Ramdam ko ang pamamanhid ng sarili kong mga labi nang tuluyang pakawalan ni Michael ang mga ito.Habol-habol ko ang hininga habang lupaypay ang katawang nakakulong pa rin ako sa kanyang mga bisig habang isinasandal niya ako sa sasakyan.Siguro kung hindi nakayapos sa'kin ang isa niyang braso ay kanina pa ako pinulot sa ilalim ng sasakyan.Literal na nawalan ng lakas ang mga binti ko at ni hindi ko na nga maramdaman ang mga ito. Bawat pagtaas-baba ng dibdib ko ay sinasabayan niya rin kaya nakaramdam ako nang pamimigat ng mga ito dahil sa pagkaipit sa pagitan naming dalawa.Ramdam ko ang pananayo ng mga utong ko na sensitibong tumatama sa suot kong bra. Gusto kong hawakan ang dalawang dibdib upang maibsan ang kakaibang pangangailangan ng mga ito.Hindi ko maipaliwanag at nahihirapan akong intindihin kung papaano pawiin ang nararamdaman."Nagkukunwari lang tayo," abot-abot ang hininga kong paalala sa kanya pero mas lamang na para sa sarili ko iyon.Ayokong tuluyang makalimot habang nin
Natapos ang buong maghapon na tinitiis ko ang mga sulyap at tingin sa'kin ng mga kasamahan ko sa trabaho.Dumagdag pa ang parang special treatment sa'kin ng mga nakakataas na sinasadya talagang dumaan sa station ko upang kumustahin ako o makipagkwentuhan gayong nakikita naman nilang pilit kong inaabala ang sarili gayong walang trabahong dumating sa mesa ko.Ako na iyong nagkukusang humanap nang tatrabahuin dahil bigla ay nag-iba yata ang posisyon ko sa kompanya. Maging iyong may-ari ay bumaba pa talaga kanina upang ayain akong magmeryenda na magalang ko namang tinanggihan.Lalong nadagdagan ang gigil na nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang huli naming pag-uusap ni Michael.Wala na talagang makapagpigil sa'king tawagin siyang Michael dahil hindi naman niya ako pinagbawalan na gawin iyon!"Narinig mo ba iyong tawag niya kay RM?"Nabitin ang akma kong paglabas sa isa sa mga cubicle ng CR nang maulinigan ang pinag-uusapan ng mga bagong dating."Michael," halos pabulong na tugon ng isa.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakalimot at nagpapakalunod sa halik ni Michael dahil nakabalik lang ako sa reyalidad nang umabot sa pandinig ko ang maharot na tilian ng mga kabataan sa kabilang bahagi ng park.Para akong binuhusan ng malamig na tubig kaya mabilis kong naitulak palayo si Michael kasabay nang pagtayo mula sa pagkakaupo.Agad kong sinuyod ang paligid upang alamin kung may mga nakatingin ba sa'min. Malaking eskandalo 'to kung sakali!Nakahinga ako nang maluwag nang makitang tanging iyong mga batang abala sa kung anong nilalaro nila ang natatanaw ko. Medyo papadilim na at nahaharangan ang kinaroroonan namin ng malaking puno kaya hindi kami gaanong nakikita mula sa mga ito. Ligtas ang inosente nilang mga mata mula sa hindi pambata naming eksena kanina!Nang masigurong wala akong dapat ipag-alala ay tsaka ko pa lang hinarap si Michael.Muntik pa akong mapamura dahil nang magtagpo ang mga tingin namin ay biglang may sumipa nang malakas sa puso.Ang tindi nang epekto
Halos hindi ako makahinga sa kabang nararamdaman nang tumambad sa paningin ko ang mga naghihintay sa amin ni Michael pagkarating na pagkarating namin sa pinagdalhan niya sa'kin.Wala sa sariling napakapit ako bigla sa braso niya habang papalapit kami nang papalapit sa mga nagkumpulan niyang mga kamag-anak.Para akong mabingi sa lakas ng kabog ng puso ko habang lumalabo naman sa paningin ko ang bawat mukha ng mga nakatutok sa'kin ngayon.Ganito talaga ako 'pag kinakabahan... biglang nagma-malfunction ang five senses ko at pkiramdam ko'y lumobo iyong ulo ko at kung hindi ako kakapit nang mahigpit kay Michael ay tiyak ililipad ako nito na parang hot-air balloon."You don't look good," mahinang puna ni Michael.Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako dahil ang totoo niyan ay halos dala na niya ang buo kong bigat dahil kanina pa nawawalan ng lakas ang mga binti ko.Nanunuri na naglakabay sa mukha ko ang tingin niya at sigurado akong nababasa niya roon ang kung anong nararamdaman k
