Share

Kabanata 6 Sino ba talaga siya

Isa itong 100 million dollar na cheque!

Ngayon lang nakakita si Grey ng ganito kalaking halaga!

"Sa tingin ko kailangan mo ito. Hanggang sa makabalik ka sa posisyon mo bilang Hercules, baka kailanganin mo ito.”

Tumingin si Avery sa direksyon kung saan nagtungo si Grey at makikita ang pag-aalala sa kanyang mukha. Iniisip niya kung ano ang nangyayari sa loob at bakit ang tagal lumabas ni Grey.

Biglang tumawa si Seth. "Mukhang nakakatikim na ng sarili niyang gamot yung lalaking ‘yun.”

Nagsalita din si Smith. "Sayang lang hindi man lang niya naenjoy ang asawa niya bago siya mamatay,” pang-aasar ni Smith.

Kinabahan si Avery sa mga sinabi nila. Kung sabagay, isa itong bagay na kayang gawin ni Alfred.

“Ano ka ba? Hindi pinapalampas ni Mr. Alfred ang mga mahihirap na gaya niya. Hindi siya lalabas dun ng buhay," biglang dumampot ng baso ng juice si Seth. Ininuman niya ito at muli siyang tumawa. “Maganda ang panahon ngayon."

"Ano ka ba?” Nagkunwaring seryodo si Smith. "Masama ang panahon ngayon. May mamamatay na aso!”

Pareho silang humalakhak habang nakaramdam naman ng takot si Avery. Kinilabutan siya dahil magiging biyuda siya agad isang araw pagkatapos siyang magkaroon ng asawa.

“Huwag mong tawagin na aso ang asawa ko!" Sumagot si Avery. Hindi na niya matiis ang mga sinasabi nila.

Tumingin sa kanya si Smith. "Ano pala siya? Pusta ko mas ayos pa ang mga aso kaysa sa kanya. At napansin agad ‘yun ni Alfred sa malayo pa lang.”

“Oo nga," suporta ni Seth. “Sinong hindi nakakaalam na hindi tumatanggap ng kalokohan si Alfred! Isa rin namang kriminal si Grey at dapat lang siyang mamatay," ngumisi siya, ang taas ng tingin niya sa sarili niya.

Biglang bumukas ang pinto at lumingon ang lahat dito.

Sa hindi inaasahan, lumabas si Grey kasama si Alfred, ng walang kagalos-galos.

Hindi makaimik at makakilos sila Seth at Smith sa sobrang gulat habang pinapanood nila sila Alfred at Grey na maglakad papunta sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ni Seth. “Anong nangyari?!” Sabi ni Seth habang humigpit ang hawak niya sa baso. “Bakit hindi siya pinatay ni Mr. Alfred? Sa tingin ko ni hindi niya siya hinawakan.”

Tumaas ang mga kilay ni Seth sa sobrang pagtataka. “Ako din nagulat. Bakit napakatagal nila sa loob ng kwarto at hindi man lang nabali ang ilong ng lalaking ‘yun?” Reklamo ni Smith.

“Heto,” nagsimulang magsalita si Alfred noong mas malapit na siya sa kanila, ng may malaking ngiti sa kanyang mukha. Sa katunayan, masasabing mukha siyang masaya. Ang tanging bagay na hindi nila maintindihan ay kung ano ang nagpasaya sa kanya. “Heto si Grey, ang anak ng isa sa mga kaibigan ko.”

“Anong kalokohan ‘to?!” Muntik nang mapasigaw ng malakas si Seth ngunit agad niyang napigilan ang sarili niya. Alam niya kung sino si Alfred at hinding-hindi niya siya babanggain. Agad siyang tumingin kay Smith. “Paano naging anak ng kakilala ni Alfred yung hampaslupang ‘yun?"

Nagulat din si Avery sa rebelasyong ito at medyo napanatag ang loob niya na hindi talaga isang pulubi ang asawa niya. Bagaman, nakakagulat pa rin na nakatira si Grey sa klase bahay na tinitirhan niya ngayon.

