Share

KABANATA 30

KABANATA 30

“I have something to tell you.” 

Buong gabing hindi nawala sa isip ko ang huling line na sinabi ni Spruce bago siya tuluyang natulog. He left my mind hanging. 

Pagkatapos kasi niyang sabihin ang line na ‘yon, bigla siyang natulog. Gusto ko sanang malaman kung anong sasabihin niya because it made me curious and my curiosity is killing me right now. Pero ayaw ko namang istorbuhin ang tulog niya. I mean, he need that sleep, that rest. Pagod kasi siya. 

Buong gabi kong inalagaan si Spruce. I wiped his body out. Ang dami niyang sugat.

Kahit na nakatulog na siya, he still didn't let go of my hands kaya hindi ako makaalis. 

After how many minutes, paunti-unti nang lumuluwag ang pagkakahawak niya sa akin. Sakto din na tapos na ako sa pagpupunas sa kanya. I took the advantage to stand up. I heaved a deep sigh when he didn't noticed what I did. 

Tinitigan ko si Spruce habang mahimbing na natutulog, he look innocent and peaceful. Hindi mo aakalain na ganun siya ka tapang. Napaka amo ng mukha niya, I won't deny the fact that Spruce has a handsome face. Aside from that, maganda din ang katawan niya. 

I didn't realize myself smiling. Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil sa naiisip ko. 

This is not the right time para unahin mo yang kalandian mo Brazinn, alalahanin mo wala ka sa tunay na mundo.

Erase erase. Grrrr. Grabe naman tong isip ko. Hindi ko naman binabalak na landiin si Spruce, he's just my friend. Boy best friend. Hayss bahala na nga!

Tsaka I am not that immature enough para unahin pa ang bagay na yan, ngayon pa na kung ano-ano na ang nangyayari dito. 

Tumalikod na ako at naglakad palabas ng room namin.  I need to ask Donya Allura for some medicine and first aid kit. Kailangan kasing gamutin ang sugat ni Spruce at baka ay magkainfection. 

I was walking in the corridor nang may marinig akong bulong-bulongan mula sa likod ng isang room kaya napahinto ako sandali. 

Wait... those voice were familiar to me. 

Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa lugar kung saan galing ang ingay. Ilang hakbang pa ang ginawa ko bago ko napansin ang maliit na pathway sa gitna ng dalawang room. Paunti-unti naring nawala ang ingay pero I know dito yun galing, it came somewhere here. It looks somehow like a footwalk pero sa lahat ng room ito lang ang may pinakamaliit na gap.  

At ang mas kakaiba pa dito is it looks rusty dusty and old. Parang hindi masyadong napupuntahan ng tao? 

I can still remember last time na pinasyal kami dito ni Donya Allura sa loob ng Paradise of Plebians para daw maging familiar kami sa mga lugar dito. Halos lahat tinuro niya sa amin at pinuntahan namin, lahat, as in halos lahat. She even told us the history of each of them. 

But she didn't mentioned about this one. 

Napailing nalang ako bago bumalik sa realidad. This might just be some unimportant place to go to. Baka tambakan lang ng lumang gamit o kung ano-ano? We don't know... But let's see. 

Kahit nagtataka ay tumuloy ako papasok sa loob. Dahan-dahan kong hinawi ang makakapal na sapot ng gagamba na halatang matagal nang hindi nalilinis. May mga tuyong dahon pang nakasabit. It actually looks creepy. Like those in the horror movies? 

May mga ferns pang tumutubo sa gilid ng pader at may mga nakapulupot na mga halaman. 

What's with this place? 

Nang malagasan ko ang mga supot ng gagamba ay kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang mga nakatambak sa dulo at ang unang nakapansin ng atensyon ko ay ang sirang pinto na mukhang nakadikit da pader. 

Ang nakakapagtaka lang ay sira ito at hindi tuwid ang posisyon nito. 

Is that a room or what? Isa siyang maliit na pinto na hindi kagaya ng mga ordenaryong pinto, parang kalahati lang at putol-putol. I'm not even sure kung pinto ba ‘yon. May mga sirang wooden furnitures din na nakatambak sa gilid nito like chair, cabinet and bookshelf.

Lalapit na sana ako nang biglang may humawak sa balikat ko kaya mabilis akong napalingon at muntik na akong tumili. It startled me, napatalok ako dahil sa sobrang gulat. 

“SHIT!” I cursed out of surprise.

