All Chapters of Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog): Chapter 31 - Chapter 40
142 Chapters
Kabanata Thirty
Mabilis akong napalingon kay Don Raul na ngayon ay nakatingin sa akin. “Maupo ka.” Aniya at naupo rin siya sa upuan na nasa aking kaliwa. Mas ramdam ko ang tensyon nang makaupo kami. Don Raul hindi ba p'wedeng bilisan niyo kung ano ang gusto niyong sasabihin sa akin? Habang tumatagal bumibigat ang atmosphere sa atin!“Helena,” tawag niyang muli dahilan para matauhan ako sa aking pagkakaupo at manindig ang aking balahibo.“Ano po iyon, ama?” kinakabahan kong tanong.Napapikit ito at huminga nang malalim. “Narinig ko na ang lahat kay Teresa,” panimula niyang saad.Ano ang sinabi kaya ni Teresa? Tungkol na ba kaya ito sa tulong na hinihingi ko? Wala naman ibang sigurong sasabihin si Teresa kasi iyon naman lang ang hinihingi kong pabor sa kan'ya na tulungan niya akong kumbinsihin si Don Raul.Huminga ako nang malalim at tinignan si Don Raul umaasa sa maganda niyang sagot. “Pumapayag na po ba kayo?” nag-aalangang tanong ko.Tinignan niya ako na tila si
Read more
Kabanata Thirty-One
Tinignan ko si Don Raul sa kan’yang mga mata na gising na ang diwa. Humugot ako ng hininga bago nagsalita.“Tungkol po sa pamilya ni Joaquin,” diretsang sagot ko na siyang mabilis na nakaagaw ng atensyon ni Don Raul.Napabuntong-hininga siya nang malalim matapos na marinig ang sagot ko. “Ano ba ang nagtutulak sa ‘yo, Helena? Bakit masyado kang naapektuhan tungkol sa pamilya ni Joaquin?” seryosong tanong ni Don Raul.Akmang magsasalita na sana ako nang mabilis niyang pinutol ang momentum ko at nagsalitang muli. “Iyan ang katanungan na gusto kong mismong ikaw ang sumagot pero hindi ko na kailangang malaman pa.” Aniya.Napakunot-noo ako sa sinabi ni Don Raul. Ano ang ibig niyang sabihin na hindi na niya kailangang malaman pa? Does it mean he’s already convinced by my reason without any ulterior motive of helping Joaquin’s family?Tumingin si Don Raul sa aking mga mata. “Ano ba ang bumabagabag sa ‘’yo? Ano ba ang gusto mong malaman?”“Lahat, ama. Laha
Read more
Kabanata Thirty-Two
“Bagamat na hindi ako naniniwala na magagawa ‘yon ni Arturo ay may kumalat na balita na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Roman at Arturo bago ito mapaslang na siyang pinatunayan ng isang hardinero ni Roman na nakakita sa pag-aaway ng dalawa. Dahil sa sinabi ng hardinero ay napagpasyahan ng hukom na hatulan ng kamatayan sina Arturo at Joaquin dahil sa pagpatay ng isang nakakataas na opisyal ng pamahalaan. Lahat ng kanilang mga ari-arian ay inilit ng pamahalaan at maging ang kan’yang asawa at ang kambal na anak niya ay hinatulan din ng kamatayan. Hindi makakabuti kung mananatiling buhay ang buong pamilya nila na isang malaking kahihiyan at dumi sa pamahalaan. Ngunit, bago ang araw nang mismong pag-garote sa kanila sa plaza ay binago ang hatol sa kanila at ginawa silang mga alipin.”“Nabago? Sinong nag-utos para baguhin iyon?” natatakang tanong ko.“Ang punong-hukom ang nag-utos at nagbago ng hatol sa kanila. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero nagpapasalamat
Read more
Kabanata Thirty-Three
