MIKAYForda preparation ang ferson ngayon dahil nga naglabas na ang M.Y ng schedule para sa interview. Kabado bente na nga ako dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko at kung anong mangyayari sa interview. Kanina nga nanood ako ng sample interview sa website ng M.Y kaya lang dinugo utak ko dahil hindi ko rin naintindihan ang content ng interview. "Mikay, ayos ka lang?" Binalingan ko ng tingin si Nay Cristy na umupo sa harapan ako. Nandito ako ngayon sa maluwang at malaparaisong garden ni Damonyo, nagmumuni at nag e-emote dahil pakiramdam ko tatapak pa lang ako sa interview room ay babagsak na ako. "Kanina ko pa napapansin ang pagbuntong hininga mo. May problema ba?" tanong ni Nay Cristy habang mataman itong nakatingin sa akin. Marahas akong bumuntong hininga. "Sobrang laki po ng problema ko. Malapit na po kasi ang interview para sa mga mag i-intern sa M.Y, eh kinakabahan na po ako. Tapos sabi pa ni Damonyo kaya lang naman nakapasok ako ay dahil isa akong Ynares. Gusto ko
MIKAY"Family dinner?" ulit ko sa sinabi niya.Nandito ako ngayon sa pool, nagpapakasenti habang nakababad ang aking mga paa sa tubig tapos sasabihin niya sa akin na mag-ayos na ako dahil may family dinner eklabu raw."Kasama ba ang Papa ko?" tanong ko. Binalingan ko siya ng tingin. Sa totoo niyan, hindi naman ako marunong lumangoy kaya hanggang laro lang talaga sa pool ang tangi kong nagagawa."No," tipid na sagot nito. Tapos ang pagsumbat pa niya sa akin ay akala mo naman ikakabawas iyon ng pagkatao niya. Apaka suplado!"Oh bakit natawag pang family dinner kung wala naman ang papa ko? Sabihin mo pass, hindi ako gogora," saad ko pero isang matalim na tingin ang ibinaling niya sa akin, tingin na maaaring ikapahamak ko. "Oh bakit ang sama mo na namang makatingin?"Kung makatingin kasi akala mo naman kung ang laki na naman ng kasalanan ko. Mukhang lagi na lang siyang galit sa mundo."Your grandfather is the one who called for the dinner."Nanatiling nakataas ang kilay ko nang muling ba
MIKAYWala na talaga siyang bukambibig kundi puro privilege na lang. Konti na nga lang palalayasin ko na siya sa sarili niyang bahay eh."What is this trash?"Marahas niyang inilapag ang folder na hawak niya sa mesa. Galit na galit na naman ito na akala mo naman ang laki na naman ng kasalanan ko. Lagi na lang galit ang Damonyong ito. Wala pang araw na naging payapa ang loob ng bahay niya dahil sa kagaspangan ng ugali niya."Sabi mo isulat ko ang lahat ng tungkol sa akin. Isinulat ko naman ah," saad ko sa isang inosenteng tinig.Lahat na lang ng gawin ko ay pinupuna niya, pati nga maliliit na bagay nakikita niya. Apaka perfectionist akala mo naman hindi siya nagkakamali."Stupid." Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at akala mo naman katapusan na ng mundo kung makaasta ito.Napairap na lang ako nang mag walk out ito. Naku! Konti na lang talaga... konting-konti na lang ang pasensya ko sa kanya. Siya ang tipo ng tao na hindi mo kayang masikmura ang ugali dahil sa kagaspangan nito
MIKAYPalingon-lingon ako sa paligid, dahil baka biglang sumulpot ang Damonyo ay malintikan pa ako. Hating-gabi na kasi kaya naman alam kong forda galit na naman siya once na malaman niyang ngayon lang ako nakauwi. Si Adam naman kasi sobrang daldal, hindi ko tuloy namalayan ang oras, pero still, sobrang laki ng naitulong niya sa akin. Yung brain capacity ko na two gigabytes lang, feeling ko nalagyan ng madaming laman. Sana lang talaga ay hindi ito maformat bukas, kasi madalas nag r-refresh ang braincells capacity ko eh. Nang masiguro kong walang Damonyo sa paligid, hindi ko maiwasang mapangiti. Siguro ay wala rin ito, o kaya naman may duty. "Buti na lang!" masayang turan ko at bahagya pa akong napatalon sa tuwa. Pinihit ko ang doorknob ng main door ngunit napakunot ako ng noo nang hindi ko ito mabuksan."Seryoso ba 'to?" tanong ko sa aking sarili dahil kahit na anong pihit ko sa pintuan ay hindi ko ito mabuksan. "Putik!" singhal ko.Mukhang literal na inilock ang pintuan. Sobrang s
