Share

Kabanata 2 Ang set up

Tumingin si Grey kay Nora, sa babaeng pinag-alayan niya ng kanyang puso hanggang sa sandaling maligaw siya, noong sandaling pakiramdam niya na hindi siya magiging masaya sa buhay.

Tinitigan niya sandali si Seth, sa mayabang at nangungutyang ngiti sa kanyang mukha. Well, kontrolado niya ang lahat habang ang tanging bagay na mayroon si Grey ay si Nora. Pero hindi na ngayon. Iiwan na din ni Nora.

“Nora, totoo ba ‘to? O biro lang ba ‘to?” Ang mahinang tanong ni Grey.

Bumuntong-hininga si Nora, “Oo, Grey. Maghiwalay na tayo. Ito si Seth, ang bago kong boyfriend," ipinakilala niya si Seth at napatili naman sa tuwa si Tracy.

Ni hindi alam ni Grey kung ano ang nagpapasaya kay Nora. Kung may paraan lang siya para makaganti, ang unang tao na tuturuan niya ng leksyon ay si Tracy.

At ang nakakalungkot dito ay hindi siya minahal ni Nora. At talagang inakala niya na mahal nila ang isa’t isa.

Pinigilan ni Grey ang kanyang mga luha, hindi siya iiyak.

“Kawawa ka naman, ni hindi mo nahawakan ang mga kamay ng babaeng ‘to, hindi ba? Wala ka talagang kwenta."

“Kapag dinilaan mo ang sapatos ko, bibigyan kita ng trabaho bilang security guard sa kumpanya ko, anong masasabi mo sa… 1000 dollars per month?” Sabi ni Seth.

Tumawa si Tracy, “Naku! Napakabait mo naman, Mr. Seth. Kung ako sayo, hindi ko sasayangin ang laway ko sa pulubing ‘to. Hoy loser, bakit hindi ka na lang lumuhod at dilaan ang sapatos niya? Ito ang job interview mo!”

Nang makita niya na iniinsulto ng mga tao si Grey, hindi nagsalita si Nora ngunit tinitigan niya si Seth na nakangiti, marahil ay naisip niya na tama ang naging desisyon niya na sumama kay Seth, sa halip na kay Grey.

Mas dumami ang mga bulong na naririnig ni Grey habang palapit siya sa sapatos ni Seth.

Tumingala si Grey at pinagmasdan niya ang ngiti sa mukha ni Seth. Agad siyang tumayo at sinuntok niya siya sa mukha.

Napaatras si Seth at huminto sandali si Grey para tulungan siya. Hindi inasahan ni Grey na masasaktan nang husto ng suntok niya si Seth o kaya ay dudugo ang kanyang mukha. Ngunit sa sobrang galit ni Grey ay hindi niya ito napansin.

Tumakbo siya palabas ng bahay bago siya sugurin ng mga bodyguard ni Seth.

Subalit, gaya ng inaasahan, hinabol nila siya at tumakbo siya ng mabilis sa abot ng kanyang makakaya hanggang sa nakarating siya sa isang hardin sa may tabi ng kalsada. Tumalon siya papasok ng hardin at nagtago siya sa likod ng mga bulaklak.

Huminto ang mga bodyguard ni Seth sa mismong lokasyon ni Grey at hinalughog nila ang paligid bago sila umalis.

Nanatili si Grey sa pinagtataguan niya sa loob ng ilang minuto bago siya lumabas sa hardin. Naramdaman niya ang lahat ng kalungkutan na naipon niya sa buong araw. Sinusubukan niyang makisabay sa lipunan ngunit tila ang mundo ay hindi ginawa para sa mga taong gaya niya.

Bukod dun, bakit hindi pwedeng magmahal na lang siya gaya ng ibang mga tao? Bakit kailangan niyang maging biktima ng pag-ibig? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para sa kanya. Ibinigay din niya ang kalahati ng sahod niya sa kanya. Ginawa niya ang lahat para sa kanya.

Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito?

Naramdaman ni Grey ang mga luha sa mga mata niya ngunit pinunasan niya ang mga ito. Hindi siya iiyak. Magpapakalasing lang siya.

