Share

CHAPTER 3: Sa Muling Pagkikita

TUMAAS ANG KILAY ni Sunset nang makitang muli ang kanyang asawa. Malaki ang ibinagsak ng katawan nito at nanlalalim ang mga mata na para bang ilang araw na walang tulog. 

Hindi pa man siya tapos na obserbahan ito ay ganoon na lamang ang gulat niya nang kaladkarin ng asawa palabas ng pabrika.  Galit na galit ito sa hindi malamang dahilan. 

“Lucian, bitawan mo ako!” paulit-ulit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Lucian. 

“Hindi kita hiniwalayan para lang makita sa eskwater!” 

Napamaang siya sa itinuran nito. Hindi imposibleng hindi alam ng asawa niya ang lugar na ito. Parati niyang naikekwento kay Lucian ang pangarap niya. Sa isiping hindi man lamang pinakinggan iyon ng asawa ay naghihinagpis ang kanyang puso.

“Ano ba? Nasasaktan ako!” ganoon pa rin katindi ang pagkakahawak ng asawa niya kaya ang nagawa na lamang ni Sunset ay mapadaing. “Ngayong tapos ka ng saktan ang damdamin ko, kaya ginagamitan mo ng pisikal?”

“Nasaan na ang lalaki mo?” galit na tanong nito. 

Napamaang ang bibig niya sa naging tanong nito. Siya may lalaki? Gaano man kasakit ang nagawa nito sa kanya, hinding-hindi siya tutulad sa asawa.

“Kating-kati ka na bang makasama siya kaya pumayag kang—”

Hindi na naituloy ni Sunset ang sasabihin nang isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Lucian nakapagpabigla sa kanya.

Dahil sa pagtatalo nila ng asawa, hindi niya napansin ang paglapit ni Vincent sa kanilang pwesto. Narinig nitong lahat ang masasakit na salitang binitawan ng asawa niya.

“Baka nakakalimutan mong asawa mo ang binabastos mo!” galit na galit na dinuro ni Vincent si Lucian gamit ang kamaong ipinangsuntok dito.

Maling-mali ngunit bakit narito na naman siya sa bisig ng asawa habang labis na nag-aalala sa kalagayan nito?

“Lucian!” ganoon na lamang ang kabilis ang pagyakap niya sa asawa nang tangkain nitong gumanti kay Vincent. “Sabing tama na!” 

Isang pagngisi ang pinakawalan ni Vincent habang may matalim na tingin kay Lucian. 

“Malaman ko lang na sinaktan mo si Sunset, hindi lang iyan ang aabutin mo!”

“Lucian, sabing tama na!” namamaos na sigaw ni Sunset at pilit na hinihila ang asawa niya patungo sa sasakyang nakaparada sa may ‘di kalayuan.

“Bakit ba kinakampihan mo ang lalaking iyon?” nanggagalaiting tanong ni Lucian nang makapasok sila sa loob.

“Ito ba ang dahilan kung bakit ka narito? Para maliitin ang pangarap ko?”  nangingilid ang luha na tanong niya rito.

“G-gale, that’s not my intention—”

“Pero ginawa mo pa rin,” heto na naman ang pilit niyang ngiti. “Sanay na ako. Dati pa, ang tingin mo sa akin ay para lang isang ipis na walang pagdadalawang-isip mong tinatapak-tapakan. Sa tagal nating nagsama, ni minsan, hindi ko naramdaman na may asawa ako. Pakiramdam ko, katulong mo lang ako, sunod-sunuran sa mundo mo, Lucian.”

Ganoon na lamang ang paglihis ng tingin nito sa kabilang direksyon na para bang riding-ridi na sa kardamahan niya.

“Kung kailangan mo ng pera, sabihan mo lang ako para hindi ka nagtatrabaho sa eskwater na ito.”

Kasabay ng pagkuyom ng palad ni Sunset ay ang pagpikit niya ng mga mata upang tanggapin ang lahat ng ibabatong masasakit na salita ng asawa. Pagod na siyang makipagtalo rito.

“Sa mansyon,” nasabi na lamang ni Lucian.

Sa buong biyahe nila, palihim ang naging tingin ni Sunset sa asawa. Hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin ang pagiging talunan niya. Kahit yata isang libong rason ang ilapag sa kanya para talikuran ang asawa, sa isang dahilang mahal niya pa rin ito ay muli siyang tatakbo sa bisig ng asawa kahit nasasaktan na siya.

Hinayaan niyang makontento sa panakaw na pagtitig kay Lucian sa buong biyahe. Hindi niya magawang gisingin ito dahil ang kalagayan pa rin nito ang importante sa kanya.

“Apo!” 

