All Chapters of The Desirable Impostor: Chapter 21 - Chapter 30
115 Chapters
The Fake Wife - Chapter 9
CHAPTER NINE     HINDI nag-i-ilusyon si Catherine na imposibleng madiskubre ni Ruel ang tungkol sa tutoong pagkatao niya.     Palagi itong nakabantay sa bawa't salita at kilos na gagawin niya.     Isang pagkakamali lang ang hinihintay nito.     Tiyak na matatapos na siya.     Aywan niya kung bakit. Ngunit nararamdaman niyang mayroon itong itinatagong suspetsa.     Malimit niya itong mahuling nakatitig sa kanya.     Para bang ngayon lang siya nakita...     Papalapit siya sa pool nang marinig ang malutong na pagtawa ng lalaking laman ng isipan.     Nangaligkig si Catherine.     Napaka-sensuwal ng tunog.     Parang mga labing humahagod sa kanyang pisngi at punong-teynga.     Doon ang paboritong lugar na palaging hi
Read more
The Fake Wife - Chapter 10
CHAPTER TEN     Tumawa nang patuya si Ruel. Tinunghayan nito ang mukha niya. "Bakit ba kailangan ko pang malaman 'yon?" Ito rin ang sumagot sa sariling tanong.     Habang unti-unti na namang pinagagapang ang nagbabagang bibig sa kanyang leeg, papaakyat.     "Ang importante, sa akin ka na uli ngayon, mahal ko."     Pasipsip na hinagkan nito ang kanyang mga labi.     Ipinilig ni Catherine ang ulo. Ilang ulit iyon. Inilalayo niya ang mukha.     Ngunit nakuntento ang kaniig sa kanyang punong-teynga. "Umuwi ka na uli sa akin," sambit nito.     Napalunok si Catherine.     Kailangan niyang iwaksi ang pagkalasing na idinulot ng naglalagablab na pagnanasa ni Ruel.     "Sa akin ka na lang, Arminda. Kaya kong ibigay sa 'yo ang lahat-lahat ng ibig mo," pangako nito, paanas. &nbs
Read more
The Fake Wife - Chapter 11
CHAPTER ELEVEN     Nagmistulang panaginip na lang ang tagpong nangyari sa swimming pool.     Nang sumunod na mga araw, naging payapa ang atmospera sa pagitan nilang dalawa ni Ruel.     Ginagampanan pa rin niya ang kanyang papel bilang 'dutiful wife' nito.     Habang pinaglilingkuran niya ang lalaki, unti-unti siyang nakakalimot.     Unti-unti siyang nababaliw.     Para bang nais na niyang maniwala sa pagkukunwaring ginagawa.     Ano kaya ang pakiramdam ng maging isang tunay na asawa para kay Ruel Cervantes...?     "Iha? Tila napakalalim ng iniisip mo, a? May problema ba kay Ruel?"     Napapitlag si Catherine. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Auntie Mina sa kinauupuan niya.     "Huh! K-kayo pala, Auntie." Pinilit niyang ngumiti. "W-wala naman po akong pr
Read more
The Fake Wife - Chapter 12
CHAPTER TWELVE     HINDI inaasahan ni Catherine ang mala-paraisong lugar na naghihintay sa kanilang pagdating.     Ubod nang lawak ang puting buhanginan na nakalatag sa paanan ng matayog na istruktura ala-lighthouse ang disenyo.     "Nung maliit pa si Auntie, nangarap siyang magkaroon ng sarili niyang lighthouse. Kaya ganitong bahay ang pinili niyang ipatayo," pagkukuwento ni Ruel habang naglalakad sila sa dalampasigan kinabukasan.     Dapithapon na sila nakarating dito matapos ang halos limang araw na paglalayag sa dagat. Sakay sila ng pribadong yate na pag-aari din ng mga Cervantes.     Kasalukuyang nakadaong sa di-kalayuan ang naturang yate.     Arminda.     Nagsikip ang dibdib ni Catherine nang mabasa ang mga letrang nakapintura sa gilid ng puting sasakyang-tubig. Sinikil niya ang maling nararamdaman.  
