The Price of Her Love After Divorce

The Price of Her Love After Divorce

By:  Rigel Star  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 Mga Ratings
12Mga Kabanata
138views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

“Let’s get divorce, Gale.” Nahinto sa pagsasalita si Sunset dahil sa sinabi ng asawa. Sandaling hindi niya maiproseso ang sinabi nito. Nablangko ang kanyang isipan habang nakatingin sa seryosong mukha ni Lucian. “Let’s get divorce.” Sa pangalawang pagkakataong ulitin iyon ni Lucian, tila bombang sumabog sa kanya ang anunsyo ng asawa. Pagkalito ang sumunod niyang naramdaman nang iritableng inilayo ng asawa ang pagkakadikit ng hubad nilang katawan na para bang may nakakahawa siyang sakit na dumapo lamang pagkatapos nilang magniig. Ganoon na lang ba iyon, pagkatapos siya nitong makuha, ang tingin na sa kanya ay isang basura? “Hindi magandang biro iyan, Lucian—” “You don’t want to? Magkakaroon ka ng sariling buhay. Limang taon na ang kinuha ko sa ‘yo, dagdagan ko pa ba ang pang-aabala ko?” Tumayo mula sa pagkakahiga ang asawa niya. Ang nakatalikod na matipuno nitong katawan ay tinakpan ng roba. Kaagad namang naibalot ni Sunset ang hubad na katawan sa puting kumot. “M-may problema ba tayo, Lucian?” naguguluhan niya pa ring tanong sa asawa. “Kung may mali sa akin, susubukan kong baguhin. May nagawa ba akong ikinagalit mo? H-huwag mo lang akong iwan kase hindi ko kakayanin…” “Babalik na si Eveth dito sa Pilipinas.” Hinilot nito ang sentido na para bang naiinis na sa pagdadrama niya. “Masasaktan siya kapag nalaman niyang nandyan ka pa." “Naiintindihan ko…” “Saan ka pupunta?” gulat na tanong ng asawa nang makita siya nitong nagbibihis. “Saan ka sabi pupunta?” “Hindi mo ba nakikita?” May kalituhan na tumingin sa kanya si Lucian. Hindi nito inaasahan ang magiging reaksyon niya. “Ano bang akala mo, magmamakaawa ako?” natawa nang bahagya si Sunset bago mabaling ang tingin sa tseke na nasa ibabaw ng side table. “Akala ko namamalikmata lang ako kanina. Hindi ko lubos maisip na limang milyon lang pala ang halaga ko!”

view more
The Price of Her Love After Divorce Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Purple Moonlight
HIGHLY RECOMMENDED! <3
2024-06-06 22:09:32
0
user avatar
Jenny Javier
must read!
2024-06-06 20:39:26
0
12 Kabanata
CHAPTER 1: Sa Unang Halik
RUMARAGASA ANG KANILANG emosyon habang dama niya ang lahat sa asawa. Sa paraan ng pagtitig nito na humahalukay sa kanyang pagkatao ang dahilan kung bakit hindi makatingin si Sunset nang maayos sa asawa. Maging ang paraan ng paghalik ng asawa sa bawat bahagi ng kanyang katawan na para bang wala itong ibang sinasabi kung hindi ang katagang mahal siya at tanging siya lamang ang nakikita nang gabing iyon. Hindi siya nanaginip. Pinagmamasdan talaga siya ng asawa. Sa limang taon ng kanilang pagsasama, ngayon niya lamang nadiskubre na kaya pala nitong tumingin sa kanya nang walang galit sa mga mata.Ganito pala ang pakiramdam ng mayakap nito... Pakiramdam niya’y ligtas siya kahit pa maging kalaban niya ang mundo.Nang gabing iyon, sa unang pagkakataon, natikman niya rin ang tamis ng unang halik mula kay Lucian. Mag-asawa sila. Oo. Ngunit ang lahat ng iyon ay sa papel lamang.Bahagya siyang napangiti. Gusto niya munang kalimutan ang lahat. Ang kasalukuyan ang mas mahalaga sa kanya.“Masaya k
