Share

chapter 31

Papalabas na ako ng opisina nang mahagip ng tingin ko si James na halatang may inaabangan.

Lihim akong napamura nang makitang papalapit ito sa direksiyon ko pagkakita sa'kin.

Mabilis akong lumihis ng daan pero maagap niya akong sinundan at ilang sandali lang ay naabutan na niya ako. Hindi ko na sana siya bibigyan nang pansin pero humarang talaga siya sa dadaanan ko.

"Celle—"

"Pwede ba, James, tigilan mo na ako!" nayayamot kong putol sa balak niyang pagsasalita.

Pumiksi ako nang akma niya akong hahawakan. Umatras din ako upang mabigyang distansya ang pagitan naming dalawa.

Hangga't maaari ay ayokong may makakita sa amin na magkalapit habang nag-uusap. Kung pwede nga lang ay limang metro sana ang layo namin sa isa't isa.

"Bakit mo ba ako iniiwasan?" usisa niya habang pilit na tinatawid ang nakapagitan sa'ming distansya.

Bawat hakbang niya pasulong ay umaatras naman ako. Nabubwesit na talaga ako sa totoo lang!

"Tinatanong pa ba iyon?" nanggigil kong balik-tanong sa kanya. "Sinugod na a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status