Share

Kabanata 4 Isa siyang master

Pinilit maglakad ni Grey papunta sa kama upang kunin ang pantalon niya. Nahihilo pa rin siya noong isinuot niya ang pantalon niya.

Inalalayan ng lalaki si Grey papunta sa kotse nang maramdaman niya ang mga kilos niya. Sinabi lang ni Grey sa driver ang address niya at hindi niya alam kung anong oras siya nakarating sa bahay.

Noong lumabas siya ng sasakyan, bigla siyang huminto nang makaramdam siya ng kapanatagan ng loob. Biglang naglaho ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay gumagaling na siya. Naglaho na din ang sakit na nagmumula sa ilong niya.

Hindi, hindi ‘yun ang dahilan. Ang determinasyon niya ang nagpapakulo sa dugo niya. Paano kung may kung anong bagay na tungkol sa kanya na hindi niya alam? Malabong nahulog lang siya mula sa langit, marahil ay mayroong bagay na konektado sa kanya.

Noong sandaling iyon, naging determinado siya na maibalik ang kanyang mga alaala anuman ang mangyari. Marahil, marami pa siyang hindi alam tungkol sa sarili niya.

Mas matagal ang biyahe papunta sa party kaysa sa inasahan ni Grey. Suot ang itim na suit na pinagsikapan niyang bilhin pagkatapos ng pangatlong sahod niya, at itim na sapatos, bumagay ito sa kagwapuhan ni Grey

Hindi siya kinausap ni Avery noong nakarating siya sa bahay niya. At ang tanawin na bumungad sa kanya ay sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit masama ang loob ni Avery. Mahirap lang si Grey habang isa namang bilyonaryo si Avery.

Para kay Grey, hindi rin niya ginusto ang nangyari at hindi rin niya maalala ang nakaraan niya. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng buhay.

Kinailangan niyang pumunta sa ospital sa kalaliman ng gabi at kinumpirma ng doktor na nabali ang ilan sa ribs niya ngunit magiging ayos lang siya.

Pinaglaruan ni Grey ang malaking singsing sa kanyang daliri. Yung totoo, ang singsing na ito lang ang tanging bagay na natagpuan niya sa sarili niya pagkatapos niyang magising sa bahay-ampunan ilang taon na ang nakakaraan. Bagaman wala siyang natatandaan tungkol dito, pinaramdam sa kanya ng singsing na ito na hindi siya nag-iisa.

Kaya naman gusto niyang suotin ito kahit na makaluma itong tingnan.

"Pwede bang hubarin mo yung singsing? Makaluma ito at nakakainis,” sabi ni Avery.

Tiningnan siya ni Grey sandali. "Pasensya na pero hindi ko magagawa ‘yun. Ang singsing na ito ang lahat ng mayroon ako.”

Suminghal si Avery kasabay ng biglang paghinto ng kotse. Tila nakarating na sila sa party hall. Ang Diamond hall ang venue ng party at isa ito sa pinakamaganda sa estate. Hilig ng mga mayayaman na mag-party dito dahil sa disenyo nito at high-quality taste.

Yung totoo, hindi inakala ni Grey na makakapasok siya sa ganitong gusali sa buhay niya.

Noong naglakad sila papasok, ang unang tao na nakita ni Grey ay si Seth. Naglalakad siya palapit sa kanila kasama ang isang babae na nakahawak sa kanyang kamay. Sa katunayan, mukhang nauna silang nakita ni Seth.

"Anong ginagawa mo dito?” Mukhang nagulat si Seth.

Bumuntong hininga si Avery. “Asawa ko siya."

“Asawa?" Biglang nakaramdam ng takot si Seth, dahil alam niya na wala siyang kwenta kung ikukumpara sa Lucy family, ngunit kung may asawa si Grey na mula sa Lucy family, bakit gusto niyang makasama si Nora?

“Ah, ang mahal kong pinsan at ang kanyang asawang pulubi," ang biglang sinabi ni Smith, lumapit siya upang makisalo sa usapan nila.

Naguluhan si Seth, ngunit di nagtagal ay nagpaliwanag si Smith, “Isa lang siyang son-in-law ng Lucy family, ang pinakamababang tao sa tahanan namin, mas mababa pa siya kaysa sa mga katulong!"

“May bahay ako!" Ang agad na sinabi ni Grey, galit na galit na siya.

Nang marinig niya ang mga sinabi ni Smith, biglang tumawa si Seth. "Kung ganun, ipadadala ko sa kulungan ang walang-kwenta mong asawa. Kailangan matuto siya."

Humakbang paharap si Avery. "Hindi mo siya dapat pagsalitaan ng ganyan. Nandito siya bilang isang bisita at magkasing halaga kayo.”

