All Chapters of Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog): Chapter 61 - Chapter 70
142 Chapters
Kabanata Sixty
“Ano ba? Bitawan niyo ako!” hiyaw ko at pilit na nagpumiglas ngunit mahihigpit ang kanilang pagkakahawak sa akin dahilan para mahirapan akong makakawala.“Sabi ko, bitawan niyo ako! Hindi niyo ba ako kilala? Isang kalapastanganan ang iyong ginagawa!” naghuhumiyaw kong pagbubunganga.“Kahit na ipangalanakan mo pa ang iyong sarili walang may nais mangialam lalo na sa isang tulad mong rebelde at espiya,” saad ng matabang Guardia Civil.“Sino bang tanga ang nagsabi na rebelde at espiya ako? May sapat ba siyang batayan sa kanyang mga ipinaparatang sa akin?” tanong ko.“Hindi pa ba sapat ang nakita namin ngayon? Kaya kung ako sa ‘yo manahimik ka na lang ang ingay-ingay mo,” inis na sabi niya na may kasabay pang panlilisik ng kanyang mga mata.“Bakit mo ako patatahimikin kung alam kong wala naman akong ginagawang masama at pinagbibintangan lamang ako?” sikmat kong tanong.“Hindi ka talaga titigil?” pagbabanta niyang tanong na namimilog ang kanyang mga ma
Read more
Kabanat Sixty-One
DISAPPOINTMENT and frustration was all over me though I already exhaust it through shouting it those feelings never gone. I felt I was a big dope who's acting like a doctor after all those fucking and tormented years in my life since I went in med school and work in my profession. Am I a certain joke all along?Napapalatak ako at napailing. “Grabe! I can't believe this!” Patuloy sa pag-iling kong sabi habang naglalakad ako nang pabalik-balik sa loob ng kulungan.“This face, this beautiful face? Is this face of a quack?” tanong ko sa aking sarili habang itinuturo ang aking mukha at napabuga sa labis na pagkasiphayo. “This is really unacceptable!”Sa sobrang frustration ay napasalampak ako sa sahig at napahalukipkip. “I really can't believe this!” paghihimutok kong sabi.Habang patuloy pa rin ako sa paghihimutok ay bigla akong nakarinig ng kaluskos sa aking likuran  dahilan para magsitayuan ang aking balahibo.“What was that?” tanong ko sa aking sari
Read more
Kabanata Sixty-Two
BUMUNGAD sa aking harapan ang nag-aalalang mga mukha nina Don Raul at Doña Celestina nang ako'y magising.“Ama, Ina,” mahina kong tawag sa kanila.Wala pang salitang pumalabas sa bibig ni Doña Celestina ay bumuhos na ang kanyang mga luha. “Anak,” humihikbi niyang tawag sa akin. “Anong ginawa nila sa ‘yo?” tanong niya na pilit nagpapakatatag.Muling nanariwa sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Nina dahilan para bumuhos ang aking mga luha.Nararamdaman ko ang paghawak ni Don Raul sa aking kamay. “Huwag kang matakot, Anak, sabihin mo sa amin anong ginawa nila sa inyo?” tanong ni Don Raul.Mas bumuhos ang aking luha nang sandaling iyon, pilit kong pakalmahin ang aking sarili para makasagot sa kanila. Huminga ako nang malalim na may kasamang panginginig sa aking dibdib. “Pinagsamantalahan niya kami, Ama,” garalgal at nahihirapan kong sagot kay Don Raul.“Diyos ko!” napasinghap na bulalas ni Doña Celestina. “Paano nila nagawa ang kababuyang ito sa i
Read more
Kabanata Sixty-Three
TULAD ng ipinangako ni Doña Celestina ay dinalaw niya ako kinabukasan at may dalang pagkain at pamalit ng damit hindi lang para sa akin kun’di pati na para kay Nina. Walang araw na hindi niya ako binisita at sinigurong makakain kami ni Nina ng tatlong beses sa isang araw. Napakapalad talaga ni Helena sa kanyang mga magulang: ina na nag-aalaga at labis na nagmamalasakit sa kanya at ama na handang gawin ang lahat para maipagtanggol lamang siya na kailanman ay hindi ko nagawang maranasan dahil wala akong ama at ina na nasa aking tabi habang ako’y lumalaki, tanging si Lola Linda ang taong labis na nagmalasakit, nag-aruga at nagsilbing tagapagtanggol ko sa mga taong kukutya sa akin. Wala akong ibang pinagkakautangan ng buhay ko kun’di tanging si Lola Linda lang dahil kung hindi dahil sa kanya ay matagal na akong namatay.“Napakapalad mo, Binibini ‘pagkat mahal na mahal ka nina Doña Celestina at Don Raul,” nakangiting sabi ni Nina.
