Lahat ng Kabanata ng HOLD ME, EX-CONVICT : Kabanata 141 - Kabanata 150
235 Kabanata
CHAPTER 140
NAPANGITI si Yesha nang makita ang dati nilang bahay. Hindi nagawang makasama ni Shawn dahil abala ito. Haharapin din kasi nito ang ama ngayon kaya hindi rin niya magawang ikampante ang kaniyang isipan. Alam niyang wala namang gagawing masama ang ang ama nito sa anak, pero hindi lang niya maiwasang alisin ang takot. Ang pangamba. Pero sa ngayon, kailangan muna niyang kalimutan ang mga bagay na makakasira ng kaniyang araw dahil kasama niya ang kaniyang ina. Ayaw niyang isipin nito na hindi siya masaya. "Anak? Nasaan ang mga cup cake?" pagtatanong ng kaniyang ina. Malalim siyang napabuntong hininga saka ipinakita rito ang dala. Gamit din nila ang kotseng regalo ni Shawn sa kaniyang ina. "Nandito mama. Sobra ito kaya ayos lang. Walang dapat problemahin," sagot niya. Tumango at ngumiti naman ito. Bitbit nito ang mga inumin. Hindi mapigilan ni Yesha ang matuwa. Noon, pangarap lang nila itong dalawa. Noon, palagi niyang iniisi
Magbasa pa
CHAPTER 141
AKALA ni Yesha magiging maganda ang kaniyang buong araw pero nagkamali siya. Nang dahil sa lalaking iyon, sirang-sira ang maghapon niya. Pero hindi niya hinayaan na makita ng iba. Matapos mag-meryenda ang mga workers nila, ipinasyal sila nito sa loob. Manghang-mangha siya at hindi magawang makapaniwala sa kaniyang nakikita. "Ma, noon pangarap lang natin ito oh..." Nakangit ngunit maluha-luha niyang sabi. "Tama ka anak, ni hindi ko rin akalain na aabot tayo sa ganito." Ngumiti na lang siya at saka in-enjoy ang paglilibot. Sobrang layo na sa dati nilang tirahan. Nagdag na rin kasi sila ng lote. Binili nila ang bakante sa tabi. "Ma'am may gusto po ba kayong ipadagdag dito?" tanong ng engineer na kinuha ni Shawn. Talagang hindi pumayag ang nobyo niyang walang engineer. "Ah, wala na. Okay na 'yan." Nakangiting sagot naman ng kaniyang ina. Umakyat naman si Yesha sa dati niyang kwarto. Hindi pa iyon ganoon katapos pero malapit
Magbasa pa
CHAPTER 142
HALOS isang oras din ang kaniyang hinintay bago dumating si Erika. Hatid ito ni Adrian na kaagad din namang napaalam para magkaroon sila ng oras ng kaniyang kaibigan. "Ano? Kumusta ang tiyan mo? Nananakit ba?" sunod-sunod niyang tanong sa kaniya ni Erika. Napailing naman si Yesha at sinabing hindi naman siya nakakaramdam no'n. "Puro pagkahilo lang." Maikli niyang sagot habang sumisimsim ng iced tea. "Alam mo, dapat kasi malaman na 'yan ni Shawn, hindi magiging maganda kung itatago mo na lang sa kaniya habang buhay 'yan." Muli siyang tumango. Ano pa nga ba? "Sasabihin ko rin naman pero hindi pa ngayon." "Kailan, aber? Kapag natapos na ang problema niyo? E, hindi pa nga nag-uumpisa. Paano kung hanggang sa lumubo ang tiyan mo hind pa rin tapos ang problema? Ano ka? Nganga gano'n?" mahabang sermon sa kaniya ng kaniyang kaibigan. Napailing na lamang siya saka napayuko. Sobrang gulo na lalo ng sitwasiyon na hindi naman niya da
Magbasa pa
CHAPTER 143