Mabuti na lang at hindi kami nagtagal ni Michael sa bahay nila.Hindi ko nga maalala kung papaano natapos ang hapunan nang humihinga pa ako. Halos hindi ko na kasi nginunguya iyong pagkain dahil sa sobrang tensiyon na nararamdaman ko.Lunok na lang ako nang lunok at wala na akong nalalasahan sa mga inilalalagay na pagkain ni Michael sa plato ko."Bakit kabadong-kabado ka kanina?"Sinaman ko ng tingin si Michael dahil sa walang kwenta niyang tanong.Kasalukuyan kaming nakalulan sa sasakyan niyang maghahatid sa'kin pauwi. Hindi ko na matandaan kung papaano kami nagpaalam dahil masyado akong abala sa pagpapakalma sa sarili ko upang hindi mapahiya sa harapan ng pamilya niya.Talent ko kasi iyong pinapahiya ang sarili tuwing kinakabahan ako.Umaandar ang pagiging clumsy ko at minsan pa nga ay basta na lang nagbakasyon ang utak ko kaya kalimitan ay nauutal ako 'pag kinakausap.Mabuti na lang talaga kanina at hindi talaga ako iniwan ni Michael kaya halos hindi na rin ako bumitiw sa pagkakahaw
Bago pa ako makapagdesisyon kung ano ang itutugon sa narinig na pag-amin mula kay Michael ay umagaw sa atensiyon ko ang paghinto ng sinasakyan namin.Nang mapadako ang tingin ko sa labas ng sasakyan ay nasa tapat na kami ng bahay namin at tanaw na tanaw ko mula rito sa loob ang nakadungaw kong ina at kapatid mula sa terrace.Mabuti na lang at tinted itong sasakyan ni Michael kaya hindi nila nakikita ang kasalukuyan naming posisyon dito sa loob."B-bababa na ako," may bikig sa lalamunan kong pahayag.Hindi ko kasi alam kung papaanong baba gayong ganitong nakakandong pa rin ako sa kanya at mukhang wala siyang balak na pakawalan ako."Invite me in," utos niya sa'kin."Bakit naman?" nagtataka kong tanong.Sa totoo niyan ay ayokong magkausap sila ni Mama matapos ang napag-usapan namin ng ina ko kagabi.Tiyak na ipagtutulakan nito si Michael sa kapatid kong si Rachelle. Hindi naman ako nangangamba na magtagumpay ang mga ito sa kung anong binabalak nila kay Michael dahil hindi naman siguro g
Habang kausap ni Mama si Michael ay kampanti kong iniwan ang mga ito upang magpalit ng damit.Malaki na si Michael kaya nasisiguro kong kayang-kaya na niyang iwasan ang kung anong binabalak ng ina ko.Nakasalubong ko si Rachelle bago ako nakarating sa'king silid.Iba na ang ayos nito kumpara kaninang sumalubong siya sa'min ni Michael.Kung kanina ay walang gaanong nakikitang balat sa kanya, ngayon ay halos lumuluwa na pati kaluluwa niya."Rachelle, may bisita tayo sa baba," paalala ko sa kanya nang akmang lalagpasan niya ako."Alam ko," mataray niyang sagot."Magpalit ka kaya ng damit," mahinahon kong sabi."At tumulad sa pang-manang mong ayos?" nakaingos niyang tanong. "Ayoko nga! Sumunod naman ako kanina sa gusto ni Mama pero ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni RM!"Napabuntong-hininga ako dahil sa narinig. Sinasabi ko na nga ba at malakas ang kutob kong may binabalak silang dalawa ni Mama. "Alam mo, Ate, nakapagtataka talaga kung papaano ka nagustuhan ni RM," maya-maya ay
Tama nga akong for the show lang iyong 'I'll call you later' ni Michael dahil nakatulog na ako lahat at dumating na ang umaga ay wala akong tawag o kahit message na natanggap mula sa kanya.Hindi ko naman hinintay iyong pangako niyang tawag pero hindi ko rin mapigilang makaramdam nang pagkadismaya.Mas nadidismaya ako sa sarili ko dahil kahit alam kong imposible ay may bahagi sa'kin na umasang tatawag nga siya. Umagang-umaga pero nagdadrama ako dahil sa lalaking iyon! Sa halip na isipan ito ay inabla ko ang sarili sa paghahanda sa pagpasok sa trabaho.Ayokong maabutan nang traffic sa kalsada kaya aligaga akong nag-ayos upang pumasok nang maaga.Sa kalapit na kainan ng building namin na lang ako mag-aagahan tulad nang nakasanayan ko."Aalis na po ako, 'Pa," paalam ko kay Papa nang mababaan ko ito sa sala.Bahagya nitong ibinaba ang binabasang news paper upang tapunan ako ng tingin."Hindi ka mag-aagahan?" tanong nito."Sa opisina na lang po," tugon ko bago nagmano sa kanya.Aalis na s