Share

Chapter 59

Nagawang malampasan ni Arielle ang twenty-four hours critical stage na sinabi ng doktor kaya naging stable na ang kalagayan nito at nailipat na sa isang private room. Sa loob ng mga araw na walang malay si Arielle ay hindi umaalis si Gun sa kanyang tabi. Natatakot ito na baka malaman ng taong nagpapapatay sa dalaga na nakaligtas ito at muling mag-utos ng tao para patayin sa hospital si Arielle.

Pagkalipas ng apat na araw na walang malay ay nagising din sa wakas si Arielle. Agad niyang napansin si Gun na nakaupo at nakasandig sa upuan ang likuran habang natutulog at nakahawak sa isa niyang kamay ang isa nitong kamay.

"Gun," paos ang boses na tawag niya rito. "Gun," ulit niya sa pagtawag sa pangalan nito nang hindi ito nagising sa una niyang pagtawag.

Naalimpungatan naman si Gun nang sa wakas ay narinig ang kanyang mahinang tinig. Bigla itong napatayo sa pagkakaupo at bumakas sa mukha ang tuwa nang makitang gising na siya.

"Thanks, God! You're finally awake after four days of being com
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status