KABANATA 10
"Bilisan niyo, nandito si Fetisha!"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Spruce. "Seriously? Ano'ng ginagawa niya dito?" saad ko.
Bigla ako'ng may naramdamang kakaiba, feeling ko hindi maganda 'to. Akala ko nakatakas na ako kay Fetisha 'nong tinapon nila ako dito then why is she here?
"Nasa labas na lahat at kailangan daw tayong makausap ni Fetisha." saad niya.
Biglang humakbang palabas ng pinto si Cazsey. "Ma-uuna na ako sa inyo." saad niya at naglakad palabas ng Bahay na para'ng nagmamadali.
Naiwan kaming dalawa ni Spruce dito. Tinignan ko siya, may pag-aalala sa mukha niya. "Anong problema, bakit parang takot na takot kayo?" I asked.
Lumapit sa akin si Spruce at hinawakan ako sa kamay. Kumunot ang noo ko dahil naguguluhan parin ako, Fetisha is not a harmful person based on how she deal with me kaya bakit parang takot na takot sila?
"Kapag pumupunta si Fetisha dito may kinukuha siya'ng tao at hindi na nakakabalik dito." He uttered.
Pagkatapos ng sinabi ng Spruce, nagmamadali kami'ng pumunta sa labas. Hindi ko nalang namalayan na nasa harap na kami ng bahay. Lahat ng mga tao nagkukumpulan at nagtitipon-tipon. Kinaladkad ako ni Spruce papunta sa gitna. Nakipagsiksikan kami hanggang sa makarating kami sa harap. There I saw Avierry and Cazsey standing, lumapit sila sa amin.
"Magandang araw sa lahat, nawa'y lahat ay nandito na at wala'ng sino man ang hindi dumalo."
Tumingala ako kay Fetisha na naka tayo sa itaas ng malapad na bato. Nasa tabi niya sina Varun at Tycun. Hinanap ng paningin ko ang lalaki'ng dapat ay kasama din nila. Bakit wala siya dito?
Bigla'ng sumigaw si Fetisha. "MGA KAWAL!"
Lumapit sa kanya ang dalawang lalaki na naka bahag. Marahang yumuko si Fetisha tinakpan niya ang bibig niya at may binulong sa lalaki. Nakita kong tumango ang lalaki at naglakad sila'ng dalawa paalis. Umayos ng tayo si Fetisha. Nakasuot siya ng puting bestido na hanggang paa ang haba at may scarf na kulay puti din na nakatakip sa ulo niya.
Sobrang ganda ni Fetisha na halos lahat ng nilalang ay mabibighani sa kanya. Nakita kong tumingin siya sa akin kaya tinitigan ko lang siya deritso sa mata niya.
"Zinn, huwag ka'ng tumingin kay Fetisha, yumuko ka." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Spruce. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita kong lahat ng tao dito ay naka yuko, even Avierry, Cazsey and Spruce. I realized na ako lang ang nakatingala at nakatingin kay Fetisha. "Hindi tayo pwedeng makipag eye-to-eye contact sa kanila dahil ang ibig sabihin 'nun sa kanila ay kawalang galang." Spruce whisperer.
Hindi ko pinansin si Spruce at patuloy lang sa pag titig kay Fetisha. Hindi na siya ngayon nakatingin sa akin kaya sinundan ko ang tingin niya. Nakita ko ang isang matandang lalaki'ng ginagapos ng dalawa'ng kawal. Dinala nila ito sa tabi ni Fetisha. Pilit na kumakawala ang matandang lalaki sa pagkakahawak ng dalawa'ng kawal pero hindi siya maka wala.
"Makinig kayo'ng lahat." Fetisha uttered with authority. Nakita kong umayos ng tayo ang lahat at tumingala kay Fetisha. "Tignan ninyo ang lalaki'ng ito na nasa harapan." tinuro niya ang matandang lalaki'ng nakagapos at nakaluhod sa tabi ni Fetisha habang umiiyak.
Nanlumo ako dahil sa awa'ng nararamdaman para sa matandang lalaki na nasa harap. Hindi manlang ba naaawa si Fetisha sa kanya. He's old enough to be treated like this.