Read more
Kabanata Sixty-Four
NABABALOT ng pagkawindang ang aking utak ng mga katungang gustong-gusto ko na malaman ang mga kasagutan ngunit wala akong mahagilap kahit na paulit-ulit akong gumawa ng simulation. It always ends with a big question mark.“Why they keep messing the truth?” tanong ko sabay napasapo sa aking noo.Naagaw ang aking atensyon nang maramdaman ko na may humawak sa aking kamay dahilan mapalingon ako kay Nina na labis na nag-aalala. “Ate Helena, may problema ka ba?” tanong niya.Shit! Nawala sa isip ko na narito siya masyado akong nagpakain sa isipan ko. “Sorry, Nina. If I made you worry,” paghingi ko ng tawad sa kanya na siya niyang ikinakunot ng noo.Oh crap!Napasapo ako ng aking noo nang ma-realize ko na nagsalita na naman ako ng English. “Pasens’ya na, Nina. Nadala lang ako ng aking iniisip kaya kung ano-ano na naman ang lumalabas sa aking bibig,” pagdadahilan ko.“Ayos lang po ‘yon ‘wag niyo na po alalahanin iyon. Ikaw po, ayos ka lang po ba?” tanong
Read more
Kabanata Sixty-Five
“HAYOP KA!” malakas na sigaw ni Nina at mabilis na sinugod si Don Emilio. “Napakawalang puso mo! Paano mo nagawang traydurin si Ama? Paano mo nagawang ipagkanulo ang iyong kaibigan para lang sa posisyon na ‘to? Paano mo naatim ang lahat ng kawalang-hiyaan na ito? Paano?” umiiyak at nagsusumigaw na tanong ni Nina habang hinihila ang damit ni Don Emilio.Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata nang sandaling iyon, alam kong labis na nahihirapan si Nina sa kanilang sitwasyon ngunit hindi ito ang lugar kung saan maaari niyang pairalin ang kanyang emosyon. Lalopa’t nagkalat ang mga Guardia Civil sa buong paligid anong maling kilos na gawin namin dito sigurado ako na anumang oras ay nakahandusay na kami sa lupa. Hindi ko maaaring hayaan na mamatay si Nina kaya kahit na maaaring makagulo ang aking kilos ay kailangan ko siyang awatin. Habang gulat pa ang lahat sa ginawa ni Nina ay sinamantala ko na ang pagkakataon at mabilis na tumakbo papalap
Read more
Kabanata Sixty-Six
HALOS dalawang araw na rin ang nakakalipas na walang nangyayari sa aming masama ni Nina simula nang ilipat kami rito sa Fort San Felipe. Walang nanakit o nagbabalak ng masama sa amin at nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw hindi gaya nang nasa lugar pa kami ni Don Marco na kung hindi pa kami dalhan ng pagkain ni Doña Celestina at Lita ay hindi kami makakain. Kahit papaano ay nalalaman na rin namin ni Nina kung ilang araw na ang lumipas dahil may maliit na bintana ang naroon na kung saan ay makikita namin ang panahon sa labas. Hindi naman sila nababahala na kahit may ganoon dahil nasa lower ground pa rin kami at sa taas ay may mga Guardia Civil na mahigpit na nagbabantay kaya imposible na magkaroon nang koneksyon sa sinumang taga-labas.Ikatlong araw na namin dito at tahimik lang ang aming pananatili rito habang patuloy namin inaanalisa ang lahat ng mga pangyayari.“Sa tingin mo, Ate Helena, posible ba talagang may traydor sa kanilang tatlo na natitira?” mahinan
Read more
Kabanata Sixty-Seven
