Share

chapter 33

Um-absent muna ako sa trabaho kinabukasan upang asikasuhin ang tungkol sa bago kong titirhan.

Madali naman akong nakahap ng mauupahan kaya ang sunod kong ginawa ay bumili ng mga gamit.

Sobrang abala ako sa paglilinis ng lilipatan kong bahay at pag-aayos ng mga napamili kong mga gamit kaya nawala talaga sa isip ko ang tungkol kay Michael.

Hindi ko nga rin siya natawagan kagabi dahil mas inuna kong pinagtuunan nang pansin ang paghahanap ng mauupahang bahay sa internet at ilang mga kakilala ko. Hindi ko rin nasagot iyong tawag niya dahil nataon na kausap ko iyong landlady.

Marami akong binago sa loob ng nilipatan kong bahay. Pinalitan ko iyong wallpaper at mga kurtina na naiwan no'ng unang umupa. Nilinis ko rin iyong mga sulok-sulok at pati iyong maliit na bakuran sa labas ay nilinis ko.

Nanlilimahid ako nang matapos kong ayusin lahat at iyong mga pinamili kong groceries na lang iyong natirang aayusin. Mabuti na lang at may maliit na refrigerator na kalakip na ng bahay na inupahan ko.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status