Share

chapter 38

"Doon ka na lang kaya sa bahay nina Mommy," patuloy na pangungulit sa'kin ni Michael.

Kanina niya pa ako kinukumbinse na manatili muna nang ilang araw sa bahay niya dahil may pupuntahan siyang business trip at hindi raw siya mapakali kung mag-isa lang ako rito sa tinutuluyan ko.

"Nakakahiya sa pamilya mo," nakabungisngis kong wika.

Hindi nga niya ako nakumbinsing sa bahay niya muna manatili tapos ngayon ay gusto niyang doon na lang ako sa bahay ng mga magulang niya.

"Kaya ko naman nang ilang araw na mag-isa rito," natatawa kong wika nang makitang hindi pa rin siya napapanatag sa desisyon ko.

"Pero mas maigi talagang may kasama ka," giit niya.

"May kasama na nga ako 'di ba? Iiwanan mo sa'kin ang ilan sa mga bodyguard mo," paalala ko sa kanya.

"Mas okay kasi 'pag alam kong nasa bahay kita. May mga katulong doon na maaaring mag-aasikaso sa'yo."

"Hindi ko naman kailangan nang mag-aasikaso."

"Baka mamaya niyan ay puro instant na lang ang kinakain mo dahil tamad kang magluto," namaywang ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status