Humarap siya sa akin at hinintay akong magsalita.“Anong koneksyon ni Don Carlos kay Don Emilio?” seryosong tanong ko.Hindi kaagad umimik si Don Raul ngunit ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. May nalalaman kaya si Don Raul?“Magkapatid sila. Iisa ang kanilang ina ngunit ang pinagkaiba ay may ama si Carlos samantalang si Emilio ay anak sa pagkakasala. Bunga siya ng panghahalay ng isang mataas na ospisyal ng España,” diretsang sagot ni Don Raul na siyang aking ikinabigla.What? Magkapatid sila?“Kung magkapatid sila. Bakit hindi po alam ni Teresa ang tungkol sa kan'yang Tiyo Emilio?” naguguluhan kong tanong.“Dahil pinili nilang hindi iyon ipaalam kay Teresa.”“Pero bakit?” nalilitong tanong ko. Bakit nila gagawing lihim iyon?“Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko sapat ng rason ang katotohanang anak si Emilio sa pagkakasala at ikinahihiya niya iyon at ayaw niyang masira ang pamilya ni Carlos kung kaya hindi na nila i
Read more
Kabanata Thirty-Four
Ngunit bigla kong naalala ang lahat na nangyari at napag-usapan namin ng babae sa aking panaginip. Hindi kaya siya si Helena? Ano ba ang ibig niyang sabihin? Bakit ako pa ang kailangang tumulong sa kan’ya? Saka ano ang ibig niyang sabihin na mauulit at mauulit ang lahat ngunit ako ang magwawakas ng lahat? Napaisip ako ngunit walang sagot ang lumilitaw sa aking utak dahilan para mapasabunot ako sa aking buhok sa labis na pagkasiphayo.“May tao ba akong makikilala rito na makakapagpaliwanag kung bakit ako narito at paano ako makakabalik sa panahon kung saan ako nararapat?”Ngunit wala akong sagot na narinig sa aking paligid dahilan para mapabuntong-hininga akong muli.“May pag-aasa pa ba akong makabalik? O panghabambuhay na akong narito hanggang sa mamatay o mapatay ako rito?”Habang iniisip ko ang sagot sa mga tanong na patuloy na dumarami sa aking utak ay mas lalo akong nafru-frustrate.“Hay! Ano bang nangyayari sa buhay ko? Why I must encounter this ki
Read more
Kabanata Thirty-Five
Dahil sa hindi ko na maatim ang aking itsura ay mabilis akong nag-ayos ng aking sarili at malamang naghihintay na ng matagal sa akin sina Don Raul at Doña Celestina. Mabilis akong kumilos, daig ko pa may pasyente sa ER na nagmamadaling isagip ang buhay ng naghihinghalong pasyente. But this time, it’s not a patient’s life I’m going to save but my own life from a big embarrassment.“Wala man lang bang concealer dito para man lang matakpan ang mata kong mukha ng panda?” Habang hinahalughog ang tokador ni Helena I found nothing except powder at pabango na mukhang imported dahil sa lalagyan nito at halatang hindi pa nagagamit. Nag-aalangan kong tinignan ang powder and grab it and put some on my face. “I hope this could help.” Ani ko sa aking sarili at nag-spray ng konting pagbango sa aking pulso at ni-rub ko iyon isa ko pang pulso at kinalat sa aking leeg at braso.“Okay na ‘to.” And I look once again to the mirror before I get out of my room.Nakita ko si Don Raul at D
Read more
Kabanata Thirty-Six
MATAPOS ang ilang minutong pagkakaupo ay napagpasyahan ko nang maglakad pabalik kina Don Raul at Doña Celestina, malamang ay tapos na rin ang misa. Naglakad ako papunta sa harap ng simbahan at sa hindi kalayuan ay natanaw ko sila na nasa harap ng simbahan at may kinakausap nang biglang may bumangga sa akin.“Mag-iingat ka sa bawat kilos na iyong gagawin.”Aniya.“Lola Linda?” Bulalas kong sabi na mabilis na napalingon sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang isang matandang babae na nakabalabal.Tinig iyon ni Lola Linda hindi ako maaaring magkamali. Mabilis kong hinanap ang matandang nakabalabal at dali-dali itong hinabol ngunit mabilis itong nawala sa aking paningin nang tangayin ito ng kumpol ng mga taong nagsimulang masilabasan galing sa simbahan. Balak ko pa sana itong habulin nang tawagin ako ni Doña Celestina.“Helena, saan ka pupunta?” tanong nito nang lumingon ako sa kan’yang kinatatayuan. Muli
