Share

Witchy Fritz Meets Mighty Zeus (BISU Series)
Witchy Fritz Meets Mighty Zeus (BISU Series)
Author: Maui Azucena

Chapter 1

             Napakunot ang noo ni Martin at madahang ibinaba ang kanyang eyeglass nang makita ang suot ng anak na si Martheena. Isa itong Darna costume. There goes his overprotective side again.

            “Why is she wearing those things?” madiing sabi nito at lumingon sa asawa. Natatawa naman na sumagot ito sa kanya.

            “Why? Isn’t she lovely in that costume?”

            “Nandoon na ako pero hindi ba parang kitang kita naman katawan niya diyan? Kulang sa tela. Wala na bang iba?” Balik tanong niya kay Athena.

            “What do you want her to wear, Bananas in pajamas?” kantiyaw nito sa kanya.

            “Athena!” napahilot sa sentidong sabi niya. Naiiling naman na inakay ni Athena si Martheena papasok sa kanilang silid.

            “Okay fine, I’ll change her costume.” Nang bumalik ang mag – ina ay nakahinga na siya ng maluwag nang makitang isang Cinderella outfit na ang suot nito.

            “That’s better.” Aniyang tumango – tango bago lumingon and mouthed thank you to his wife.

            Malapad naman ang ngiti ng asawa. She’s teasing him, he knew it. Alam na alam talaga nito kung paano siya pikunin. Maya – maya pa’y narinig nila ang malakas na iyak mula sa labas.

            It was Zeus Lorenzo, their second child. Ipinangalan nila ito sa matalik na kaibigan ng asawa na si Enzo. Nakasimangot itong pumasok mula sa labas.

            “Mom.. There’s a witch outside. She stole my toy!” sumbong nito sa ina. Agad namang yumuko si Athena upang patahanin ang anak.

            “Are you sure that she stole it from you?” mahinahong tanong nito sa kanilang bunso. That's what he admires about her the most. Napakahinahong makipag - usap sa mga anak. And despite that fact, she earned their respect.

            "Yes, Mom. She gets it without my permission." nakasimangot pa rin nitong sabi."I like her sana kasi she's so pretty. Yun naman pala bad siya."

            "Come here little Martin.. " tawag niya sa anak. "So now you know what happens when you don't fix and bring your toys in their proper storage. Next time, iligpit mo muna ha pagkatapos mong mag play at bago ka umalis. Understand?"

            Humihikbing tumango - tango ito. "I'm sorry Daddy! Opo next time po ililigpit ko muna po bago ako umalis."

            Lumapit naman sa kanila sina Athena at Martheena. "Okay na ba kayo diyan. Let's go na at malilate na  si Martheena sa kanilang party."

            Looking at them. He took risks to have them from the very start. All or nothing? Of course, he wants them all. 

            There goes his family in their car singing Beautiful Life by Daryl Ong. Indeed, beautiful life it is!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status