All Chapters of Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog): Chapter 41 - Chapter 50
142 Chapters
Kabanata Forty
Napabuntong-hininga ako nang malalim kahit ako'y nalito sa nangyari kay Joaquin. But, this issue doesn't matter sa issue na meron sa pamilya nila so I think I should stop bothering about it. I immediately snapped out my senses and back to main agenda.“Kung gano'n, hindi na natin kailangang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yan. Ang kailangan natin pagtuunan ng pansin ay kung paano natin malalaman ang katotohanan para makamit niyo ang hustiya na nararapat sainyo at maparusahan ang tunay na may sala.” Paglilinaw ko ng lahat.Siya naman ang napalingon sa akin at pinagmasdan ako ng masinsin. “Bakit? Hindi ko maunawaan kung bakit gustong-gusto mo kaming tulungan.”“Sabihin na natin, hulog ako ng langit para tulungan ang taong tulad mo na nangangailangan ng tulong at naaapi,” pagdadahilan ko na siyang ikinakunot lalo ng kan'yang noo.“Ipagpasalamat mo na lang na narito ako para tulungan ka kahit na malagay ang
Read more
Kabanata Forty-One
Natauhan ako nang bigla siyang magsalita. “Naalala mo na ba ako?”“Hindi,” pagsusungit kong sagot.“Paanong ako iyong nagawang kalimutan? Magkababata tayo,” sabay tingin kay Joaquin. “Pati ni Joaquin.” Dagdag niya pa.What a worst coincidence? Kailangan bang ganito kasaklap ang buhay ni Joaquin? Bakit kailangan niyang maging out of the picture palagi? Talo niya pa ang extra sa pelikula. This is worst! Napatingin ako kay Joaquin na hindi nagbabago ang expression sa kan'yang mukha. Okay lang ba talaga siya? Nag-aalala kong tanong sa aking sarili.Isang halakhak ang bumasag sa tensyon na bumabalot sa amin. “Naku, anak, ‘wag sana sumama ang iyong loob bagamat noong huli naming pagkikita ni Helena ay hindi niya rin ako nakilala,” natatawa saad ng walang hiyang si Don Emilio.“Pagpasens'yahan niyo na siya, Mateo at Emilio. Talagang makakalimutin ang aming anak kahit kami ay minsan ay nakakalimutan niyang tawaging ama at ina ni Celestina.” Pagpapaliwanag ni Do
Read more
Kabanata Forty-Two
Hindi agad umimik si Don Raul at pinagmasdan ako at akmang hahawakan ang aking kamay ngunit mabilis ko itong inilayo sa kan’ya. I felt like by the time he will touch me, I will be tainted by his sins or swallowed by his dark secrets that I didn’t know how many does he have. I saw his deep sigh.“Mali ka ng iyong inaakala, anak.” Saad niya.“Anong mali roon ama? Kitang-kita ko kung paano ka makipagmabutihan sa ahas na iyon! Paano mo ‘yon nagagawa ama? Wala ka bang puso?” ani ko na labis ang hinanakit na aking nararamdaman.“Nagkakamali ka, Helena. Mali ang pagkakaunawa mo sa iyong nakita.” Aniya na pilit akong kinukumbinsi.“P’wes, ipaliwanag mo po sa akin lahat!” sigaw ko. “Kasi po hindi ko na alam kung tama pa po ba ang pagkakakilala ko sainyo,” mahina kong usal.Napabuntong-hininga si Don Raul bago nakapagsalita. “Mali ang iniisip mong may kinalaman ako o naging kasabwat ako ni Emilio sa kung ano ang plinano o kung totoo bang siya ang may kagagawan ng
