Share

KABANATA 23

KABANATA 23

“I FINALLY FIGURED IT OUT!” 

Bigla siyang tumayo at winagayway ang papel na hawak niya. Dahil sa ginawa ni Spruce, hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa. I love seeing him like that. Ano kaya ang ibig-sabihin ng code?

“Ano? Anong nabuo mo?” nagtataka kong tanong bago tumayo at lumapit sa kanya. I don’t know exactly how he figured it out but he indeed a genius. Sa idea palang niya na bilangin ko yung letters, it’s a thing only genius people can even do. 

“Come here” saad niya at nilatag ang libro sa higaan niya bago pinagdikit ang papel na sinulatan ko at papel na sinulatan niya. Nagulat ako sa nabasa ko, I covered my mouth with my hands realizing what was exactly written in the paper. “That was a hard riddle, I’m proud that we finally figured things out”

Ang libro ng deriksyon ay hanapin upang ang lagusan ay mahanap!

Hanapin niyo ako at tutulungan ko kayo

(¡Buena suerte!) Good luck 

Until now hindi parin ako makapaniwala sa nabuo namin. Is this for real? “Paano mo nakuha ang ibig sabihin ng codes na yun? Did you solve for it?” 

Ang bobo ko talaga, kahit kaunting idea wala akong nabigay. Ang naitulong ko lang siguro is yung part na nagbilang ako ng letters. Sino ba naman kasing mapapaisip na ganun pala yun? I literally hate numbers and riddles, hindi nga ako nakikinig sa math lessons namin eh. Mas gusto kong magkipag-debate sa mga kaklase ko dati. I like defending things and letting people know what it’s purpose, that is why I chose Philosophy course. My Mom wants me to take a business course before but I refuse, like what I’ve said, I hate numbers. 

“I was figuring it out when I suddenly realize that it was referring to the book itself. The first number indicates the page, the second number which is before the slash is referring to the word and on what paragraph it belongs to. Kung mapapansin mo, ang last number sa bawat set ng numbers is only 1,2 and 3. It is because every pages has only 1 to 3 paragraph. And that’s it” he casually said as if he had done nothing unusually. Like what the fuck? That was a big achievement everyone should be proud of.

“Oh my gosh Spruce I’m so happy” Hindi ko napigilan ang sarili ko at mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. I just want to express my joy because of what he just figured out. Kung siya ang makakasama kong magplano na makaalis dito I’m pretty sure we will succeed. 

“And so do I, Zinn” bulong niya sa tainga ko at niyakap ako pabalik. Ilang sandali pa bago ako bumitaw sa pagkakayap ko sa kanya at umupo ulit sa higaan. 

“Anong sunod nating gagawin?” I asked before I turn myself to the papers and books scattering in Spruce’s bed. Umupo ulit siya sa inupuan niya kanina bago niligpit ang mga gamit. 

“We need to find him or may be her, kailangan nating siyang hanapin kagaya ng nakasulat dito” he said pointing on the paper. I nodded as I stood up to help him. Ilang sandali pa ay naligpit na namin ang mga gamit. Bumalik na kami sa higaan para pag-uusapan ulit ang susunod na Plano. 

“Paano natin siya mahahanap?” pagbasag ko sa katahimikan. 

“Kailangan nating malaman kung kaninong sulat-kamay yan. In that way, we can determine the person behind that code, then we will be able to ask him or her about everything” tumango ako dahil sa sinabi niya. He’s right, kailangan naming malaman kung sino ang nagsulat niyan. Pero paano kung...

“Paano kung patay na ang nagsulat niyang?” I immediately asked.

Umiling naman agad si Spruce na parang siguradong mali ang sinabi ko. I was just thinking, what if patay na nga talaga yung nagsulat niyan? Paano namin malalaman na kung saan makikita yung libro ng deriksyon na sinasabi nya at paano kami makakahingi ng tulong sa kanya?

“I’m pretty sure buhay pa siya” sigurado niyang sabi. Tinignan ko lang siya ng maigi, trying to get more answers. Paano naman siya nakakasigurado na buhay pa nga ang nagsulat niyan? “Nung kinuha ko yan, it was on the first row of the book shelf at hindi nakaayos so ibigsahin kakalagay lang nun doon. That library is not open for everyone, ang mga libro na nakatambak doon ay mga librong para lang sa royal family ng Paradise of Plebeians noong unang panahon” 

Tumango nalang ako at hindi na umalma. Higit na maraming alam si Spruce tungkol sa lugar na ‘to kaysa sa akin kaya susunod nalang ako sa mga suggestions niya. Ilang minuto pa kaming nag-usap tungkol sa Plano bago namin napagtanto na gabi na at dumidilim na ang paligid. Sa sobrang pagfo-focus namin sa pinag-uusapan namin ay hindi na namin namalayan na gabi na. 

