Share

chapter 21

Habang kausap ni Mama si Michael ay kampanti kong iniwan ang mga ito upang magpalit ng damit.

Malaki na si Michael kaya nasisiguro kong kayang-kaya na niyang iwasan ang kung anong binabalak ng ina ko.

Nakasalubong ko si Rachelle bago ako nakarating sa'king silid.

Iba na ang ayos nito kumpara kaninang sumalubong siya sa'min ni Michael.

Kung kanina ay walang gaanong nakikitang balat sa kanya, ngayon ay halos lumuluwa na pati kaluluwa niya.

"Rachelle, may bisita tayo sa baba," paalala ko sa kanya nang akmang lalagpasan niya ako.

"Alam ko," mataray niyang sagot.

"Magpalit ka kaya ng damit," mahinahon kong sabi.

"At tumulad sa pang-manang mong ayos?" nakaingos niyang tanong. "Ayoko nga! Sumunod naman ako kanina sa gusto ni Mama pero ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni RM!"

Napabuntong-hininga ako dahil sa narinig. Sinasabi ko na nga ba at malakas ang kutob kong may binabalak silang dalawa ni Mama.

"Alam mo, Ate, nakapagtataka talaga kung papaano ka nagustuhan ni RM," maya-maya ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status