Share

KABANATA 14

Chapter 14

Kahit hindi ko gustong magsasalita habang kumakain ay hindi ko nalang namalayan ang sarili ko dahil sa sinabi ni Ginang Allura. 

“Paano mo nalaman ang tungkol sa Sigbin Ija, diba bago ka lang dito?”

Halata ang pagtataka sa mukha ni Donya Allura habang tinatanong ako. Bigla kong naisip na siguro hindi nila inaasahan na alam ko ang tungkol 'don dahil ilang araw palang ako dito.

“Oo nga Brazinn, paano mo nalaman ang tungkol sa Sigbin?” dagdag pa ni Avierry. 

Habang nag-iisip ng sasabihin ay nagkunwari akong may nginunguya sa loob ng bibig ko. 

“Hmm Naba—”

Magsasalita na sana ako nang biglang sumabad si Spruce...

“Naikwento ko kanya ang tungkol doon, kagabi bago siya matulog ay tinanong niya ako tungkol doon at kung bakit kinakailangan ni Fetisha na pakainin yun ng hilaw na laman ng tao o hayop", saad nito habang nakatingin kay Ginang Allura.

Kumunot ang noo ko dahil ang sinabi niya ay isang kasinungalingan. Nakatingin parin siya kay Ginang Allura at kay Tatay Alberto. 

Sinubukan kong agawin ang atensyon niya para tanungin siya tungkol doon pero hindi siya tumitingin sa akin. 

Tinitigan ko lang  siya at hinintay nasulyapan  ako. 

Hindi kalaunan ay tumingin siya sa akin at ngumuti. Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya na parang may tinuturong kung ano sa ibaba.

Sinundan ko ang tingin niya. Dahan-dahan kong binaba ang tingin ko sa kamay niya.

Nakita ko ang kutsara niya na naka cross. 

Doon ko lang na-realize ang ibig niyang sabihin, he don't want me to tell them about such thing as the book he gave me.

“Opo, nakwento sa akin yan ni Spruce kagabi", dagdag ko pa bago ngumiti. 

Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ni Ginang Allura, ang kaninang nagtataka ngayon ay nakangiti na. 

“Ganun ba? Nais kong dagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa mga bagay na iyan sa kailangan nyong maging maalam tungkol sa mga bagay-bagay dito sa Paraiso de Inferno" 

Habang nagsasalita si Ginang Allura ay hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. She speaks like a professor who wants us to learn from her lessons to tell. 

“Kinagagalak po naming pakinggan Ang inyong pagbabahagi ng inyong kaalaman tungkol sa Paraiso de Inferno sapagkat kami, Lalo na ako ay kakaunti palang Ang nalalaman”, seyuso kong saad.

Ngumiti si Ginang Allura at bahagyang tumango bago pinunasan ang gilid ng labi nito at umayos ng Upo. 

“Tungkol sa Sigbin, ito ay isang uri ng hayop kung saan hawig ng aso, ang pagkain nito ay hilaw na karne ng tao o hayop..." pagsisimula nito.

Hindi na ako kumain ulit at nakinig ng mabuti kay Ginang Allura. 

Binalingan ko ng tingin si Spruce na halatang alam na ang sinasabi ni Ginang Allura. 

Si Avierry naman ay halatang nakikinig at hinihintay ang susunod na sasabihin ni Ginang Allura. Habang si Cazsey naman ay nakayuko lang habang abala sa pag ayos ng pagkain niya nasa plato nito.

“Ang ibang pamilya, Lalo na ang mga taong nasa mataas na antas ng lipunan kagaya ng mga Ha*i at Reyna ay nag-aalalaga ng Sigbin bilang alaga'ng hayop. Nagsisilbi nila itong tagaprotekta at sila lamang ang nakakakita dito... Ngunit, pagdating ng araw na nakaramdam ng gutom ang mga sigbin ay walang awa nitong uubosin ang pamilya ng nagmamay-a*i sa kaniya. Isang rason yan kung bakit ang paghahanap ng ipapakain dito ay mahalaga”

Ang paraan ng pagsasalita ni Ginang Allura ay nakakatakot. 

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil nabasa ko na lahat ng iyon sa librong binigay sa akin ni Spruce. 

Nakita kong nakatingin sa akin si Tatay Alberto kaya ngumiti ako dito.

“Paano niyo po nalaman lahat ng  'yan Ginang Allura?”, nagtatakang tanong ni Avierry.

Nakita kong bumuntong-hininga si Ginang Allura dahil sa tanong ni Avierry kaya nagtaka ako. 

Ilang sigundo pa ang nakalipas ay hindi parin nagsalita si Ginang Allura at halata ang biglang pag-iba ng ekspresyon niya. 

