Share

She's Mine
She's Mine
Author: Miss Elle

Chapter 1 I’m Single

ORLYN CITY, AUGUST 2021

I feel empty. Halos isang buwan na mula nang ilabas ko lahat ng kinikimkim kong emosyon para sa lalaking matagal kong ginusto. Nagparaya is not even the right term, dahil una pa lang, wala na akong laban. Wala akong puwang sa puso niya, at kahit kailan, hindi niya ako nakita bilang babae.

Even our friends keep on saying na kung hindi lang Mia Dizon ang pangalan ko, mapagkakamalan nila akong lalaki. I have no idea what makes me look like a guy for those jȇrks.

Maganda ang hubog ng katawan ko—big boobs that any men would love to squeeze, kahit pa ang buttocks ko.  Thirty-eight, twenty-four, thirty-six ang size ko. Dumagdag pa ang height ko na five-six. Hindi rin ako intimidating. In fact, I am so friendly. Kaya bakit?!

“Bakit single pa rin ako sa edad na thirty-seven?”

“Miss Mia, kasi hindi ka nagpaligaw. You were waiting for Doctor John kaya napabayaan niyo na po ang love life niyo.”

I glared at my new assistant na si Nanette Chua. I thought she is a good twenty-five-year-old bȋtch na mananahimik lang sa sulok at susundin ang mga inuutos ko. Hindi ko alam na may pagkatsismosa siya. To think that she will hit me with this issue on her second day.

“Magtrabaho ka na lang, pwede?”

She let out an insulting laugh. Insulting for me, dahil mas matanda ako sa kanya pero wala siyang respeto. Baka gusto niyang mawalan ng trabaho.

“Nanette na p*****a, ipaaalala ko lang sa iyo, I own this hospital. If you want to survive, be good like a good dog.”

Mukhang sa babaeng ito pa ako mai-stress. God, she’s just working in my office for two fuvking days! Tumayo na ako para i-check ang pasyente ko.

“Si Miss naman, I just wanted to lighten up the atmosphere in your office. Ang awkward po kasi.”

I let out a heavy sigh and rolled my eyes at her. I don’t need her excuses, at least not now. Wala ako sa mood maging mabait.

I miss John’s son, Raizel. Ang ka-cute-an ng batang iyon ang pumapawi sa pagod at lungkot ko. Nami-miss ko na rin ang tawag niya sa akin. Ang cute pakinggan kapag galing sa kanya ang mga katagang Tita Ganda.

What if mag-ampon ako ng bata? Para naman kahit papaano ay may uuwian ako sa bahay?

Oh!

Naalala ko na nag-alaga muna ng aso ang long-time crush ko na si John bago niya nakilala at napangasawa si Ellyna. Tapos naging pasyente niya rin ang babaeng iyon. Kapag ginawa ko ba iyon, makahahanap din ako ng lifetime partner?

“Miss?”

That would be great!

Ang kaso, halos lahat ng pasyente ko, may asawa’t anak na. And I’ve had enough of Ellyna and John. Ayaw ko nang ma-feel ulit na kabit ako. I should be the priority, the one and only—ayaw kong may kahati!

“Miss!”

“What?!” sigaw ko sa assistant ko.

“Lutang ka na. Gabi na po, uwi na. O gusto mo ihatid kita? I can treat you as if I am your boyfriend. Baka nga, much better pa ang treatment ko sa iyo kaysa kung sinong lalaki.”

“Tapos na ang araw at lahat-lahat, puno ka pa rin ng kalokohan.” Nailing na lang ako.

I will treat her nicely kapag ok na rin ako. Pero sa ngayon, I only see her as an annoying assistant. But I will apologize later.

“Mauna ka na. May gagawin pa ako. Ingat na lang sa daan,” tuloy-tuloy na sabi ko. Even though she is annoying, she deserves my concern at the very least.

Ayaw ko na kinabukasan ay walang papasok na assistant, kawalan ko iyon.

“Ay love ako ni Miss Mia. I love you, too!”

Binabawi ko ang sinabi ko.

“Madapa ka sana!” I rolled my eyes at her before she walked out of the door, laughing evilly.

I sighed. Mas nakakapagod siya kaysa sa trabaho ko.

Ilang saglit pa lang ang lumilipas ay bumalik siya para humirit ng pang-aasar.

“Ok lang po na madapa sa iyo, huwag lang sa kalsada. Mas masakit iyon,” she said and winked at me.

Mabilis niya ring isinara ang pinto at rinig ko ang mabilis niyang pagtakbo sa corridor.

“What the hȇck?”

This girl is amazingly stupid and childish and annoying!

Nahilot ko ang noo ko. Kung hindi lang kumalam ang sikmura ko, hindi ko maiisipang tingnan ang oras.

Gabi na pala talaga. My sense of time is slowly fading away as I grow old. Tumatanda na ako!

Kinuha ko na ang bag ko at dali-daling lumabas.

I was about to walk down the parking lot of the hospital building when suddenly, an idea of walking under the starry sky came to mind.

Napangiti ako.

Wala man akong kahawak-kamay sa paglalakad, I can still enjoy the beauty of the night.

Tahimik ang paligid. Alas nuebe na rin ng gabi. Mangilan-ngilan na lang ang tao sa daan. Ang iba ay mga vendor at tambay malapit sa ospital.

I ignored them.

Kahit naman nakawan ako at hilahin sa dilim, wala na akong pakialam. Wala na akong pamilya na uuwian o hahanapin man lang kapag nangyari iyon.

I’m all alone.

This loneliness is slowly eating my sanity that I wished to just die without a trace.

Pero…

Hindi pa ako nagkaka-lovelife so I can’t die without losing my virginity. Unfair iyon sa pagkababaȇ ko!

“Wishing star, wishing star, hindi naman halatang naniniwala pa rin ako sa iyo hanggang ngayon, ano? Kung may plano ka pang tuparin ang wish ko, gawin mo na!”

Natawa ako sa sarili. I’m being childish.

Malapit na ako sa isang eskinita. Shortcut ito papunta sa building ng unit ko. Nalaman ko ang daanan na ito noong minsan na may makita akong mga bata na naghahabulan at sumuot sa eskinita na ito.

Huminga ako nang malalim bago tuluyang naglakad papasok sa masukal na daan na agad kong pinagsisihan. Pagtapak na pagtapak ko pa lang ay biglang namatay ang ilaw, sabay noon ay malakas na d***g ng mga tao mula sa nagtataasang building.

May kalakip talagang kamalasan ang bawat wish.

Ni hindi pa nga tinutupad ang wish ko.

“Bakit ngayon pa nag-brown out?!” inis na bulong ko sa sarili.

Kahit gusto kong bumalik sa pinanggalingan ay hindi ko na ginawa. Wala namang mawawala sa akin kung sakali man na mapahamak ako sa kalokohan ko. Using the flashlight on my phone, I started to walk quietly through the night. Until I heard a groaning sound from the dark.

“Ok? Hindi ako takot mamatay, pero lilinawin ko lang. Takot ako sa multo!”

I must be crazy talking to myself.

Baka aso lang iyon. Walang multo.

“C-Cornelia…”

Nahigit ko ang hininga nang makarinig ng mahinang pagtawag ng isang boses lalaki, kasunod noon ay ang mahabang d***g.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ansh Marie Toperz
whos cornelia? si mia?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status