Secretly The Billionaire Boss

Secretly The Billionaire Boss

By:  Debbie chocolate  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
10
8 ratings
50Chapters
5.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

🏆King of Urban at No.1 ‘Leading Star’ ng ‘The Legendary Urban Man’ Contest🏆 Si Grey, isang delivery man na trinatratong parang basura ng lahat, pinagtaksilan ng kanyang kasintahan, at tinanggal sa trabaho ng kanyang boss. Noong panahon na desperado na siya, isang matandang lalaki ang nagsabi sa kanya ng tungkol sa tunay niyang pagkatao. Ngayon, hindi na siya isang walang kwentang basura, tinatawag siyang Hercules, ang hari ng mundo!

View More
Secretly The Billionaire Boss Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Jeshon CaĂąete
so nice,,,may next season ba?
2024-06-28 04:18:43
0
user avatar
Marlon Plarisan
bakit naman ongoing sana matapos din ito plzzz
2024-06-22 23:58:31
0
user avatar
Bryan Eleorin Villanueva
bkit putol Yung ka grey...saan kadugsong
2024-06-20 17:53:08
0
default avatar
Tacuyan Zachjamin
bakit putol asan yong full story nila
2024-06-17 15:26:53
0
user avatar
Jeffrey Maralli
nice story
2024-06-17 14:24:24
0
user avatar
Dawn Montemayor
Nice author nakuha mo ang inis ko sa mga nakapalibot kay gray
2024-06-17 10:29:36
0
user avatar
Detera Clemente Rizalyn
nice story .........
2024-06-15 01:12:53
0
user avatar
Jhon Relax
Wala na bang update
2024-06-23 18:02:26
0
50 Chapters
Kabanata 1 Anuman ang ibato ng buhay
Ang malakas na tugtog na nagmumula sa loob ng bahay ang tanging ebidensya na kailangan ni Grey upang malaman na ang kanyang girlfriend, na si Nora, ay nagdiriwang ng kaarawan niya.Ngunit sinabi niya sa kanya na hindi siya magdiriwang ng kaarawan niya. Anim na buwan na silang nagdedate ngayon.Binuksan ni Grey ang pinto, at sumasayaw si Nora kasama ang ilan sa mga kaibigan niya.Masamang-masama ang loob ni Grey, ilang beses niyang tinawag ang pangalan ni Nora ngunit hindi ito narinig ni Nora dahil sa malakas na tugtog.Lumapit si Grey kay Nora, hinablot niya ang kanyang kamay, at hinawakan din ni Nora ang kamay niya at humarap siya kay Grey ng naka ngiti.Ngunit noong nakita niya ang galit na mukha ni Grey, naglaho ang ngiti niya.“Bakit ka nandito?" Kalmadong tanong ni Nora.Sabi ni Grey, “Ang pagkakatanda ko sinabi mo sa’kin na hindi ka magse-celebrate ng birthday mo, kaya anong ginagawa mo ngayon? Bakit ka nagsisinungaling sa’kin?”Nang-iinsultong sagot ni Nora, “Marami akon
Read more
Kabanata 2 Ang set up
Tumingin si Grey kay Nora, sa babaeng pinag-alayan niya ng kanyang puso hanggang sa sandaling maligaw siya, noong sandaling pakiramdam niya na hindi siya magiging masaya sa buhay.Tinitigan niya sandali si Seth, sa mayabang at nangungutyang ngiti sa kanyang mukha. Well, kontrolado niya ang lahat habang ang tanging bagay na mayroon si Grey ay si Nora. Pero hindi na ngayon. Iiwan na din ni Nora.“Nora, totoo ba ‘to? O biro lang ba ‘to?” Ang mahinang tanong ni Grey.Bumuntong-hininga si Nora, “Oo, Grey. Maghiwalay na tayo. Ito si Seth, ang bago kong boyfriend," ipinakilala niya si Seth at napatili naman sa tuwa si Tracy.Ni hindi alam ni Grey kung ano ang nagpapasaya kay Nora. Kung may paraan lang siya para makaganti, ang unang tao na tuturuan niya ng leksyon ay si Tracy.At ang nakakalungkot dito ay hindi siya minahal ni Nora. At talagang inakala niya na mahal nila ang isa’t isa.Pinigilan ni Grey ang kanyang mga luha, hindi siya iiyak.“Kawawa ka naman, ni hindi mo nahawakan ang
Read more
Kabanata 3 Hiling na mamatay