“Maroon kaming alagang Sigbin noon, noong hindi pa nasakop ni Fetisha ang Paradise of Plebeians at kami pa ang hari at Reyna dito”

Lahat kami ay bumaling kay Ginoong Loathur nang bigla siyang magsalita na parang may kinikimkim na sakit.

“Ano pong nangyari?”, nagtataka kong tanong. 

Ngumiti siya ng mapait, “Nakaranas kami ng kakulangan sa tao at sa kayamanan, napansin iyun ni Fetisha at nakakita siya ng pagkakataon na tuluyan kaming malikop. Noong mga panahon na 'yon ay naging magulo ang buong Paradise of Plebeians... nais ni Fetisha na gawin kaming alipin” 

Nakikita ko ang pagtatangis sa mga mata ni Ginoong Loathur habang sinasabi niya iyon.

Paunti-unting namumula ang mukha nito at nakatingin sa malayo. Sinundan ko ang tingin niya at doon ko lang napagtanto na kay Ginang Allura siya nakatingin.

Habang tinititigan ko si Ginang Allura ay napansin ko ang luha na paunti-unting namumuo sa gilid ng mga mata niya. 

What's wrong with them?

“Habang inaalipin kaming lahat ay nawalan kami ng kontrol sa mga tauhan namin, maging sa pagpasok sa gubat ay pinagbawalan kami. Hanggang sa isang araw nakaramdam na ng gutom ang alaga naming Sigbin... sinubukan niya kami'ng patayin lahat ngunit nakaligtas kaming dalawa ni Allura, nakaligtas man kami ngunit ang dalawa naming anak na babae ay namantay”

Tuluyan nang bumagsak ang luha mula sa mga mata ni Ginoong Loathur, gayun din kay Ginang Allura kaya mabilis akong tumayo at inalalayan siya. 

Ramdam ko ang pagtaas-baba ng balikat niya dahil sa pag-iyak nito. 

“H-HAYOP SI FETISHA!!” galit na sigaw ni Ginang Allura at mas lalong lumakas ang pag-iyak nito. 

“Tahan na po Ginang Allura... tama na po iyan, malulungkot ang anak ninyo kapag nakikita kayong umiiyak” saad ko at marahang tinapik siya sa likod.

Ilang minuto pa ay Tumahan na si Ginang Allura. 

“Alam mo ba kung bakit nais ni Fetisha na alilain kami? Kung bakit niya gustong masakit ang Paradise of Plebeians at mapasakamay niya?”, seryusong saad nito. 

Tumawa siya ng mapait bago tumayo.

“Dahil lang sa nalaman niyang may gusto ang isa sa mga anak ko na si Glamouria sa matalik na kaibigan nitong si Prensepe Stygian. Nakatakda silang magpakasal dahil 'yon ang nais ng mga magulang nila ngunit walang gusto sa kanya si Spruce 'nong una. Ayaw ni Fetisha na may umaangkin sa kung anong sa kaniya. Dahil sa kanya namatay ang dalawa ko'ng anak”

Ramdam ko ang galit ni Ginang Allura habang sinasabi niya ang mga salitang 'yo sa amin. 

Ganun ba ka territorial si Fetisha pagdating sa lalaking 'yon? 

“Kinamumuhian ko si Fetisha maging ang lalaking iyon, kung Hindi dahil sa kanila Sana ngayon kasama ko pa sila”, kalmado namang saad ni Ginoong Loathur habang pinupunasan ang luha. 

“Alam mo na Ija, parehong  pareho kayo ng anak kong si Glamouria laya 'nong una palang kitang nakita ay namangha na ako sayo. Pareho din kayong matapang at makatao” saad ni Ginang Allura na nagpangiti sa akin.

It's a real pleasure for me to know that someone remember someone because of my presence.

I smile as a hugged her. 

“Kung nasaan man ngayon ang mga anak ninyo ay ay sigurado ako na masaya sila”

Hindi na siya nagsalita at ngumiti nalang sa akin. 

Hindi ko alam kung bakit pero paunti-unting namumuo ang likido sa gilid ng mata na nagbabadyang tumulo.

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nila. 

I, myself how to long for someone for such a long time. Lumaki ako na hindi manlang nakilala ang totoo kong Ama. I longed for a father image, I get insecure everytime I saw those who have father. 

I always ask myself, ano kaya sa pakiramdam na kumaking may Ama na kasama. Yung may kaisa-isang lalaki na hinding hindi ka sasaktan at poprotektahan ka sa ano mang bagay. 

My Mom told me before that my biological father died when I was 5 months inside her womb.

Bigla akong nakaramdam ng pangungulila, I miss Mom. I wanna hug her right now and thank her for being there always, I also want to say sorry for being a big  dumb who skipped home without her permission.