KINABUKASAN nagising si Yesha na nariyan na si Shawn. Dala-dala nito ang kaniyang gamit at uniform. Mabuti na lamang at medyo maayos ang kaniyang pahinga. Katabi rin naman niya matulog si Erika kaya hindi na siya nag-alala pa dahil ito ang tumitingin sa kaniya. Masyado siyang inalagaan nito. "Ikaw na ang unang maligo, Yesha. Para makapag-ayos ka pa ng gamit mo." Tango na lamang ang kaniyang sinagot kay Erika at nauna na. Mabilis lamang ang kaniyang naging pagligo. Ito na rin kasi ang pag-uwi niya kay Shawn kaya naman magkakahiwalay ulit sila ng kaniyang ina. Kailangan niyang mag-ayos dahil deretso na sila mamaya. "Tapos na ako," sabi niya nang makalabas. Si Erika naman ay kaagad na sumunod. Mabilis siyang nag-ayos at nagbihis. Nagsuklay na rin siya at saka sinigawan nag kaibigan na mauuna an siya sa baba. Hindi naman na niya ito hinintay pang sumagot. "Hi, love!" excited niya itong niyakap. Nakangiti rin naman ang nobyo sa kaniya.&nb
Magbasa pa
CHAPTER 144
HALATANG walang nagawa si Zaneda kung hindi ang hayaang sumama sa kanila si Erika. Pero bago pa sila makapag-usap kung saan magkikita ay bumaba na rin ng sasakyan si Shawn. Alam niyang nakita nito kung sino ang kaniyang kausap."Love..." Naramdaman niya ang paghawak ni Shawn sa kaniyang beywang. Tipid ang ngiti naman niyang nginitian ang kaniyang nobyo. "Gusto raw niyang makipag-usap sa akin.""now?" Kunot-noo nitong tanong sabay tingin kay Zaneda. "May klase siya." Iyon lang ang sinabi ni Shawn at hinawakan na siya sa kamay papalayo. Imbes na makaramdam ng inis ay kilig ang naramdaman ni Yesha. Sobrang over protective kasi nito sa kaniya at buti na lang din talaga at nariyan si Shawn. Hindi na siya nauto at hindi na rin ito nagkaroon ng pagkakataon na kausapin siya."Shawn, please?" bakas sa mukha ng babae ang pagmaakaawa ngunit wala naman siyang mabasa na kahit anong emosiyon sa lalaki. Ayaw niyang mas lalong tumindi pa kaya naman pumagitna na si Yesha. "Totoo
Magbasa pa
CHAPTER 145
NAKANGUSO silang nagpunta sa parking area. Bahagya pang nagulat si Yesha nang makita niya ang sasakyan ni Shawn. Nagkatinginan sila ni Erika dahil hindi nila akalain na nariyan na kaagad ang lalaki ngunit wala naman itong kasama. "Ang aga ng sundo mo." Natatawang sabi ni Erika kay Yesha. Napatango na lamang siya. Hindi sasabay sa kaniya si Erika dahil susuduin din ito ng nobyo. "Puntahan ko lang." "Go girl!" saad pa nito. Kaagad siyang lumapit sa sasakyan at kumatok. Ibinaba naman kaagad ni Shawn ang bintana. "Hey, let's go home?" "Uhm, kanina ka pa?" "Yeah, hindi ako umalis." Halos lumuwa ang kaniyang mata sinabi ng lalaki. Hindi niya lubos maisip na ilang oras naghintay sa kaniya si Shawn. "B-bakit?" "I just want to make sure na hindi ka nila malalapitan," sagot nito na nagpainit sa kaniyang puso. Talagang nagiging sagabal siya sa mga ginagawa ng lalaki. Pe
Magbasa pa
CHAPTER 146
NANG matapos sila ay unang nagpaalam sila Erika. Kahit na gusto pa niya ito kausapin, hindi naman puwede dahil tinawagan ito ng ina. Ngayon, hinihiling lang niya na sana ay magkaayos na sila at maging masaya na ulit ang kaibigan niya. Sa dami nitong naitulong, tanging kasiyahan na lang ang kaya niyang hilingin. Alam niyang kailangan ito ni Erika. "Saan mo gustong pumunta?" tanong sa kaniya ni Shawn. Napailing naman siya dahil sa pagod. "Gusto ko magpahinga. Nga pala, bukas kakausapin ko si sir Nics. Aalis na ako sa shop. Hindi ko na kayang magtrabaho." Pagod niyang sabi sa nobyo. Tila kumislap naman ang mata nito dahilan upang simangutan niya. Para kasing masaya pa ito na aalis na siya sa trabaho. Gusto niyang maasar sa reaction ni Shawn pero alam naman kasi niya ang dahilan. Alam na rin namanniya kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ngayon. Minsan abnormal talaga ang nobyo niya, pero wala, e. Ito ang pinili niyag mahalin at alam niya sa kaniyang sarili na kahi