"Marahil alam ninyo'ng lahat na ayaw kong may nagtatago o hindi dumadalo sa tuwing napaparito ako at may gaganaping pagpupulong." Pagsisimula niya at humakbang paharap. "Nandito ako ngayon upang utusan kayo na mangaso sa Gubat dahil ang aking alaga'ng Sigbin ay wala nang makain at hindi maaaring magutom iyon."
Nakikinig ako'ng mabuti sa sinasabi ni Fetisha. Pumasok sa isip ko ang tungkol sa Sigbin na nabasa ko sa libro na bigay sa akin ni Spruce at kung ano'ng pwedeng gawin nito pag ginutom. Hinawakan niya sa ulo ang matandang lalaki'ng nasa tabi niya at sinabunutan para tingalain siya. "Ngunit ang lalaki'ng ito ay boluntaryo at kusa'ng loob na inalay ang sarili na maging pagkain ng aking alaga sa pamamagitan ng hindi pag dalo sa pagpupulong." she casually uttered.
Wtf, is she serious? Ang matandang lalaking yan ang ipapakain niya sa Sigbin? "Seyuso ba siya?" Hindi ko namalayan na nagsasalita na pala ako.
"Oo, that's why we're all in a hurry earlier dahil ayaw ni Fetisha na may nagpapaiwan sa loob sa tuwing nagpapa meeting siya." Spruce whisper.
"TAHIMIK!" bigla ako'ng nagulat nang sumigaw si Fetisha. Tinignan ko siya at bigla kumabog ang d****b ko nang makita ko siyang galit na nakatingin sa amin ni Spruce. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong lahat ay nakatingin sa amin kaya yumuko ako.
"IKAW BABAE!" nanlaki ang mata ko dahil sinabi niya kaya tumingala ako para siguraduhin kung ako ba talaga ang tinatawag niya. Tinuro ko ang sarili ko para itanong kung ako ba ang tinatawag niya. "Oo ikaw nga, lumapit ka dito."
"Z-zinn?" nababakas ang pag-aalala sa bosis ni Spruce. I tap his shoulder and mouthed 'no, it's okay'
Lumapit sa akin ang dalawa'ng lalaki, bahagya silang lumapit sa akin para hawakan ako sa balikat but I refused."Kaya kong maglakad mag-isa." I protested.
Deritso lang akong naglakad palapit kay Fetisha, hindi ko inalis ako tingin ko sa kanya. I don't want her to think na natatakot o kinakabahan ako. Huminto ako sa harap ng lalaki na nasa harapan niya.
"Bakit?" I sarcastically said.
Ngumisi lang si Fetisha at tinitigan ako."Hindi mo ba alam na ayaw ko ng maingay habang nagsasalita ako dito sa gitna." saad niya. Sino nagsabing may pakialam ako? HAHA, matapang lang naman siya kasi halos lahat ay takot sa kanya. Oh please Fetisha ibahin mo ako.
Tinitigan ko lang siya."Hindi ko alam, bago ako dito." I said. Nakikipag plastikan ako sa kanya kasi alam kong wala ako sa posisyon ngayon at kailangan kong magtimpi.
"Marahil bago ka ngunit hindi 'yun rason para mag-ingay ka habang nagsasalita ako dito." saad niya at nilapitan ako. Tinaas niya ang kamay niya at hinawakan ako sa mukha. Naramdaman kong inipit niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Hindi ako gumalaw at tinitigan lang siya."Alam mo ba'ng kabastosan iyon?" dagdag pa niya.
Napa-awang ang bibig ko nang marahas niya'ng hawakan ang buhok ko at mahigpit na hinila pababa na dahilan para marahan ako'ng mapatingala. Hindi ako umalma dahil alam kong wala ako sa posisyon. P*****a gusto Kong pumatay ng tao, pigilan niyo ako. Naramdaman kong nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko.
"Hindi ko kailangan ng ka kompetensya sa Paraisong ito, itatak mo iyan sa utak mo." Bulong niya sa tenga ko, nilayo ko ang mukha ko sa kanya pero mas lalo niya'ng hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pakalmahin ang sarili ko. Gusto'ng gusto ko siya'ng sampalin at sabunutan dahil sa ginagawa niya pero alam kong talo ako dahil may mga kasama siya at wala ako sa posisyon para lumaban.
