Lumipas ang mga araw na nagiging tahimik ang buhay ko dahil hindi na muling nagawi pa sa opisina si James. Nakasanayan ko na rin na ihatid-sundo ni Michael at palagi ko siyang kasabay mag-lunch at mag-dinner. Kahit sobrang busy niya ay lagi niya pa ring nagagawan nang paraan upang magkasama kami.Sino ba naman ang hindi mahuhulog nang tuluyan sa ganoong klaseng lalaki? Limot ko na nga iyong mga balita tungkol sa kalupitan niya at kawalan ng puso. Hindi naman kasi gano'n ang pagkakakilala ko sa kanya.Wala nang nangyari ulit sa amin kahit halos araw-araw kaming magkasama. Hindi pa rin nawawala iyong pagiging clingy ni Michael at nakakadarang niyang mga halik pero hindi na ulit siya nag-initiate na lumagpas kami roon. Minsan nga ay ako na iyong nagbibigay ng motibo pero siya itong malakas ang self-control. Malapit ko nang isipin na nawawalan na siya ng gana sa'kin kung hindi niya lang araw-araw pinapaalala iyong pagkaka-crush niya sa'kin na habnag tumatagal daw ay mas lumalalim.
Papalabas na ako ng opisina nang mahagip ng tingin ko si James na halatang may inaabangan.Lihim akong napamura nang makitang papalapit ito sa direksiyon ko pagkakita sa'kin. Mabilis akong lumihis ng daan pero maagap niya akong sinundan at ilang sandali lang ay naabutan na niya ako. Hindi ko na sana siya bibigyan nang pansin pero humarang talaga siya sa dadaanan ko."Celle—""Pwede ba, James, tigilan mo na ako!" nayayamot kong putol sa balak niyang pagsasalita.Pumiksi ako nang akma niya akong hahawakan. Umatras din ako upang mabigyang distansya ang pagitan naming dalawa.Hangga't maaari ay ayokong may makakita sa amin na magkalapit habang nag-uusap. Kung pwede nga lang ay limang metro sana ang layo namin sa isa't isa. "Bakit mo ba ako iniiwasan?" usisa niya habang pilit na tinatawid ang nakapagitan sa'ming distansya.Bawat hakbang niya pasulong ay umaatras naman ako. Nabubwesit na talaga ako sa totoo lang!"Tinatanong pa ba iyon?" nanggigil kong balik-tanong sa kanya. "Sinugod na a
Isang malakas na sampal ang sinalubong sa'kin ni Mama pagkauwi ko ng bahay."Inggrata ka!" sigaw nito sa'kin. "Wala kang utang na loob at nagawa mo pa talaga kay Trish iyon?"Nauna pa yatang nakarating sa bahay namin kaysa akin ang balita tungkol sa nangyari kanina.Sa sobrang kaba at takot ko dahil sa nangyari kahit wala naman akong kasalanan ay nakaligtaan ko na ngang tawagan si Michael upang magkwento. Nag-alala ako sa kalagayan ni Trish at ng baby nito. Hindi naman ako sobrang samang tao na hindi makaramdam nang gano'n sa kabila ng ginawa nito sa'kin.Kasalukuyan nasa business conference sa ibang bansa si Michael kaya wala itong kaalam-alam sa mga nangyari ngayon. Hindi ko nga rin masabi kung magkakaroon ba ito ng pakialam gayong problema ito sa loob ng pamilya namin.Kahit na sabihing may nangyayaring mutual understanding sa pagitan namin ni Michael ay hindi pa talaga ako sigurado sa totoo nitong nararamdaman para sa akin.Punong-puno pa rin ako ng insecurities lalo na at toto
Um-absent muna ako sa trabaho kinabukasan upang asikasuhin ang tungkol sa bago kong titirhan.Madali naman akong nakahap ng mauupahan kaya ang sunod kong ginawa ay bumili ng mga gamit. Sobrang abala ako sa paglilinis ng lilipatan kong bahay at pag-aayos ng mga napamili kong mga gamit kaya nawala talaga sa isip ko ang tungkol kay Michael.Hindi ko nga rin siya natawagan kagabi dahil mas inuna kong pinagtuunan nang pansin ang paghahanap ng mauupahang bahay sa internet at ilang mga kakilala ko. Hindi ko rin nasagot iyong tawag niya dahil nataon na kausap ko iyong landlady.Marami akong binago sa loob ng nilipatan kong bahay. Pinalitan ko iyong wallpaper at mga kurtina na naiwan no'ng unang umupa. Nilinis ko rin iyong mga sulok-sulok at pati iyong maliit na bakuran sa labas ay nilinis ko.Nanlilimahid ako nang matapos kong ayusin lahat at iyong mga pinamili kong groceries na lang iyong natirang aayusin. Mabuti na lang at may maliit na refrigerator na kalakip na ng bahay na inupahan ko.