Magbasa pa
CHAPTER 2: Limang Milyong Halaga
“POR DIOS POR Santo! S-sunset Gale, ikaw nga!” gulat na bulalas ng kanyang madrasta nang makita siya nitong parang basang-sisiw na naghihintay sa tapat ng kanilang bahay sa probinsya.“Alam mo ba kung anong oras na? Alasdos na ng madaling-araw! Napakalakas pa ng ulan. Ano bang nahithit mo ng ganito kaagang bata ka? Atsaka bakit narito ka? Akala ko ba magbabakasyon kayo ng asawa mo? Ngayon ka lang inilabas ng asawa mo kaya—”Nahinto sa pagsasalita ang madrasta niya nang yakapin niya ito nang mahigpit. Sa yakap nito, hindi napigilang pakawalan ni Sunset ang luhang akala niya’y tapos na. “G-gale, bakit?”Sa simpleng tanong na iyon ay mas kinuwestyon ni Sunset ang kanyang sarili.Bakit? Bakit sa tinagal-tagal ng pagsasama nila ni Lucian ay hindi siya nito nakuhang mahalin? Habang si Eveth na first love nito ay hindi nakalimutan ng asawa. Kulang pa ba? Napakarami niyang isinakrepisyo para sa asawa. Ang career niya, ang panahon niya, ang pangarap sa buhay at ang kalayaan na maging masaya. K
Magbasa pa
CHAPTER 3: Sa Muling Pagkikita
TUMAAS ANG KILAY ni Sunset nang makitang muli ang kanyang asawa. Malaki ang ibinagsak ng katawan nito at nanlalalim ang mga mata na para bang ilang araw na walang tulog. Hindi pa man siya tapos na obserbahan ito ay ganoon na lamang ang gulat niya nang kaladkarin ng asawa palabas ng pabrika. Galit na galit ito sa hindi malamang dahilan. “Lucian, bitawan mo ako!” paulit-ulit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Lucian. “Hindi kita hiniwalayan para lang makita sa eskwater!” Napamaang siya sa itinuran nito. Hindi imposibleng hindi alam ng asawa niya ang lugar na ito. Parati niyang naikekwento kay Lucian ang pangarap niya. Sa isiping hindi man lamang pinakinggan iyon ng asawa ay naghihinagpis ang kanyang puso.“Ano ba? Nasasaktan ako!” ganoon pa rin katindi ang pagkakahawak ng asawa niya kaya ang nagawa na lamang ni Sunset ay mapadaing. “Ngayong tapos ka ng saktan ang damdamin ko, kaya ginagamitan mo ng pisikal?”“Nasaan na ang lalaki mo?” galit na tanong nito. Napamaang ang bibig
Magbasa pa
CHAPTER 4: Sa Piling ng Iba
GUSTONG IPAGSIGAWAN NI Sunset na wala siyang kasalanan at kailanman ay hindi siya gagawa ng makakasakit sa kapwa niya. Ngunit hindi niya alam kung paano dedepensahan ang sarili sa asawa. Alam niya rin naman na kahit anong paliwanag niya ay hindi siya nito paniniwalaan.Nakatago pa rin sa likod niya ang mga kamay na nanginginig na dahil sa labis na sakit ng pagkapaso. Kung ikukumpara ang sakit, wala iyon sa kalingkingan ng nadarama niya ngayon.“Ganoon ka na ba kadesperada kaya naisipan mong patayin ang importanteng tao sa buhay ko?” may pang-uuyam na tanong sa kanya ng asawa. “Kaya mong pumatay dahil sa selos, Gale?”Napamaang ang labi ni Sunset dahil sa mabigat na paratang ni Lucian.“Kaya ba kaagad-agad na pumayag ka sa divorce dahil ito ang plano mo?” naiinis pa ring akusa nito. “Hindi ka lang pala makati, mamamatay-tao ka—”Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa asawa na naging dahilan ng pagkatahimik nito.Hindi siya makapaniwala na kaya iyong sabihin ng asawa nang harap-har
