Share

Pangatlo

Third Person Point of View

       Isang babae ang tumatakbo sa may talahiban. Pawis na pawis ito at palinga linga sa kanyang likuran.

       May humahabol sa kanyang tatlong babaeng nakasuot ng mga itim na belo at itim na bestida.

       Hinihingal na siya ngunit wala siyang balak tumigil. Kahit mamanhid na ang kanyang mga paa basta huwag lang siyang maabutan ng mga ito.

       Nalingon ang babae sa kanyang likuran at lahat na ng santo ay kanyang natawag sa kanyang takot.

       Hindi niya matanaw ang mga mukha nito. Mabibilis itong tumakbo na daig pa ang isang kabayo. Akala mo ay may lahing kidlat sa pagtakbo.

       Hindi niya matanaw ang mga mukha nito dahil sa dilim ng gabi.

       Nais niyang magsisi na hindi sya nakinig sa kanyang kapatid na huwag ng maglaba ng dis oras ng gabi ngunit heto siya at naglaba pa rin sa may batis.

       Ayaw niya kasing maglaba bukas upang sana ay magamit na lamang niya ang kanyang oras sa paggala kasama ang kanyang mga kaibigan.

       Mas gugustuhin niya pa ngayon maglabas ng maghapon at kahit isang linggo pa ng sunod sunod at walang hinto basta makatakas lamang siya sa tatlong mga nilalang na humahabol sa kanya.

       Isa lamang ang knayang naiisip. Ito ang mga kulto na kumakalat kalat ngayon sa kanilang probinsya.

       Kung bakit ba kasi hindi siya nakinig sa balita. Akala niya ay palusot lang ito ng mga lalaki sa balita upang pagtakpan ang mga krimen na nagawa nito.

       Ngayon ay naniniwala na siya. Sisiguraduhin niya na ibabalita niya agad ito sa kanyang mga kaibigan sa oras na makatakas siya sa mga ito.

       “Iligtas niyo po ako!” naiiyak na sabi ni Kendra habang tumatakbo. Halos hindi na siya makahinga dahil kanina pa siya tumatakbo.

       Muli siyang tumingin sa kanyang likuran. Nakasunod pa rin sa kanya ang tatlo.

       Tila walang kapaguran ang mga ito.

       Hindi na alam ni Kendra kung saan siya napunta. Basta ang alam niya lamang ay iniwan niya ang kanyang nilalabhan noong makita niya na nakatayo ang mga ito sa malayo.

       Agad siyang nagtatakbo ngunit hindi niya namalayan na hindi pala ang daan pauwi ang kanyang natahak.

       Nadulas si Kendra sa kanyang pagtakbo. Gumulong gulong siya pababa at tumama sa mga bato.

       Nais niyang umiyak noong maramdaman niyang bumaliko ang kanyang paa ngunit ayaw niyang gumawa  ng kahit anong ingay.

       Agad siyang tumayo at may nakita siyang isang butas sa kanyang harapan.

       Hirap siyang lumakad patungo roon at nagtago.

       Tinakpan niya ang kanyang bibig ng napakariin upang hindi makalikha ng kahit anong ingay

       Narinig niya ang mga yabag ng mga ito na papalapit ng papalapit sa kanyang kinalalagyan.

       Nagsumiksik siya sa gilid upang hindi siya makita sa kanyang kinalalagyan. Napapikit siya at napadasal ng taimtim.

       Nanginginig ang kanyang mga kamay.

       Mga ilang minuto pa ang lumipas ay narinig niya ang katahimikan sa paligid.

       Unti unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at napasigaw noong makta niya ang isang matanda na nakangiti habang nakatingin sa kanya.

       “Ahhh!” gumapang ito papalapit sa kanya at inabot ang kanyang dibdib ng malaking kutsilyo.

       ***

       Hingal na nagising si Gilda mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog.

       Tumutulo ang kanyang pawis sa gilid ng kanyang mukha.