Muling tumawa si Seth. "Dapat mahiya ka na pinakasalan mo siya. Isa lang siyang talunan at hindi ko siya kasing halaga dahil wala siyang kahit na ano! Walang-wala!” Ang sabi ni Seth ng may mayabang na ekspresyon.

“Seth, anong nangyayari dito?" Muling narinig ang isang malalim na boses, at napalingon ang lahat sa kanya. Nakasuot siya ng isang BRIONI VANQUISH II SUIT na nagkakahalaga ng $43,000.

Malinaw na napakayaman niya.

"Huwag mo siyang pansinin, Mr. Alfred,” agad na sinabi ni Seth. "Ang lalaking ito ay isang kriminal at talunan. Dapat siyang paalisin sa party,” sabi ni Seth.

Bumuntong hininga si Avery at inilihis niya ang kanyang tingin sa sobrang hiya habang nginitian naman ni Smith si Seth.

Tumango s Alfred kay Seth at tumingjn siya kay Grey, sa kanyang lumang suit. "Hindi ko maalala na inimbitahan kita. Sino ka?”

Nagpaliwanag si Avery, “Sir, siya ang… asawa ko, hindi niya sinadyang guluhin ang party niyo, papaalisin ko na siya.”

Tumingin si Alfred kay Avery, “Ang prinsesa ng Lucy family? Sige, paalisin mo na lang siya, hindi ko siya bibigyan ng dagdag na parusa."

“Sige, aalis na ako." Itinaas ni Grey ang kamay niya ng may pag-aalinlangan.

Sa sandaling ito, biglang napansin ni Alfred ang singsing sa daliri ni Grey. Makikita ang pagkagulat sa mukha niya nang mapansin niya ang inscription sa singsing, bagaman hindi niya ito makita ng malinaw.

“Ano pang hinihintay niyo?! Paalisin niyo na yung walang-kwentang lalaki na ‘yan sa hall ngayon din!” Sumigaw si Seth noong hindi kimilos ang mga bodyguard ni Alfred.

Itinaas ni Alfred ang isa niyang kamay upang pigilan sila at tumingin siya kay Grey. “Pwede ba kitang makausap sandali?"

Napahinto si Grey, “Ako ba ang kinakausap mo?"

“Oo, iho, huwag kang umalis, sumama ka sa’kin." Sabi ni Alfred, kinumpas niya ang kamay niya, at pinalibutan ng mga bodyguard niya si Grey.

Natakot si Avery, si Alfred ang pinakamakapangyarihan at pinakamayamang tao sa siyudad, maging ang Lucy family ay hindi maaaring sumuway sa utos niya, lalo na ang iligtas ang isang son-in-law mula sa kanya. Bagaman ayaw ni Avery kay Grey, hindi niya gustong mamatay siya.

“Huwag kang mag-alala iha, hindi ko siya sasaktan." Nakita ni Alfred ang pag-aalala sa mukha ni Avery, inalo niya siya, na bihira niyang gawin.

Pakiramdam ni Grey na bumigat ang mga paa niya habang sinusundan niya si Alfred at hindi niya mapigilang mailang. Pumasok siya sa isang kwarto at nagsara ang pinto sa likod niya. Tumingin siya sa likod niya, habang unti-unti siyang nakaramdam ng takot.

“Huwag kang matakot," biglang sinabi ni Alfred. “May kailangan lang akong tingnan."

Tumingin sa kanya si Grey at nagtaas ng kilay. “Ano ‘yun?"

Tumingin si Alfred sa singsing. “Pwede ko ba ‘yang makita?"

Nagalit si Grey. "Hindi ko ibibigay sayo ang singsing na ‘to! Akin ‘to at wala akong pakialam kung makaluma ito basta akin ‘to!”

"Ano?” Nagsalubong ang mga kilay ni Alfred. "Hindi, ang ibig kong sabihin, hindi ko ito kukunin. May gusto lang akong tingnan, please.”

Nag-alinlangan sandali si Grey at dahan-dahan niyang inilabas ang singsing.

Kinuha ito ni Alfred at sinuri niya ang inscription. Malinaw ang salitang nakasulat dito. Mayroong malaking ‘Hercules’ na nakasulat dito. Kumabog ng malakas ang puso ni Alfred nang tumingin siya kay Grey, bahagyang nanginig ang katawan niya.

Tuwang-tuwa ang matandang lalaki na ito, at sinabi niya na, “Hercules, Hercules…”

Hindi alam ni Grey kung ano ang nangyari ngunit hindi siya nangahas na gumalaw. Biglang lumuhod si Alfred, umiyak ang matanda.

“Sa wakas nahanap ka na namin, Master!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status