Humakbang ako palapit kay Ginang Allura upang mapantayan siya. 

“Pwede ko po ba kayong yakapin?”, I gulped as I say those. 

Gusto ko siya'ng yakapin just so she could feel the presence of her dead child, if that's the least I can do.

Hindi ko na hinintay na sumagot siya at agad na niyakap siya ng mahigpit kasabay ng tuluyang pagtulo ng luha ko, I miss my Family. 

“Sana maramdaman niyong muli ang yakap ng anak niyo sa pamamagitan ng yakap ko”, saad ko at hinimas niya sa likod. 

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin at ang pagtaas-baba ng balikat niya. 

“Maraming salamat Ija”

Napangiti ako nang maalala ang higpit ng yakap ni Mom sa akin, she's always hugging me like her own human sized Stufftoy.

I had a strong reason why I should work hard to get out of this place, my Mom is waiting for me to come home and she's surely worried about me.

Habang nakayakap kay Ginang Allura ay tumingin ako kay Spruce na nakatingin lang din sa amin habang nakangiti. 

Tumango siya sa akin kaya ngumiti ako. I remembered Zach because of him, Zach must literally worried about me.

“Pwede ba akong sumali?” ...

Napahinto ako nang marinig ang bosis ni Ginoong Loathur mula sa gilid. Nilingon ko siya at nakangiti na lumalapit sa akin.

Napangiti ako dahil sa ginawa niya, he hugged me and Ginang Allura tightly. I felt like I'm hugging my Mom and Dad. 

“Hmm hmmm” bigla namang may tumikhim mula sa likod kaya bahagya kaming humiwalay sa isa't isa…“Pwede din ba kaming sumali?” 

Tumawa kami'ng lahat dahil sa sinabi ni Tatay Alberto, he looks cute with his pouty lips. 

“Hindi po pwede eh, usapang pamilya po 'to” pagbibiro ko. 

“Ganun ba? Sige kami nalang ang magyayakap dito”, seryusong saad ni Tatay Alberto at niyakap si Spruce.

“HAHAHAHA” Bigal akong humagalpak ng tawa nang makita ang reaksyon ni Spruce. Para siyang na yelo na hindi makagalaw. 

Halatang hindi siya sanay na yakapin ng ibang tao base sa reaksyon niya na parang hindi makapaniwala. 

Lahat kami ay tumawa nang mapansin ang reaksyon ni Spruce. Ang buong paligid ay napuno ng tawanan. 

“Hali kayo rito, huwag na kayong mahiyang sumali, simula ngayon pamilya na tayo?” Saad ni Ginoong Loathur na nakangiti.

“Tara na daw!” 

Mabilis na pumunta sa deriksyon namin si Tatay Alberto at si Avierry habang si Cazsey naman ay kalmado lang na naglakad palapit sa amin.

Agad kaming nagyakap, we had a group hug. Bigla kong naramdaman na parang may kulang.

Hindi ko alam pero awtomatik na napalingon ako sa deriksyon ni Spruce, I knew it. Hindi siya lumapit para sumi sa group hug namin. 

Nilingon ko siya at nginusoan, umiling lang siya at ngumiti, he mouthed “No”

Umiling ako sa kaniya “Spruce, samahan mo kami... ano ka ba!”

Bahagyang naghiwa-hiwalay kami nang mapansin din nila na wala si Spruce. 

“Hali ka na dito Hijo, huwag ka na mahiya...”

“sumali ka na sa amin”

“Oy Spruce, sumali ka na dito 'wag ka na papilit Dali!” nakangising saad ni Avierry na halatang nang-aasar.

“Oo nga Spruce, ito naman parang hindi pamilya ah!”, saad ko sa nakakaasar na tono.

HAHA, I want to laugh my ass out because of how Spruce acted. 

Wala na siyang nagawa nang sunduin ko siya at hilahin palapit sa amin. 

Nag-grouphug ulit kami pero this time kasama na si Spruce na nasa gitna namin ni Avierry. 

Sobrang saya naming lahat, I can't explain the happiness that I'm feeling right now. 

Lahat kami ay nagtatawanan. Patuloy naming inaasar si Spruce.

“Ikaw Ijo huwag kana mahiya, tandaan niyo simula ngayon pamilya na tayo” Saad ni Tatay Alberto.

“Oo nga Spruce parang others HAHA” paggatong ko pa. 

“Hindi lang galaga ako sanay sa ganito, pagpasensyahan niyo na...”, pag-explain naman niya sa side niya. 

“Saka nga pala, ililibot namin kayo mamaya at ipapakilala namin kayo sa mga tao dito sa Paradise of Plebeians”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status