Share

Secretly The Billionaire Boss
Secretly The Billionaire Boss
Author: Debbie chocolate

Kabanata 1 Anuman ang ibato ng buhay

Ang malakas na tugtog na nagmumula sa loob ng bahay ang tanging ebidensya na kailangan ni Grey upang malaman na ang kanyang girlfriend, na si Nora, ay nagdiriwang ng kaarawan niya.

Ngunit sinabi niya sa kanya na hindi siya magdiriwang ng kaarawan niya. Anim na buwan na silang nagdedate ngayon.

Binuksan ni Grey ang pinto, at sumasayaw si Nora kasama ang ilan sa mga kaibigan niya.

Masamang-masama ang loob ni Grey, ilang beses niyang tinawag ang pangalan ni Nora ngunit hindi ito narinig ni Nora dahil sa malakas na tugtog.

Lumapit si Grey kay Nora, hinablot niya ang kanyang kamay, at hinawakan din ni Nora ang kamay niya at humarap siya kay Grey ng naka ngiti.

Ngunit noong nakita niya ang galit na mukha ni Grey, naglaho ang ngiti niya.

“Bakit ka nandito?" Kalmadong tanong ni Nora.

Sabi ni Grey, “Ang pagkakatanda ko sinabi mo sa’kin na hindi ka magse-celebrate ng birthday mo, kaya anong ginagawa mo ngayon? Bakit ka nagsisinungaling sa’kin?”

Nang-iinsultong sagot ni Nora, “Marami akong kaibigan. Nagdesisyon silang mag-celebrate para sa’kin. Maliit na bagay lang ‘yun, tsaka wala ka rin namang pera para gawin ‘yun para sa’kin!"

Nanahimik si Grey, apat na buwan siyang nag-ipon upang makabili siya ng magandang regalo para kay Nora. Ang pagiging isang delivery man ang pinaka nakakastress na trabaho at minsan ay nagtitiis ng gutom si Grey lalo na kapag gustong-gusto niyang maisayahan ang girlfriend niya.

Tumigil ang tugtog, at tumingin si Grey sa paligid ng apartment. Ang apartment ang unang bagay na binili ni Grey gamit ng sahod niya habang kumuha naman siya ng isang kwarto sa labas ng league. Ngunit halos hindi na niya makilala ang kwarto. Kulay cream na ang mga pader nito. Mayroong isang malaking home theater at isang malaking TV set. Napalitan din ang mga upuan na ikinagulat ni Grey dahil wala siyang natatandaan na bumili siya ng mga bagong gamit.

Nakita ng lahat ng mga kaibigan ni Nora na parating si Grey, ngunit wala silang pakialam sa kanya, ang tanging alam nila ay isang delivery man si Grey, at wala siyang pera para sa birthday party ng girlfriend niya.

“Tingnan niyo yung gusgusing lalaki na ‘yun! Sino bang nag-imbita sa kanya?" Biglang nagsalita ang boses ng isang babae at lumingon si Grey sa pinagmulan ng boses.

“Siya ba ang boyfriend mo, yung delivery man?” Tumingin kay Grey ang babaeng may makapal na makeup, "Sa tingin ko hindi siya karapatdapat para sa isang magandang babae na gaya mo.”

Naiilang si Nora, ngunit yung totoo, sang-ayon siya sa sinabi ng babae. Isa na siyang Harvard student ngayon, at isang delivery man lang si Grey.

Kahit na si Grey ang nagbayad ng lahat ng mga bayarin sa university. At nagkita sila kamakailan pagkatapos mahirapan si Grey sa kolehiyo.

Maraming gustong itanong si Grey sa kanila. Bakit hindi siya pupunta sa party na kasama ang girlfriend niya? Si Nora ang celebrant at girlfriend niya siya.

Gayunpaman, nagdesisyon si Grey na palampasin na lang ang tungkol dito. Lagi siyang nakakaranas ng mga pang-iinsulto na gaya nun noon, lalo na noong unang beses siyang pumasok sa Harvard upang makita ang girlfriend niya. Bagaman ang Harvard ay isang pamilyar na lugar para sa kanya. Ngunit lagi siyang nakakaranas ng pang-iinsulto kahit na noong nag-aaral pa siya sa Harvard.

Agad niyang napagtanto ang isang bagay; kung paano tinatapak-tapakan ng mga mayayaman ang mahihirap, anong nangyayari kapag hindi ka mayaman o kapag na-bankrupt ang pamilya mo.

Isa itong bagay na nakasanayan na ni Grey mula noong magising siya sa isang bahay ampunan.

“OMG! Nandito na si Seth!" Tumili sa tuwa si Tracy at lumingon si Grey.

