Share

The Price of Her Love After Divorce
The Price of Her Love After Divorce
Author: Rigel Star

CHAPTER 1: Sa Unang Halik

RUMARAGASA ANG KANILANG emosyon habang dama niya ang lahat sa asawa. Sa paraan ng pagtitig nito na humahalukay sa kanyang pagkatao ang dahilan kung bakit hindi makatingin si Sunset nang maayos sa asawa. Maging ang paraan ng paghalik ng asawa sa bawat bahagi ng kanyang katawan na para bang wala itong ibang sinasabi kung hindi ang katagang mahal siya at tanging siya lamang ang nakikita nang gabing iyon. 

Hindi siya nanaginip. Pinagmamasdan talaga siya ng asawa. Sa limang taon ng kanilang pagsasama, ngayon niya lamang nadiskubre na kaya pala nitong tumingin sa kanya nang walang galit sa mga mata.

Ganito pala ang pakiramdam ng mayakap nito... 

Pakiramdam niya’y ligtas siya kahit pa maging kalaban niya ang mundo.

Nang gabing iyon, sa unang pagkakataon, natikman niya rin ang tamis ng unang halik mula kay Lucian. Mag-asawa sila. Oo. Ngunit ang lahat ng iyon ay sa papel lamang.

Bahagya siyang napangiti. Gusto niya munang kalimutan ang lahat. Ang kasalukuyan ang mas mahalaga sa kanya.

“Masaya ka ba?”

Tanong ni Lucian na mabilis niyang tinanguan. 

Walang pumapagitna na musika sa kanila, ngunit bakit iisa ang ritmo ng katawan nila? Tila kapwa saulado ang indayog sa ibabaw ng kama. Napakalamig ng kwarto ngunit pawisan sila dahil sa kanilang pag-iisa.

Dahil sa paraan ng pagtingin ni Lucian, hindi niya na naman maiwasang huwag magpaubayang muli… 

Naipikit ni Sunset ang mga mata habang dinadama ang kahabaan ng asawa sa loob niya. Naiyakap niya na lamang sarili sa matipunong dibdib nito upang tanggapin ang bawat ritmong ginagawa ng asawa. 

“Lucian…” basag na boses na tawag niya sa asawa. “Lucian…”

Habang habol ang paghinga at mapuno nito ang kanyang bukana, umalis sa pagkakaibabaw niya si Lucian matapos halikan ang kanyang noo. Hindi niya maiwasang huwag maibaling ang tingin sa asawa kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. 

Mahal na ba siya neto? Nagbunga na ba ang panalangin niya sa loob ng limang taong pagsasama nila?

Sa pagpunas niya ng kanyang luha, inihilig niya ang ulo sa dibdib ng asawa. Habang nakapikit ang mga mata, dama niya ang pintig ng puso nito. 

“Lucian, bubuo na ba tayo ng pamilya?” nakangiti at inosente niyang tanong sa asawa. Kahit matagal na silang nagsasama, hindi niya maramdaman na misis siya nito. Mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagiging alila ng asawa.

“Alam mo, tatatlo na lang kami sa aming pamilya. Nakaratay pa ang itay. Kung kailan siya magigising ay hindi pa namin alam…”

Hindi maiwasang mapangiti ni Sunset. Sa matagal na pagsasama nila ng asawa, iniiwasan niyang umasa na magkakaroon ng anak dahil sa pagiging baldado ni Lucian. Ngunit sa ikalimang taon ng kanilang pagsasama, at pagtitiyaga niya, himalang nakalakad itong muli.

“Alam mo, pangarap  ko na magkaroon ng limang anak. Ayaw kong mag-isa, nakakalungkot iyon.”

Mahal na mahal niya si Lucian. Hindi niya nakikita ang sarili sa iba. Mula una nang ibigay niya ang puso rito hanggang hinaharap, ang asawa lang ang nakikita niyang kasama.

“Nagulat ako nang yayain mo ako rito sa resort. Heto ang unang beses na namasyal tayo—ang daldal ko ba?”

Masayang-masaya siya. Kulang ang salitang iyon upang ipaliwanag ang nadarama niya.

“Ngayong magaling ka na at nakakapaglakad, may mga gusto ka bang puntahan? Pwede kitang samahan, Lucian. Maraming magagandang lugar dito sa San Ildefonso. Naisip ko kase, kapag lumalabas tayo, puro physical therapy mo ang ginagawa natin. Ngayon, pwede na tayong mamasyal. Para naman kung magkakaroon na tayo ng anak, may maikekwento tayong magandang memorya—”

“Let’s get divorce, Gale.”