Magbasa pa
CHAPTER 5: Sa Huling Paghinga
SAPO PA RIN ni Sunset ang kanyang sentido hanggang sa makarating sa sasakyan na ipinadala ni Vincent dahil nasabi niya ritong hindi niya kayang mag-commute ngayon. Bakit naman kase iinom-inom siya nang marami tapos hindi niya naman pala kaya? Hindi na lang ang asawa ang may kakayahan na magpaikot sa kanya, damay na rin doon ang alak. “Inom pa sa susunod, Sunset Gale!” kastigo niya pa sa sarili habang nagpapahid ng essential oil sa sentido.Kung wala lang siyang aasikasuhing maraming trabaho sa panadirya ngayong tanghali baka tulog pa rin siya hanggang ngayon at nakakulong sa kwarto. “Manong, pakigising na lang ako kapag malapit na,” bilin niya pa rito. Itutulog niya na lang muna ang sakit ng ulo na nararamdaman. Iyon lang din ang tanging paraan upang matigil siya sa malalim na pag-iisip.Matagal-tagal din ang naging pagtulog ni Sunset sa sasakyan. Hindi pa nga siya magigising kung nakarininig ng malakas na busina kaya napabalikwas siya ng gising.Ganoon na lamang ang pagtataka niya n
Magbasa pa
CHAPTER 6: Maraming Bakit
HINDI ALAM NI Sunset kung pinapakinggan ba siya ng kalangitan o pinapatagal pa ang kanyang buhay upang magdusa siya sa kamay ng mga dumukot sa kanya. Pilit niya mang pinipigilan ang sarili na umiyak ngunit bakas pa rin sa kanya ang matinding takot nang mga sandaling iyon. Hindi siya mamamatay nang mag-isa at hindi lumalaban. Iyon ang itinatak niya sa isipan kahit pa nangingibabaw sa kanyang isipan ang pagsisisi na hindi man lang niya naramdaman ang totoong kasiyahan sa buhay. Dahil sa pagkapaso ng kanyang palad, hindi niya napirmahan nang maayos ang mga papeles na naging dahilan kung bakit nasa sitwasyon siyang ito ngayon. Sa inis ng pinuno ng mga kumuha sa kanya, napilitan pa ang mga ito na bumili ng painkillers. Iyon na lang ang tanging paraan upang magkaroon siya ng pagkakataong tumakas.Hindi nagsasalita si Sunset ngunit ang paningin niya ay umiikot sa paligid sa pagbabakasakaling may magagawa siyang paraan upang mailigtas ang sarili. Walang mangyayari sa kanya kung hahayaan niy
Magbasa pa
CHAPTER 7: Nadudurog na Puso
KANINA PA BINABAGABAG ng huling tawag ni Sunset si Lucian. Gusto niyang balewalain iyon kung maaari. Lalo pa nang banggitin ng asawa ang pangalan ng kasosyo nito sa negosyo samantalang siya naman ang tinatawagan. Ngunit, hindi si Sunset ang uri ng babae na tatawag sa kanya upang pagselosen lang siya sa bagay na alam nitong hindi niya pinagtutuunan ng pansin.Lalo pa siyang naghinala na may hindi magandang nangyayari dito nang banggitin nito ang aso na ang pangalan ay Bruno. Hindi niya pinagtutuunan ng maraming oras si Sunset ngunit sigurado siya na wala itong aso. Isa pa, malabo na magkaroon ito dahil may trauma roon ang asawa.“Nakikinig ka ba, Lucian?” tanong sa kanya ni Eveth. “What did you say?” baling niya rito nang bumalik sa kasalukuyan ang atensyon niya. May lambing at arte na hinimas ni Eveth ang kanyang braso habang mapang-akit na iginaya ang tingin niya patungo rito.“I was just saying kung anong pakiramdam mo nang makita mo ako na nasa nasusunog na lugar Kinakabahan ka b