“Zinn, kumain na muna tayo bago ka bumalik sa room niyo” saad ni Spruce at hinawakan ako sa likod bago ako inalalayan na maglakad papunta sa pinto ng room niya. 

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kusina kung saan kumakain ang pamilya nina Donya Allura. Mula nung araw na inimbitahan nila kami na kumain doon, araw-araw na kaming doon kumakain. Kung minsan man na hindi kami makakapunta dun para sa hapunan, pinapasundo nila kami dito. I was so happy with that kasi parang tinuturing na rin nila kami na tunay na pamily. Donya Allura and Don Loathur told us that we are now a family. 

Ilang minuto din kaming nalakad bago namin narating ang kusina. Naabutan namin doon sina Donya Allura na nagtatawanan habang kumakain. Siguro ay nagbibiruan na naman sila kagaya ng palagi naming ginagawa. Ilang sandali pa bago nila kami napansin at tumayo si Donya Allura para salubungin kami.

“Oh nandiyan na pala kayong dalawa, hali na kayo at samahan kaming kumain” ngumiti kami pareho ni Spruce.

“Sige po” sagot ko.

Naglakad na si Donya Allura pabalik sa upuan niya. Doon ko lang napansin na nandito na pala si Avierry at Cazsey. Bahagyang naningkit ang mga mata ko nang mapansin ang isang lalaking nakatalikod sa amin habang nakaupo sa upuan. 

“Kain na kayo” lumingon ito at inalok kami na kumain, naka-upo siya sa upuan na madalas kong inuupuan. Teka bakit na naman siya nandito? Nilingon ko si Spruce nang bigla niya akong hinawan sa likod at inakay na maglakad papunta sa upuan. May dalawa pang upuan dito na walang naka-upo —sa tabi ni Stygian at sa tabi ni Tatay Alberto. Uupo na sana ako sa tabi ni Stygian nang pinaghilaan ako ni Spruce ng upuan sa tabi ni Tatay Alberto.

“Dito ka na maupo Zinn” saad nito at inalok ako na maupo. Nagtataka parin ako pero hindi na ako umalma. He usually sat here, madalas siyang nakaupo sa tabi ni Tatay Alberto at ako naman sa inuupuan ni Stygian. 

Naglakad si Spruce papunta sa deriksyon ni Stygian at doon naupod. Tumingin ako kay Stygian at nakita ko siyang nakangiti kaya nginitian ko na din siya. Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Spruce nung nakaraan.

“I want you to distance yourself from Stygian” 

“Ayaw ko lang na mapahamak ka dahil sa kanya. Nakita ko kanina ang masamang tingin ni Fetisha sayo, pwede ka niyang pag-initan kapag naging malapit kayo ni Stygian sa isa't isa. Ayaw kong gawin niya din sayo ang ginawa niya sa Anak ni Donya Allura”

“Mas Lalo tayong mahihirapan na makaalis dito kapag pinagtuunan ka ng pansin ni Fetisha

I gulped upon remembering those. 

“Saan ba kayo galing dalawa huh? Bakit buong araw namin kayong hindi nakikita?” biglang binasag ni Avierry ang katahimikan sa tanong na yun. Naalala ko na hindi na pala kami nagkita after naming mag breakfast kanina dahil pumunta ako kay Spruce.

“Hayaan mo na at masolo muna nila ang isa’t isa” panunukso pa ni Tatay Alberto. 

“Duda lang talaga ako ah” sumabat na din si Cazsey. 

Wtf? Anong akala nila, nagdate kami ni Spruce? Para malaman niyo, may pinaplano lang po kami ni Spruce. Gosh, why so malicious guys? Tinignan ko sila ng masama bago bumaling kay Spruce, I saw him smiling. “May ginawa lang po kami” saad niya.

“Yun naman pala eh, may ginawa lang daw?” diniinan pa ni Avierry ang pagkakasabi ng ‘may ginawa lang’

“Hoy huwag kayong malisyoso’t malisyosa!” bigla akong sumabat para ipagtanggol ang sarili ko.

