”Sino ka ba sa inaakala mo? Hindi ka pwedeng basta na lang magpakita ngayon at sabihin na ikaw si Hercules! Saan ka nagpunta sa mga nagdaang taon?” Sigaw ni Charles.Saglit siyang tinitigan ni Grey, hindi niya alam kung magagalit ba siya na babawiin niya ang mga ari-arian niya o concern lang siya."Hoy, Charles. Kailangan mong kumalma! Hindi ito ang tamang oras para gawin ang lahat ng ito!" Nakialam si Aphrodite."Seryoso?" Ngumisi si Charles. " Let him tell me the right time because I'm not get it!"Napabuntong-hininga si Aphrodite, nagsawa na. Nagpasya siyang tawagan si Alfred, marahil ay maaari niyang ayusin ang away nina Gray at Charles. "Nasaan si Alfred? Nasa loob ba siya?"Napatingin si Charles kay Aphrodite at bahagyang tumango. "Nasa loob ang mga dokumento niya at lahat ng iba pang gamit. Naniniwala akong hindi na ako kailangan dito at aalis na ako!" Angal niya.Pumasok si Aphrodite sa loob, naiwan ang dalawang lalaki na nakatitig sa isa't isa."Walang sasabihin? Cat go
Ibinaba ni Charles ang tawag bago pa magsalita si Grey.Napatingin si Grey kay Charles. "Kailangan niyang putulin ang deal!""Ano bakit?" Nag-aalinlangan si Charles.Napabuntong-hininga si Gray at bahagyang napahawak sa noo. "Di bale, ako na mismo ang gagawa. Ano pa ba ang kailangan mong ibigay sa akin? Kailangan ko ng umuwi."Napalingon si Aphrodite sa kanyang wristwatch. " I need to leave now. Isang oras na lang ang flight ko."Tumango si Gray. "Mag-uusap tayo sa phone kung ganoon."Tumango si Aphrodite at pumunta kay Alfred.Nilingon ni Charles si Grey. " Ihahatid na kita sa bayan. Bakit hindi tayo sabay na umalis para may masabi pa ako sa'yo on our way?" Iminungkahi niya.Tumango si Gray. " Magandang ideya."Umakyat si Charles sa hagdan para kumuha ng ilang file case. Hesitated siya sa harap ng pinto at sinubukang isipin kung may kulang pa ba siya. Nang malaman niyang nasa kanya na ang lahat, muli siyang naglakad pababa.Kinuha ni Gray ang kahon na naglalaman ng mga ari-a
Ang malakas na tugtog na nagmumula sa loob ng bahay ang tanging ebidensya na kailangan ni Grey upang malaman na ang kanyang girlfriend, na si Nora, ay nagdiriwang ng kaarawan niya.Ngunit sinabi niya sa kanya na hindi siya magdiriwang ng kaarawan niya. Anim na buwan na silang nagdedate ngayon.Binuksan ni Grey ang pinto, at sumasayaw si Nora kasama ang ilan sa mga kaibigan niya.Masamang-masama ang loob ni Grey, ilang beses niyang tinawag ang pangalan ni Nora ngunit hindi ito narinig ni Nora dahil sa malakas na tugtog.Lumapit si Grey kay Nora, hinablot niya ang kanyang kamay, at hinawakan din ni Nora ang kamay niya at humarap siya kay Grey ng naka ngiti.Ngunit noong nakita niya ang galit na mukha ni Grey, naglaho ang ngiti niya.“Bakit ka nandito?" Kalmadong tanong ni Nora.Sabi ni Grey, “Ang pagkakatanda ko sinabi mo sa’kin na hindi ka magse-celebrate ng birthday mo, kaya anong ginagawa mo ngayon? Bakit ka nagsisinungaling sa’kin?”Nang-iinsultong sagot ni Nora, “Marami akon
Tumingin si Grey kay Nora, sa babaeng pinag-alayan niya ng kanyang puso hanggang sa sandaling maligaw siya, noong sandaling pakiramdam niya na hindi siya magiging masaya sa buhay.Tinitigan niya sandali si Seth, sa mayabang at nangungutyang ngiti sa kanyang mukha. Well, kontrolado niya ang lahat habang ang tanging bagay na mayroon si Grey ay si Nora. Pero hindi na ngayon. Iiwan na din ni Nora.“Nora, totoo ba ‘to? O biro lang ba ‘to?” Ang mahinang tanong ni Grey.Bumuntong-hininga si Nora, “Oo, Grey. Maghiwalay na tayo. Ito si Seth, ang bago kong boyfriend," ipinakilala niya si Seth at napatili naman sa tuwa si Tracy.Ni hindi alam ni Grey kung ano ang nagpapasaya kay Nora. Kung may paraan lang siya para makaganti, ang unang tao na tuturuan niya ng leksyon ay si Tracy.At ang nakakalungkot dito ay hindi siya minahal ni Nora. At talagang inakala niya na mahal nila ang isa’t isa.Pinigilan ni Grey ang kanyang mga luha, hindi siya iiyak.“Kawawa ka naman, ni hindi mo nahawakan ang
