Share

Kabanata 7 Kung saan siya gawa

Hindi sumagot si Grey at uminom siya ng wine. Dahan-dahan niya itong ininom ng may malungkot na ekspresyon.

Ni wala siyang oras na makipagtalo sa kanila. Ang tanging nasa isip niya ay ang mga taong nawala sa kanya.

“P*ta!” Nagmura si Seth. “Napakatanga niya.”

Biglang lumingon sa kanya si Grey, ng may inis sa kanyang ekspresyon. Kaya niyang dagdagan pa ang bali ng ilong ni Seth noong sandaling iyon.

Hindi kinausap ni Avery si Grey hanggang sa matapos ang party at papunta sila sa kotse.

Huminto si Seth sa paglalakad at lumingon siya kay Grey. “Sana alam mo na hinding-hindi ako sasama sayo pauwi sa bahay mo. Hindi ko kayang tumira sa bahay na gaya nun,” sabi ni Avery.

Pinagmasdan siya ni Grey sandali. “Asawa mo naman na ako, bakit hindi pwede?” Pang-aasar ni Grey.

Suminghal si Avery. “Seryoso ka ba? Dahil ba ‘to sa binigay ako sayo ng lolo ko ng ganun kadali? Sigurado ako na alam mo kung ano ang halaga ko.”

“Pero kasal na tayo ngayon. Dapat pa bang magkaroon ng harang sa pagitan natin?” Muling nagtanong si Grey.

“Paano ka nakarating sa kama ko?” Galit na tanong ni Avery.

Bumuntong hininga si Grey. “‘Yun din ang gusto kong itanong sayo.”

“Wala akong pakialam. Dapat gumawa ka ng paraan para alamin ‘yun. Aalis na ako,” pagod niyang sinabi. Binuksan ng isa sa mga bodyguard niya ang pinto para sa kanya at sumakay siya sa kotse.

Pinanood ni Grey ang pag-alis niya hanggang sa mawala na siya sa paningin niya. Bumuntong hininga siya at tumingin siya sa kanyang singsing.

Paano kung hindi niya sinuot yung singsing papunta sa party?

Tumunog ang alarm at nagising si Grey. Gumulong siya sa kama at nahulog siya sa sahig ng may malakas na kalabog.

Umupo siya at kinuskos niya ang braso niya. Nanaginip siya tungkol sa sarili niya, kay John at sa tatay niya. At masakit pa rin para sa kanya kapag naiisip niya na wala na sila at hindi na niya sila makikitang muli.

Ngunit medyo nagpapasalamat siya kay Alfred para sa ginawa niya upang masiguro na magiging matagumpay ang business empire at hindi mabubuwag ang mafia group. At nagyong nagbalik na siya, pagkakataon na niya upang ipagpatuloy ang nasimulan nila.

Gayunpaman, nagtataka pa rin siya kung bakit inilihim sa kanya ng tatay niya ang tungkol sa mafia group. Marahil kung hindi niya ginawa ‘yun, baka buhay pa sana siya.

Ngunit gaya ng sinabi ni Alfred, kailangan pa rin niyang magtago. Mayroon siyang trabaho bilang isang delivery man na magiging pinakamagandang cover para sa pagkatao niya.

Sinong mag-aakala na ang anak ng sikat na si Hercules ay isang delivery man? Napakaimposible nun.

Ginawa ni Grey ang lahat ng makakaya niya upang maghanda para sa trabaho. Nasa kanya pa rin ang cheque na binigay sa kanya ni Alfred ngunit wala siyang ideya kung paano niya ito gagamitin sa ngayon. Maghihintay siya ng tamang oras.

Sa loob ng isang oras, nagmamaneho na si Grey papunta sa delivery company sakay ng kanyang bike. Dumating siya sa tamang oras dahil malapit lang ang bahay niya.

“Hoy, delivery man,” inasar siya ni Chris ng naka ngisi noong sandaling naglakad siya papunta sa lobby.

Bumuntong hininga si Grey. Yung totoo, parte si Chris ng mga trabahador na laging namamahiya sa kanya sa tuwing may pagkakataon sila. At dahil isang full worker si Chris na kumikita ng mas malaki kaysa sa kanya, hindi niya siya masisi.

“Nandito ako para magtrabaho,” ang sabi ni Grey.

Muling tumawa si Chris na para bang nagbiro siya tungkol sa isang bagay. “Anyway, gusto kang makita ng boss. Pero saan ka ba pumunta kahapon?”

Hindi siya pinansin ni Grey at naglakad si Grey papunta sa opisina ng boss. Aksaya lang ng oras kapag sinagot pa niya si Chris.

Lumapit siya sa pinto at dahan-dahan siyang kumatok. “Magandang umaga, boss,” bulong niya habang nakadikit sa pinto ang ulo niya.

“Mabuti pa pumasok ka na bago pa kita kaladkarin,” sumigaw si Philip mula sa opisina.