"Ano ang iyong pangalan?" tanong niya.
"Brazinn" I Whisper.
Bigla niya akong binitawan kaya muntik na ako'ng malaglag mula sa malapad na bato na pinapatungan ko. Dahan-dahan ko siya'ng nilingon at tinitigan ng masama.
"Hindi ba't alam ng lahat na ayaw ko ng ingay sa tuwing ako'y nagsasalita dito sa harap". pagtatanong niya at binalingan ang mga tao na nasa harap namin. I rolled my eyes in disgust, as if I care Fetisha.
"Opo Seniora" sagot ng mga taong uto-uto na nasa baba. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Spruce na nakatingin lang sa akin, gayun din si Avierry at Cazsey, bakas ang pag-aalala sa mga mata nila. Alam kong kaplastikan lang ang ginagawa nilang lahat dahil takot din sila kay Fetisha.
"Bigla'ng kaparusahan, sayo naka taya ang buhay ng lalaki'ng ito." Saad niya at tinuro ang lalaki na nasa gilid lang namin habang umiiyak, nakakaawa siya. "Sayo nakasalalay ang buhay ng lalaki'ng ito". Dagdag pa niya.
Bigla ako'ng nakaramdam ng saya dahil sa sinabi niya. Kung ako ang tatanungin wala ako'ng ibang hihilingin kung hindi ang pakawalan niya ang matandang lalaki. Ayokong nakikita na may kinakaawa'ng tao lalo na kapag walang kalaban-laban ito. "Hayaan mo siya." saad ko.
Humakbang ako palapit sa matanda'ng lalaki. Lumuhod ako at hinawakan siya sa balikat. Tinignan ko siya at nakita kong may dugo siya sa gilid ng labi. "Tumayo na po kayo Tay".
Ramdam ko ang hindi pag sang-ayon ni Tatay dahil parang ayaw niyang tumayo. Pinilit ko siya."P-pero?"
Umiling ako. "Hindi Tay tumayo po kayo,ako po ang bahala." madiin kong sabi. Ilang segundo lang ay naramdaman kong tumayo na siya ng dahan-dahan.
"Hindi kasing dali ng inaakala mo Brazinn." narinig kong ani ni Fetisha at lumapit sa amin. "Tumayo ka Diyaan." she added.
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pag-alalay kay Tatay. Kailangan kong mailayo dito si Tatay dahil hinang hina na siya. Tutulungan ko siya hanggang sa makakaya ko. Bakas sa mukha ni Tatay ang takot.
"Hayaan mo nalang ako Ija, kasalanan ko kung bakit ako n-nandito. M-matanda na ako at handa na akong mamatay, hayaan mo nalang ako kung ang kapalit ng b-buhay ko ay ang buhay ng isang n-napakabait na bata'ng k-kagaya mo." nanginginig na saad ni Tatay, It almost melt my heart.
Umiling ako, "No Tay, ililigtas Kita, tiwala lang po."
"ANG SABI KO, TUMAYO KA!" bigla'ng sumigaw si Fetisha pero hindi ako nagpadala sa takot at dahan-dahan na hinawakan si Tatay sa kamay. Alam kong galit na si Fetisha base sa tono ng bosis niya pero hindi ko pababayaan si Tatay. Simula noong bata pa ako tinuruan ako nila Lola, lolo at Mama na respituhin ang mga nakatatanda at kung maaari huwag silang hayaan na mahirapan dahil matanda na sila.
"Sandali lang Tay ah, babalikan kita." saad ko at tinapik sa balikat si Tatay at tumayo para harapin si Fetisha.
"Huwag mo'ng ubusin ang pasensya ko." saad niya at pinandilatan ako ng mata. Inirapan ko lang siya.
"Ang sabi niyo, sa akin nakasalalay ang buhay ng lalaki'ng ito... ang nais ko ay pakawalan niyo siya." seryuso kong sabi.
Bigla'ng tumawa ng madiin si Fetisha na parang demonyo. Humagikhik din si Varun at Tycun para sabahayan siya. "At sa tingin mo, ganun lang ka dali 'yun? Bibigyan kita ng pagkakataon na mailigtas ang buhay ng lalaki'ng 'yan ngunit ang kapalit ay sampong buhay na baboy ramo." she said then step forward to me.
