Share

Kabanata 8 Pagkainis

Ang Weathervane Restaurant ay napakaganda, kailanman ay hindi inakala ni Grey na mapupuntahan niya ito.

Ngunit bago ang hapunan, kailangan niyang kumain ng tanghalian.

“Pizza man! Delivery!" Sumigaw ang isang lalaki mula sa labas ng bahay ni Grey.

Ngumiti si Grey at kumuha siya ng isang hundred-dollar bill. Binuksan niya ang pinto at iniabot niya ang pera.

“Thank you for ordering. $15 lang.”

“Sayo na ang sukli!" Agad na sumagot si Grey at kinuha niya ang pizza mula sa lalaki. Isinara niya ang pinto bago pa makapagsalita ang lalaki.

Tinitigan niya ang pizza at naalala niya na matagal na siyang hindi umoorder ng pizza dahil nag-iipon siya ng pera para sa birthday gift ni Nora.

Naalala ni Grey kung ano ang sinabi sa kanya ni Alfred at napaisip siya kung paano siya magpapanggap na ordinaryong tao pagkatapos siyang matanggal sa trabaho.

Pero kahit paano, kaya na niyang kumain ng masarap na pagkain ngayon hindi gaya ng dati.

Pagkatapos niyang kumain, nagdesisyon si Grey na magpahinga dahil nararamdaman pa rin niya ang sakit ng katawan niya dahil sa pambubugbog sa kanya mula noong nagising siya sa tabi ni Avery sa kama.

Noong nagising si Grey, mag-aalasais na at nagdesisyon siya na maghanda para sa hapunan.

Naligo siya sandali at nagsuot ng kulay grey na damit at itim na pantalon. Yung totoo, ito ang isa sa pinakamaganda niyang damit.

Pupunta siya sa Weathervane, kahit na alam niya na hindi bagay ang suot niya sa ganoong klaseng lugar.

Sumakay siya ng isang taxi at di nagtagal ay nakarating siya sa restaurant. Tumayo siya sa labas ng gusali sandali, at pinagmasdan niya ang labas nito.

Ang Weathervane ay isa sa top five na pinakamamahaling mga restaurant sa siyudad. Mataas ang rating ng mga tao dito dahil sa maraming bagay. At karaniwang mga mayayamang tao ang nagpupunta dito at mamahalin ang mga pagkain dito. Sa isang salita, ang sinumang kayang bumili sa Weathervane ay isang mayamang tao.

Bumuntong hininga si Grey at lumapit siya sa entrance.

“Hoy!” Isang boses ang biglang pumigil sa kanya at hinarangan siya ng taong tumawag sa kanya upang pigilan siya na makapasok sa restaurant. “Anong ginagawa mo?”

Sa suot niya, iisipin ng mga tao na isa siyang waiter.

Kumurap ang mga mata ni Grey ng isang beses, pagkatapos ay dalawang beses. “Papasok ako sa restaurant. Bakit mo ako tinatanong at bakit ka nakaharang sa daan ko?”

Tinitigan siya ng waiter sandali at biglang humalakhak ng malakas. “Nagbibiro ka ba? Talaga bang iniisip mo na hahayaan kitang pumasok?”

Tiningnan siya ni Grey ng may pagtataka. “At bakit mo naman ako pinipigilang makapasok?”

Muli siyang pinagmasdan ng waiter.

Sinundan ni Grey kung saan nakatingin ang waiter at napagtanto niya na nakatingin siya sa mga damit na suot niya.

“Pamilyar ako sa mga taong gaya mo. Hindi ko hahayaan na manggulo ka dito. Hindi ka makakapasok!” Mariing sinabi ng waiter.

Tinitigan siya ni Grey, at naguluhan. “Ano ba talagang nangyayari dito? Bakit hindi ako pwedeng pumasok sa restaurant? Kilala mo ba ako?”