Read more
The Fake Wife - Chapter 13
CHAPTER THIRTEEN     Hindi kumibo si Catherine. Itinuon niya ang buong konsentrasyon sa pagkain.     Pinilit niyang ubusin ang laman ng pinggan niya. Pati ang sa tasa niya.     "Nagmamaktol ka ba?" untag ni Ruel nang tumagal nang tumagal ang katahimikan.     Umiling ang dalaga. "Hindi."     "Bakit hindi ka na nagsalita?"     "Wala naman akong sasabihing importante," katwiran niya.     "I see."     Muli silang natahimik.     Nang magsalita uli ang lalaki, tapos na sila parehong kumain.     "C'mon, magpunta na tayo sa studio ko," aya nito.     Tumango si Catherine. "Tatawagin ko lang si Maya para mailigpit ang mga ito."     "Hihintayin kita sa sala."     Nakasalubong nila si Maya sa koridor
Read more
The Fake Wife - Chapter 14
CHAPTER FOURTEEN     Kinusut-kusot ni Ruel ang mga mata. Para bang ginigising ang sarili kung sakaling bangungot na naman ang nagaganap.     "Talaga bang nandito ka na ngayon uli sa piling ko, Arminda?" tanong nito, paanas.     "Oo, Ruel," tugon ni Catherine. Nangingilid sa luha ang mga mata.     "Hindi ka na aalis?"     Umiling si Catherine nang magkaroon ng bara ang lalamunan.     "God, Arminda!" bulalas nito habang isinusubsob ang mukha sa kanyang leeg at balikat. "You didn't know how I hated myself! How I felt guilty--nung mawala ka!"     Halos wala sa loob, hinaplos ng mga daliri niya ang matatag na hubog ng mga pisngi at panga ni Ruel.     "Ssh, tama na 'yan," anas niya.     Ang tanging alam ni Catherine, nais niyang maibsan ang paghihirap ni Ruel.    
Read more
The Fake Wife - Chapter 15
CHAPTER FIFTEEN     Who is this woman? tanong ni Ruel sa sarili.     Magmula pa nang una niyang makita ang babaeng sinasabi ni Auntie Mina na si Arminda, nawalan na siya ng katahimikan.     Paano'y inuusig na naman siya ng kanyang konsensiya.     Niloloko niya ang kanyang tiyahin, ang kanyang sarili--at ang babaeng ito.     Ngunit hindi niya magawang ipagtapat ang tutoo. Nais rin niyang magkunwaring nasa piling pa nga niya si Arminda.     Ayaw niyang matapos agad ang panaginip...     Tinitigan niya ang babaeng nagpapanggap na asawa ni Ruel Cervantes.     Ano ang motibo ng babaeng ito?     Pera.     Ipinilig niya ang ulo nang sumulak ang pagkadisgusto sa kanyang kalooban. Nais sana niyang magpatuloy ang pagkabighani niya para dito--kahit na hindi it
Read more
The Fake Wife - Chapter 16
CHAPTER SIXTEEN     Sa una lang ang kirot.     And it was worth it, bulong ni Catherine sa sarili.     Dahil ang sumunod sa sakit ay pulos walang kahulilip na ligaya.     Parang hindi siya makapaniwalang nalasap na niya kung paano ang maging ganap na babae.     At ang puro at ang dalisay na satispaksiyon.     Parang walang katapusan ang pagsikdo at ang pagpintig ni Ruel habang pinadadaloy ang katas ng buhay sa kanyang katawan.     At hindi pa rin ito umalis sa ibabaw niya kahit na nanumbalik na ang mga payapang alon.     Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos bago nag-angat ng ulo si Ruel.     Tinunghayan siya nito. May kislap ang mga matang nakatitig nang buong pagsuyo.     "I want you again," sambit nito habang ngumingiti ang mga
Read more
The Fake Wife - Chapter 17
CHAPTER SEVENTEEN     Natulig si Ruel sa sinabi ng babae. Ayaw niyang maniwala ngunit punum-puno ng sinseridad ang malambing na tinig nito.     Habang naririnig niya ang mga hagulgol nito, parang may pinupunit sa kalooban niya.     "Tumahan ka na," utos niya rito. Pilit na lang ang tigas sa tinig niya.     Tinangka niyang hawakan ito sa balikat ngunit nanlaban ito.     "H-huwag," pakiusap nito. "P-pabayaan mo na lang ako. Gusto kong mapag-isa!"     Napilitan siyang pagbigyan ang babae sa hiling nito.     Lumakad siyang palayo dito upang mapigilan ang sarili sa pag-alo dito.     Tumanaw siya sa labas. Hindi na niya naaaninag ang di-kalayuang karagatan ngunit naririnig niya ang pagdating at pag-alis ng mga alon sa dalampasigan.     Sumasaliw ang mahihinang hikbi ng babae.
Read more
The Fake Wife - Chapter 18
CHAPTER EIGHTEEN     "I-ikaw na ang magbukas, Inday," utos niya sa kausap.     Kahit na sabihin niyang imposibleng masundan siya ni Ruel dito, hindi niya magawang iwaksi ang takot.     Si Auntie Mina ang dumating.     Agad siyang yumapos sa matandang dalaga.     "Oh, Auntie!" Hindi na niya napigil ang mapaiyak habang nakayupyop siya sa dibdib ng butihing babae.     "Tahan na, iha," pang-aalo nito.     "Salamat at dumating po kayo!" hikbi niya.     "Huwag ka nang mag-alala, iha," dagdag ni Auntie Mina habang panay-panay ang paghagod sa kanyang ulo at likod. "Nandito na ako. Hindi kita pababayaan."     Unti-unting huminto ang pagluha niya. "Oh, Auntie, hindi ko na po alam ang gagawin ko!"     "Ano ba ang nangyari? Bakit bigla ka na lang umalis sa resthouse?"
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status