Share

Kabanata 16

MIKAY

"Anong ganap mo ngayon at lagi kang missing in action?" taas kilay na tanong ni Hanna.

"Dinaig mo pa itong si Engineer eh," ani Suzy na inakbayan si Kean na kanina pa tahimik.

Nandito kami ngayon sa isang high elevated na lugar kung saan ay p'wedeng mag camping. Tanaw na tanaw namin ang city lights. Madalas kami rito sa tuwing free time namin. Sobrang ganda ng tanawin.

"Masyado lang magulo ang schedule ko. Kayo naman, masyado niyo akong miss," pabirong saad ko. Nagtaas agad ang kilay ng dalawa sa akin kaya natawa na lang ako.

Minsan talaga ang pinakamaganda at pinakamasarap talaga ay 'yong makalayo-layo ka kahit papaano sa stress, tipong malaya at masaya kang nagagawa ang mga bagay-bagay kasama ng mga kaibigan mo. Katulad ngayon.

"Kung hindi ka pa namin ipapasundo kay Adam baka pinuntahan ka na namin sa bahay niyo," ani Suzy na kanina pa dumadampo ng chichirya.

Nababahala na talaga ako sa sitwasyon ko, alam kong hindi naman close ang mga kaibigan ko sa pamilya ko kaya lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status