Nahinto sa pagsasalita si Sunset dahil sa sinabi ng asawa. Sandaling hindi niya maiproseso ang sinabi nito. Nablangko ang kanyang isipan habang nakatingin sa seryosong mukha ni Lucian.

“Let’s get divorce.”

Sa pangalawang pagkakataong ulitin iyon ni Lucian, tila bombang sumabog sa kanya ang anunsyo ng asawa. 

Pagkalito ang sumunod niyang naramdaman nang iritableng inilayo ng asawa ang pagkakadikit ng hubad nilang katawan na para bang may nakakahawa siyang sakit na dumapo lamang pagkatapos nilang magniig. 

Ganoon na lang ba iyon, pagkatapos siya nitong makuha, ang tingin na sa kanya ay isang basura?

“Hindi magandang biro iyan, Lucian—”

“You don’t want to? Magkakaroon ka ng sariling buhay. Limang taon na ang kinuha ko sa ‘yo, dagdagan ko pa ba ang pang-aabala ko ngayong magaling na ako?”

Tumayo mula sa pagkakahiga ang asawa niya. Ang nakatalikod na matipuno nitong katawan ay tinakpan ng roba. Kaagad namang naibalot ni Sunset ang hubad na katawan sa puting kumot.

“M-may problema ba tayo, Lucian?” naguguluhan niya pa ring tanong sa asawa. “Kung may mali sa akin, susubukan kong baguhin. May nagawa ba akong ikinagalit mo? H-huwag mo lang akong iwan kase hindi ko kakayanin…”

Nagsimula nang tumulo ang kanyang luha sa naging paraan ng pagtingin ng asawa. Nang hahawakan niya ang kamay nito, malakas na tinabig iyon ng asawa.

“Huwag mo akong artihan, Gale! Alam mong sa simula pa lang, hindi na kita gusto pero hanggang ngayon para ka pa ring langaw na hindi makatiis na makisalo sa iba!”

Tila pinipiga ang puso niya. Sa mahabang panahon na pagsasama nila ng asawa, hindi ito nabigong iparamdam sa kanya kung gaano siya kababa. Hanggang sa huli, nakikita pa rin siya nito bilang isang mangmang na probinsyana na nagpakasal sa lalaki para sa pera.

Mabilis ang naging pagpunas ni Sunset ng kanyang luha. 

“Bigyan mo ako ng dahilan!” matapang niyang sabi sa asawa.

“Babalik na si Eveth dito sa Pilipinas.” Hinilot nito ang sentido na para bang naiinis na sa pagdadrama niya. “Masasaktan siya kapag nalaman niyang nandyan ka pa—bakit ba ako nagpapaliwanag? Tapos na ang usapan. Maghihilaway tayo sa ayaw mo’t gusto!” 

Sa dinami-rami ng sinabi ng asawa, hindi alam ni Sunset kung paano niya pa nakuhang ngumiti.

“Naiintindihan ko…” 

Nanakit man ang nasa pagitan ng kanyang mga hita, nagawa pa ring tumayo ni Sunset sa kama. 

Wala pa ang sakit na iyon sa labis na pagkadurog ng kanyang puso. Dignidad na lamang bilang babae ang mayroon siya. Hindi niya na hahayaang kunin pa iyon ng iba lalo na ng kanyang asawa. 

“Saan ka pupunta?” gulat na tanong ng asawa nang makita siya nitong nagbibihis. “Saan ka sabi pupunta?” 

“Hindi mo ba nakikita?”

May kalituhan na tumingin sa kanya si Lucian. Hindi nito inaasahan ang magiging reaksyon niya. 

“Ano bang akala mo, magmamakaawa ako?” bahagyang si Sunset bago mabaling ang tingin sa tseke na nasa ibabaw ng side table. “Akala ko namamalikmata lang ako kanina. Hindi ko lubos maisip na limang milyon lang pala ang halaga ko!”

Total, oportunista na rin naman ang tingin ng asawa niya sa kanya, paninindigan niya na.

“Sa akin ito ‘di ba? Kukunin ko na.” 

Isang malapad na ngiti ang ibinigay niya kay Lucian habang hawak ang tseke sa kaliwang kamay bago tumalikod. 

Nang makatapat sa pinto ng kanilang silid, mula siyang lumingon sa asawa. Matagal din ang naging pagtingin niya rito. Sa takot na mabasa nito ang nadarama niya, kaagad siyang nagsalita.

“Naghihirap ka na ba, Lucian? Kulang ang limang milyon. Dagdagan mo,” sabi niya rito bago bumaba ang tingin sa pagitan ng hita ng asawa. “Ang ibinigay mong pera, singliit niyang sa ‘yo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status