Share

chapter 28

Kinabukasan ay talo ko pa ang buong gabing nag- marathon dahil sa pangangalay ng buo kong katawan.

Mabutii na lang pinaghanda ako ni Michael ng maligamgam na tubig sa bathtub kaya nabawasan iyong pananakit matapos kong magbabad doon nang ilang minuto.

Medyo nahiya pa nga ako dahil asikasong-asikaso niya ako. Pakiramdam ko ay ako lang iyong napuruhan sa pinaggagawa namin kagabi habang siya ay nasa kondisyon pa rin. Kung tutuusin ay siya pa nga itong dapat na makaramdam ng sobrang pagod dahil siya iyong gumagalaw habang ako ay nakahiga lang kalimitan habang umuungol sa sarap.

Nakakabilib din naman kasi iyong stamina ni Michael. Parang gusto ko nang maniwala na mahigit isang buwan na siyang tigang. Gano'n ba talaga iyong mga lalaki? O si Michael lang iyong 'pag nag- abstinence ng kahit isang buwan lang ay todo bawi naman at halos ayaw nang paawat?

Pagkatapos naming mag-agahan ay nagpahatid ako sa bahay namin upang nakapagpalit ako ng damit. Nagpumilit siyang hintayin ako upang sabay kam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status