“Wag niyo na daw silang pakialaman” Ang kaninang nananahimik na si Don Loathur ay nakisali na din. Bigla silang nagtawanan lahat kaya tumawa na din ako. Sino ba kasing mag-aakalang ang seryusong si Don Loathur makikisabay sa panunukso sa amin ni Spruce? Tawa kami ng tawa lahat nang biglang may tumikhim kaya napahinto kami. 

“HMM HMM” it was pretty obvious that it was a force cough, doon ko lang napansin na si Stygian lang ang hindi tumatawa sa aming lahat. “Pasensya na”

Tuluyan nang naputol ang tawanan namin dahil dun. Parang may dumaang anghel dahil sa sobrang tahimik namin. Yumuko nalang ulit ako bago nagsimulang kumain. 

“Tol, bakit ka pala nandito? Hindi ka ba hinahanap ng mapapangasawa mo? Baka kasi mamaya sumugod dito si Fetisha” umangat ako ng tingin at tinignan si Spruce. That was a harsh question. 

Ngumiti si Stygian bago hinarap si Spruce. “Hindi niya alam na nandito ako, tumatakas lang talaga ako. Hindi naman niya kailangang malaman kung saan ako pumupunta, kung sino ang nakakasama ko o kung anong ginagawa ko. Sa takot lang niya na iwan ko siya.” 

Halata ang yabang sa bosis ni Stygian. Hindi ako naniniwala, nakita ko kaya kung paano siya sumunod kay Fetisha na parang asong tinatawag ng amo nung sinundo siya nito sa kalagitnaan ng pag-uusap namin. 

“Oo nga naman” Spruce chuckled. 

Kumain na ulit kaming lahat. Hindi narin kami nagtagal dahil gabi na. Kailangan ko ding umuwi ng mas maaga sa room namin dahil babasahin ko pa yung libro na binigay sakin ni Spruce. Nagpa-alam na kami kay Donya Allura, kay Don Loathur at kay Tatay Alberto. Si Cazsey at Avierry ay nauna nang bumalik sa room namin, hindi ko alam pero parang palaging busy ang dalawang ‘to this past few days. Si Stygian naman ay nagmamadaling umalis, nagulat mga kaming lahat nang bigla siyang magpaalam na umalis. Siguro may emergency or something. 

“Hindi na muna kita mahahatid, Zinn... may titignan lang ako sa library.” pagpapa-alam ni Spruce. 

Tumango ako at nginitian siya. “Sige, ingat” 

Ngumiti din siya bago bahagyang humakbang palapit sa akin. Sumagi tuloy sa isip ko yung ginawa niya nung nakaraang gabi. “Goodnight, Zinn” 

“Goodnight” 

Naglakad na ako papunta sa room namin. Sobrang tahimik ng paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang ihip ng hangin at ang huni ng mga insekto. Habang naglalakad ay may naramdaman akong kakaiba. I feel like... Someone is looking at me. Kung hindi ko pa nakukwento sa inyo. Ang mga rooms dito ay parang bahay na —isa-isa at nakahiwalay sa mismong bahay kung saan nakatira sina Donya Allura. It’s all the same. Ang room namin ay nasa pinakadulo kaya tahimik, unlike sa room nila Spruce na maraming katabi. 

Naramdaman kong parang may tao sa likod ko at biglang tumayo ang aking mga balahibo. Bahagya akong huminto at lumingon para tignan kung ano yun nang makita ko ang isang itim na pusa na nakatingin sa akin. Gosh, pusa lang pala. Tumalikod ulit ako para ipagpatuloy ang paglalakad nang bigla akong may nakitang anino mula sa puno na nasa gilid ng room namin. Bahagyang naningkit ang mata ko dahil dun, what the hell sino yun? 

Umiling ako at dumiritso na sa paglalakad. Binilisan ko ang paglalakad para mas mabilis akong makarating sa room namin. Ilang sandali pa ay nakarating na ako kaya mabilis kong pinihit ang door knob ng room namin. Pero bago ko pa yun tuluyang mabuksan ay may tumakip sa bibig ko at humila sa akin palayo. Pilit ako sumisigaw pero hindi ko magawa. Wtf is going on? Sobrang higpit ng pagkakagapos niya sa akin kaya hindi ako makagalaw.

SPRUCE I NEED YOUR HELP!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status