"Bakit bold star ka na ba ngayon?" pairap kong tanong sa kanya."Bakit, crush? Gusto mo akong maging gano'n?" mapang-akit niyang tanong at bahagya pang lumapit sa'kin.Bigla akong kinilabutan in a very exciting way nang kumindat siya sa'kin. "Umayos ka!" nandidilat kong saway sa kanya. "Ang harot mo!"Malakas siyang tumawa bilang tugon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang masaksihan ng dalawang mga mata ko kung paano tumawa ang isang RM. Kakaibang pakiramdam ang hatid sa'kin nang kaalamang nakikita ko ang mga bagay tungkol sa kanya na hindi alam ng publiko. "Alam mo, crush, nilalamig ako," bigla ay nakanguso niyang pahayag.Hindi ko alam kung ano na naman ang trip niya at may panguso-nguso pa siya na parang nagpapaawa."Hindi bagay sa'yo," komento ko. "Hindi nilalamig ang taong yelo. Sayang naman ang palayaw na binigay sa'yo ng ilang mga tao bilang tao na malamig pa sa yelo at nay pysong bato kung sa kaunting ulan ay nilalamig ka na.""Huwag ka kasing magpapaniwala
Pagkatapos naming mag-lunch ni Michael ay lalong dumilim iyong langit at mas lumakas iyong ulan na may kasamang hangin."Sir, baha na po iyong ibang mga daanan," pagbibigay alam ng tauhan niyang sumalubong sa'min.Nag-alala akong napatingin kay Michael dahil ang pinakabahain talaga ay ang kalsada papuntang opisina at bahay namin.Mayroon namang alternative way pero mapapalayo talaga kami at mas maraming dumadaan doon kapag ganito ang panahon kaya tiyak sa traffic kami maiipit."Kailangan mo sigurong tumawag sa opisina dahil delikado kung babalik ka pa," aniya."Paano ako uuwi?" Ayaw ko namang pasusuungin sa baha ang magara niyang sasakyan. Batay sa lakas ng ulan ay tiyak nagsiapawan na ang mga kanal na madadaanan papunta sa'min."You can stay at my place," suhestiyon niya.Mabilis ang ginawa kong paglingon sa kanya."Doon sa bahay ni'yo kung nasaan ang lola mo?" eksaherada kong tanong. "Lalangoy na lang ako sa baha!"Mahina siyang tumawa bago pinisil ang ilong ko.Naiinis kong pinal
Napilitan akong pumayag na sumama kay Michael dahil mahihirapan talaga akong umuwi sa ganitong panahon. Sa estado ng mga kalsadang nadaanan namin ay natitiyak kong sarado na ang ilang papunta sa'min.Habang nasa biyahe ay inalam ko iyong balita tungkol sa lagay ng panahon. May kalakasan pala itong bagyaong kasaluluyang nanalanta sa lugar namin.Iba talaga kapag sobrang yaman dahil iyong kinaroroonan ng bahay ay hindi bahain pati na iyong mga daan papunta rito. Mabuti na lang at bumukod na ng bahay itong si Michael kaya hindi ko na kailangan pang haraping muli iyong lola niya.Binata pa siya sa lagay na ito pero iyong bahay niya ay pang-buong angkan na sa laki.Napanganga pa talaga ako nang tumambad sa'kin ang loob nito. Kung maganda sa labas ay doble pa iyong loob mismo... mula sa mga kagamitan hanggang sa desinyo, walang panama nag bahay nina Trish. Lumaki akong laging hinahangaan ang bahay na iyon at pinapangarapp na sana ay magkaroon ako nanag gano'ng bahay pero matapos makatunton
Hindi ko na nabilang kung ilang ulit kaming nagpakasasa sa katawan ng bawat isa ni Michael. Ang tanging malinaw sa'kin ay ang lalong pagtindi ng sarap sa bawat pagkakataong mapag-isa kami.Kain lang iyong pahinga namin sa buong maghapong nanatili kami sa bahay niya. Hindi pa rin humuhupa ang ulan at hanging dala ng bagyo kinagabihan. Katulad nang hindi ko rin alam kung kailan huhupa ang kasabikan namin sa bawat isa. Konting pagkakadikit lang ng mga katawan namin ay agad nauuwi sa bayuhan. Nangangalay na iyong balakang ko pero sige pa rin ako dahil talagang nakakahibang iyong sarap.Nababliw na nga yata ako o sadyang hindi ko lang matanggihan bawat pang-aakit ni Michael. Alam na alam niya talaga kung paano gisingin ang natutulog kong kalandian. Nasubukan na yata namin lahat ng posisyon kaya halos naubos din iyong lakas ko kahit kalimitan ay siya namna iyong nagtatrabaho."Paano ba iyan, crush, kailangan mo na yata akong panagutan," pabirong wika ni Michael matapos ang huling pagniniig