“Well, hindi kita kailangang kilalanin bago ko mahulaan kung ano ang balak mong gawin dito. At nandito ako para pigilan ka!" Sininghalan niya si Grey. “Hindi ko alam kung bakit iniisip ng mga mahihirap na pwede silang magnakaw ng pagkain sa bawat restaurant na makita nila. Hindi para sa gaya mo ang Weathervane," ang sabi niya.

Nakaramdam ng galit si Grey sa mga sinabi ng waiter ngunit nagdesisyon siya na manatiling mahinahon dahil ayaw niyang gumawa ng gulo sa isang napakagandang restaurant.

Sa halip ay inilabas niya ang kanyang phone at tinawagan niya ang number ni Alfred. Agad na sumagot si Alfred.

“Yes, Hercules, nasaan ka?"

Tinitigan ni Grey ang waiter sandali. “Nasa labas ako ng Weathervane. Nag-book ka ba ng table?"

“Hindi, bakit ko naman gagawin ‘yun kung ako ang boss? Pumasok ka lang at aasikasuhin kang maigi. Tsaka, malapit na ako sa Weathervane," paliwanag ni Alfred.

“Well," nagsimulang magsalita si Grey at napansin niya na tinitingnan siyang maigi ng waiter. “Hindi ako makapasok dahil ayaw akong payagan ng isang waiter," sabi ni Grey. “Ininsulto niya din ako at ilang minuto na akong nakatayo dito sa labas."

“Ano kamo?! Sinong tangang waiter naman ‘yun?" Sumigaw sa galit si Alfred. “Bigyan mo ako ng sampung minuto, malapit na ako sa Weathervane. Please, huwag kang magalit," humingi ng tawad si Alfred.

Tumango si Grey. “Sige, maghihintay ako," ang sabi niya at ibinaba niya ang tawag.

Muling suminghal ang waiter. “Nakakatawa naman. Sinusubukan mo bang makipaglokohan sa’kin? Hinding-hindi kita papapasukin," pinandilatan ng waiter si Greym “At niloloko mo lang ako. Wala kang tinawagan at imposibleng kaya mong bilhin ang mga mamahaling pagkain sa Weathervane," pang-iinsulto ng waiter.

Binuka ni Grey ang kanyang bibig upang kontrahin ang sinabi ng waiter ngunit nakarinig siya ng isang malalim na boses mula sa likod niya na pumigil sa kanya.

“Tingnan mo ang mahirap mong ex-boyfriend," lalo pa siyang ininsulto ni Seth at naglakad sa harap niya si Nora.

Humagikhik si Nora. “Kahit kailan hindi ko siya naging boyfriend. Isa lang siyang mahirap na lalaki. At sa tingin ko dapat siyang magsikap at magkaroon ng pera bago siya mag-isip na pwede siyang magkaroon ng girlfriend."

“Hindi mo dapat maliitin ang isang ng ganyan," babala ni Grey.

Lalong humalakhak sila Seth at Nora.

“Nakakatawa naman ‘yun. Oo nga pala, ano bang ginagawa mo dito kasi alam ko na malabong kaya mong bumili ng pagkain dito?"

Nagkibit-balikat di Grey ng nakangiti. “Well, inimbitahan ako ni Alfred dito."

“Oh," tumango si Seth at tumingin siya kay Nora. “Nakalimutan kong sabihin sayo na sinabi ni Mr. Alfred na anak siya ng isa sa mga kaibigan niya. Baka nandito siya para hingin ang tulong ni Mr. Alfred."

Tumango si Nora. “Ibig sabihin ba nun na hindi siya inimbitahan ni Mr. Alfred dito?"

"Syempre naman!” Sabi ni Seth.

“Malinaw mong narinig ang sinabi ko," agad na sinabi ni Grey. “Kakasabi ko lang na inimbitahan niya ako dito." Ang sabi niya ng may seryosong ekspresyon.

Muling tumawa ang waiter. “Sabi ko na nga ba! Masyado kang palabiro."

Humalakhak ng malakas si Seth, si Nora, at ang waiter.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status