“Abuelo, Abuela!” malapad na ngiti ang pinasalubong niya sa dalawang matanda na parehong nasa hapagkainan na. Hinihintay lamang sila upang makapaghapunan na.

Ang mga ito ang lolo at lola ni Lucian. Ang dahilan kung bakit nakulong sila ng asawa sa arrange marriage.

“Kumusta na ang paborito kong apo?” nakangiting bati ng lola ni Lucian.

“Nasaan na ba iyong si Lucian? Kahit kailan talaga!” napa-palatak na lamang ang matanda kasabay ng paglagatok ng tungkod nito.

“Nakatulog ho sa sasakyan. Hindi ko na ho ginising, Lo,” pagrarason niya kasabay ng pagngiti sa dalawa.

May mga pagkakataon na nahihirapan pa rin siyang kausapin si Mr. Seville dahil bigla na lamang hinahaluan ng Espanyol ang sinasabi nito kaya madalas na to the rescue ang lola ni Lucian na purong Pilipina upang ipaliwanag ang mga sinabi ng isa.

“Wala pa rin bang nabubuong bata riyan sa sinapupunan mo, Hija?” 

Ganoon na lamang ang malakas na pag-ubo ni Sunset dahil sa biglaang tanong ng lola ni Lucian.

“Abuela…” namumulang sambit ni Sunset.

“Alam mo, Hija. hindi lamang dahil sa pagpapasalamat ko sa tatay mo kaya ipinakasal kita sa apo ko. Wala na akong nakikitang ibang babae na nararapat sa kanya kung hindi ikaw.”

“Simplemente una falta de respeto, Abuelo,” panghihingi ng galang na singit ni Lucian sa usapan. “Let us decide for ourselves, Abuelo.”

Nakatingin lamang si Sunset sa asawa. Kung ganoon, hindi pa nito nasasabi sa mag-asawa ang planong divorce ni Lucian?

“Bakit kailangan nating matulog sa iisang kwarto?” puno ng pagtutol ang tinig ni Sunset.

“Bakit hindi?” balik tanong ng asawa niya nang tuluyan silang makapasok ng kwarto. “Mag-iinarte ka pa ba ngayon nakita ko na ang lahat ng iyan?” 

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Sunset ang asawa na antipatikong nagtuloy-tuloy lang ng pagpasok sa banyo.

Hindi pa man ito nagtatagal sa loob nang mag-ring ang cellphone ng asawa. Paulit-ulit iyon at walang patid. Gustuhin niya mang katukin si Lucian sa banyo ay natatakot naman siyang mabulyawan nito kaya hindi nag-iisip na sinagot niya ang tawag sa kabilang linya.

“H-hello?” 

Ngunit akalain na ang pagsagot ng tawag na iyon ang pinakamalaking pagkakamaling magagawa ni Sunset sa buhay niya. 

“Eveth?” gulat niyang tanong nang makita ito na binubuhusan ang apartment na tinitirhan ng gasolina noong makapasok siya sa bahay nito nang nagmamadali.

“W-walanghiya ka!” galit na galit ito at tila ba wala sa sarili. “Dahil sa iyo kaya nagdadalawang-isip na Lucian na piliin ako!”

“Ano ba itong ginagawa mo? Akin na ang lighter, Eveth,” may pakiusap niyang sabi kahit pa binabalot siya ng labis-labis na kaba.

“Ngayong nakabalik na ako, ayos na ang lahat kung hindi lang kaartehan mo ang ipinapakita mo kay Lucian! Hindi ka na niya pipiliiin ngayon—”

“Huwag!” 

Mabilis kaagad na kumalat ang apoy dahil sa ibinuhos ni Eveth. 

“Ano bang ginagawa mo?” galit niyang tanong sa babae. “Aalis tayo rito!” 

Pilit niyang isinasama si Eveth palabas ngunit matigas ang babae at walang takot na hinihintay ang apoy na lumapit dito. 

“Eveth!” pilit niya itong hinihila.

“Ouch!” malakas nitong pagsigaw matapos mapahiga malapit sa apoy.

Hindi siya maaaring magkamali, ipinapalabas ni Eveth na itinulak niya ito at naging dahilan ng pagkapaso.

“Eveth!” natatarantang sigaw ni Lucian kasabay ng malakas na pagkatulak sa kanya.

Madaluhan lang kaagad nito si Eveth ay hindi na inisip na maaari din siyang masaktan.

“Lucian. Ano—” hindi matagpuan ni Sunset ang tamang salita upang maipaliwanag ang sarili sa asawa.

Malinaw na malinaw sa kanya, siya ang sinisisi nito sa pagkapahamak at pagkasunog ng apartment ni Eveth. Itinago na lamang ni Sunset ang kamay na napaso dahil sa ginawa ng asawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status