Share

chapter 39 (Vernice)

Napapantastikohan akong napatingin sa nakababata kong kapatid matapos marinig ang gusto niyang sabihin sa'kin.

Pasimple kong pinasadahan ang malaki niyang tiyan bago muling tumuon ang tingin sa kanyang mukha.

Simula pagkabata namin ay masyado nang spoiled itong si Trish at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit niya para sa pinsan naming si Ate Jocelle at umabot pa ito sa pang-aagaw niya sa boyfriend ng huli.

Siguro nga ay talagang gusto niya lang si James kaya siguro sinadya niyang magpabuntis agad. Imposible namang inggit lang ang dahilan niya dahil wala namang espesyal kay Ate Jocelle. Napakasimple nito sa lahat ng bagay.

"Nakikinig ka ba sa akin, Ate Vernice?" Nabalik ako sa kasalukuyan dahil sa tanong niya.

Siya lang iyong nanghihingi ng pabor na sobrang demanding.

"Oo naman," nakangiti kong sagot. "Iniisip ko lang kung bakit kailangan kong gawin ang gusto mo."

"Sinabi ko na sa'yo'di ba?" lukot ang mukha niyang saad na para bang nayayamot na siya sa kakapaliwanag sa'kin. "
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maricel Ramos
aguy...Patay ka vernice sa Kapatid mo pag nlaman ung dark secret niyo ni James,,maging biyernes Santo tlaga ung mukha mo ............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status