Magbasa pa
CHAPTER 8: Pagmamahal na Pinanghahawakan
BAHAGYA ANG NAGING pagkasilaw kay Sunset ng liwanag na tumatama sa bintana noong magmulat siya ng kanyang mga mata. Pumikit pa siya nang sandali hanggang sa kaya niya ng imulat iyon nang tuluyan. Ang unang tumambad sa kanya ay ang puting kisame ng hospital na pinagdalhan sa kanya. Akmang tatayo na siya mula sa kinahihigaang kama nang mapansin ang asawa na nasa tabi niya. Mahimbing ang tulog ni Lucian habang nakahilig sa higaan ng kama kinahihigaan niya. Pansin niya ang panlalalim ng ibabang bahagi ng mata nito senyales na wala itong maayos na tulog. Noong mga panahon na magkasama sila sa iisang bahay, hindi siya napalapit ng ganito kalapit sa asawa. Pakiramdam niya nang mga panahong iyon ay nasa iisang bubong sila at may pader na nakapagitan sa kanilang dalawa. Magkahiwalay din ang kamang tinitulugan nila at hindi siya maaaring magbigay ng kahit na anong opinyon sa buhay nito. Kailangan niya ring bantayan ang kanyang mga galaw dahil mabilis uminit ang ulo nito sa maliliit na bagay.
Magbasa pa
CHAPTER 9: Maskara ng Pagtataksil
HINDI KOMPORTABLE SI Sunset na narito ang babaeng pinili ng kanyang asawa at kasama sa kwarto na inaakupa niya sa hospital ngunit hindi niya magawang sabihin iyon. Sapagkat ito na ang reyalidad na kailangan niyang tanggapin. Masakit man at dinudurog siya ay kailangan niyang patigasin pa ang sarili.Pakiramdam niya, walang kwenta ang opinyon na ibibigay niya. Hindi rin mahalaga ang nadarama niya kung sakali mang magsabi siya. Isa lamang siyang latak para kay Lucian na naging bara sa maayos sana nitong buhay nang makilala siya.Kaya naman kahit masakit, pilit niya pa ring nilulunok ang sakit na idinudulot ng mga ito na para bang wala siyang pakiramdam na paulit-ulit nilang tinatapakan.“I will be out for a while,” sambit ng asawa niya. “Ayos lang na maiwan kita?” tanong nito kay Eveth.Malapad naman itong ngumiti kasabay ng paghimas sa braso ng kanyang asawa. Nang mga sandaling iyon, mahigpit na ang pagkakahawak ni Sunset sa kobre-kama kung saan natatakpan ang kanyang mga kamay sa ilal
Magbasa pa
CHAPTER 10: Muling Pagpapanggap
HABANG NAGMAMANEHO, BIGLA na lamang inihinto ni Lumi ang sasakyan nito at may galit na tumingin sa kanya saka muling tumingin sa manibela ngunit ibinalik ang tingin sa kalsada. Muli na naman itong huminga nang malalim kaya hindi na nakatiis si Sunset at tinanong ang kaibigan.“May gusto kang sabihin, Lumi?”“Naiinis ako sa ‘yo!” hindi na napigilan nitong sambit. “Bakit hinahayaan mo ang sarili mo na ganon-ganunin ng babaeng iyon? Masyado kang mabait, Sunset! Ikaw lang ang nakita kong ganyan na hindi kayang ipaglaban ang pagmamahal na nararamdaman niya.”“Lumi—”“Look, Sunset, you are still the legal wife, not just an ordinary person to his life. You will not be the one to adjust with his mistress. Treat yourself with kindness. You have all the rights to say no if you’re not comfortable with one situation. Hindi kasalanan ang magsabi ng ‘no’ kung ayaw mo. Understood?”Saglit na nakatingin si Sunset dito atsaka nahihiyang tumango.“I don’t have the right to meddle with your business bu
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status