Share

Kabanata 5 Masakit na alaala

Tiningnan maigi ni Grey si Alfred at napaisip siya kung kilala ba niya ang kakaibang lalaki na ito ngunit hindi pamilyar ang mukha niya sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya noong lumuhod si Alfred. "Greetings, Hercules. Kinagagalak kitang makita at makausap,” ngumiti si Alfred at tumayo.

Duda pa rin si Grey, hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Alfred. Nakakapagtaka na tinatawag siya ni Alfred na master ngunit hindi pa rin siya makapaniwala na kilala ng isang mayaman na gaya ni Alfred ang isang taong gaya niya.

Pagkatapos, naisip niya na mayroong hindi tama sa nangyayari. Mayroong bagay tungkol sa nakaraan niya na tila konektado sa isang bagay na napakahalaga. Walang makapagpaliwanag sa kanya kung ano ang naging buhay niya bago siya napulot ng mga madre sa bahay-ampunan. At wala rin siyang maalala. Pakiramdam niya ay mayroon pa ring nakatakip sa kanyang mga alaala.

"Saan ka nagpunta?” Malawak ang ngiti sa mukha ni Alfred nang magtanong siya.

“Sa loob ng sampung taon, naghahanap kami, sa wakas natagpuan ko na ang tagapagmana ni Hercules! Hindi ko inakala na mahahanap kita, bata!” Tumawa siya. "Ikaw siguro ang anak ni Hercules, sinabi ba sayo ng tatay mo ang tungkol sa’min bago siya namatay?”

Kumurap ang mga mata ni Grey, “May tatay ako? At patay na siya?" Noong matapos siya sa pagsasalita, nakita niya ang isang imahe sa isip niya. Nakita niya ang isang mas matandang lalaki na naglalakad kasama ang isang batang lalaki na kamukha ni Grey.

“Sabihin niyo sa kanila na nandito si Hercules," natakot ang lahat ng nasa loob ng silid sa boses ni Alfred maliban sa binata. Pagkatapos ay humarap siya sa kanya. “Pupunta tayo sa party ng magkasama, Grey."

Pagkatapos, muli siyang natauhan at naglaho ang mga imahe at tumingin si Grey kay Alfred. Sa wakas mukhang unti-unti nang bumabalik ang mga alaala niya. Bagaman nagtataka siya kung bakit ngayon lang ito nangyari.

“Anong sinasabi mo?" Mayroon pa ring pagdududa sa mukha ni Grey at hindi maintindihan ang lahat. Ang tanging naaalala niya ay mga imahe at hindi ang buong nawawalang kabanata ng buhay niya.

"Walang nagsabi sayo ng tungkol kay Hercules? Siya ang pinakamatalik na kaibigan ng founder ng business empire namin na si Leo, bumuo kami ng isang business empire, para kang mahanap ka, Ang Hercules, ang aming Big Boss,” nagtaas ng kilay si Alfred. "Ako, si Leo, at ang tatay mo.”

Tinitigan siya ni Grey at muntik na siyang matumba nang may mapagtanto siya. Biglang dumami ang mga image na nakikita niya at tila bumibilis ang tibok ng puso niya habang nakatulala siya.

Tumalikod si Grey at humawak siya ng mahigpit sa mesa nang makita niya ang lahat. Yung totoo, mayroong nangyari pagkatapos buohin ng tatay niya at ni Leo ang mafia group. Biglang dumating ang mga kalaban nila at sinubukan silang patayin. Papunta si Grey at ang kanyang ama sa party noong dumating sila. Lumabas na trinaydor ni Leo ang tatay niya. Pinatay ang tatay niya sa harap niya mismo ngunit hindi niya siya maabot dahil tumilapon siya sa kabila ng kalsada dahil sa naganap na aksidente.

Sinubukan niyang gumapang palapit sa tatay niya at nagmakaawa siya kay Leo ngunit pinatay pa rin ni Leo ang tatay niya. Binaril din ng isang lalaki si Grey.

Iminulat ni Grey ang mga mata niya at nagulat siya. Bumilis ang tibok ng puso niya at biglang sumakit ang ulo niya. Sinubukan niyang alalahanin ang naging buhay niya bago siya napulot ng mga madre sa bahay-ampunan. Ngunit ngayong natatandaan na niya ito, napakasama ng loob niya dito. At gusto lang niyang makita si Leo at tanungin siya kung bakit niya trinaydor ang tatay niya.

Agad siyang humarap kay Alfred. Nakatingin siya kay Alfred ngayon at natatandaan niya ang pangalan ng isang tao na kilala niya, "Kilala mo ba si one eyed John? Nasaan siya?”

Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Alfred. “Oo! Kung ganun nakakaalala ka nga?" Bumuntong hininga siya at mukhang nalungkot siya. “Napatay si John sa nangyaring pag-atake sa inyo. Natagpuan namin ang bangkay ng tatay mo pero hindi ka namin makita at hinanap ka namin mula noon."

Muling ipinikit ni Grey ang kanyang mga mata at huminga siya ng malalim. Napakasama ng loob niya. “Pinatay ang tatay ko, nakita ko ang nangyari."