Tiningnan siya ng masama ni Avery. “Anong klaseng tanong ‘yan? Ako dapat ang magtanong sayo!”Agad na bumukas ang pinto at pumasok si King, ng may malaking ngiti sa kanyang mukha. “Sabi ko na nga ba lagi kang may kasamang lalaki. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw maniwala sa’kin ni lolo tungkol dito.”“Anong sinasabi mo?!” Nagalit si Avery. “Wala akong alam. Ni hindi ko nga alam kung paano nakarating sa kama ko ang tangang ‘to!” Katwiran niya.Ngumiti si Smith at inilabas niya ang kanyang phone upang kunan ng larawan si Avery. Pinapanood ni Grey ang nangyayari, hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari.Mabilis na tumayo si Avery. “Please, huwag mong gawin ‘to. Wala akong ideya kung paano ‘to nangyari!” Nagmakaawa si Avery at lumapit siya kay Smith.Suminghal si Smith. “Huli na ang lahat, naipadala ko na ito kay lolo.”“Bwisit!” Sumigaw si Avery at bumagsak siya sa sahig. Hindi niya mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Natakot siya nang maisip niya kung
Pinilit maglakad ni Grey papunta sa kama upang kunin ang pantalon niya. Nahihilo pa rin siya noong isinuot niya ang pantalon niya.Inalalayan ng lalaki si Grey papunta sa kotse nang maramdaman niya ang mga kilos niya. Sinabi lang ni Grey sa driver ang address niya at hindi niya alam kung anong oras siya nakarating sa bahay.Noong lumabas siya ng sasakyan, bigla siyang huminto nang makaramdam siya ng kapanatagan ng loob. Biglang naglaho ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay gumagaling na siya. Naglaho na din ang sakit na nagmumula sa ilong niya.Hindi, hindi ‘yun ang dahilan. Ang determinasyon niya ang nagpapakulo sa dugo niya. Paano kung may kung anong bagay na tungkol sa kanya na hindi niya alam? Malabong nahulog lang siya mula sa langit, marahil ay mayroong bagay na konektado sa kanya.Noong sandaling iyon, naging determinado siya na maibalik ang kanyang mga alaala anuman ang mangyari. Marahil, marami pa siyang hindi alam tungkol sa sarili niya.Mas matagal ang biya
Tiningnan maigi ni Grey si Alfred at napaisip siya kung kilala ba niya ang kakaibang lalaki na ito ngunit hindi pamilyar ang mukha niya sa kanya.Nanlaki ang mga mata niya noong lumuhod si Alfred. "Greetings, Hercules. Kinagagalak kitang makita at makausap,” ngumiti si Alfred at tumayo.Duda pa rin si Grey, hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Alfred. Nakakapagtaka na tinatawag siya ni Alfred na master ngunit hindi pa rin siya makapaniwala na kilala ng isang mayaman na gaya ni Alfred ang isang taong gaya niya.Pagkatapos, naisip niya na mayroong hindi tama sa nangyayari. Mayroong bagay tungkol sa nakaraan niya na tila konektado sa isang bagay na napakahalaga. Walang makapagpaliwanag sa kanya kung ano ang naging buhay niya bago siya napulot ng mga madre sa bahay-ampunan. At wala rin siyang maalala. Pakiramdam niya ay mayroon pa ring nakatakip sa kanyang mga alaala."Saan ka nagpunta?” Malawak ang ngiti sa mukha ni Alfred nang magtanong siya.“Sa loob ng sampung taon, naghahanap k
Isa itong 100 million dollar na cheque!Ngayon lang nakakita si Grey ng ganito kalaking halaga!"Sa tingin ko kailangan mo ito. Hanggang sa makabalik ka sa posisyon mo bilang Hercules, baka kailanganin mo ito.”Tumingin si Avery sa direksyon kung saan nagtungo si Grey at makikita ang pag-aalala sa kanyang mukha. Iniisip niya kung ano ang nangyayari sa loob at bakit ang tagal lumabas ni Grey.Biglang tumawa si Seth. "Mukhang nakakatikim na ng sarili niyang gamot yung lalaking ‘yun.”Nagsalita din si Smith. "Sayang lang hindi man lang niya naenjoy ang asawa niya bago siya mamatay,” pang-aasar ni Smith.Kinabahan si Avery sa mga sinabi nila. Kung sabagay, isa itong bagay na kayang gawin ni Alfred.“Ano ka ba? Hindi pinapalampas ni Mr. Alfred ang mga mahihirap na gaya niya. Hindi siya lalabas dun ng buhay," biglang dumampot ng baso ng juice si Seth. Ininuman niya ito at muli siyang tumawa. “Maganda ang panahon ngayon." "Ano ka ba?” Nagkunwaring seryodo si Smith. "Masama ang panaho