Di kalaunan ay naisip ni Avery na baka nabankrupt ang pamilya ni Grey. Ngunit gayunpaman, pinapakita lang nito na ang tatay ni Grey ay hindi kasing yaman ng Robinson family. At siguradong hindi kasing yaman ni Alfred.

" At oo,” nagpatuloy si Alfred. "I-enjoy niyong lahat ang party,” ang masaya niyang sinabi at naglakad na siya paalis.

"Anong nangyari? Ni hindi siya pinaalis ulit ni Mr. Alfred! Nakalimutan na ba niya na sinabi ko sa kanya na kriminal si Grey? Binali niya ang ilong ko!” Ang galit niyang sinabi, pagkatapos ay tumingin siya kay Smith. “Ano nang mangyayari sa’tin ngayon?" Ang sinabi niya sa takot.

"Hoy, ano ka ba?!” Hinablot ni Smith di Seth sa may balikat. "Hindi malapit si Grey kay Alfred. Malabong konektado sila. Anong malay natin, baka ampon lang siya.”

Tumango din si Seth at biglang naglaho ang pagkagulat sa mukha niya. Komportable niyang ininom ang wine niya ngayon. Pinagmasdan niyang maglaho si Alfred sa karamihan ng mga tao.

"Hindi mo ba napansin na parang may mali?” Biglang nagsalita si Smith. “Umalis si Alfred. Ibig sabihin nun hindi siya interesado sa kanya."

Tinaasan siya ng kilay ni Seth at tumingin siya kay Grey at sa suit na suot niya. Isa ito sa pinakamumurahing tingnan na suit sa party.

"Paano sila naging konektado? Paano nakilala ni Alfred ang tangang ‘yun?” Duda pa rin si Seth.

Nagkibit-balikat si Smith. "Gaya ng sabi ko kanina, sa tingin ko wala talaga silang koneksyon. Kung talagang konektado sila, sa tingin mo ba hindi tayo sisipain palabas ni Alfred?” Sabi ni Smith.

Nilunok ni Seth ang buong laman ng baso niya. “Oo, tama ka."

“Tsaka, mukhang hindi siya gusto ni Alfred. Marahil ay ayaw talaga ni Alfred sa kanya sa umpisa pa lang. Kung talagang mahalaga si Grey sa kanya, hindi siya aalis ng ganun-ganun na lang. Dapat sinubukan niyang kilalanin siya.”

Tumango si Seth. "Tama ka. Pruweba ito na hindi gaanong gusto ni Alfred si Grey.”

Naaalala na ni Grey ang lahat ngayon. Sa katunayan, mas marami pang mga alaala ang pumapasok sa isipan niya. Naalala niya ang alam niya sa pakikipaglaban. Ngunit wala siyang magawa kundi ang muling magtago dahil sa sitwasyon sa kasalukuyan.

Ngunit hindi niya mapigilang isipin ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama at ni John. Namimiss sila ng husto ni Grey. Nagtataka siya kung paano siya nakaligtas. Tatlong beses siyang binaril ngunt nakaligtas siya? Parang himala ang nangyari.

Nang makita niya na ayos lang si Grey, muling lumamig ang pakikitungo ni Avery sa kanya. Sinubukan niyang umarte na parang wala siyang pakialam at sumimangot siya.

"Akala ko hindi ka na lalabas,” malamig na sinabi ni Avery.

Ngumiti si Grey. “Nag-alala ka ba sa’kin?"

Dinampot ni Avery ang isang baso ng tubig. "Hindi! Dapat mag-ingat ka kung mahal mo ang buhay mo,” sabi niya.

Muling lumapit sa kanila sila Seth at Smith. "Mukhang hindi maganda ang pagtratong natatanggap ng anak,” sabi ni Seth.

"Pusta ko ni hindi man siya mahal ng pamilya niya!” Tumawa si Smith.

Tumawa si Seth at agad na lumibot sa paligid ang mga mata niya. "Anong pinag-usapan niyong dalawa sa loob?” Ang kabado niyang tanong.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status