“Anong ginagawa mo dito?” Makikita Ang pagtataka sa mukha ni Cazsey habang sinasabi niya ‘yon.

I closed my eyes and I took a deep sigh to calm myself. Hell, I want to scream out of anger. How could she startle me like that then ask me such question as if she did nothing wrong?

“Why the hell did you startled me like that? Huh?” mabilis kong tanong sa kanya pero tinitigan niya lang ako na may tanong sa mukha niya. Then I started to figure things out, she don't understand english, does she? “Bakit bigla bigla mo nalang akong ginugulat ng ganun? Hindi mo manlang inisip na pwede akong atakehin sa puso dahil dun,” ulit ko pa.

“Pasensya ka na pero nananaginip kasi Spruce kanina kaya nagising ako. Binibigkas niya ang pangalan mo,” kalmado nitong sabi. 

Oh hell I almost forgot, I was supposed to get him a medicine. 

Hindi na ako nagsalita at nilampasan siya. Maglalakad na sana ako palabas doon ang may maisip ako kaya huminto ako sandali at nilingon siya. 

“Ano palang ginagawa mo dito?” tanong ko. 

Mabilis naman niyang tinaas ang dala niyang supot ng b****a. “Magtatapon ako ng b****a at aksedente kitang nakita dito kaya naalala ko si Spruce.”

Napatango nalang ako dahil sa sinabi niya. “Okay, mauna na ako, salamat!” 

Tumingin ako sandali sa pinto na nakita ko kanina bago tumalikod ulit. Maybe that was just a broken furniture. 

“Ikaw? Bakit ka nandito?” 

Hindi ko alam pero parang automatic ang katawan ko. Mabilis akong napaikot para humarap ulit kay Cazsey. I feel like, it's a sign to ask more questions. 

“It was just... anong klaseng lugar ito? I mean, ngayon ko lang ‘to nakita at parang kakaiba siya. Kaya ako napunta dito ay dahil may narinig akong bulong-bulongan kanina kaya sinundan ko at alam Kong dito galing ‘yon,” mahaba at seryoso kong sabi. 

“Hindi naman kasi napupuntahan ng lahat ang lugar na ‘to. Madalas lang pumupunta dito ang mga taong kapag nagtatapon ng b****a o may itatapong sirang gamit. At tsaka baka yung narinig mong bulong-bulongan kanina ay galing sa kabilang silid lang?”

Dahil sa sinabi niya kumunot ang noo ko. No, I don't think so. Dito talaga galing ‘yon eh, I even followed the noise. 

“Dito talga ‘yon eh. At tsaka tignan mo ‘yong pinto doon, hindi ba kataka-taka kung bakit nakadikit siya sa pader? Parang totoong pinto ngunit maliit at sira ngalang. Hindi kaya may room diyan o—” 

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang putulin ako ni Cazsey. 

“Sirang pinto lang yan na nilagay diyan, ako mismo ang nag naglagay niyan diyan at yang pader na ‘yan, ‘yan ang pagitan ng Paradise of Plebians at Paradise of Pulchritude kaya impossible ang iniisip mo na may silid diyan sa likod ng pader,” mahaba nitong sabi. 

Hindi agad ako nakapagsalita at pakiramdam ko ay nasupalpal lahat ng sinabi ko. Ang hirap talaga kapag ang isang kagaya ang nag mumuni-muni. 

“Kung hindi mo mamasamain, itatapon ko muna ito,” saad nito bago ngumiti at tumalikod. Bitbit ang dalang b****a ay pumunta siya sa mga nakatambak na furniture at ngayon ko lang napansin ang dalawang malalaking b****ahan sa gilid. “Ngapala, mainit ang katawan ni Spruce, nilalagnat siya. Kailangan niya ng gamot, baka may natitira pa doon kay Donya Allura, pwede kitang samahan,” habang sinasabi niya ‘yon ay abala siya sa ginagawa.

“No, huwag na ayos lang. Salamat nga pala sa pagsagot sa tanong ko. Sa totoo niyan doon naman talaga ang punta ko pero naintriga ako sa lugar na to. Pero sige alis na ako. Salamat ulit,” mahaba king sabi bago ngumiti. 

Nakita king tumigil sandali si Cazsey sa ginagawa at ngumiti din sa akin pabalik. 