Tiningnan siya ng masama ni Avery. “Anong klaseng tanong ‘yan? Ako dapat ang magtanong sayo!”Agad na bumukas ang pinto at pumasok si King, ng may malaking ngiti sa kanyang mukha. “Sabi ko na nga ba lagi kang may kasamang lalaki. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw maniwala sa’kin ni lolo tungkol dito.”“Anong sinasabi mo?!” Nagalit si Avery. “Wala akong alam. Ni hindi ko nga alam kung paano nakarating sa kama ko ang tangang ‘to!” Katwiran niya.Ngumiti si Smith at inilabas niya ang kanyang phone upang kunan ng larawan si Avery. Pinapanood ni Grey ang nangyayari, hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari.Mabilis na tumayo si Avery. “Please, huwag mong gawin ‘to. Wala akong ideya kung paano ‘to nangyari!” Nagmakaawa si Avery at lumapit siya kay Smith.Suminghal si Smith. “Huli na ang lahat, naipadala ko na ito kay lolo.”“Bwisit!” Sumigaw si Avery at bumagsak siya sa sahig. Hindi niya mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Natakot siya nang maisip niya kung
Read more
Kabanata 4 Isa siyang master
Pinilit maglakad ni Grey papunta sa kama upang kunin ang pantalon niya. Nahihilo pa rin siya noong isinuot niya ang pantalon niya.Inalalayan ng lalaki si Grey papunta sa kotse nang maramdaman niya ang mga kilos niya. Sinabi lang ni Grey sa driver ang address niya at hindi niya alam kung anong oras siya nakarating sa bahay.Noong lumabas siya ng sasakyan, bigla siyang huminto nang makaramdam siya ng kapanatagan ng loob. Biglang naglaho ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay gumagaling na siya. Naglaho na din ang sakit na nagmumula sa ilong niya.Hindi, hindi ‘yun ang dahilan. Ang determinasyon niya ang nagpapakulo sa dugo niya. Paano kung may kung anong bagay na tungkol sa kanya na hindi niya alam? Malabong nahulog lang siya mula sa langit, marahil ay mayroong bagay na konektado sa kanya.Noong sandaling iyon, naging determinado siya na maibalik ang kanyang mga alaala anuman ang mangyari. Marahil, marami pa siyang hindi alam tungkol sa sarili niya.Mas matagal ang biya
Read more
Kabanata 5 Masakit na alaala
Tiningnan maigi ni Grey si Alfred at napaisip siya kung kilala ba niya ang kakaibang lalaki na ito ngunit hindi pamilyar ang mukha niya sa kanya.Nanlaki ang mga mata niya noong lumuhod si Alfred. "Greetings, Hercules. Kinagagalak kitang makita at makausap,” ngumiti si Alfred at tumayo.Duda pa rin si Grey, hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Alfred. Nakakapagtaka na tinatawag siya ni Alfred na master ngunit hindi pa rin siya makapaniwala na kilala ng isang mayaman na gaya ni Alfred ang isang taong gaya niya.Pagkatapos, naisip niya na mayroong hindi tama sa nangyayari. Mayroong bagay tungkol sa nakaraan niya na tila konektado sa isang bagay na napakahalaga. Walang makapagpaliwanag sa kanya kung ano ang naging buhay niya bago siya napulot ng mga madre sa bahay-ampunan. At wala rin siyang maalala. Pakiramdam niya ay mayroon pa ring nakatakip sa kanyang mga alaala."Saan ka nagpunta?” Malawak ang ngiti sa mukha ni Alfred nang magtanong siya.“Sa loob ng sampung taon, naghahanap k
Read more
Kabanata 6 Sino ba talaga siya
Isa itong 100 million dollar na cheque!Ngayon lang nakakita si Grey ng ganito kalaking halaga!"Sa tingin ko kailangan mo ito. Hanggang sa makabalik ka sa posisyon mo bilang Hercules, baka kailanganin mo ito.”Tumingin si Avery sa direksyon kung saan nagtungo si Grey at makikita ang pag-aalala sa kanyang mukha. Iniisip niya kung ano ang nangyayari sa loob at bakit ang tagal lumabas ni Grey.Biglang tumawa si Seth. "Mukhang nakakatikim na ng sarili niyang gamot yung lalaking ‘yun.”Nagsalita din si Smith. "Sayang lang hindi man lang niya naenjoy ang asawa niya bago siya mamatay,” pang-aasar ni Smith.Kinabahan si Avery sa mga sinabi nila. Kung sabagay, isa itong bagay na kayang gawin ni Alfred.“Ano ka ba? Hindi pinapalampas ni Mr. Alfred ang mga mahihirap na gaya niya. Hindi siya lalabas dun ng buhay," biglang dumampot ng baso ng juice si Seth. Ininuman niya ito at muli siyang tumawa. “Maganda ang panahon ngayon." "Ano ka ba?” Nagkunwaring seryodo si Smith. "Masama ang panaho
Read more
Kabanata 7 Kung saan siya gawa