MIKAYWala akong pasok ngayon, at si Damonyo mukhang wala namang duty. Urat na urat na ako rito sa bahay niya, gustong-gusto ko ng mag gorabels, at gumala kasama ang mga kaibigan ko dahil sa tuwing wala kaming ganap sa buhay ay lumalabas kami, kaya lang dahil nga sa utos ni Damonyo nakakulong ako ngayon. Ugh!"Ang boring!" bulalas ko saka ako humilata sa pangmalakasan niyang sofa. Nakabaligtad ako, kaya nakataas ang paa ko sa sandalan nito at ang buhok ko ay halos masayad na sa carpet. Walang magawa. Katatapos ko lang basahin ang notes na ibinigay sa akin ni Adam at masasabi ko talaga na makakapasa na ako. Kumakanta ako na nanatiling nakapatingkayad ang p'westo. Sobrang boring ng life. Paano kaya niya nagagawang mag stay rito sa loob ng bahay niya? Wala siyang kausap, ni wala akong makitang kaibigan na kasama niya."Ohhhhh!" malakas na kanta ko. "Too loud." "Ay putik!" singhal ko nang halos tumambling ako dahil biglang sumulpot si Damonyo at marahas na tinanggal ang pagkakapatong
MIKAY"Mikay, ayos ka lang? Nitong nakaraang araw parang lagi ka na lang galit sa mundo," ani Tina na tumabi sa akin."Oo nga. Minsan nga natatakot na akong lapitan ka," pabirong saad naman ni Juday.Paano hindi ako maaburido, eh kahit paulit-ulit kong sinasabi ang tungkol sa divorce ay tila walang naririnig ang gago. Gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay. Gusto ko mang ikuwento sa kanila o sa mga kaibigan ang tungkol sa nangyayari sa akin ay hindi p'wede, kaya heto ako ngayon super frustrated sa nangyayari."May jowa ka na siguro 'no?" tanong ni Tina na siyang ikinakunot ng noo ko.Jowa? Hindi ko nga 'yan naranasan, dahil asawa agad ang meron ako pero sa papel nga lang."Mukha ba akong may jowa?" aburidong tanong ko."Kung hindi lalaki ang dahilan ng pagkabugnot mo, eh ano?" kunot-noong tanong ni Juday."Hayop. Isang hayop ang dahilan." Tutal, mukhang hayop din naman siya.Tumawa ang dalawa na tila ba may sinabi akong joke."Students listen!"Pare-pareho kaming napatingin sa harapan
MIKAY"Anong ganap mo ngayon at lagi kang missing in action?" taas kilay na tanong ni Hanna. "Dinaig mo pa itong si Engineer eh," ani Suzy na inakbayan si Kean na kanina pa tahimik. Nandito kami ngayon sa isang high elevated na lugar kung saan ay p'wedeng mag camping. Tanaw na tanaw namin ang city lights. Madalas kami rito sa tuwing free time namin. Sobrang ganda ng tanawin. "Masyado lang magulo ang schedule ko. Kayo naman, masyado niyo akong miss," pabirong saad ko. Nagtaas agad ang kilay ng dalawa sa akin kaya natawa na lang ako. Minsan talaga ang pinakamaganda at pinakamasarap talaga ay 'yong makalayo-layo ka kahit papaano sa stress, tipong malaya at masaya kang nagagawa ang mga bagay-bagay kasama ng mga kaibigan mo. Katulad ngayon. "Kung hindi ka pa namin ipapasundo kay Adam baka pinuntahan ka na namin sa bahay niyo," ani Suzy na kanina pa dumadampo ng chichirya. Nababahala na talaga ako sa sitwasyon ko, alam kong hindi naman close ang mga kaibigan ko sa pamilya ko kaya lang
DAMON"That stupid woman," I muttered as I closed my eyes for a second. I closed my eyes as I massage my temples. Oh dang it! I really can't stand talking to that stupid woman. How dare she run her mouth recklessly. Does she really think I will make it pass? No! What? Adam is better than me? No he's nothing compare to me. "Naoffend ka ba sa sinabi niya dahil inihambing ka niya kay Adam?" tanong ni Tay Kanor."No," I simply answered.Why would I fucking feel offended by that when I know that Adam is nothing compare to me?"Anong kinakagalit mo anak?" tanong ni Tay Kanor. "Nothing," I answered in a plain tone.I don't know what's happening to me. Every time she utters that shit name, I always lose my temper. Dang!"Anak, naiintindihan ko na hindi kayo magkasundo ni Mikay. Ngunit bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon na mas makilala siya para sa gano'n ay magbago ang pakikitungo niyo sa isa't isa," ani Tay Kanor na nananatili sa daan ang mga mata. Why would I spend my time to someon