Kinabukasan ay talo ko pa ang buong gabing nag- marathon dahil sa pangangalay ng buo kong katawan.Mabutii na lang pinaghanda ako ni Michael ng maligamgam na tubig sa bathtub kaya nabawasan iyong pananakit matapos kong magbabad doon nang ilang minuto.Medyo nahiya pa nga ako dahil asikasong-asikaso niya ako. Pakiramdam ko ay ako lang iyong napuruhan sa pinaggagawa namin kagabi habang siya ay nasa kondisyon pa rin. Kung tutuusin ay siya pa nga itong dapat na makaramdam ng sobrang pagod dahil siya iyong gumagalaw habang ako ay nakahiga lang kalimitan habang umuungol sa sarap.Nakakabilib din naman kasi iyong stamina ni Michael. Parang gusto ko nang maniwala na mahigit isang buwan na siyang tigang. Gano'n ba talaga iyong mga lalaki? O si Michael lang iyong 'pag nag- abstinence ng kahit isang buwan lang ay todo bawi naman at halos ayaw nang paawat?Pagkatapos naming mag-agahan ay nagpahatid ako sa bahay namin upang nakapagpalit ako ng damit. Nagpumilit siyang hintayin ako upang sabay kam
Pagkatapos magpaalam ni Dianne ang naging abala na ako sa trabaho. Ayaw kong may ibang masabi ang mga katrabaho ko kaya ako na mismo ang nagpresenta na tapusin iyong ilang mga nakatambak naming gawain. Ayaw kong isipin nila na sinasamantala ko ang pagiging malapit ko kay RM kaya patetiks-petiks na lang sa ako trabaho.Sa sobrang subsob ko sa ginagawa ay namalayan ko na lang na lunch break na pala nang mag-aya iyong iba kong mga kasamahan."Kasabay naman ni Jocelle mamaya si RM kaya hindi na natin siya isasama," nanunuksong pahayag ng isang lalaki kong katrabaho.Agad na umugong ang tuksuhan habang nag-iinit naman ang mukha ko dahil sa hiya. Akala ko ay maiiwasan ko na ang mga panunukso nila dahil tahimik lang naman sila kanina pagkaalis ni Michael. Hinintay lang pala nila ang break."Mauuna na kami sa'yo, Jocelle, wala kaming kasabay na pogi eh," hirit ng isa kong kasamahang babae."Ano namang tawag mo sa amin?" kontra ng katrabahio naming lalaki na singundahan no'ng iba. "Lamang l
Lumipas ang mga araw na nagiging tahimik ang buhay ko dahil hindi na muling nagawi pa sa opisina si James. Nakasanayan ko na rin na ihatid-sundo ni Michael at palagi ko siyang kasabay mag-lunch at mag-dinner. Kahit sobrang busy niya ay lagi niya pa ring nagagawan nang paraan upang magkasama kami.Sino ba naman ang hindi mahuhulog nang tuluyan sa ganoong klaseng lalaki? Limot ko na nga iyong mga balita tungkol sa kalupitan niya at kawalan ng puso. Hindi naman kasi gano'n ang pagkakakilala ko sa kanya.Wala nang nangyari ulit sa amin kahit halos araw-araw kaming magkasama. Hindi pa rin nawawala iyong pagiging clingy ni Michael at nakakadarang niyang mga halik pero hindi na ulit siya nag-initiate na lumagpas kami roon. Minsan nga ay ako na iyong nagbibigay ng motibo pero siya itong malakas ang self-control. Malapit ko nang isipin na nawawalan na siya ng gana sa'kin kung hindi niya lang araw-araw pinapaalala iyong pagkaka-crush niya sa'kin na habnag tumatagal daw ay mas lumalalim.
Papalabas na ako ng opisina nang mahagip ng tingin ko si James na halatang may inaabangan.Lihim akong napamura nang makitang papalapit ito sa direksiyon ko pagkakita sa'kin. Mabilis akong lumihis ng daan pero maagap niya akong sinundan at ilang sandali lang ay naabutan na niya ako. Hindi ko na sana siya bibigyan nang pansin pero humarang talaga siya sa dadaanan ko."Celle—""Pwede ba, James, tigilan mo na ako!" nayayamot kong putol sa balak niyang pagsasalita.Pumiksi ako nang akma niya akong hahawakan. Umatras din ako upang mabigyang distansya ang pagitan naming dalawa.Hangga't maaari ay ayokong may makakita sa amin na magkalapit habang nag-uusap. Kung pwede nga lang ay limang metro sana ang layo namin sa isa't isa. "Bakit mo ba ako iniiwasan?" usisa niya habang pilit na tinatawid ang nakapagitan sa'ming distansya.Bawat hakbang niya pasulong ay umaatras naman ako. Nabubwesit na talaga ako sa totoo lang!"Tinatanong pa ba iyon?" nanggigil kong balik-tanong sa kanya. "Sinugod na a