“Walang ano man Brazinn, basta kung may tanong ka pa nandito lang ako,” 

Hindi na ako nagsalita pa at tumalikod na ako bago umalis sa lugar na ‘yon. Actually, to be honest, I was surprised with how Cazsey interact with me today. 

Ang dami niyang sinabi unlike before na minsan lang siyang magsalita. Maybe she's starting to be comfortable with me? If so, then it is an honor to me. 

Ilang sandali pa akong naglakad at bago pa man ako makarating sa bahay nina Donya Allura, I saw her from the outside of the Clinic. 

Actually mukhang kakalabas lang niya mula doon at papaalis na din kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad. 

“Donya Allura,” sigaw ko bago pa man siya maka alis sa lugar. 

Agad naman siyang lumingon at ngumiti nang makita ako.

“Oh Brazinn, sakto ang dating mo at magpapakuha ako ngayon ng pagkain at gamot para sa inyo at kay Stygian. Sigurado akong gutom na kayo,” masiglang sabi nito. 

“Salamat po Donya Allura, hmm pumunta ako dito kasi hihingi sana ako ng gamot.”

Biglang napalitan ng seryusong mukha ang kaninang ngiti nito. 

“Oh Kamusta na nga pala siya?” 

“Nilalagnat kasi siya pero ayos naman na siya, kailangan nalang niya ng tamang pahinga at gamot para tuluyan nang gumaling,” mahaba kong sabi bago lumapit pa kag Donya Allura. 

“Oh siya at gamot panglagnat pala ang kailangan mo, ako na ang kukuha. Ikukuha ko din kasi ng gamot si Stygian at ipapahatid ko na din dito ang pagkain nyo.” 

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Donya Allura. Ang bait talaga niya at maasikaso. Ang swerte siguro ng asawa at mga anak niya sa kanya. 

“Sasama na po ako sa inyo para ako na ang magdala, nakakahiya naman po sa inyo." 

“Hindi, dito ka nalang muna. Sakto at gising na ngayon si Stygian at naghihintay nalang siya ng pagkain at gamot sa loob. Tinatanong ka niya kanina. Mabuti pang pumasok ka muna sa loob habang hinihintay mo ako dito," saad nito bago ako hinimas sa balikat at tumalikod na. 

Naiwan akong nakatayo dito. I breath out a deep sigh as I turn myself to the door. 

Hindi na ako nagdalawang-isip at agad na pumasok sa loob ng bahay pagamutan. Bumungad sa akin si Stygian na nakahiga sa higaan habang tulalang nakatitig sa bubong. 

“Ang lalim naman ng iniisip mo,” bungad ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon at ngumiti nang makita niya ako. 

I'm so glad that he's okay now. I don't know what to do if ever something happens to him, to anyone of them. 

“Baka mamaya niyang mabaliw ka, sayang naman yang kapogian mo.” biro ko pa. 

Napangiti ako nang bigla siyang tumawa ng marahan. He look cute with that.

Mukha kasing may problema siyang iniisip so I wanted to make him smile even just for a while. Makasasama sa kanya kapag nagpakastress pa siya lalo. 

“Brazinn...  Kamusta? Ayos ka na ba, hindi ka ba nasaktan?” sunod-sunod na tanong nito.

Umiling ako. I was the one who supposed to ask him those questions kasi siya ang napahamak. I walked towards his bed, umupo ako sa upuan na nasa gilid higaan niya. 

“Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo diba? Kamusta yang sugat mo? Masakit pa din ba?” I asked him back. 

“Yeah, medyu masakit pa pero magiging okay din naman ‘to sooner or later. Ang importante safe tayong lahat.” 

Hindi na ako nagsalita at tinitigan ko nalang siya. He's a good person though. A generous person. He deserves a thumbs up. 

“Huwag mo masyadong titigan ang kapogian ko, baka mamaya mahulog ka," mayabang nitong sabi kaya mabilis akong umiwas ng tingin. 

“Baliw,” sigaw ko bago siya pinalo sa tiyan.

“A-ah Aray! Aray,” 

Bigla akong nagpanic nang mamilipit siya sa sakit. Oh gosh, I almost forgot may sugat nga pala siya. How careless of you Brazinn. 

“Oh gosh I'm so sorry, hindi ko sinasadya. I forgot, may sugat ka pala. Pero—ikaw kasi eh, ang yabang mo. May iniisip lang naman ako.”

“A little girl's complaining too much to cover herself up!” he said sarcastically. 

Damn!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status