Binuksan ni Grey ang pinto at nakita niya ang isang matabang lalaki na nasa kanyang sixties, na nakatitig sa kanya ng maigi na parang kaya siyang tunawin.

“Magandang umaga, boss. Sabi ni Chris gusto mo daw akong makita,” ginawa ni Grey ang lahat ng makakaya niya upang magpanggap na wala siyang alam.

Pinagdikit ni Philip ang kanyang mga kamay sa harap niya. “Anong maganda sa umaga, Grey? Bakit ka absent kahapon?”

Nanatiling tahimik si Grey. Hindi siya nakapaghanda ng palusot na sasabihin niya.

“Hindi, hindi mo na kailangang magpaliwanag!” Sabi ni Philip noong sandaling ibinuka ni Grey ang kanyang bibig upang magsalita. “Noon pa lang alam ko nang isa kang walang-kwentang pulubi. Paano mo nagawang pumasok kung kailan mo lang gusto na parang pagmamay-ari mo ang kumpanyang ‘to?!” Singhal ni Philip.

“Walang silbi sa’kin ang mga paliwanag mo! Umalis ka na lang sa kumpanya ko, Grey. Tanggal ka na!” Sigaw niya.

Nakaramdam ng galit si Grey sa mga sinabi ni Philip. Inaasahan na ni Grey na tatanggalin niya siya sa trabaho dahil narinig niya ang tungkol sa pagiging malapit ni Philip kay Seth.

At dahil gusto siyang bawian ni Seth, humahanap lagi ng paraan si Seth upang ipahiya siya saan man siya magpunta. Alam niya na si Seth ang kumausap kay Philip na tanggalin siya sa trabaho.

Gayunpaman, kasalanan niya rin ito. Kung hindi siya absent noong isang araw, hindi sana ito gagamitin ni Philip laban sa kanya.

Tumango siya sandali. "Ayos lang. Aalis ako sa kumpanya mo pero ibibigay mo ang sahod ko para sa buwan na ‘to.”

Suminghal si Philip. "Mangarap ka na lang kung iniisip mo na mangyayari ‘yun. Wala kang karapatang humawak ng kahit isang kusing at hindi mo makukuha ang sahod mo!”

"Ano?! Nagbibiro ka ba? Pinaghirapan ko ‘to! Sahod ko ‘to!” Reklamo ni Grey.

"Tingnan lang natin,” sabi ni Philip at dinampot niya ang telepono. Pinindot niya ang ilang mga button. “Hoy! Papuntahin mo ang mga tauhan mo sa loob ng opisina ko ngayon na!"

Hindi pa siya tapos magsalita noong biglang bumukas ang pinto at pumasok ang walong lalaki.

Tinuro ni Philip si Grey. "Bugbugin niyo siya at ihulog niyo siya palabas ng kumpanya ko!” Utos ni Philip.

Tinitigan ni Grey si Philip sandali. Muli siyang nakaramdam ng galit na sinabayan ng pagkamangha. Lumingon siya sa mga lalaki at pinanood niya silang lumapit sa kanya.

Inatake ng unang lalaki si Grey ngunit iniwasan niya ito at sinuntok niya ang lalaki sa ilong. Sumigaw ang lalaki at napaatras.

Sabay na sumugod sa kanya ang dalawang lalaki. Iniwasan niya ang unang atake at sinipa niya palayo ang pangalawa.

“Bugbugin niyo siya, mga tanga!” Sumigaw sa inis si Philip.

Nginitian ni Grey ang natitirang limang lalaki at pinalapit niya sila. Hinablot ni Grey ang lalaking pinakamalapit sa kanya at mabilis niya siyang pinaikot. Sinipa niya ang natitirang apat na lalaki. Binalikan niya ang lalaking hawak niya at sinuntok niya siya sa mukha.

Lumingon si Grey kay Philip ng may malaking ngiti sa kanyang mukha. Sumugod siya palapit kay Philip at hinawakan niya ang kanyang kamay, pagkatapos ay pinilipit niya ito.

Napasigaw si Philip sa sakit.

“Ang sahod ko o mamamatay ka."

“Pakiusap," nagmakaawa si Philip. “Bibigyan kita ng cheque ngayon."

Lalo itong piniga ni Grey.

“Patawarin mo ako," muling sumigaw si Philip. Ibibigay ko na sayo.”

Binitawan siya ni Grey at pinanood niya si Philip na lumapit sa kanyang mesa. Kinuha ni Philip ang isang sobre na puno ng pera at inabot niya ito kay Grey.

Ngumiti si Grey at kinuha niya ito mula kay Philip. Biglang tumunog ang phone niya nang lumabas siya sa opisina. Isa itong unknown number ngunit sinagot niya pa rin ito.

"Yes, hello."

“Yes, Hercules, si Alfred ‘to. Gusto kitang ipakilala sa isang tao, isa rin siyang mafia boss sa siyudad at mapagkakatiwalaan siya. Pwede ba tayong magkita? Mag-dinner tayo sa Weathervane Restaurant.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status