Nang marinig ang pangalan ni Seth, nagmamadaling pumunta sa pinto si Nora. Nagulat si Grey, bakit sabik na sabik si Nora sa pagdating ni Seth?

Tumingin si Grey sa pinto, isang gwapong lalaki ang pumasok, nakasuot siya ng magarang Armani suit, na may ngiti sa kanyang mukha, ang bawat babae sa loob ng silid ay nakatingin sa kanya.

Pumasok si Seth sa loob ng silid, hinawakan niya ang kamay ni Nora nang makita niya siya, medyo kinabahan si Nora dahil nandoon pa si Grey, ngunit hindi niya tinanggihan ang ginawa ni Seth.

Sandali lang! Sino ba si Seth para sa kanya?

Well, nagsimulang magtrabaho si Nora sa KK corporation at pagmamay-ari ito ni Seth. Ginawa ito ni Nora upang makaipon ng pera para sa school.

At napaisip si Grey kung paano nagkakilala ang dalawa hanggang sa maghawak kamay sila ng ganun.

Lumapit pa rin si Grey kay Nora dala ang kahon na hawak niya.

“Nora, happy birthday,” nakangiti siyang bumati, hindi niya pinansin ang mga titig ng iba at ang bulungan na nagmumula sa paligid.

Nanigas si Nora sandali bago sila lumingon ni Seth kay Grey.

Mayroong galit na ekspresyon sa mukha ni Seth habang nakatingin siya kay Grey. “Ang sabi mo sa’kin nakipaghiwalay ka na sa lalaking ‘to at malinaw kong sinabi sayo na ayaw ko siyang makita sa party na ‘to,” reklamo ni Seth. Mukhang mas matanda siya.

Naisip ni Grey na baka nagkamali lang siya ng dinig. Tumingin siya kay Nora, at hindi niya pinansin ang mga sinabi ni Seth. Baka biro lang naman ito.

Iniabot ni Grey ang kahon kay Nora, “May regalo ako sayo.”

Tiningnan sandali ni Nora ang kahon, kinuha niya ito, at hinagis niya ito palayo. “Bulag ka ba o bingi? O pareho?”

Nanigas sandali si Grey. Hindi pa rin siya makapaniwala na mayroong ibang tao na nag-uutos sa girlfriend niya sa loob ng bahay na binili niya para sa kanya. Puno talaga ng kabalintunaan ang buhay.

“Grabe Nora, bakit mo naman hinagis yung regalo niya sayo? Baka inipon niya pa ang lahat ng sinahod niya nitong nakaraang dalawang buwan para lang dito,” ang nang-iinsultong sinabi ni Tracy.

“Seryoso?” Tumawa si Seth, “Paano mo nagawang sumama sa isang mahirap na gaya niya. Hindi ka kayang alagaan ng lalaking ‘to.”

“Alam ko,” sabi ni Nora, “Naawa lang ako sa kanya kaya nagtiis ako sa relasyon namin pero sawa na ako sa ganun. Kailangan ko ng taong kaya akong alagaan.”

Humagikhik si Tracy, “Ang tanging bagay na magaling siya ay kumantot. Alam mo naman na malaki ang titi niya,” bumulong siya at tumingin siya kay Grey.

Bahagyang namula si Nora at agad niyang nilihis ang tingin niya.

Hindi makaimik si Grey, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Hindi niya inakala na makakaranas siya ng ganitong kahihiyan.

Bagaman nagawa niyang ayusin ang buhay niya ng walang pamilya. Ayon sa mga sinabi sa kanya ng mga madre sa bahay-ampunan, natagpuan nila siyang sugatan at walang kahit anong bakas ng mga magulang niya. At talagang naging puno ng pagsubok ang buhay para sa kanya. Lagi siyang iniinsulto. Ang tanging pag-asa niya ay si Nora. Kay Nora lang siya nakahanap ng kapayapaan ngunit hindi niya alam na nanatili lamang si Nora sa relasyon nila dahil naaawa siya sa kanya.

“Sige, tutulungan ko siya,” biglang sabi ni Seth at tumingin sa kanya si Grey.

Yung totoo, mas matangkad ng kaunti si Grey kay Seth.

“Kapag dinilaan mo ang sapatos ko, bibigyan kita ng trabaho bilang security guard sa kumpanya ko. Pwede kang kumita ng 1000 dollars para dun, nakahawak ka na ba ng ganun kalaking pera, loser?” Pagyayabany ni Seth.

“Sige na, tanggapin mo na ang alok niya, malay mo maging 1200 dollars ang sahod mo paglipas ng sampung taon!" Ang sabi ni Tracy ng may mapang-asar na ngiti.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status