Magbasa pa
CHAPTER 147
TALAGANG pinanindigan ni Shawn ang pagbabantay sa kaniya. Hindi siya iniwan nito matapos maipasa ang lahat ng kaniyang dapat na gawin. Natutuwa siya dahil kahit na hindi na niya alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ay inaalagaan pa rin siya ni Shawn. Pinakiusapan din naman niya ang kaniyang nobyo na huwag na lang muna sasabihin sa ina niya. Kaagad naman itong pumayag kaya nakahinga nang maluwag si Yesha. "Ice cream?" alok sa kaniya ni Shawn ngunit napangiwi lamang siya. "A-ahm, ayoko ng ice cream. Gusto ko ng scramble." Nakanguso niyang sabi sa lalaki. Napangiwi naman si Shawn sa kaniya. Alam niyang naguguluhan ito pero alam din niyang may mga times talaga na mag-iiba ang gusto mong kainin. Alam niya na naiintindihan siya nito kahit na papaano. "Scramble?" "Oo, hindi mo ba alam 'yon?" Natatawa pang tanong ni Yesha. Bakas kasi sa mukha ng lalaki na hindi nito alam kung ano
Magbasa pa
CHAPTER 148
KAHIT na namumula na ang mukha ni Shawn, hindi ito tinigilan ni Yesha. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na asarin itong muli at gusto ni Yesha na sulitin iyon. Alam niyang hindi sila nagkakaroon ng tahimik na buhay dahil sa nangyayari at nalalaman nila. Pero ngayong silang dalawa lang muna, gusto niyang solohin ang pagkakataon na gumawa ng maraming alaala kasama ang nobyo niya. Bukod sa ito lang ang puwede nilang gawin ngayon, ito lang din naman ang tamang araw para roon. "Alam mo next time, huwag mo na lang silang istorbohin, huh? Puwede namang sabihin mo sa akin kung hindi mo alam, tuturuan kita." Nakangisi niyang sabi rito dahilan upang mas lalo itong mapasimangot. "Wife, stop teasing me." Namumula pa rin ang tainga ni Shawn dahilan upang mas lalo siyang matawa. Hindi niya akalain na ganito pala kalaki ang impact nito kay Shawn. "Hahaha, sige na. Titigil na ako. Tara, gawa tayo ng ice scramble." "Wife!"
Magbasa pa
CHAPTER 149
BUONG araw puro pagkain lang ang ginawa ni Yesha. Hindi siya gumawa dahil ayaw ni Shawn at bukod doon, sobrang alaga siya nito. Dahil kung hindi raw siya susunod, kahit ayaw niya ay pipilitin siya nitong magpa-check up.    "Anong plano mo sa birthday mo?" pagbagsag niya sa katahimikan. Napatingin naman sa kaniya si Shawn saka malungkot na umiling. "Just celebrate it with you." ramdam na ramdam ni Yesha ang pagkainit ng kaniyang pisngi. Pero kaagad din iyong nawala nang mabasa ang kalungkutan sa mata ng lalaki.    Sobrang naiintindihan niya kung ano ang nararamdaman nito ngayon. Alam niyang mahirap na mawalan ng isang ama, pero mas mahirap yung buhay nga ito pero hindi naman siya magawang ituring na kaniya. Kahit na wala na rin ang tunay nitong ama. Alam ni Yesha na deserve ni Shawn ang pagmamahal. "Invite na lang kaya natin ang mga kaibigan mo?"    Nanlaki ang mata nito na para bang nagulat kung ano ang in
Magbasa pa
PREV
1
...
1314151617
...
24
DMCA.com Protection Status