Share

Kabanata 3 Hiling na mamatay

Tiningnan siya ng masama ni Avery. “Anong klaseng tanong ‘yan? Ako dapat ang magtanong sayo!”

Agad na bumukas ang pinto at pumasok si King, ng may malaking ngiti sa kanyang mukha. “Sabi ko na nga ba lagi kang may kasamang lalaki. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw maniwala sa’kin ni lolo tungkol dito.”

“Anong sinasabi mo?!” Nagalit si Avery. “Wala akong alam. Ni hindi ko nga alam kung paano nakarating sa kama ko ang tangang ‘to!” Katwiran niya.

Ngumiti si Smith at inilabas niya ang kanyang phone upang kunan ng larawan si Avery. Pinapanood ni Grey ang nangyayari, hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari.

Mabilis na tumayo si Avery. “Please, huwag mong gawin ‘to. Wala akong ideya kung paano ‘to nangyari!” Nagmakaawa si Avery at lumapit siya kay Smith.

Suminghal si Smith. “Huli na ang lahat, naipadala ko na ito kay lolo.”

“Bwisit!” Sumigaw si Avery at bumagsak siya sa sahig. Hindi niya mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Natakot siya nang maisip niya kung gaano kasama ang loob sa kanya ng lolo niya.

“Hoy! Anong ginagawa ko dito?!” Biglang sumigaw si Grey, sa wakas ay nahanap na niya ang boses niya. Noong una, inakala niya na nananaginip lang siya. Naalala niya na nalasing siya ngunit wala na siyang ibang naaalala at napaisip siya kung ano kaya ang nangyari.

Tumingin siya kay Grey. "Hoy, hindi ka dapat sumigaw. Damay ka na din dito,” pagkatapos, tumingin siya pababa kay Avery. “Huwag ka nang umiyak,” sabi ni Smith. “Dahil maya-maya lang ay nandito na si lolo.”

Napatingin si Avery kay Smith sa gulat. “Anong ibig mong sabihin?”

“Well, tumuloy si lolo sa silid ng kaharian kagabi pagkatapos kong sabihin sa kanya ang tungkol sa kalokohan na lagi mong ginagawa kapag nakatalikod siya.”

“Pero kalokohan ‘yun!” Nagalit si Avery. “Kailanman hindi ko ginawa ‘to! At alam mo ‘yun!”

“Well,” nagkibit-balikat si Smith. “Siguro.”

Bumangon si Grey mula sa kama at naglakad siya papunta sa pinto. Biglang bumukas ang pinto at may ilang mga lalaki na pumasok. Napaatras sa takot si Grey, habang tumayo naman si Avery upang punasan ang mga luha na nasa mga pisngi niya.

“Lolo,” ang marahang sinabi ni Smith habang papasok sa silid ang isang matandang lalaki. Mayroong madilim na ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatingin siya kay Avery.

Dahan-dahang bumaling ang tingin niya papunta kay Grey at napasimangot siya nang makita niya ang klase ng mga damit na kanyang sinusuot.

Muling lumingon si Lord Lucy kay Avery. “Dismayado ako sayo, Avery.”

“Hindi, lolo. Mali ang iniisip mo,” nagprotesta si Avery.

Bahagyang umiling si Lucy. “Alam mo ang patakaran, Avery. Pero hindi mo ito sinunod.”

Nagtagumpay si Grey na makalapit sa pinto nang walang nakakapansin sa kanya at lalabas na sana siya noong may humarang na mga lalaki sa daan niya.

“Saan ka pupunta, bata?”

Napatingin si Grey kay Lucy, at kumabog ng malakas ang puso niya. Ni wala siyang maintindihan sa nangyayari. Tila isa pa rin itong panaginip para sa kanya.

“Simula sa araw na ito, ikaw na ang magiging son-in-law ko.”

“Ano?! Bakit?” Sigaw ni Grey, hindi niya naitago ang pagkagulat niya. Anong nangyari? Umiinom lang siya ng alak kanina tapos bigla na lang siyang naging isang son-in-law?

“Anong ibig sabihin nun? Nagawa mong galawin ang apo ko tapos may lakas ka pa rin ng loob na sabihin ‘yun? Balak mo ba siyang takasan pagkatapos ng nangyari sa inyo?”

