang nagsalita.

“Iwan mo nalang yan diyan at balikan mo nalang bukas, nagmamadali din kasi ako” saad niya kaya napahinto ako. 

Nagdalawang isip ako na iwan ang mga gamit pero naisip ko na wala namang pumupunta dito at siguro malapit lang naman ang bahay ni Fetisha dito. Inayos ko ang mga gamit ko at pinasok lahat sa loob ng tent, sinabit ko sa taas ang bag ko para hindi mabasa kung sakali. Babalikan ko nalang dito bukas. 

Nilingon ko si Fetisha at nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin.

Iniwan ko ang mga gamit ko at sumunod na kay Fetisha. Patuloy lang kaming naglalakad sa mga kakahoyan at medyo nakakalayo na kami ng bigla akong nakarinig ng kahol ng aso. 

Whammy? Oh my gosh iniwan ko siya na nakatali sa punong kahoy? How careless am I? 

Naiwan ko palang nakatali sa puno si Whammy kanina, kailangan ko siyang balikan.

Huminto ako sa paglalakad at humakbang pabalik pero bigla akong napahinto when I realized I was not familiar with this place at hindi ko na alam ang daan pabalik.

“Saan ka pupunta?”

Napalingon ako kay Fetisha ng magsalita siya mula sa likod ko. 

“I’m sorry but... Hmmm ang ibig ko pong sabihin ay babalikan ko po sana ‘yung alaga kong aso kasi naiwan ko doon”, aad ko at humakbang palapit sa kanya. 

Tumalikod siya ulit at humakbang paalis. 

“Hayaan mo na muna ang asong iyon. Marahil ay nag-aalala ka sa kanya ngunit nagmamadali ako, balikan mo nalang bukas ng umaga kung maaari”

"Pero baka mapano yun..." 

"Kung ‘yan ang nais mo, sige bumalik ka doon ngunit hindi na kita masasamahan sa pagkat nagmamadali ako", saad niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Knowing na hindi ko na alam ang daan pabalik at hassle na kung babalik pa ako I just follow Fetisha instead.

Kahit nagdadalawang-isip ay sumunod nalang ako sa kanya. Nilingon ko ang pinanggalingan namin at nagtaka ako dahil para'ng nasa iba'ng deriksyon na kami.

Kahit maraming tanong sa utak ko hindi nalang ako nagsalita dahil ayokong basagin ang katahimikan. Wala din namang sense kausapin si Fetisha kaya magmamasid-masid nalang ako sa paligid.

Ang tanging naririnig ko lang habang naglalakad kami ay ang huni ng mga insekto, ang ihip ng malakas na hangin, ang kaloslos ng mga dahon at ang ungol ng aso na hindi ko maintindihan pero nakakatakot kaya binilisan ko ang paglalakad.

Dahil patuloy ako sa paglilibot ng mata ko sa paligid at dinadaanan namin hindi ko na namalayan na nasa harap na kami ng isang kuweba. I was amazed kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng bigla akong nabunggo. 

“Pasensya na po” nahihiya ko'ng sambit ng makita'ng  kay Fetisha pala ako nabunggo. 

“Tumingin ka sa dinadaanan mo at baka mapahamak ka”, nananakot na saad niya.

Mahinhin niyang tinaas ang kamay niya para sinyasan ako na huminto sandali na ginawa ko naman at pagkatapos ay ngumiti siya. Ang ganda niya talaga.

Pumasok siya sa parang daanan sa gitna ng kuweba at nagdalawang-isip ako na sumunod pero wala akong nagawa because it’s too late to back off. May kinuha siya sa gilid na hindi ko alam kung ano, napatakip ako ng mata ng biglang may umilaw. Ngayon ko lang napagtanto na lampara pala ang kinuha niya sa gilid. Marahan niya itong tinataas at ginamit bilang ilaw sa daan. 

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Medyo madilim dito sa loob ng kweba pero sakto lang para makita namin ang daan. Baka sa likod ng kuweba na ‘to nandoon ang bahay ni Fetisha. 

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makita ako ng liwanag mula sa dulo ng nilalakaran namin. Sobrang liwanag na parang nakakasilaw. Nagtataka akong huminto.

Lumapit si Fetisha sa liwanag at bigla siyang nawala. Wtf? Sa langit ba papunta to? Bakit nawala si Fetisha at bakit pakiramdam ko sinusundo ako?

I immediately blinked my eyes twice para siguraduhin na totoo ang nakikita ko but I was not wrong, totoo nga ang liwanag. 

“Fetisha? Nasaan ka?” I said then roam my eyes around. Wtf is happening?

Tumalikod ako para bumalik nalang sana dahil baka pag tumuloy ako sa liwanag ay hindi ko na ulit makita ang pamilya ko at mamatay ako bigla.

“Nandito ako Brazinn, sumunod ka nalang”, narinig ko ang bosis ni Fetisha mula sa likod ng liwanag. 

This is not a good Idea, babalik nalang ako sa gubat at ‘dun nalang ako matutulog. Tumalikod ako at akmang hahakbang patalikod ng biglang may humawak sa braso ko at kinaladkad ako papasok sa liwanag na nakikita ko. Sumisigaw ako pero walang bosis na lumalabas mula sa bibig ko.

I closed my eyes and scream “AHHHHHHHH” 

Wtf? Nasa langit na ba ako? Pero ayoko pang mamatay, I still have dreams for myself and for my family. 

“Tumahan ka at buksang ang iyong mga mata, wala kang dapat na ikabahala”, narinig ko ulit ang bosis ni Fetisha. 

I slowly opened my right eyes and I was surprised of what surrounds me now. Tinaas ko ang isa kong kamay dahil sa sobrang silaw. I roam my eyes around and I felt like I was in a real life fairytale world dahil sa nakikita ko ngayon. 

Nakakamangha ang mga bulaklak na nasa paligid at ang mga damo, sobrang linis dito at ang nga ulap ay kakaiba. Ang mga puno sobrang dami at magaganda. Oh my gosh nasa langit na yata talaga ako. 

I tried to blink my eyes again, not just twice but for plenty of times but it doesn’t change a thing. Sinampal ko pa ang sarili ko ng malakas para magising ako kung panaginip man ‘to.

Tumingin ako kay Fetisha, she’s far from me at patuloy na naglalakad na parang walang pakialam sa akin. Bakit pa niya ako sinama dito kung iiwan naman niya ako? 

I realized something, nasa langit na yata talaga ako at sinundo ako ni Fetisha pero paano? Wala naman nangyaring masama sa akin para mamatay ako. Ayt.

Tumalikod ako para tignan ang pinasukan namin kanina but I saw nothing. Ang nakikita ko lang ngayon ay ang malaking bato na nasa harap ko. How could it be even possible. Lumapit ako sa bato at sinubukang itulak baka sakali bumukas pero wala talaga. Naghanap pa ako ng ibang daan para hanapin ang pinasukan namin kanina but it end up nothing.

Fuck? Nananaginip ba ako? Ano ang nangyayari?

Bigla akong kinabahan kaya nilingon ko ulit ang paligid at naglakad papunta sa deriksyon ni Fetisha. 

Habang naglalakad, may nakita akong isang karatula na nakalagay sa isang malaking puno na naka kurba. 

"PARAISO de INFERNO?" 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status