Share

chapter 24

"Bakit bold star ka na ba ngayon?" pairap kong tanong sa kanya.

"Bakit, crush? Gusto mo akong maging gano'n?" mapang-akit niyang tanong at bahagya pang lumapit sa'kin.

Bigla akong kinilabutan in a very exciting way nang kumindat siya sa'kin.

"Umayos ka!" nandidilat kong saway sa kanya. "Ang harot mo!"

Malakas siyang tumawa bilang tugon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang masaksihan ng dalawang mga mata ko kung paano tumawa ang isang RM.

Kakaibang pakiramdam ang hatid sa'kin nang kaalamang nakikita ko ang mga bagay tungkol sa kanya na hindi alam ng publiko.

"Alam mo, crush, nilalamig ako," bigla ay nakanguso niyang pahayag.

Hindi ko alam kung ano na naman ang trip niya at may panguso-nguso pa siya na parang nagpapaawa.

"Hindi bagay sa'yo," komento ko. "Hindi nilalamig ang taong yelo. Sayang naman ang palayaw na binigay sa'yo ng ilang mga tao bilang tao na malamig pa sa yelo at nay pysong bato kung sa kaunting ulan ay nilalamig ka na."

"Huwag ka kasing magpapaniwala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status