Dahil sa sinabi niya, nakaramdam ako ng pag-asa para kay Tatay. He deserves second chance. "Papayag ako pero pakawalan mo muna siya." saad ko at lumapit sa kanya pero umiling siya.
"Papakawalan ko lamang siya kapag nilabanan mo ang kapatid ko at natalo mo siya... Ngunit kapag natalo ka ay dalawa kayo ng lalaki'ng iyan ang gagawin kong pagkain ng aking alaga." dahil sa sinabi niya napaisip ako.
KABANATA 11Tinignan ko si Tatay na umiiyak na ngayon. Hindi ako papayag na mamamatay siya nang walang laban. Nakakaawa siya, tao siya at hindi hayop na ipapakain sa Sigbin. Huminga ako ng malalim at humakbang palapit kay Fetisha."Lalabanan ko ang kapatid mo, pakawalan mo lang siya." I uttered.Ngumisi lang siya. "Alalahanin mo na kapag natalo ka sa laban ninyo ay kayo'ng dalawa ng lalaki'ng iyan ang mamamatay."Bakas sa mukha ni Fetisha ang pagiging seryuso sa sinasabi niya at walang bahid ng biro. Umiling ako "Hindi ako papayag..." I started. Nilapitan ko si Tatay at inalalayan na makatayo. Humihikbi siya at nanginginig, ramdam ko ang kaba na nararamdaman niya. Ililigtas ko siya kahit ano'ng mangyari. "Hali ka Tay." Saad ko at ngumiti. Bakas sa mukha niya ang pag-asa which almost melt my heart in so much flatter.Nang makatayo na siya ay inalalayan ko siya'ng magla
KABANATA 12"Masyadong ka'ng maganda to be a punching bag." he Chuckled that confused me, wtf did he just say? Marunong siya mag english? "Mas bagay sayong maging asawa ko." he added.Dahil sa sinabi siya para akong may katabing multo na biglang nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Siya, magiging asawa ko? For pite's sake, no! That's cringe asf!"HELL NO, ASSHOLE!" I uttered.Biglang tumikhim si Fetisha kaya tumingin ako sa kanya at nakita kong kinakausap niya ang isa sa mga kawal. Inikot ko pa ang paningin ko at ngayon ko lang naalala na halos lahat ng tao nakatingin sa amin.Naglakad si Fetisha palapit sa amin at masama ang tingin niya sa akin. Bumulong siya kay Stygian sa malanding paraan, wala akong narinig dahil mahina ang bosis niya pero tumango lang si Stygian.Tumalikod na si Fetisha at naunang naglakad papalayo. Naramdaman ko nalang na&
KABANATA 13Tumango lang silang tatlo at nagkwentuhan na kami. Kahit may part sa akin na malungkot parin dahil sa panaginip ko, I still feel the love from them. Kahit wala sila Zach at Mom, I felt like I'm still complete.Hindi na namin napansin ang oras at hindi kalaunan ay tinawag kami ni Tiya Brenda na kumain. Nagulat kami dahil ngayon lang nila kami niyaya dahil kadalasan ay kami-kami lang din ang magkasamang kumakain.Si Tiya Brenda ang kanang kamay ni Donya Allura ayun sa sinabi sa akin ni Spruce. Sinamahan niya kami na para sumabay na kami sa kanila na kumain dahil magkakaron daw ng pagpupulong pagkatapos.Habang naglalakad kami papunta sa loob ay napansin ko ang mga matang nakatingin sa amin. I was confuse kaya kumunot ang noo ko, pagpasok palang namin sa pinto sinalubong na agad kami ng dalawang magagandang babae na malapad ang ngiti na nakatingin sa amin.&nbs
Chapter 14Kahit hindi ko gustong magsasalita habang kumakain ay hindi ko nalang namalayan ang sarili ko dahil sa sinabi ni Ginang Allura.“Paano mo nalaman ang tungkol sa Sigbin Ija, diba bago ka lang dito?”Halata ang pagtataka sa mukha ni Donya Allura habang tinatanong ako. Bigla kong naisip na siguro hindi nila inaasahan na alam ko ang tungkol 'don dahil ilang araw palang ako dito.“Oo nga Brazinn, paano mo nalaman ang tungkol sa Sigbin?” dagdag pa ni Avierry.Habang nag-iisip ng sasabihin ay nagkunwari akong may nginunguya sa loob ng bibig ko.“Hmm Naba—”Magsasalita na sana ako nang biglang sumabad si Spruce...“Naikwento ko kanya ang tungkol doon, kagabi bago siya matulog ay tinanong niya ako tungkol doon at kung bakit kinakailangan ni Fetisha na