Walang kwenta naman ang buhay e.

Naglakad si Grey papasok sa Layon bar. Ang Layon ang isa sa pinakasikat na mga bar sa Brighton. At ito ay dahil sa mayroon itong mga hotel at mga suite. Tsaka, mayroon itong restaurant at gym.

Umorder siya ng apat na bote ng alak at lumabas na siya. Umupo siya sa isang pwesto ilang kilometro ang layo mula sa bar. Ayaw niyang manatili sa loob ng bar sa takot na mapag-initan siya ng iba. Maraming mayayamang tao sa loob at maaalala lang niya si Seth kapag nanatili siya sa loob kasama sila.

Ininom niya ang una at pangalawang bote ng alak. Noong iniinom na niya ang pangatlong bote, medyo nakakaramdam na siya ng pagkalasing. Gayunpaman, hindi pa rin niya nakakalimutan si Nora na taliwas sa gusto niyang mangyari.

Binitawan niya ang pangatlong bote at sinimulan niyang inumin ang huling bote ng alak. Nagsimula siyang makaramdam ng kakaiba habang iniinom niya ito at bigla na lang siyang nawalan ng malay, habang nahulog naman ang bote mula sa kamay niya at natapon ito sa lapag.

Pumikit ang mga mata niya at nakatulog siya ng mahimbing.

Isang lalaki ang humakbang palapit sa bar at huminto. Isa siyang matangkad na lalaki na nakasuot ng isang tuxedo na bagay sa maitim niyang buhok.

“Ang sabi ko humanap kayo ng kahit na sino! Kailangan kong tapusin ang lahat ngayong gabi!” Sumigaw siya sa inis at lumingon siya kay Grey. Tinitigan niya siya sandali at nagkaroon ng malaking ngiti sa kanyang mukha.

“Huwag na kayong mag-abala, mga tanga!” Muli siyang sumigaw at pinalapit niya ang isa sa mga bodyguard niya.

“Yes Boss,” ang sabi ng lalaki.

Tinititigan pa rin ni Smith si Grey. “Dalhin niyo ang lalaking ‘yun sa loob ng room 409.”

Tumaas ang mga kilay ng lalaki sa pagtataka. “Hindi ba nandoon si madam Avery?”

Lumingon si Smith at tiningnan siya ng masama. “Sinabi ko ba na hindi ko alam ‘yun? Gawin niyo na lang ang inutos ko at huwag ka nang magtanong!” Muling sumigaw si Smith. Mukhang hilig niya ang sumigaw.

Bahagyang yumuko ang lalaki at lumingon siya sa likod upang tawagin ang dalawang lalaki.

“Pero,” ang biglang sinabi ni Smith at muling tumingin sa kanya ang lalaki. “Hubarin niyo ang pantalon niya. Siguradong sapat na ‘yun,” mayroong mayabang na ekspresyon sa kanyang mukha habang sinasabi niya ‘yun.

Sumunod sa utos niya ang lalaki at di nagtagal ay pumasok ang lalaki sa kwarto kung saan natutulog si Avery. Dahan-dahan nilang inilapag si Grey sa kama sa tabi ni Avery.

Bagaman isang himala na hindi man lang naalimpungatan si Avery, hanggang sa magawa nila ang trabaho nila at naglakad sila palabas ng silid.

Mahabang oras ang lumipas bago minulat ni Grey ang kanyang mga mata. Yung totoo, mas komportable ang pakiramdam niya na nakatulong naman sa alak sa loob ng sistema niya. Umikot siya sa kama hanggang sa dumampi sa balat ni Avery ang kamay niya.

Biglang may tumulak sa kamay niya at tumama sa mukha niya ang isang malakas na sampal, na sinundan ng isang malakas na sigaw.

"Anong ginawa mo sa’kin?!” Sumigaw ang babae.

Kumurap ang mga mata ni Grey at sinubukan niyang mag-concentrate kahit na nasaktan siya ng husto sa pagsampal sa kanya ni Avery. Umupo siya at agad na lumibot sa paligid ang mga mata niya.

Dahil hindi niya alam kung nasaan siya, tumingin siya kay Avery. “Sino ka at bakit ako nandito?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status