Read more
Kabanata Thirty-Seven
Hindi ko makolekta ang aking sarili. Tila tinakasan ako ng aking dila dahilan para hindi ako makapagsalita. Ibig ba nitong sabihin tama ang hinala ko na kapag namatay ako rito hindi na ako makakabalik sa panahon ko? Napaupo ako sa silya sa labis na pagkatigalgal. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Paano ito nangyari sa akin? Ibinalik ko ang aking tingin sa aklat na naroon pa rin ang nakasulat at muli ko iyong binasa.“Ang lahat at may simula’t wakas. Ang bawat unos na darating ay may dahilan. Isa-isa mong malalaman ang lahat sa tamang panahon. Ikaw at ako’y iisa kaya mag-ingat ka, Helen. Ingatan mo ang iyong sarili ‘pagkat kung ika’y mawawala tuluyan na rin akong mawawala,” mahina kong basa hanggang sa unti-unting nawala ang nakasulat doon at napalitan ng ordinaryong sulat ni Helena tungkol sa medisina.Ikinumpas ko ang aking sarili matapos ang matagal na pagkakatigalgal. “I shouldn’t be scared! The fact that she had warned me it help me to confirm my suspicions. I sh
Read more
Kabanata Thirty-Eight
Nalilitong pinagmasdan ako ni Lita at naghihintay ng eksplinasyon sa aking itinuran.“Ibig kong sabihin, hindi! Hindi ko magagawang makipagbati sa isang taong tulad niya! Hindi ko magagawang patawarin ang tulad niya!” Sunod-sunod na negative reaction ang sinabi ko.“Akala ko po ay nagkaayos na kayo kaya ginamit niyo po ang kan'yang regalo ngunit mukhang nagamit niyo lang iyon nang hindi sinasadya dahil sa wala kayong maalala. Tama po ba?” paninigurong tanong ni Lita.“Bingo! Gano'n na nga ang nangyari!” mabilis kong pagsang-ayon.Sa susunod, I should asked Lita first para masiguro na wala na naman akong magagalaw o masasabing mali baka sa sunod ay tuluyan na akong mabuking. Kailangan ko ng mag-ingat ng husto baka sa sunod maalanganin na ang buhay ko. Safety first, Helen! Safety! Alas tres na ng hapon nang magsimula ang piging. Lahat ay nakahanda na maging ang aking hiniling kay Don Raul na handaan p
Read more
Kabanata Thirty-Nine
“Anong balita?” bungad na tanong niya sa akin.Umiling ako at yumuko.“Hindi mo pa ba siya nakikita?”“Hindi pa. Hindi ko rin siya nakita ng nagtungo kami sa simbahan kahit sa aming unang tagpuan ay wala rin siya roon.” Paliwanag ko. Alam ni Teresa na inanyayahan ko si Joaquin na pumunta sa aking kaarawan. Hindi na siya tumutol tulad noong una na tutulungan ko si Joaquin sa hustisya na gusto kong makamtan nila. Hindi ko alam kung ano nagpabago sa kan’yang isipan ngunit simula ng kausapin niya si Don Raul tungkol sa aking mga plano ay mas aligaga pa siya sa akin kung ano na ba ang balita sa amin ni Joaquin. Kung nag-usap ba kami o nagkita. Lagi niya akong chini-check kung may bagong update ba sa aming dalawa.“Wag kang mag-alala darating iyon. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa,” nakangiting sabi ni Teresa. “Sa ngayon, magsaya muna tayo habang hindi pa siya dumarating.”Kaya tulad ng
Read more
PREV
123456
...
15
DMCA.com Protection Status