Share

chapter 18

Halos hindi ako makahinga sa kabang nararamdaman nang tumambad sa paningin ko ang mga naghihintay sa amin ni Michael pagkarating na pagkarating namin sa pinagdalhan niya sa'kin.

Wala sa sariling napakapit ako bigla sa braso niya habang papalapit kami nang papalapit sa mga nagkumpulan niyang mga kamag-anak.

Para akong mabingi sa lakas ng kabog ng puso ko habang lumalabo naman sa paningin ko ang bawat mukha ng mga nakatutok sa'kin ngayon.

Ganito talaga ako 'pag kinakabahan... biglang nagma-malfunction ang five senses ko at pkiramdam ko'y lumobo iyong ulo ko at kung hindi ako kakapit nang mahigpit kay Michael ay tiyak ililipad ako nito na parang hot-air balloon.

"You don't look good," mahinang puna ni Michael.

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako dahil ang totoo niyan ay halos dala na niya ang buo kong bigat dahil kanina pa nawawalan ng lakas ang mga binti ko.

Nanunuri na naglakabay sa mukha ko ang tingin niya at sigurado akong nababasa niya roon ang kung anong nararamdaman k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status