Share

CHAPTER 8: Pagmamahal na Pinanghahawakan

BAHAGYA ANG NAGING pagkasilaw kay Sunset ng liwanag na tumatama sa bintana noong magmulat siya ng kanyang mga mata. Pumikit pa siya nang sandali hanggang sa kaya niya ng imulat iyon nang tuluyan.

Ang unang tumambad sa kanya ay ang puting kisame ng hospital na pinagdalhan sa kanya. Akmang tatayo na siya mula sa kinahihigaang kama nang mapansin ang asawa na nasa tabi niya.

Mahimbing ang tulog ni Lucian habang nakahilig sa higaan ng kama kinahihigaan niya. Pansin niya ang panlalalim ng ibabang bahagi ng mata nito senyales na wala itong maayos na tulog.

Noong mga panahon na magkasama sila sa iisang bahay, hindi siya napalapit ng ganito kalapit sa asawa. Pakiramdam niya nang mga panahong iyon ay nasa iisang bubong sila at may pader na nakapagitan sa kanilang dalawa. Magkahiwalay din ang kamang tinitulugan nila at hindi siya maaaring magbigay ng kahit na anong opinyon sa buhay nito. Kailangan niya ring bantayan ang kanyang mga galaw dahil mabilis uminit ang ulo nito sa maliliit na bagay.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status