Share

Kabanata 15

MIKAY

"Mikay, ayos ka lang? Nitong nakaraang araw parang lagi ka na lang galit sa mundo," ani Tina na tumabi sa akin.

"Oo nga. Minsan nga natatakot na akong lapitan ka," pabirong saad naman ni Juday.

Paano hindi ako maaburido, eh kahit paulit-ulit kong sinasabi ang tungkol sa divorce ay tila walang naririnig ang gago. Gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay. Gusto ko mang ikuwento sa kanila o sa mga kaibigan ang tungkol sa nangyayari sa akin ay hindi p'wede, kaya heto ako ngayon super frustrated sa nangyayari.

"May jowa ka na siguro 'no?" tanong ni Tina na siyang ikinakunot ng noo ko.

Jowa? Hindi ko nga 'yan naranasan, dahil asawa agad ang meron ako pero sa papel nga lang.

"Mukha ba akong may jowa?" aburidong tanong ko.

"Kung hindi lalaki ang dahilan ng pagkabugnot mo, eh ano?" kunot-noong tanong ni Juday.

"Hayop. Isang hayop ang dahilan." Tutal, mukhang hayop din naman siya.

Tumawa ang dalawa na tila ba may sinabi akong joke.

"Students listen!"

Pare-pareho kaming napatingin sa harapan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status