KABANATA 15SOMEONE'S POVSobra akong nag-aalala sa kanya kanina nang makita ko siyang himatayin at bumagsak sa lupa.Maingat akong naglalakad papunta sa Room nina Brazinn. It's kinda late already.I know it's kinda weird but this was the only way I know to visit Brazinn and check her if she's okay without anyone knowing.She need me tonight.I badly wanna talk to her more than just a friend, I wanna confess to her.Kaswal lang ako na naglalakad patungo sa room nila para kung sakali man na may makakita sa akin, hindi maghihinala.Sobrang tahimik ngayon ng paligid at ang tangi ko lang naririnig ay ang ungol ng aso at ang huni ng mga Ibon.Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nasa harap na ako ng room nila.N
KABANATA 16BRAZINN'S POV“Tara na habang maaga pa”, saad ko at inangat ang bag na may lamang gamit para sa pangangaso.“Tara!” agad naman na sumagot si Spruce.Tumayo na ako at nagsimulang humakbang papunta sa pinto ng room namin. We're currently here in the stockroom of Servant Quarters. Donya Allura offered us to use everything we will be needing. Maraming mga gamit dito na ayun kay Donya Allura, gamit ng mga kawal para sa digmaan.Karamihan dito ay mga ispada, sibat at Pana. Hindi man ako marunong ng mga ito pero nagdala ako ng ispada, Pana at sibat na gagamitin kung sakali man na may umatake sa amin sa loob ng gubat ayun sa sabi ni Donya Allura.FLASHBACK“Kung sakali man, mag-ingat kayo sa loob ng gubat sapagkat may nagbabantay doon na galing sa ibang Hanay. Nagiging mahigpit sila sa g
KABANATA 17Hindi ko namalayan ang pagtayo ni Spruce nang narinig niya ang kaluskos ng dahon mula sa lugar na may kumalabog kanina.Pigil-hininga ko itong sinundan ng tingin and to my surprise bumungad sa akin ang tatlong baboy ramo. Nakita kong gumalaw si Cazsey at Spruce, pomusisyon sila at nagbabadyang tirahin ito. Si Cazsey ay sibat ang gamit habang si Spruce naman ay pana.Tinitigan ko sila bago binalik ang tingin sa mga baboy ramo na naglalakad. Tatlo sila and I know kapag pinana at sinibat yan ni Spruce at Cazsey dalawa lang ang tatamaan at makatakas ang isa. I need to do something.Nakita kong lumingon si Spruce kay Cazsey kaya palihim kong inayos ang arrow ng pana ko. Ilang sandali pa ay pinosisyon na ni Spruce ang pana at sinisinta ang target, ganun din ang ginawa ko.Tinaas ni Spruce ang kamay niya at nagbilang ng tatlo gamit ang mga daliri 
KABANATA 18Czar’s POV“Manok lang pala” saad ko bago kinamot ang ulo.Nasaan na ba ’yong si Señorita Brazinn, lagot talaga ako kay Señora Teresa pag tumakas ‘yong apo niya na yun. Bawal pa naman siyang lumabas ng mag-isa. Hay nako.Tumalikod nalang ako at nagsimulang humakbang pabalik sa bahay nang bigla kong napansin ang isang bagay na nasa lupa. Yumuko ako bago ito pinulot.Teka ano to? Nagtataka kong tinitigan ang keychain na may nakasulat na Brazinn.“Teka kay Señorita ‘to?” bulong ko.Bigla ako akong naghinala. Bakit ito nandito eh hindi naman pumupunta dito si Señorita at tsaka masyado nang masukal dito at imposibleng pupunta siya dito nang mag-isa.Habang nag-iisip bigla kong naalal