Read more
Kabanata Forty-Three
Nanariwa sa aking alaala ang mga sandali namin ni Don Raul.“So hindi ka po talaga tutol nang sandaling iyon? Papayag ka po talaga na tulungan ako kung sinabi ko rason ko?”“Aba, oo naman. Anak kita at ibibigay ko ang nais ng pinakamamahal kong anak.”“Ibig niyo sabihin hindi po kayo galit sa akin na tulungan ko sina Joaquin?”“Ama! Salamat, ama! I love you! You're the best talaga!”“Masaya ako at masaya ang aking anak kahit na hindi ko na naman maintindihan ang iyong pinagsasabi.”Naalala ko ang mga ngiti naming dalawa. Ang halakhak at tawa niyang pumupuno sa kabahayan. Ang pagsuporta niya sa akin na hindi na ako tinatanong ng ano pa man.“Mukhang sumobra ata ako,” na-gi-guilty kong saad. Lumipas ang mga araw na may sama pa rin ako ng loob kay Don Raul kung kaya’t napagpasyahan kong pumunta n
Read more
Kabanata Forty-Four
Nakaupo ito sa kalsada na tila pinupunasan ang kan’yang labi. Hindi ako sigurado pero parang may mali sa kan’ya kung kaya’t mabilis ko siyang nilapitan.“Joaquin, may prob---Hindi ko na nagawang tapusin ang aking sasabihin nang makita ko ang putok nitong mga labi at ilang pasa sa kan’yang mukha. Iginala ko pa ang aking mga mata sa ibang bahagi ng katawan niya at nakita ko ang ilang bahid ng dugo rito.“Anong nangyari? Sinong may gawa nito sa ‘yo?” galit kong tanong sa kan’ya.“Huwag kang mag-alala ayos lang ako.” Aniya at sinubukang makatayo kung kaya tinulungan ko siyang tumayo.“Anong ayos? Iyan ba ang itsura ng maayos? Puno ng mga pasa ang mukha mo at ngayon may sariwa ka pang sugat na natamo? Seryoso ka ba? Nasa katinuan pa ba ang isip mo?” pangaral kong saad sa kan’ya.“Ayos lang ako. H’wag mo na akong alalahanin pa saka malayo naman ito sa
Read more
Kabanata Forty-Five
Napapalatak ako nang marinig ko ang kan’yang sinabi sabay tawa. “That’s the confidence! Pero kahit wala kang confidence g’wapo ka naman talaga,” saad ko. Kinuha ko ang ointment at dahan-dahang iniligay iyon sa kan’yang mga sugat hanggang sa mapako ang mata ko sa kan’yang makapal na labi na nanatiling mapupula kahit na halatang kulang siya sa nutrisyon at bugbog pa sa trabaho. Tinitigan ko ang mga iyon ng ilang segundo.“Masarap kaya siyang humalik?” malanding tanong ng aking isipan. Pinagmasdan ko pa iyon ng ilang sandali at para bang naaakit akong halikan ito ngunit natauhan ako nang biglang tumunog ang tiyan niya.“Pasens’ya na, hindi pa kasi ako kumakain simula kaninang umaga.” Aniya sabay kamot sa ulo niya.“A-a-a, sige. Ito kainin mo.” Wika ko at natatarantang inabot sa kan’ya ang maruya at turon na binili ko.“Ang dami naman nito.” Aniya.“Hindi ko alam kasi kung ano ang gusto mo kaya pareho ka na lamang binili,” sagot ko na naiilang.