Hindi sumagot si Grey at uminom siya ng wine. Dahan-dahan niya itong ininom ng may malungkot na ekspresyon.Ni wala siyang oras na makipagtalo sa kanila. Ang tanging nasa isip niya ay ang mga taong nawala sa kanya.“P*ta!” Nagmura si Seth. “Napakatanga niya.”Biglang lumingon sa kanya si Grey, ng may inis sa kanyang ekspresyon. Kaya niyang dagdagan pa ang bali ng ilong ni Seth noong sandaling iyon.Hindi kinausap ni Avery si Grey hanggang sa matapos ang party at papunta sila sa kotse.Huminto si Seth sa paglalakad at lumingon siya kay Grey. “Sana alam mo na hinding-hindi ako sasama sayo pauwi sa bahay mo. Hindi ko kayang tumira sa bahay na gaya nun,” sabi ni Avery.Pinagmasdan siya ni Grey sandali. “Asawa mo naman na ako, bakit hindi pwede?” Pang-aasar ni Grey.Suminghal si Avery. “Seryoso ka ba? Dahil ba ‘to sa binigay ako sayo ng lolo ko ng ganun kadali? Sigurado ako na alam mo kung ano ang halaga ko.”“Pero kasal na tayo ngayon. Dapat pa bang magkaroon ng harang sa pagitan n
Read more
Kabanata 8 Pagkainis
Ang Weathervane Restaurant ay napakaganda, kailanman ay hindi inakala ni Grey na mapupuntahan niya ito.Ngunit bago ang hapunan, kailangan niyang kumain ng tanghalian.“Pizza man! Delivery!" Sumigaw ang isang lalaki mula sa labas ng bahay ni Grey.Ngumiti si Grey at kumuha siya ng isang hundred-dollar bill. Binuksan niya ang pinto at iniabot niya ang pera.“Thank you for ordering. $15 lang.”“Sayo na ang sukli!" Agad na sumagot si Grey at kinuha niya ang pizza mula sa lalaki. Isinara niya ang pinto bago pa makapagsalita ang lalaki.Tinitigan niya ang pizza at naalala niya na matagal na siyang hindi umoorder ng pizza dahil nag-iipon siya ng pera para sa birthday gift ni Nora.Naalala ni Grey kung ano ang sinabi sa kanya ni Alfred at napaisip siya kung paano siya magpapanggap na ordinaryong tao pagkatapos siyang matanggal sa trabaho.Pero kahit paano, kaya na niyang kumain ng masarap na pagkain ngayon hindi gaya ng dati.Pagkatapos niyang kumain, nagdesisyon si Grey na magpahing
Read more
Kabanata 9 Sampal sa mukha
Nakaramdam ng kaunting inis si Grey ngunit nagdesisyon siya na manahimik. Sanay na si Seth sa pambabaluktot ng mga sinabi niya.Biglang huminto sa parking lot ang isang Bugatti Centodieci. Napalingon si Grey at ang iba pa nang bumaba si Alfred mula sa kotse. Gayunpaman, may kasama siyang isa pang lalaki.Ang lalaking ito ay su Gregory, ang CEO ng isang sikat na clothing line sa siyudad. Isa rin siyang boss ng isang malaking mafia sa siyudad.Nanlaki ang mga mata ni Grey. Marami siyang narinig tungkol kay Gregory. Hindi lang siya makapaniwala na ang taong dapat niyang kikitain ay si Gregory.Hindi, ang tunay na tanong ay bakit siya gustong makita ni Gregory? Gulo kaya ito o hindi?Sj Gregory ay isang matangkad at matipunong lalaki na gaya ni Grey. Medyo mas matangkad lang siya ng kaunti at masasabing gwapo ang kanyang mukha.Nakasuot siya ng Dormeiul Vanquish ii na suit na nagkakahalaga ng $95,319. Ang lahat ng tungkol sa kanya ay sinasabi na mayaman siya. Narinig na rin ni Grey a
Read more
Kabanata 10 Kunin ang posisyon
”Hindi ka magsasalita ng ganyan kay Hercules!” Sabi ni Alfred.Tumawa si Grey at tumingin saglit kay Gregory. "Gusto ko ang tapang mo. Hindi nakakapagtaka na ikaw ang boss pero dapat tanggapin mo kung sino ka. Ako si Hercules at nandito ako para kunin ang posisyon ko."Tumawa si Gregory. " Seryoso ka? Ang tagal mong nawala!" Sabi niya. "Hindi ka pwedeng basta na lang bumalik at kunin ang posisyon.""Tama," tumango si Gray, "Alam kong matagal akong nawala pero nagbalik na ako at gagawin ko ang lahat para patunayan sa lahat na nararapat ako sa titulo na Hercules."Napangiti si Alfred. "Yan ang gusto kong marinig."Biglang natawa si Gregory at pinilit na tumingin si Grey sa kanya. Hindi talaga inaasahan ni Grey na matatanggap siya agad ni Gregory.Si Gregory ay kilala sa kanyang pagiging matigas ang ulo. Bukod doon, sino ang papayag na kontrolin siya ng isang batang tulad niya?Ngunit ano ang dapat niyang gawin?"Hindi sa’kin!" Ngumisi si Gregory. "Hindi kita tinanggap bilang boss
Read more
DMCA.com Protection Status