       Napatingin siya sa may bintana at napansin niyang maliwanag na sa labas.

       Tumayo siya upang buksan ang mga ito. Matapos ay tinanggal niya rin ang tela sa may malaking salamin.

       Bumaba na siya sa hagdan at tinahak ang kusina. Naabutan niya roon si Maria at nilapitan niya ito.

       “Hello,” bati ni Gilda kay Maria.

       “Oh! Gising ka na pala, anak!” ani ni Maria sa dalaga. “Hindi ko man lang naramdaman ang presensya mo.”

       “Anak? Hindi mo ako anak,” ani ni Gilda kay Maria.

       Napasimangot naman si Maria at inilapag ang kanyng hawak na kutsilyo sa lababo at tumingin kay Gilda.

       “Ano kamo?” tanong ni Maria kay Gilda.

       Unti unti namang lumingon si Gilda sa kanya ngunit hindi kasama ang katawan.

       Napakunot ang noo ni Maria noong unti unting ngumiti si Gilda. Ang ngiti nito ay abot hanggang tainga.

       Malakas itong tumawa.

       “Anong nangyayari sa iyo?” tanong ni Maria at hinawakan si Gilda sa magkabilang balikat. “Anak, ayos ka lang ba? Bakit ka nagkakaganyan?”

       Tumigil naman sa pagtawa si Gilda.

       “Nanaginip ako kagabi,” ani ni Gilda sa dalaga at kinuha ang kutsilyong binitawan ni Maria kanina.

       “Panaginip? Anong panaginip?” tanong ni Maria kay Gilda.

       “May tatlong babae,” ani ni Gilda. “HInahabol nila ang isang dalaga. Isang dalagang naglalaba sa may batis. Tapos noong maabutan nila ito ay hiniwa nila ang dibdib. Inilabas nila ang puso.”

       Pinagmasdan ni Maria si Gilda at nakita nito na pinaglalaruan ang kutsilyo.

       Bahagya siyang kinabahan sa kinikilos nito. Ramdam niya na may kakaiba sa dalaga sa boses at pagtrato pa lamang nito sa kanya.

       “Panaginip lamang iyon,” ani ni Maria. “Huwag kang matakot.”

       “Sinong nagsabing natatakot ako?” tanong ni Gilda sa babae. “Sabi ng kaibigan ko ay hindi lang ito panaginip. Nangyari talaga ito.”

       Napakunot naman ng noo si Maria.

       “Ano? Sinong kaibigan? Hindi ba at sabi ko ay huwag kang makikipag kaibigan sa kung sino sino?!” ani ni Maria.

       “Kilala mo raw siya sabi niya sa akin,” sabi ni Gilda at napatawa.

       “Kilala? Nasaan ang kaibigan mo na iyan? Dalhin mo ako sa kanya at sabihin natin kung kilala ko talaga siya.”

       Ngumanga naman ng ubod ng laki si Gilda. Tapos gamit ang hintuturo ay tinuro niya ang loob ng kanyang bibig.

       “Ano iyan? Anong ginagawa mo?” tanong ni Maria.

       “Nasa loob siya,” ani ni Gilda. “SIya yung kaibigan ko. Hindi mo ba nakikita?”

       Mas lalong kumunot ang noo ni Maria.

       Hindi niya maintindihan ang dalaga kung ano ba ang sinabi nito ngunit kinukutuban siya sa kung anong meron sa loob nito.

       Kinuha ni Maria ang kutsilyo sa kamay ni Gilda.

       “Umupo ka na lamang doon,” ani ni Maria. “Magluluto muna ako ng agahan.”

       Ngumiti naman si Gilda sa babae at pagkatapos ay tumalikod na.

       Dumiretso ito sa may upuan at umupo.

       Napuno naman ng pag aalala si Maria. Alam niya ang kaibigan na sinasabi ni Gilda. Kung nasa loob nito iyon ay ito rin ang kaibigan niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status