Share

Kabanata 116

MIKAY

"Moma, nandito na naman po si Doc," ani Dal na nakasilip sa may bintana. "Papasukin ko po ba? Kanina pa po siya tao po nang tao po, mukha na po siyang tanga," dagdag pa nito.

Marahas akong napabuntong hininga saka ako tumayo mula sa aking kinauupuan. Lumabas ako ng bahay para paalisin na naman ang damuhong wala talagang balak na tantanan kaming mag-ina. Ang kulit ng lahi niya. Akala mo naman natutuwa ako sa tuwing nakikita ko siya.

"Pansit. Paborito mo," nakangiting saad niya saka niya pa ipinakita sa akin ang paper bag na hawak niya.

Nagtaas ang aking kilay. "Pan-shit gusto mo?" iritableng tanong ko saka ko pa ipinakita ang aking kamao.

"Wife naman. Lagi ka na lang galit," pagmamaktol niya saka pa siya nagpacute sa akin.

Kadiri. "Anong gusto mo matuwa ako?"

"Oo, katulad ng dati. Di ba dati kada makikita mo ang mukha ko nagliliwanag na ang paligid mo?" Ngiting-ngiti pa ito na akala mo ang ganda ng sinabi niya.

"Dati. Pero ngayon kada makikita kita nagdidilim na ang paningin ko."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status