HINDI ko magawang alisin ang mga titig ko kay Joaquin habang patuloy ako sa pagbihis at kahit nang alalayan ko si Nina na binabalot pa rin ng takot at hindi pa rin natitigil sa panginginig ay ni hindi nagawang mawaglit ng aking mga mata sa kanya.“Tapos ka na ba?” tanong niya.“Oo,” maikli kong sagot.Humarap siya sa akin habang tinitignan si Nina na yakap-yakap ko. Walang imik na lumapit siya sa kinaroroonan namin at naupo sa tabi ni Nina.“Nina,” mahina niyang tawag sa kanyang kapatid.Tumingin si Nina sa kanya na may labis na takot. “Kuya…” naluluhang tawag niya kay Joaquin. Umalis siya sa aking pagkakayakap at lumipat sa kanyang Kuya Joaquin.“Kuya!” humahagulgol na iyak ni Nina. Sa bawat pagtawag at luhang umaagos sa kanyang mukha ay ramdam na ramdam ang hirap na sakit na kanyang pinagdadaanan at sa punto na namang ito wala na naman akong nagawa para sa kanya.Nanlulumo at nanliliit ako sa sarili ko puro ako salita pero ni kahit isa ay
Read more
Kabanata Sixty-Eight
SA BAWAT salitang binibitawan niya alam kong totoo ang lahat ng iyon kailanman hindi nagawang pagdudahan ang pag-ibig pero habang at kapag pinagpatuloy ko pa itong pag-iibigan naming ito walang maidudulot na maganda ito sa kanya, mas lalo lang siyang masasaktan. Kaya kahit mahirap at masakit para sa akin ang ilayo ang sarili ko sa kanya ay gagawin ko para lang hindi na siya mas masaktan pa. Kahit na ikamatay ko pa ang sakit na ito hinding-hindi ko na hahayaan na madamay pa siya sa gulong dala ko.Hinugot ko ang lahat ng lakas ng loob na natitira sa akin saka ako nagsalita. “Tumigil ka na, Joaquin. Tigilan na natin ito,” saad ko na pilit nagpapakatatag sa kabila nang panghihina ko.“Helena, ano bang kailangan kong gawin para patunayan na wala akong pakialam sa mga iniisip mong ‘yan? Ano ang gusto mong gawin ko para maniwala ka sa akin na hindi ka tulad ng iniisip mo na hindi ka nagbago at ikaw pa rin ang babaeng minahal ko noon at minamahal ko ngayon?” desperado niyang ta
Read more
Kabanata Sixty-Nine
LUMAPIT siya kay Joaquin na may labis na pag-aalala. They’ve gotten really close since I’ve been gone. Ang sakit na makita na ganoon sila pero may karapatan ba ako? Tama ba itong nararamdaman ko? Umiling ako at ikinumpas ang aking sarili. No, I shouldn't be hurt. I can't imposed na dapat hindi sila naging close dahil first of all ako dahilan kung bakit sila nagkaganito. It's in part my fault. If I hadn't returned to the present, I might have been the one with him. I'd be the one who spent time with him all hours of the day and night. If only... but those were just ifs created by my mind, and everything that happened cannot be undone.Huminga ako nang malalim para tangayin ng aking paghinga ang sakit at agam-agam ng aking isipan bago hinarap si Teresa.“Tulungan mo kami, Teresa,” mariing sabi ko.Kung walang tutulong sa amin dito sa loob much better na humingi kami ng tulong sa labas perhaps there will be someone who can truly assist us. I'm still hoping for the bes
Read more
PREV
1
...
56789
...
15
DMCA.com Protection Status