"Gusto mong titira ako sa bahay mo?" maang kong tanong kay Michael habang pareho kaming nakahiga sa kama ko.Katatapos lang naming kumain at kasalukuyan kaming nagkukwentuhan tungkol sa sitwasyon ko ngayon."Malaki ang bahay ko at ang lungkot 'pag wala akong kasama roon," malambing niyang wika."Ngayon ka pa talaga nalulungkot?" sarkastiko kong tanong. "Gusto mo lang yatang may palaging inaano eh," bubulong-bulong kong dugtong.Malakas akong napatili nang bigla niya akong kinubabawan."Michael!" naeeskandalo kong tawag sa pangalan niya nang ikiskis niya sa'kin ang ibabang bahagi ng kanyang katawan."Ano iyong sabi mo?" pilyo niyang tanong bago mapaglarong isinubsob ang mukha sa dibdib ko."Michael kakakain lang natin," saway ko sa kanya.Ngayon pa nga lang kami nakapagpahinga simula no'ng dumating siya kaninang tanghali tapos ngayon ay nararamdaman ko na namna ang kahandaan niya sa panibagong bakbakan. "Pampatunaw 'to," nang-aakit niyang tugon. "Ang bango mo," anas niya."M-Michael,"
Bawat hakbang ko ay nagpapaalala sa akin ng mainit na sandaling pinagsaluhan namin ni Michael.Nangangalay iyong balakang ko at pakiramdam ko ay may nakaumang pa rin sa pagitan ng mga hita ko. Halos hindi namin tinigilan ang bawat isa kagabi at nakatulugan na nga namin na magkahugpong pa rin ang aming mga katawan.Nakakamangha rin naman kasi ang stamina ni Michael at para bang ilang taong hindi naka-jugjug kaya sabik na sabik. Ang resulta tuloy ay pananakit ng buo kong katawan.Ayaw pa nga sana niya akong papasukin sa trabaho pero nagpumilit ako. Lago niyang sinasabi na kaya niya raw akong sustentuhan at kahit anong hilingin ko ay ibibigay niya pero ayokong umasa sa kanya dahil kaya ko namang magtrabaho para sa sarili ko. Kahit sinabi niyang mahal niya ako at papanagutan niya ako ay naroon pa rin sa puso ko iyong takot at pangamba na baka katulad ni James ay iiwanan din niya ako.Gusto ko na kapag darating ang araw na iyon ay kakayanin ko pa ring tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi
Ilang araw matapos ang unang lunch out namin ni Michael kasama ang mga katrabaho ko. Nasundan iyon ng isa pang night out. Unti-unti nang nagiging palagay ang mga katrabaho ko kasama si Michael. Pawang magagandang feedback ang naririnig ko mula sa kanila tungkol kay Michael matapos nang ilang ulit nila itong nakasama.Kinukulit pa rin ako ni Michael na lumipat sa bahay niya pero ang nangyari ay siya itong nakikitira na sa bahay ko.Ayaw niya akong iwanang mag-isa dahil hindi nga raw siya mapakali para sa safety ko.Nadadamay pa iyong mga bodyguard niya sa kanyang kapritso. Mabuti na lang at walang gaanong tsismosa sa tinitirahan ko kaya walang nag-uusisa tungkol sa mga sasakyang nakaparada sa harapan ng inuupahan ko.Maging iyong landlady ko hindi ako tinatanong kung sino ang pinapatuloy ko sa bahay. "Jocelle, sa bahay tayo mag-dinner mamaya," anunsiyo ni Michael pagkapasok nito sa kusina kung saan ako nagmumuni-muni habang hinihintay na kumulo ang niluluto ko."Sa bahay mo?" tanong
"Huwag mo akong iwanang mag-isa kasama ang Lola mo," pabulong kong sabi kay Michael habang nakaplaster ang magiliw na ngiti sa'king mga labi.Namataan ko kasing papalapit sa amin ang lola niya. Tulad nang napagkasunduan namin ay sa bahay ng mga magulang niya kami nag-dinner. Inaasahan ko nang nandito rin ang Lola niya at hindi nga ako nagkamali dahil halos buong pamilya niya talaga ang kasabay namin.Buong durasyon ng dinner ay pasimple kong iniwasan ang Lola niya at ni pagsulyap dito ay halos hindi ko ginawa dahil baka magkasalubong ang mga mata namin."Jocelle."Bahagya akong nanigas sa tabi ni Michael nang tawagin ng Lola niya ang pangalan ko."Kumusta na kayo ni Rowan Michael?" agad nitong tanong nang nasa mismong harapan ng kinauupuan na namin ito."Okay naman po," magalang kong sagot habang inilalayan naman itong makaupo ni Michael bago bumalik sa tabi ko."Kailan ni'yo balak magpakasal?"Bigla akong napaubo dahil sa sumunod niyang tanong. Dumako ang tingin ko kay Michael dahil