Read more
Kabanata Forty-Six
Hindi ako nagpahalata sa kan’ya at huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Kasi gusto ko lang masiguro na hindi na ‘yan madaragdagan sugat mo kun’di lagot talaga may gawa niyan sa ‘yo sa akin!” lakas loob kong sabi sabay pamaywang dahilan para maalis ang pagkakahawak niya sa aking kamay. “Kaya mauna na ako nang makapagpahinga na ako at may lakas ng katawan para bugbugin din ang may kagagawan niyan sa ‘yo.” Tapang-tapangan kong sabi at mabilis na naglakad papalayo sa kan’ya. “Paalam! Mag-iingat ka sa pag-uwi!” ani ko ng makalayo na sakan’ya habang kumakaway. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tinalikuran ko na siya ng mabilis.“Shit! What are you doing, Helen? Have you lose your nuts? Why did you do that?” singhal ko sa aking isipan. Sobrang nakakahiya ang nangyari sa araw na ito. Gusto ko ng umuwi kung kaya’t mabilis akong nagtungo sa plaza kung saan naroon nakaparada ang
Read more
Kabanata Forty-Seven
Napasarap ang usapan namin ni Mang Vicente na halos hindi ko namalayan na nakarating na kami sa mansyon.“Maraming salamat po sa paghatid sa akin Mang Vicente,” nakangiti kong pagpapasalamat.“Wala po iyon, binibini. Malugod po ako na kayo'y aking pagsilbihan.” Aniya sabay yuko.“Sige po pasok na po ako,” paalam ko kay Mang Vicente.“Sige po, binibini.”Papasok na ako ng bahay pero bago ako makapasok ay may narinig ako sa usap-usapan ng mga Guardia Civil.“Mukhang tiba-tiba ka pare!” wika ng isa.Tumawa ang isa na may galak. “Oo pare. Ang galante kasi magbigay ni Señorito Mateo.”Napahinto ako sa aking pagmamadali nang marinig ko ang pangalan ni Mateo.“Bakit pare, ano bang pinagawa sa ‘yo ni Señorito Mateo?” pag-uusisa noong isa Guardia Civil.“Inutusan niya lamang ako na pahirapan si Joaquin hangga't sa
Read more
Kabanata Forty-Eight
Napalingon si Don Raul kay Sandro. “Ikaw, isa ka rin ba?”Mabilis itong umiling at iwinagayway ang kan'yang mga kamay na pahayag ng mariing pagtutol. “Hindi po, Don Raul. Hindi ko po magagawang kayo'y kalabanin,” natatakot na sagot niya.“Totoo ba ang kan'yang sinasabi, Helena?” tanong niya sa akin na hindi inaalis ang tingin kay Sandro.“Opo, ama.” Tugon ko.“Maari ka ng makaalis at ipagpatuloy ang iyong katapatan sa aking pamilya kung ayaw mo matulad sa iyong kasamahan.”“Opo! Masusunod po!” mabilis na sagot niya at mabilis na naglakad ngunit pinigilan ito ni Don Raul.“Sandali!”“Bakit po, Don Raul?” natatakot na tanong ni Sandro.Humarap sa akin si Don Raul na hindi pa rin nagbabago ang reaksyon sa kan'yang mukha at kinuha ang baril sa aking kamay at inabot ito kay Sandro.“Dalhin mo na rin ito sa iyong pag-alis.&rdq
Read more
Kabanata Forty-Nine
Habang naglalakad ako papunta sa tagpuan namin ni Joaquin, sa di-kalayuan pa lamang ay tanaw ko na siya na nakaupo sa isang malaking bato habang pinapaypay ang kan'yang salakot. Mukhang kakapahinga niya pa lang. Gumuhit ang tuwa sa aking mga labi.“Joaquin!” sigaw ko sa kan'ya habang kumakaway.Nagsitinginan ang mga tao sa akin dahil sa aking pagsigaw ngunit wala akong pakialam sa kanila at dali-dali akong naglakad papunta sa kan'ya at sinalubong niya ako sa kalagitnaan ng aming distansya.“Wala ka bang pinagkakaabalahan? Araw-araw mo akong pinupuntahan,” bungad niyang wika sa akin.“Wala, kaya mababantayan ko kung sino man ang may kagagawan ng pambu-bully sa iyo,” tugon ko.“Ayan ka na naman, gumagamit ka na naman ng salitang hindi ko naiintindihan,” kunot-noong sabi niya.Napatawa lang ako sa kan’yang naging reaksyon. Ang sarap niya talagang pagmasdan kapag gumagawa siya ng mga gan&rsqu
Read more
PREV
1
...
34567
...
15
DMCA.com Protection Status