Binuka ni Alfred ang kanyang bibig at nilamon siya ng pagkagulat. “Ano? Saan ka nanggaling? Akala ko hindi ka sumunod kay Hercules papunta sa party dahil hindi namin mahanap ang katawan mo. Yung totoo,” napuno ng kalungkutan ang mga mata ni Alfred. "Akala namin patay ka na.”

Kumunot ang mga kilay ni Grey. “Namatay ako! Tatlong bala ang tumama sa mga ribs at dibdib ko! Namatay ako!" Sumigaw siya sa galit. Ayaw niyang isipin ang tungkol dito pero p*ta! Paano niya sasabihin kay Alfred ang katotohanan na trinaydor ng isa mga pinakamatalik niyang kaibigan ang kanyang ama?

Lumapit si Alfred sa kanyang mesa, binuksan niya ito, at kinuha niya ang isang larawan. Bumalik siya sa tabi ni Grey at inabot niya ito sa kanya. “Ito kaming tatlong magkakaibihan; si Leo, si Rio, at ako.”

Kinuha ni Grey ang larawan mula kay Alfred at tinitigan niya ito. Nakilala niya agad si Alfred dahil hindi nagbago ang kanyang mukha. Nasa gitna ang tatay niya at sa kanyang tabi, nandoon si Leo.

Natatandaan pa ni Grey ang ngiti sa mukha ni Leo noong binaril niya sa ulo ang kanyang ama. Hindi siya makasigaw, hindi siya makalakad. Ang tanging bagay na kaya niyang gawin ay sumigaw sa isip niya at umiyak habang unti-unting namamatay ang tatay niya.

“Mayroong mali dito," ang sabi niya at umupo siya. Hawak pa rin niya ang larawan at nakakatakot ang pagtitig niya dito. Bakit trinaydor ni Leo ang tatay niya? Bakit niya siya pinatay? Hindi niya alam ang sagot sa mga tanong na ito. Bagaman, noong sandaling iyon, gusto niyang pugutan ng ulo si Leo at ipaghiganti ang pagkamatay ng tatay niya.

“Anong nangyari?" Lumapit si Alfred. “Saan ka tumira sa mga nakalipas na taon?"

Tumingin si Grey kay Alfred, puno ng pait ang kanyang mga mata. “Tumira ako sa isang bahay-ampunan. Nakalabas ako paglipas ng ilang taon at nagsimula akong magtrabaho upang makapag-aral ako ng kolehiyo."

Kumurap ang mata ni Alfred. "Kailangan kong ipaalam kay Charles ang tungkol dito. Matutuwa ang lahat kapag nakita ka nila.”

Biglang may naalala si Grey, “Sino si Charles, at anong meron sa Hercules? Alam ko pangalan ‘yun ng tatay ko pero anong espesyal dun?"

“Well, ako, si Leo, at si Rio ay bumuo ng isang business empire at isang mafia group na mayroong higit sa 20,000 miyembro sa buong mundo. At si Charles ang anak ni Leo, siya na ang namuno sampung taon na ang nakakaraan. Namatay si Leo habang nililigtas niya ang tatay mo. Sunog na sunog ang bangkay niya.”

Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Grey. Pinatay ni Leo ang tatay niya. Sinubukan niya siyang iligtas. Anong nangyayari?

“Pero mayroong nangyayari sa kasalukuyan at nananahimik kami sa kasalukuyan. At makakabuti kung ganun din ang gagawin mo,” sabi ni Alfred.

Nagpatuloy si Alfred. “Kapag nalaman nila na ikaw si Hercules, siguradong papatayin ka nila, kakailanganin mong humarap sa napakaraming mga mamamatay tao at mga assassin. Alam ko na ikaw ang pinakamahusay sa pakikipaglaban, pero hindi mo kayang protektahan ang sarili mo bawat minuto."

Tumingin sa kanya si Grey, makikita ang pagtataka sa kanyang mukha. “Tungkol saan naman ang problemang ‘to?”

"Sa tingin ko kailangan mong kausapin si Charles tungkol dito. Kaso, sa palagay ko hindi kayo pwedeng magkita sa ngayon dahil maraming nagmamasid sa kanya. Mapapahamak ka lang.”

Nagngitngit ang mga ngipin ni Grey. Ayaw niyang makita si Charles. Ayaw niyang makipag-usap sa anak ng isang traydor.

“Pero bakit ko kailangang makipagkita kay Charles? At walang sinabi sa’kin ang tatay ko tungkol sa mafia group. Kung mayroon nga siyang mafia, dapat sinabi niya ‘yun sa’kin."

Bumuntong hininga si Alfred. “Siguro sinusubukan ka lang niyang protektahan. At si Charles ay second in command kay Hercules, at ikaw ‘yun."

Ipinikit ni Grey ang kanyang mga mata nang makaramdam siya ng pait at sakit. Paano nakapasok sa negosyo ng tatay niya ang anak ng isang traydor? Tsaka, bakit magsisinungaling si Charles?

Tinitigan siya ni Alfred sandali bago siya lumapit sa mesa niya, kinuha niya ang isang bagay at may isinulat siyang mga letra dito. Pagkatapos, muli siyang lumapit kay Grey at inabot niya ito sa kanya.

Iminulat ni Grey ang mga mata niya, gulat na gulat siya.

Ano ang nakita niya!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status