Tinitigan sandali ni Grey si Lucy at napagtanto niya na nakatitig ang lahat sa kanya, maliban kay Avery na tahimik na umiiyak. Umubo siya. “Hindi ‘yun ang gusto kong sabihin. Ang ibig kong sabihin, hindi tama ‘yun dahil hindi ko siya kilala at walang nangyari sa pagitan naming dalawa, at sigurado ako dun.”

Tumingin si Lucy pababa sa shorts ni Grey. Sinundan ni Grey ang tingin ni Lucy at napabuntong hininga siya. Yari talaga siya. Hindi niya napansin na wala siyang suot na pantalon.”

“Ang lakas ng loob mo na lokohin ako!" Sinigawan niya si Grey. “At dahil diyan," tumingin si Lucy sa isa sa mga tauhan niya. “Bugbugin niyo siya!"

“Ano?!" Halos lumuwa ang mga mata ni Grey sa gulat.

Makikipagtalo pa sana si Grey ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magsalita dahil sa biglaang pagtama ng isang sampal sa kanyang pisngi.

Bumagsak siya sa sahig habang sabay-sabay na tumama sa katawan niya ang ilang mga kamao, sa sobrang lakas ng pagtama sa kanya ng bawat isa sa mga ito ay parang mamamatay na siya.

Agad niyang nakita ang imahe niya na nakatayo sa tabi ng ibang tao na hindi niya nakikita ang mukha.

Umigkas ang katawan niya habang tumabi naman ang mga lalaki. Sumuka siya ng dugo at tumingin siya sa paligid ng silid. Wala na si Lucy sa loob ng silid at isa-isang lumabas ang mga lalaki.

Agad na ipinikit ni Grey ang mga mata niya noong napansin niya na nahihilo siya at alam niya base sa sakit na nagmumula sa ilong niya na nabali ito. Sa sobrang sakit ng katawan niya ay pakiramdam niya nabali ang lahat ng mga buto niya.

“Nakakaawa ka naman,” pang-iinsulto ni Smith. “Avery, dapat patingnan mo ang asawa mo at siguraduhin mo na hindi malubha ang mga sugat niya. Para hindi naman kayo mapahiya kay Robinson. Alam mo naman na kailangan nandoon kayo sa party," tumawa si Smith at naglakad siya palabas ng silid.

“Anong ginawa mo sa’kin?!” Lalong umiyak si Avery mula sa likod niya.

May ilang lalaki na sumugod papasok at muling kinabahan si Grey. Noong una, inisip niya na bumalik sila upang bugbugin siya ulit. Sa halip, lumapit sila kay Avery.

“Madam, handa na ang kotse mo,” ang sabi ng isa sa mga lalaki.

Namaluktot si Grey habang nakakaramdam siya ng matinding sakit ng katawan.

Hindi sinagot ni Avery ang lalaki at nagpatuloy siya sa pag-iyak ng ilang sandali bago siya tumayo. Tumingin siya kay Grey.

“Galit na galit ako sayo para sa pagsira mo sa buhay ko,” humakbang siya at huminto. “Ihahatid ka pauwi ng isa sa mga tauhan ko. Pupunta siya sa bahay mo bukas ng umaga para makapunta tayo sa party bukas ng umaga. Pumunta ka na din sa ospital para magpacheck-up. Papatayin ka ng lolo ko kapag hindi ka pumunta sa party,” pagkatapos nun, naglakad si Avery palabas ng silid kasama ang ilang lalaki maliban sa isa.

Muling ipinikit ni Grey ang kanyang mga mata. Ni hindi niya gustong bumangon ngunit alam niya na kailangan niyang gawin ito. Nasaktan siya nang husto at marahil ay kailangan niya talagang pumunta sa ospital.

Hindi siya minadali ng lalaking nasa loob ng silid, na ipinagpasalamat naman ni Grey. Dahan-dahang tumayo si Grey ngunit sumuka siya ng mas maraming dugo. Marahil ay may ibang bagay na nasira sa loob niya.

Nadurog na ang puso niya ngunit alam niya na may iba pang nangyari sa kanya. Marahil ay mamamatay na siya.

Siguro dapat ngang mamatay na lang siya. Sawang-sawa naman na siyang mabuhay e.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status